
Falling For The Billionaire
“A marriage of convenience… turned into a love worth fighting for.”
Isang kasal na hindi pinili, kundi ipinilit ng kapalaran.
Para kay Vernice, ang kasal ay isang bagay na dapat nagmumula sa pagmamahal at hindi sa kasunduan. Ngunit biglang nagbago ang lahat nang mapilitan siyang pumayag sa isang arranged marriage—at ang lalaking nakatakda niyang pakasalan ay walang iba kundi si Caius, isang makapangyarihang negosyante na kilala sa kanyang malamig na ugali at walang interes sa pag-ibig.
Sa simula, parang isang bangungot ang pagsasama nila. Ang buhay ng isang simpleng babae ay biglang naipit sa mundo ng karangyaan, intriga, at matinding pressure na dala ng pagiging asawa ng isang kilalang billionaire. Sa kanilang pagsasama, tila dalawang magkaibang mundo ang pinilit na pinagtatagpo—isang pusong naghahanap ng pagmamahal at isang pusong sanay nang magtago sa likod ng yaman at kapangyarihan.
Ngunit habang lumilipas ang mga araw, may mga simpleng bagay na unti-unting nagbabago. Ang mga tingin na dati ay malamig, naging mainit. Ang mga usapan na dati ay pormal at walang saysay, nagiging puno ng lambing at tawa. At ang kasal na dati’y walang emosyon, nagiging isang tahanan ng pag-ibig na hindi nila inasahan.
Subalit hindi mawawala ang mga pagsubok—mga taong tututol, intriga ng lipunan, at takot na baka ang lahat ng ito ay pansamantala lamang. Ngunit sa kabila ng lahat, matutuklasan nilang hindi ang kasunduan ang magtatali sa kanila, kundi ang pusong natutong magmahal ng totoo.
Isang kwento ng dalawang taong hindi pinili ang isa’t isa, pero pinili ng tadhana. Sa huli, mapapatunayan nilang minsan, ang pagmamahal ay dumarating sa pinaka–hindi inaasahang paraan.
Read
Chapter: Chapter 11ChaosAnother day. Another cycle. Dati sanay na ako sa ganitong buhay—meetings, deadlines, signatures, negotiations. Walang oras para sa ibang bagay. Pero nitong mga nakaraang araw, may isang bagay na hindi ko matanggal sa isip ko. O mas tama, isang tao. Vernice.Kanina umaga, bago ako umalis, tahimik lang siyang naghanda ng almusal. Walang “Good morning,” walang pilit na ngiti. Hindi niya man lang ako tiningnan. Simpleng bagay, pero sapat para maramdaman ko ang kakaiba. Usually, kahit simpleng tingin o ngiti, nandoon. Kahit pakipot, ramdam kong sinusubukan niyang ipakita na nandiyan siya. Pero ngayong umaga, none. At iyon ang unang bumungad sa isip ko habang papasok ako sa opisina.Pagdating sa office, normal routine. Secretary ko nag-abot ng makapal na folder, mga papeles na kailangang pirmahan. Wala akong sinayang na salita, simpleng tango lang, at sinimulan ko na agad ang trabaho. I wanted to focus, to drown myself in numbers and contracts. Pero kahit ilang ulit kong sabihing unah
Last Updated: 2025-09-09
Chapter: Chapter 10Vernice Another morning, same routine.Maaga akong nagising, gaya ng nakasanayan ko. Bumaba ako sa kusina, nagluto ng breakfast para kay Chaos. Pero ngayon, iba ang atmosphere. Tahimik siya, masyado. He ate quickly, barely even looking at me. Nagpaalam agad at umalis papuntang opisina.Hindi ko maiwasang mapansin. Iba na naman ang ugali niya ngayon.Kanina lang, parang okay na kami. Kagabi, naramdaman ko ang effort niya—hindi man niya sabihin nang diretso, pero kita ko sa actions niya na he cared. Pero ngayong umaga, malamig ulit. Parang may pader na naman sa pagitan namin.Napabuntong-hininga na lang ako.••••Pagkatapos kong mag-ayos sa bahay, dumiretso ako sa shop. As usual, maraming customers. Nakakaaliw pa ring makita na kahit hindi kami kasing laki ng ibang cafés, may loyal customers pa rin kami.Pero habang kausap ko si Ayla at chine-check ang daily sales report, biglang nag-ring ang phone ko. Unknown number.“Hello?”“Vernice.”Napatigil ako. That voice.Eunice.Hindi ko alam
Last Updated: 2025-09-06
Chapter: Chapter 9CHAOS POVAnother day, another cycle.Pagpasok ko sa opisina, ramdam ko agad ang bigat ng atmosphere. Hindi dahil sa mga tao, kundi dahil sa tambak na trabaho na naghihintay sa akin. Bawat sulok ng opisina, tahimik, seryoso, lahat abala. I like it that way. Walang unnecessary distractions."Sir, here are the documents that need your signature."Secretary ko, maagang dumating. Inilapag niya ang makapal na folder sa mesa ko. I simply nodded, hindi ko na inaksaya ang oras sa small talk. Sa totoo lang, hindi ako mahilig makipag-usap sa mga tao dito sa opisina unless necessary. Every word costs energy, and energy is something I don’t want to waste.Habang pinipirmahan ko ang papeles, naramdaman ko ang panginginig ng phone ko sa bulsa. For a second, akala ko si Vernice. Pero business-related notification lang pala.Napailing ako. Bakit ko ba naisip agad na siya?••••Meetings back-to-back. Una, investors meeting. They want updates on the new project. Sunod, meeting with department heads abo
Last Updated: 2025-09-06
Chapter: Chapter 8VERNICE Maaga akong nagising, napalingon naman ako sa tabi—natutulog pa rin siya roon, tahimik, parang walang iniisip. Hindi ko maiwasang haplosin ang maamo niyang mukha. Parang anghel kapag tulog, pero kapag gising, akala mo sinasapian ng dragon. Matangos ang ilong niya, at napatingin ako sa labi niyang mapupula at parang malambot. Ano ba naman itong naiisip ko? Agad akong bumangon, bumaba sa kama at dumiretso sa banyo para maghilamos at mag-toothbrush. Pagkatapos ay inihanda ko na ang susuotin ni Chaos ngayong araw. Bumaba ako sa kusina at nagsimulang magluto. Nakasanayan ko na kasi gumising nang maaga, kahit noong nasa condo pa ako. Noon, para lang sa sarili ko. Ngayon, may asawa na ako—kahit kontrata lang ang nagsasabi—dapat gampanan ko pa rin ang tungkulin ko. Pagkatapos magluto ay inayos ko ang mesa. "Good morning." Napalingon ako. Siya pala, bagong gising, diretso sa mesa. Hindi man malambing ang boses, pero nagdulot pa rin iyon ng kakaibang saya sa puso ko. "Good mornin
Last Updated: 2025-09-06
Chapter: Chapter 7 VerniceHindi ako nakatulog buong gabi.Nasa tabi ko si Chaos, mahigpit ang pagkakayakap niya sa akin na para bang kapag bumitaw siya, mawawala ako. Mainit ang hininga niya sa batok ko, mabigat ang bisig na nakapulupot sa baywang ko. Ngunit kahit gaano kainit ang katawan niya, hindi pa rin matakasan ng puso ko ang malamig na takot na gumagapang sa loob ko.Paulit-ulit na bumabalik sa isip ko ang mga sinabi niya—ang kasal na hindi natuloy, ang iniwang sugat ni Eunice, at ang pangakong hindi na siya muling magmahal. Ngayon, ako ang nasa gitna ng gulo. Ako ang pumapasok sa bakas ng sugat na iyon, sinusubukan kong patunayan na hindi lahat ng tao ay iiwan siya.Pero paano kung mali ako? Paano kung tama siya—na lahat ng nagmamahal, sa huli, iiwan din siya?Huminga ako nang malalim, pinipigilan ang pagtulo ng luha. Hindi ako pwedeng mabaliw sa mga tanong na wala pang sagot. Kailangan kong maging matatag. Kung hindi para sa sarili ko, kundi para sa kanya.Kinabukasan, mag-uumaga pa lang nang
Last Updated: 2025-09-05
Chapter: Chapter 6---CHAPTER 6POV ni VerniceHindi ko alam kung paano ako nakatayo pa rin nang gabing iyon. Parang unti-unting binubura ng tadhana ang lahat ng tapang na itinayo ko. Akala ko, sa wakas, nahanap ko na ang tamang daan patungo kay Chaos. Akala ko, unti-unti nang gumagaan ang yelo sa pagitan namin. Ngunit bakit ngayon, tila mas malamig pa ang gabi kaysa dati?Nasa study si Chaos. Tahimik. Ilang araw na siyang abala, at ramdam kong may tinatago siyang hindi kayang itago ng kahit gaano niya kagaling magsuot ng maskara. Nakatitig ako sa saradong pinto, hawak-hawak ang aking dibdib na tila pinipiga ng kaba.“Vernice,” bulong ko sa sarili, “handa ka ba sa maririnig mo?”Binuksan ko ang pinto. Hindi siya agad napansin; nakatalikod siya, hawak ang isang lumang kahon. Sa ibabaw ng mesa, nakakalat ang mga dokumento, litrato, at isang bagay na agad tumusok sa dibdib ko—isang wedding invitation.Wedding invitation na nakapangalan kina Chaos Del Valle at Eunice Salvador.Parang nahulog ang mundo ko s
Last Updated: 2025-09-05