My Husband’s Half Brother’s Possession

My Husband’s Half Brother’s Possession

last updateLast Updated : 2025-12-03
By:  TaleEndureUpdated just now
Language: Filipino
goodnovel18goodnovel
10
7 ratings. 7 reviews
36Chapters
5.1Kviews
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
SCAN CODE TO READ ON APP

TRIGGER WARNING: This story contains dark themes, including emotional manipulation, psychological trauma, violence, sexual content, abuse, and mature language. it also revolves to mafia/underworld. Reader discretion is advised. This is a work of fiction intended for mature audiences (18+). Please read responsibly. “Choose wisely, baby, because if I'm the one who decides for you, you'll never walk out of my life. Never. Fucking. Again. ” Ako si Diamon. Akala ko nahanap ko na ang pag-ibig na inaasam ko dahil may asawa akong mapagmahal, maalaga at kapiling ko sa mapayapang tahanan. Akala ko lang pala. Dahil dumating ang araw na nagdilim ang tahanang puno ng kulay nang nalaman naming hindi kami magkakaanak dahil hindi ko kayang magdalang-tao. Ang isang payapang tahanan ay naging isang kulungan, saksi ng pang-aabuso at pagkontrol. Pero kahit ganon… Kumakapit pa rin ako sa alaala ng pagmamahalan namin ng aking asawa. Sa gitna ng sakit—dumating si Lazarro. Ang half-brother ng aking asawa. Misteryoso. Tahimik. At… May sariling dilim. Pero tila ba iba ang pakikitungo nito sa akin. At sa bawat titig at pananalita niya’y nakakaramdam ako ng… kapayapaan at kaligtasan. Pero bakit ganon? Tila ba kaya niyang baliktarin ang lahat ng paniniwala ko. Para bang… Kaya niya akong gawing kaniya. Handa ba akong sumugal sa nag-aalab na damdaming ito kung kapalit naman ay pangib, gulo o… buhay ko mismo?

View More

Chapter 1

CHAPTER ONE: Negative

Negative.

Dismaya at sakit ang bumalot sa puso ko habang tinitignan ang pregnancy test sa harapan ko. Sa loob ng tatlong taong kasal, hanggang ngayon ay hindi pa rin kami binibiyayaan ng anak. Tatlong taong umaasa, tatlong taong sumusubok at tatlong taong nabibigo. Paulit-ulit pero hindi pa rin ako nagsasawang humiling.

Bagsak ang balikat, lumabas ako ng banyo.

Sinalubong ko ang blankong mukha ng asawa ko—si Tomi.

Napayuko ako sa hiya. Hiya para sa sarili. Hindi ko man lang maibigay ang kagustuhan ng asawa ko… Kahit gaano ko pa ito ipagdasal sa iba‘t-ibang santo at maging halos sa demonyo.

“Negative…”

Wala akong narinig na kahit anong salita mula sa kaniya dahilan para dahan-dahan kong iangat ang ulo ko at kaya kahit naduduwag ay sinubukan kong salubungin ang kaniyang paningin.

“As expected,” sabi niya bago tumalikod sa akin upang maghanda sa kaniyang pagpasok sa trabaho.

As expected

As expected

As expected

Nanlalabo ang paningin ko dahil sa mga nagbabadyang luha. Tila ba isang patalim ang dalawang salita na iyon, paulit-ulit na tumutusok sa puso ko.

Tumikhin ako upang alisin ang bikig sa lalamunan ko at magkaroon ng tapang, “Papasok ka na?”

Nilingon niya ako, “Of course, just to fed my worthless wife who couldn't conceive my child.”

Great. More painful than those two words.

Akmang tatalikuran niya na sana ako nang mabilis ko siyang hinabol at hinigit ang braso niya upang pigilan. Kitang-kita ko kung paano gumuhit ang inis sa mga mata niya nang lingunin ako.

Naramdaman ko ang pagkirot ng puso ko habang matapang na sinasalubong ang mga mata ni Tomi, kahit pa gusto ko nang umiwas dahil nag-aapoy sa galit ang mga iyon.

Nanginig ang labi ko, “Nag… Nagluto ako sa baba, kumain ka muna bago ka umalis o baonin mo man lang iyon para may lakas k—”

“Get off,” mabilis niyang putol sa lintaya ko bago pa man iyon makompleto.

Umiling ako.

Napapikit siya, bago inis na sinuklay ang buhok at sapilitang kinalas ang dalawang palad kong nakayapos sa braso niya. Sa sobrang lakas ng pwersa niya ay hindi ko mapigilang mapadaing sa sakit. Magmamatigas pa sana ako pero nagtagumpay na siyang makawala sa kapit ko. Matalim niya muna akong tinignan bago tumalikod sa akin at malakas na sinarado ang pinto.

Napatulala ako roon.

Ang bawat salitang binibitawan niya ay punyal na tumutusok sa puso ko, pero naiintindihan ko kung saan siya nanggagaling.

Sinubukan kong ibuka ang aking bibig subalit walang kahit na anong boses ang lumabas doon. Tila may kumukuyumos sa puso ko, habang nakatulala lang sa nakasaradong pinto—kung saan lumabas si Tomi.

Paano… Paano ba napunta sa ganitong sitwasyon ang pamilyang pinapangarap ko? Simula pa lang noon pangarap ko ng magkaroon ng simple ngunit masayang pamilya. May asawa at anak.

Bakit sa lahat ng tao sa mundo ako pa… ako pa ang hindi pinagpala magkaroon ng anak. Bakit ako pa?

Ilang sandali pa akong nakatulala bago napagdisesyunang bumaba sa kusina. Bumungad sa akin doon ang pagkaing hinanda ko. Maaga akong gumising, inaakalang ang araw na ito ay magiging maganda.

Ilang linggo na rin kasi akong nakakaranas ng morning sickness at ilang symptoms pa ng pagbubuntis. Gano’n pa rin pala.

“Yaya Loling,” tawag ko sa aming katulong pero para sa akin ay pamilya siya.

“Ano iyon, ija?”

Tinuro ko ang pagkaing nasa lamesa. “Sa inyo na lang po iyon.”

“Bakit? Ang akala ko ba’y hinanda mo iyan para sa asawa mo? Ang aga mo pang nagising,” takang tanong niya sa akin.

Mahina akong tumawa bago itinuon ang paningin sa lamesa, “Maaga po siyang umalis, hindi niya siguro napansin ang hinanda ko.”

Alam naming dalawa ang totoo. Hindi naman bulag at bingi si Yaya Loling.

Nakita ko ang awa sa mga mata ni Yaya Loling kahit alam kong pilit niya iyong tinatago mula sa akin, at iyon ang ayaw kong makita sa kahit na sino lalong-lalo na sa kaniya.

Hindi ko gustong kaawaan ako sapagkat ako ang pumili ng ganitong buhay—ako ang nagdisesyon para sa akin.

Tumalikod na ako at agad umakyat sa kwarto. Narinig ko pa ang pagtawag ni Yaya Loling pero hindi na ako lumingon.

Matutulog na lang siguro ako kaysa mag-isip nang mag-isip sa mga bagay-bagay.

Linggo ngayon at naririto ako sa kusina habang nagluluto kasama si Yaya Loling nang biglang pumasok si Tomi. Hinalikan niya ako sa labi bago siya pumwesto sa upuan sa harapan namin.

Nakangiti ito.

Kanina pa rin ako nagtataka sa kinikilos ni Tomi. Sa totoo lang, hindi na bago sa akin ang pabago-bago ng kaniyang mood pero ngayon… nararamdaman kong may kakaiba sa kaniya.

Masyado siyang masaya ngayon na kahit ang mga maliliit na bagay ay napupuna niya pero hindi siya nagagalit. Bagkus kalmado siya. Kanina pa rin siya pangiti-ngiti

“Oh, I have a gift for you,” he suddenly said.

May ipinatong siya na malaking kahon sa lamesa. Hindi ko napansin na may dala-dala pala siyang ganoon. Nagtataka man, kinuha ko pa rin mula sa kamay niya ang malaking kahon.

Si Tomi ang tipo ng tao na hindi naniniwala sa pagbibigay ng regalo. Ayaw niya sa materialistic na tao. Lalong-lalo ayaw niya sa babaeng maraming kaartehan sa katawan.

Something seems off to him and I just confirmed it myself right now.

Binuksan ko ang malaking kahon at kusang bumagsak ang balikat ko nang makita ang nilalaman niyon. Maging ang saya sa loob ko kanina ay naglaho.

“Suotin mo lahat ng iyan mamaya dahil aalis tayo.”

Aalis? At saan naman kami pupunta?

Palihim akong napabuntong hininga sa isiping business party na naman ang pupuntahan namin, kaya siguro ibinigay niya sa akin ito upang magamit ko.

Inside the box is an off shoulder red fitted dress along with pair of sandals and different pair of accessories. Masyado itong revealing para sa akin.

Napatitig lamang ako sa dress na nasa harapan ko, hindi alam ang gagawin o sasabihin. Nag-aalangan din akong suotin, lalong-lalo na at paniguradong may makakapansin sa balat ko.

I glanced at my husband and I saw how his smile slowly dropped after realizing that there is something inside my head. Ang kaninang maamo at puno ng kulay niyang mukha ay unti-unting nagdilim.

“Yaya Loling,” mahina pero bakas ang dilobyo sa boses niya.

Dumagungdong ang dibdib ko.

“Sir..?” dinig na dinig ko ang alinlangan sa boses ni Yaya Loling.

“Iwanan mo muna kami.”

“Pero—”

“Hindi mo ba narinig ang sinabi ko?! Ang sabi ko iwanan mo kami!”

Pati ako ay napatalon sa gulat nang malakas na hinampas ni Tomi ang dalawa niyang palad sa lamesa habang ang mga mata niyang nag-aapoy sa galit ay nakatingin pa rin sa akin.

Hindi kaagad nakasagot si Yaya Loling. Ramdam ko ang takot at pag-aalinlangan niya. Takot na baka pag hindi niya sinunod si Tomi ay kung ano pa ang magawa nito sa akin at sa kaniya, pag-aalinlangan sa oras na iwanan niya ako rito ay kung ano ang mangyari sa akin sa kamay ng sarili kong… asawa.

Nilingon ko si Yaya Loling.

“Sige na po, magiging maayos ako rito,” nakangiti kong sabi. Sinusubukang pagaanin ang loob niya.

Kahit nag-aalinlangan, walang nagawa si Yaya Loling kundi ang tumakbo palabas ng kusina. Habang tinatanaw ko ang likod ni Yaya Loling, parang gusto ko siyang habulin at pigilan. Gusto ko naririto lang siya sa tabi ko.

Pero hindi ako makasarili. .

“Don’t you like my gift?”

Kumabog ng malakas ang dibdib ko kasabay ng panginginig ng kamay ko.

“Hindi… Hindi sa ganoon,” mahina kong sabi habang dahan-dahang umiiling.

“Putangina! Bakit ganiyan ka makatingin?!”

“M-makikita kasi ang mga p-pasa sa katawan ko kung iyan ang susuotin k—”

Malakas akong napatili nang malakas na lumapat sa aking pisngi ang likod ng palad ni Tomi. Ang sakit na natamo ko mula sa kamay ni Tomi ay gumapang patungo sa puso ko. Napabaling sa kanan ang mukha ko dahil sa pwersang ginamit niya sa akin.

Paniguradong pasa na naman ito…

“Ano? Putangina pakiulit nga ng sinabi mo? Sinasabi mo bang pinagbubuhatan kita ng kamay?!” galit na galit si Tomi sa akin.

Tumulo ang mga luhang pinipigilan ko. Wala akong magawa, wala akong masabi. Walang kahit na anong tumatakbo sa utak ko kundi ang umiyak.

Gustuhin ko mang ipagtanggol ang sarili ko o magdahilan pero wala akong laban… Ang tanging magagawa ko lang ay umiling ng paulit-ulit sa kaniya.

“Wear that fucking dress, Diamon. Subukan mo lang na ipakita ang mga pasa mo sa ibang tao, makikita mo kung anong demonyo meron ako. I*****k mo iyan sa kokote mo!” Dinuro niya ang noo ko bago ako tinalikuran.

Napahikbi ako nang makitang wala na sa kusina si Tomi. Wala sa sariling nasapo ko ang aking pisngi, dinadama ang sakit noon. Lumipad ang paningin ko sa damit. Nagkalat na iyon sa lapag kasama ng iba sa mga sangkap ng niluluto ko.

“Anak ko…” narinig ko ang pagsusumamo sa boses ni Yaya Loling pero wala roon ang atensyon ko.

Inilingan ko siya nang siya ay akmang lalapit.

“J-Just clean those mess Yaya..” my voice broke.

“Hanggang kaylan ba kayo magtitiis, Ma'am? Hanggang kaylan po kayo magiging martyr?” mas lalo akong humagulhol sa tanong ni Yaya Loling dahilan upang takbuhin niya ako at yakapin.

Hanggang kailan nga ba?

Pero gugustuhin ko nga bang mawala iyon gayong hanggang ngayon ay umaasa akong babalik kami sa dati?

Alam ko kung bakit kami umabot sa ganito, at alam kong malaki ang pagkukulang ko kay Tomi. Naiintindihan ko siya… pero siya? Kahit minsan ba’y nagawa niyang intindihin ako?

Expand
Next Chapter
Download

Latest chapter

More Chapters

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

reviewsMore

Lilian Alexxis
Lilian Alexxis
Simula pa lang, ang sakit na!
2025-11-19 08:53:50
0
0
Dwendina
Dwendina
Highly recommended ...
2025-11-14 16:25:35
1
1
Chelle
Chelle
highly recommended story 🫶🫶
2025-11-02 10:56:29
1
1
Love Reinn
Love Reinn
nice story <333
2025-11-01 07:39:47
1
1
Gabriel Pattern
Gabriel Pattern
Nice Story!<3
2025-10-30 08:12:26
1
0
36 Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status