author-banner
TaleEndure
TaleEndure
Author

Novels by TaleEndure

Under His Dominance

Under His Dominance

“Choose wisely, baby, because if I'm the one who decides for you, you'll never walk out of my life. Never. Fucking. Again. ” Ako si Diamon. Akala ko nahanap ko na ang pag-ibig na inaasam ko dahil may asawa akong mapagmahal, maalaga at kapiling ko sa mapayapang tahanan. Akala ko lang pala. Dahil dumating ang araw na nagdilim ang tahanang puno ng kulay nang nalaman naming hindi kami magkakaanak dahil hindi ko kayang magdalang-tao. Ang isang payapang tahanan ay naging isang kulungan, saksi ng pang-aabuso at pagkontrol. Pero kahit ganon… Kumakapit pa rin ako sa alaala ng pagmamahalan namin ng aking asawa. Sa gitna ng sakit—dumating si Lazarro. Ang half-brother ng aking asawa. Misteryoso. Tahimik. At… May sariling dilim. Pero tila ba iba ang pakikitungo nito sa akin. At sa bawat titig at pananalita niya’y nakakaramdam ako ng… kapayapaan at kaligtasan. Pero bakit ganon? Tila ba kaya niyang baliktarin ang lahat ng paniniwala ko. Para bang… Kaya niya akong gawing kaniya. Handa ba akong sumugal sa nag-aalab na damdaming ito kung kapalit naman ay pangib, gulo o… buhay ko mismo?
Read
Chapter: CHAPTER SIX: Ride
“Oo! Ilang buwan na akong nasa pilipinas pero wala man lang akong narinig galing saiyo. Nag-e-exist ka pa ba hoy?!”After ng graduation namin, nagsimula na siyang mamuhay sa ibang bansa at doon naghanap ng trabaho. Noong una may kontak pa kami sa isa‘t-isa pero habang tumatagal, lumalayo rin kami nang lumalayo. At ngayon ko na lang muling narinig ang boses niya… Hindi niya alam… Wala siyang kaalam-alam sa sinapit ko ngayon at hindi ako sigurado kung gugustuhin ko bang ipaalam sakaniya. Kilala ko si Stacey, gagawin niya ang lahat maalis lang ako sa kamay ni Tomi. “Ano? May kausap pa ba ako?” narinig ko ang pagkainis sa boses ni Stacey. Napatikhim ako. “Oo naman…” pilit akong tumawa upang pagaanin ang usapan. “Nakakatampo ka na talaga sa totoo lang. Noong nakaraang linggo nagkaroon kami ng reunion, inaasahan kong lilitaw ka pero kahit anino mo wala kaming nakita!” Napakagat labi ako. Matagal ko ng pinutol ang kung anong koneksyon meron ako sa mga dati kong kaibigan, at kasama ro
Last Updated: 2025-10-23
Chapter: CHAPTER FIVE: Unknown
Bumukas ang pinto makalipas ng ilang oras na paghihintay kay Tomi. Hindi ko mapigilang dungawin pa ang likuran ni Tomi kung may kasunod ba siya at hindi ko rin maintindihan ang sarili ko kung bakit nakaramdam ako ng kung ano nang makitang si Tomi lang ang bumalik. Mahina akong napailing upang iwaglit ang kung anong naglalaro sa isipan ko ngayon.“Umuwi ka at mag-impake. Isasama kita.” Liningon ko si Tomi, kumukuha ito ng damit niya sa kaniyang drawer at halatang naghahanda para sa kaniyang pagligo. “Bakit? Saan tayo pupunta?” nagtatakang tanong ko dahilan upang lingunin niya ako. “Nagplanong sila Mommy na magbakasyon ng tatlong araw habang naririto pa si Kuya at gusto niyang isama kita,” sabi niya sa akin. Hindi ako naniniwala roon. Ang kaniyang ina ay kaugali niya rin, iyon ang totoo—ipapakita nilang gusto ka nila sa harapan ng ibang tao pero ganoon na lang ang pang-aabuso at pagtataboy sa iyo tuwing walang nakakakita. Ramdam ko ang pagtutol ng malaking bahagi ng utak ko. Wala
Last Updated: 2025-10-21
Chapter: CHAPTER FOUR: Flame
Matapos kong saluhin ang lahat ng galit ni Tomi, iniwanan niya lang ako rito sa kwarto niya. Simula kagabi ay hindi pa siya bumabalik. Sinubukan kong buksan ang pinto pero naka-lock iyon mula sa labas. Pabagsak kong hiniga ang katawan sa kama. Ilang beses ko ng sinubukang buksan iyon, pero wala pa rin. Hindi rin naman ako makatulog ng maayos kagabi sa isiping wala sa tabi ko si Tomi. Awtomatikong pumikit ang mga mata ko nang marinig ko ang pagbukas ng pinto. Kahit hindi ko nakikita si Tomi, gising na gising ang diwa ko sa lahat ng kilos niya. Nagtayuan ang lahat ng balahibo sa katawan ko nang maramdamang lumubog ang kama sa tabi ko. “I’m sorry, Love...” Dumagungdong ang puso ko. Malambing ang boses niya tila nagsusumamo. Parang may kung anong humaplos sa puso ko subalit may pumipiga rin. “I know you're awake," I felt his kisses on my timple. “I would never do that again...” You always said that, but there's no changes at all. Always the toxic cycle. Tuluyan na ngang
Last Updated: 2025-10-21
Chapter: CHAPTER THREE: Tension
Sinipat ko ang sarili sa salamin. Hindi na halata ang mga pasa sa balat ko dahil matagumpay ko iyong natakpan gamit ang kolorete. Mga pasang nakaukit sa balat ko. Suot-suot ko na rin ang binili ni Tomi para sa akin. Kung tutuusin, hindi ko makilala ang sarili ko. Sa loob ng tatlong taon, ngayon na lang ulit ako nagsuot ng ganito. Sa tuwing lalabas kami ni Tomi ang palagi kong suot ay turtle neck o long sleeve dress or polo shirt then pants. Pumintig ng malakas ang puso ko nang maramdaman ang brasong pumulupot sa bewang ko—si Tomi.“You look gorgeous, Love,” sabi niya bago hinalikan gilid ng pisngi ko. Ramdam ko ang panghihina ng tuhod ko sa ginagawa niya. Wala ng mababakasang galit sa kaniya, tila ba walang nangyari sa amin kanina. Hindi ko man aminin sa sarili ko, pero naghintay ako na dudugtungan niya pa ang sinabi niya—na hihingi siya ng tawad. Subalit wala. “T-Thank you…”, utal kong sabi. Mabilis lang kaming nag-asikaso. Sa byahe ay pansin na pansin ko ang saya sa mukha ni T
Last Updated: 2025-10-21
Chapter: CHAPTER TWO: ATTRACTION
Sinipat ko ang sarili sa salamin. Hindi na halata ang mga pasa sa balat ko dahil matagumpay ko iyong natakpan gamit ang kolorete. Mga pasang nakaukit sa balat ko. Suot-suot ko na rin ang binili ni Tomi para sa akin. Kung tutuusin, hindi ko makilala ang sarili ko. Sa loob ng tatlong taon, ngayon na lang ulit ako nagsuot ng ganito. Sa tuwing lalabas kami ni Tomi ang palagi kong suot ay turtle neck o long sleeve dress or polo shirt then pants. Pumintig ng malakas ang puso ko nang maramdaman ang brasong pumulupot sa bewang ko—si Tomi.“You look gorgeous, Love,” sabi niya bago hinalikan gilid ng pisngi ko. Ramdam ko ang panghihina ng tuhod ko sa ginagawa niya. Wala ng mababakasang galit sa kaniya, tila ba walang nangyari sa amin kanina. Hindi ko man aminin sa sarili ko, pero naghintay ako na dudugtungan niya pa ang sinabi niya—na hihingi siya ng tawad. Subalit wala. “T-Thank you…”, utal kong sabi. Mabilis lang kaming nag-asikaso. Sa byahe ay pansin na pansin ko ang saya sa mukha ni T
Last Updated: 2025-10-21
Chapter: CHAPTER ONE: Negative
Negative. Dismaya at sakit ang bumalot sa puso ko habang tinitignan ang pregnancy test sa harapan ko. Sa loob ng tatlong taong kasal, hanggang ngayon ay hindi pa rin kami binibiyayaan ng anak. Bagsak ang balikat, lumabas ako ng banyo. Sinalubong ko ang blankong mukha ng asawa ko—si Tomi. Napayuko ako. “Negative…”Wala akong narinig na kahit anong salita mula sa kaniya kaya dahan-dahan kong iniangat ang aking paningin. Kahit naduduwag ay sinubukan kong salubungin ang kaniyang paningin. Binalot ng kahihiyan at pagsisisi ang puso ko. “As expected,” sabi niya bago tumalikod sa akin upang maghanda sa kaniyang pagpasok. As expectedAs expected As expected Nanlalabo ang paningin ko dahil sa mga nagbabadyang luha. Walang kahit na anong ingay akong pinakawalan habang pinapanood ko si Tomi na naghahanda para sa pag-alis niya. Akmang aalis na sana siya nang hinigit ko ang braso niya upang pigilan. Kitang-kita ko ang pagguhit ng inis sa mga mata niya nang lingunin ako dahilan upang muling
Last Updated: 2025-10-21
You may also like
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status