
Dumped the Scumbag, Owned the Trillionaire
Akala ni Erich siya ang pinakamaswerteng babae sa mundo, may gwapo, mapagmahal, at maunawaing asawa. Kahit hindi siya magka-anak, pinakasalan pa rin siya nito. She gave up everything for him. Handa niyang ibigay ang lahat para dito. She was not just a loving and dedicated wife, isa rin siyang asset sa kumpanya niya.
Pero gumuho ang mundo ni Erich nang dalawang taon pagkalipas… Nalaman niyang fake pala ang kanilang kasal. Si Bryan ay limang taon nang kasal sa nanay ng batang inampon nila, na siya mismo ang nag-alaga. Durog man ang puso, hindi hinayaan ni Erich na paglaruan siya muli ni Bryan.
Ang hindi alam ni Bryan, si Erich ang nawawalang anak ng isa sa pinakamayamang pamilya sa Pilipinas. He was left in regret.
Para naman kay Erich, upang protektahan ang sarili at ang minana niya, kailangan niyang magpakasal kay Harvey Lorenzo, isang malupit at istriktong trillionaire na sa aura pa lang, ramdam mo na ang lakas niya.
Dahil sa past failed marriage, nangako si Erich na hindi na niya paiiralin ang puso. Pero si Harvey… iba siya. Iba sa paraang kahit ayaw niyang mahulog muli ang puso niya, hindi niya mapigilan ito.
Power, betrayal, at second chance sa love, handang-handa si Erich. Pero kaya niya bang panindigan ang puso niya sa mundong puno ng lihim at kapangyarihan?
Leer
Chapter: Chapter 787Chapter 787 - Harvey is till waitingTumulo ang alak sa kanyang baba at binahiran ang kanyang kamisa.Umaalingawngaw pa rin sa kanyang tainga ang mga sinabi ni Erich.Pero ang tanging naaalala niya... ay ang lahat ng matatamis at mapagmahal na sandali na pinagsaluhan nila sa nakalipas na dalawang taon.Pangako nito sa kanya noon na magsasama sila habambuhay, at pangako niya rito na iibigin niya ito nang walang hanggan!Paano nawalang parang bula ang lahat ng iyon?Kung madali lang kay Erich na putulin ang matagal nilang ugnayan, paano nitong naibigay ang buong puso sa iba?Isang di-mapigilang galit ang sumiklab sa loob ni Bryan. Inihag
Última actualización: 2026-10-15
Chapter: Chapter 786Chapter 786 - It was not true loveTulad ng isang makasarili at sakim na mabangis na hayop, ang tanging alam nito ay ang likas na instintong maminsala, kaya naman kontrolado ito ng sarili nitong pagnanasa at kasamaan.Pero madaling tamaan ang mga mahihinang bahagi ng mga ganitong uri ng nilalang.Hangga't nararamdaman nitong ang mga bagay na gusto niya ay hinding-hindi mapupunta sa kanya, at saka walang-awang dudurugin ang huwad na pride na pinipilit nitong buuin, sapat na iyon.Habang pinipilit ni Bryan na patunayan ang sarili niyang kahalagahan sa puso ng dalaga, mas lalo naman niyang gustong yurakan at ipamukha sa kanya ang kawalan nito.“Siguro ay dapat munang pag-isipan ito ni Mr. Jose. Naghihintay sa akin ang asaw
Última actualización: 2026-10-15
Chapter: Chapter 785Chapter 785 - ReminiscingItinaas ni Bryan ang kanyang kilay, habang ang kanyang tingin ay buong paghamak na gumagapang sa magandang hubog ng katawan ni Erich.Ang imahe ng pagpapasailalim at pagsuway ng dalaga sa ilalim niya ay nakatatak na sa kanyang isip. Nitong mga nakaraang araw, sa napakaraming araw at gabi, paulit-ulit niyang naiisip ang sandaling iyon, pinag-eensayuhan at pinapanaginipan nang paulit-ulit.“Paano naman ang bago mong kasintahan, na sinasabi mong mahal na mahal mo?”“Siya ang asawa ko, ikaw ang kabit ko, walang problema roon.”Tumayo si Bryan, ang katawan niya ay napakalapit na sa katawan ni Erich. Dalawang hakbang na lumayo si Erich, hanggang sa maipit siya sa sulok ng mesa. Agad siyang kumuha ng tinidor, habang nakatutok ito sa kanyang dibdib para gumawa ng distansya sa pagitan nilang dalawa.Tumarak ang tinidor sa dibdib ng lalaki; bahagya siyang yumuko palapit, at ang tinidor ay mas lalong ba
Última actualización: 2026-10-14
Chapter: Chapter 784Chapter 784 - Be my woman!“Tungkol naman sa pamilya Jose at sa Jose Corporation...”Huminto si Erich sandali, habang may bahagyang ngiti sa kanyang mga labi.“Iyon ang utang sa akin ng pamilya Jose.”Namumula ang mga mata ni Bryan habang nakatitig nang madiin sa kanya.“Utang sa 'yo?”Nagngitngit ang kanyang mga ngipin, habang binibigkas nang malinaw ang bawat salita..“Erich, may natitira ka pa bang konsensya? Hindi ba naging mabuti ako sayo noon? Nagdesisyon pa nga akong iwan si Sandra para sa 'yo! Iwan ang sarili kong anak! At sa kabila ng lahat, kayo pa rin ni Harvey ang
Última actualización: 2026-10-14
Chapter: Chapter 783Chapter 783 - Muling pagkikita!Sa pagkakataong ito, mabilis na sumagot si Erich.“Abala ka pa rin ba?” agad na tanong ni Harvey, mahina at mahinhin ang boses, puno ng pag-aalala.Tila natigilan si Erich nang sandali..“Oo, may ilan pa akong kailangang asikasuhin.”“Nasaan ka? Sa kumpanya ba, o sa labas?” tanong ulit ni Harvey.Narinig niyang napakatahimik sa kinaroroonan ni Erich.“Ah… nasa labas ako,” alanganing sagot ni Erich.“Sabihin mo sa akin kapag malapit ka nang matapos, susunduin kita.”
Última actualización: 2026-10-13
Chapter: Chapter 782Chapter 782 - The young woman behind The ZenithMukhang kalmado si Xia, pero alam ng lahat na hindi maayos ang lagay nito.Bukod pa rito, hindi inasahan ni Robert na magpapasalamat si Xia sa kanya.Alam ni Xia na hindi pa ganap na gumagaling ang mga lumang sugat ni Robert bago nadagdagan ng bago, at lahat 'yon ay dahil sa kanya.Hindi mababayaran ni Xia ang kabutihan ni Robert, at ang tanging hiling na lang nito ay mahanap ni Robert ang sarili nitong kaligayahan sa hinaharap.Habang mas sinasabi ito ni Xia, lalo namang nasasaktan ang puso ni Robert.Ngayon lang niya totoong naranasan kung ano ang ibig sabihin ng tunay na magmahal ng isang tao.
Última actualización: 2026-10-13

Perfectly His, A Billionaire's Private Obsession
Sa loob ng maraming taon, naging biktima si Elara Castillo ng walang humpay na panlalait dahil sa kanyang 180-pound na timbang. Ngunit ang sukdulan ng kasamaan ng kanyang stepsister na si Danica ay nangyari sa isang gabi ng pagtatraydor, nilagyan nito ng gamot ang kanyang inumin at itinulak siya sa bisig ng isang misteryosong lalaki sa dilim.
Imbes na kahihiyan, doon natuklasan ni Elara ang init at halagang ipinagkait sa kanya ng mundo bilang isang "matabang babae." Sa gitna ng pagnanasa, nakaramdam siya ng kapangyarihan. At bilang ganti sa gabing iyon, nag-iwan siya ng limang piso sa ibabaw ng nightstand bago tumakas, isang bayad sa serbisyo ng lalaking hindi niya man lang nakita ang mukha.
Isang taon ang lumipas. Ang dating biktima ay muling nagbabalik bilang isang nagniningning na diyosa. Wala na ang takot, dahil ang tanging hangad ni Elara ay pagbayarin ang kanyang madrasta at kapatid.
Sa kanyang paghahanap ng hustisya, makakaharap niya ang kinatatakutang bilyonaryo at business tycoon na si Alessandro Valderama. Isang kasunduan ang inalok nito: A Marriage of Convenience.
Para kay Elara, ang kasal na ito ay isang business deal lamang para mapabilis ang kanyang paghihiganti. Ngunit hindi niya inasahan na ang lalaking kinatatakutan ng buong mundo ay ang mismong lalaking "binayaran" niya ng barya matapos ang isang gabi ng pagsasama.
Paano kung malaman ni Alessandro na ang babaeng nagpababa ng kanyang dangal sa halagang limang piso ay ang babaeng asawa na niya ngayon? Sa isang kasunduang nakasulat lamang sa papel, may puwang pa ba ang tunay na pag-ibig kapag nabuksan na ang mga sikreto ng nakaraan?
Leer
Chapter: Chapter 322 - VisitorsDahil malaya na mula sa parusa, agad na nagpasimula si Deo sa pag-papaluto ng pagkain.. "Ate! Ngayong umaga gusto ko ng roast beef, stewed beef, fried beef, stir-fried beef, cold beef salad, at tatlong bowl ng beef noodles!""Ate, ngayong umaga gusto ko ng roast beef, stewed beef, fried beef, stir-fried beef, cold beef salad, at tatlong bowl ng beef noodles!" sabi naman ni Yana"Sira ba ang plaka mo?" tanong ni Elara."Mas madaling gumamit ng tape recorder, hindi mo na kailangang gamitin ang utak mo." sagot ni Yana"Mas magandang gamitin mo rin 'yang maliit mong utak, baka kinakalawang na 'yan." "Ate, anong ibig mong sabihin?" "Ang ibig sabihin ni Ate, bobo ka raw, tanga.""Hindi ako bobo!" sigaw ni Yana"Sino nga ba 'yong nakakuha sa math exam na singko?"Pumutok sa halakhak si Deo.. "Singko! Singko! Napakadaling matutunan ng math, paano nakakakuha ang isang tao ng singko? Gaano ka kaya kabobo!"Tumingin si Elara kay Deo.. "Isipin mo muna 'yong marka mo sa Filipino at literature
Última actualización: 2026-10-04
Chapter: Chapter 321 - Punishment doneNasa sala pa man din sila.Pwedeng may dumating na kahit sino anumang oras.Napahinto sa paghinga si Elara at mahinang nakiusap.. "Aless... 'wag ka namang gumawa ng kalokohan dito."Ang gwapong mukha ni Aless ay seryosong-seryoso at parang walang muwang sa anumang romantikong bagay, ngunit ang kanyang kamay ay nananatiling mahigpit na nakadikit at hawak ang dalaga."Sino bang nagsabi sa'yo na 'wag ayusin ang suot mong damit?"Paano naging ganito ang taong 'to?Para siyang kontrabida sa teleserye, nagsasalita ng mga baluktot na katuwiran para linlangin ang publiko, at pagkatapos ay sa iba pa ibababalik ang sisi!Nahihiyang napayuko at napaatras si Elara.Ginamit ni Aless ang isa pa niyang libreng kamay para marahang tapikin ang likod ng dalaga.Instinct, napasandal si Elara paharap, dahilan para mas lalo siyang lumapit at maging malinaw sa paningin ng lalaki.Mas madali na para kay Aless ngayon.Ang mukha ni Elara ay namula hanggang sa kaibuturan ng kanyang leeg.Mahiyain siyang tumin
Última actualización: 2026-10-04
Chapter: Chapter 320 -Touch youDahil lang pinakasalan niya ang lalaking ito, nakatanggap siya ng napakaraming proteksyon at tulong mula rito. Masayang-masaya siya at nagpapasalamat, ngunit paminsan-minsan ay may kaunting takot na sumusulpot sa kanyang puso. Ang mga tao ay masayang-masaya kapag malapit na sa kaligayahan, ngunit nagiging balisa at natatakot kapag ang kaligayahan ay aktwal nang nangyayari.Dahil sa kanyang matatag na personalidad at lohikal na pag-iisip, kailanman ay hindi natatakot si Elara sa nawawala o nakukuha. Ngunit ngayon, nakatatanggap siya ng hindi maipaliwanag na takot at pag-aalala para sa lalaking ito. Ang harang sa kanyang puso ay tuluyan nang natanggal, handang-handang lumipad at sumuko nang buo sa tabi ni Aless.Dahil ang kanyang flight pa out of town ay alas-otso ng umaga, maagang nagising si Aless bandang alas-sais.Mabilis niyang pinatay ang alarm ng kanyang telepono matapos itong tumunog ng isang segundo. Lumingon siya sa kanyang tabi, nag-aalala na baka naabala ng alarm ang tulog n
Última actualización: 2026-10-02
Chapter: Chapter 319 - You're Happiness is everythingChapter 319"Dahil ba nakahiga ako habang nag-o-sorry kaya pakiramdam mo hindi pormal?" malungkot na tanong ni Elara"Hindi 'yan ang ibig kong sabihin. Ang ibig kong sabihin, kailanman ay hindi mo kailangang humingi ng paumanhin sa akin." Marahan niyang hinaplos ang buhok ng dalaga. "Kumpara sa negosyo, mas mahalaga para sa akin ang pamilya."Ipinatong ni Elara ang kanyang pisngi sa dibdib ng lalaki, nakikinig sa direkta at malakas na tibok ng puso nito.. "Ganyan din ang iniisip ko."Habang mas tumatagal ang pagsasama ng dalawa, lalo nilang natutuklasan na napakarami nilang pagkakatulad sa pananaw sa buhay.Nang makitang tila wala pa ring balak matulog ang dalaga, nagtanong muli si Aless. "May gusto ka pa bang sabihin sa akin?"Mayroon nga talagang isa pang bagay na gustong sabihin si Elara sa kanya.. "Nabasa mo na ba ang mga bidding documents ni Herardo?"Ang resort project ng pamilya ni Aless ay bukas para sa public bidding ng mga construction company sa buong bansa, at napakara
Última actualización: 2026-10-01
Chapter: Chapter 318 - Sweet MomentsChapter 318Inakbayan ni Aless si Elara patungo sa isa pang hiwalay na hapag-kainan, kung saan inihain ng mga katulong ang mga espesyal na pagkain para sa kanilang dalawa. May masarap na shark fin soup, snow fungus na may asukal, masarap na sea cucumber na may sibuyas, sinabawang abalone at pakpak ng manok, at pambihirang chicken soup.Isang napakalaking kaibahan kumpara sa puro gisa, pito, at pinasingawang ligaw na gulay sa kabilang lamesa ng dalawang bata.Bakit naman may ganito kalaking diskriminasyon pagdating sa pagkain?!Sa tindi ng sama ng loob, malaking kagat ang iniwan ni Deo sa kanyang tinapay. Diyos ko, kailangan ba talagang bigyan ng ganitong trahedyang kwento ang isang NPC na katulad ko?Slurp, slurp, slurp! Walang nagawa si Deo kundi uminom na lang ng tatlong malalaking mangkok ng sabaw ng ligaw na gulay para itulak ang kanyang kinakain!Pagkatapos ng hapunan, dumiretso si Aless sa kanyang study room para magtrabaho.Habang nakaupo sa harap ng computer at nag-aayos ng
Última actualización: 2026-10-01
Chapter: Chapter 317 - Healthy FoodMabilis na umalis ang Rolls-Royce, nag-iiwan ng usok sa tapat ng mukha ng pamilya Castillo.Sa loob ng kotse, magkatabing nakaupo sina Elara at Aless sa likod na bahagi. Ang kanilang mga hita ay magkadikit dahil sa kipot ng espasyo. Kahit may dalawang patong ng tela ng kanilang kasuotan, ang init ng balat ng lalaki ay patuloy na gumagapang sa balat ni Elara.Lumingon si Elara sa lalaking nasa kanyang tabi."Bakit hindi mo tinatanong kung anong nangyari kanina?""Hindi na kailangang itanong," ang boses ni Aless ay malalim at buong-buo."Puwede kitang pangaralan kapag tayo lang dalawa sa loob ng kwarto, pero sa harap ng ibang tao, palagi kitang poprotektahan nang walang anumang kondisyon."
Última actualización: 2026-07-24