LOGINAkala ni Erich siya ang pinakamaswerteng babae sa mundo, may gwapo, mapagmahal, at maunawaing asawa. Kahit hindi siya magka-anak, pinakasalan pa rin siya nito. She gave up everything for him. Handa niyang ibigay ang lahat para dito. She was not just a loving and dedicated wife, isa rin siyang asset sa kumpanya niya. Pero gumuho ang mundo ni Erich nang dalawang taon pagkalipas… Nalaman niyang fake pala ang kanilang kasal. Si Bryan ay limang taon nang kasal sa nanay ng batang inampon nila, na siya mismo ang nag-alaga. Durog man ang puso, hindi hinayaan ni Erich na paglaruan siya muli ni Bryan. Ang hindi alam ni Bryan, si Erich ang nawawalang anak ng isa sa pinakamayamang pamilya sa Pilipinas. He was left in regret. Para naman kay Erich, upang protektahan ang sarili at ang minana niya, kailangan niyang magpakasal kay Harvey Lorenzo, isang malupit at istriktong trillionaire na sa aura pa lang, ramdam mo na ang lakas niya. Dahil sa past failed marriage, nangako si Erich na hindi na niya paiiralin ang puso. Pero si Harvey… iba siya. Iba sa paraang kahit ayaw niyang mahulog muli ang puso niya, hindi niya mapigilan ito. Power, betrayal, at second chance sa love, handang-handa si Erich. Pero kaya niya bang panindigan ang puso niya sa mundong puno ng lihim at kapangyarihan?
View MoreChapter 1 - Fake Marraige Certificate
“ Ma’am, pasensiya na po, pero wala pong nagkaregister na marriage certificate sa pangalan niyo po at ni Mr Bryan Jose.”
“ Sigurado ka ba?” nanginginig na tanong ni Erich. Kinailangan niyang kumuha ng kopya ng kanilang marriage certificate dahil napunit niya ng di sinasadya ang kopya niya. Pero hindi niya inakala na ito ang bubungad sa kanya.
“Imposible, dalawang taon na kaming kasal!” sabi ni Erich, sabay abot ng napunit na marriage certificate.
Maingat na sinuri ng staff ito nang tatlong beses, bago tuluyang ipinihit ang screen sa kanya.
“Wala talagang impormasyon tungkol sa inyo, at tabingi pa ang steel seal… Mukhang peke ito.”Walang nagawa si Erich kung hindi umalis na nanghihina.
“Kailangan kong makausap si Bryan” bulong niya.
Kaya pagkagaling doon dumiretso siya sa kompanya ni Bryan.
Bago pa man siya makasakay sa kanyang kotse, tumunog ang kanyang cellphone.
“Miss Herera, hello. Ako po ang abogado ng inyong ama. Nais ko sanang malaman kung maaari kayong pumunta sa Salas Firm upang pirmahan ang proof of inheritance ng ama ninyo.”
Scammer na naman? Napakunot-noo ni Erich. Ibababa na sana niya ang tawag, pero nagsalita muli ang nasa kabilang linya.
“Miss Herera, ang pangalan ng iyong ina ay si Wilma Herera. Iniwan ka niya sa harap ng Angel’s Orphanage dalawampung taon na ang nakalipas.”Nanigas sa kinatatayuan si Erich at agad na nagtungo sa firm.
Nung nasa Firm, tulala si Erich at di makapaniwala sa sinabi ng abogado.
Ang tunay niyang ama, si Frank Castro , ay isang business tycoon na pumanaw noong nakaraang buwan. May iniwan itong daan-daang bilyong halaga ng stocks, real estate, at mga kompanya sa kanyang pangalan. At siya, si Erich Herera, ang tunay nitong anak ang nag-iisang tagpagmana ng lahat ng kanyang kayamanan.
Habang naguguluhan, biglang nagtanong ang abogado.
“Kasal ka na ba? May anak ka na ba?”Biglang pumasok sa isip niya si Bryan.
Naalala niya ang napunit na pekeng marriage certificate sa loob ng kanyang bag. Mahigpit niyang hinawakan ang ballpen at marahang sinabi,
“Bigyan n’yo ako ng dalawang oras… may kailangan lang akong kumpirmahin.”Pagkalabas ng opisina, dumiretso siya sa kumpanya ng kanyang asawa.
Sarado ang pinto ng opisina ni Bryan, at nang akmang bubuksan na niya ito, narinig niya ang isang pamilyar na tinig ng isang babaeng mahinhin ngunit mapang-akit na boses.
“Bryan, limang taon na tayong kasal… kailan mo ba balak gawing publiko ang relasyon natin?”
Nanigas si Erich sa kinatatayuan.
Kilala niya ang boses na iyon, si Sandra Lapid, ang dati nilang adviser sa kolehiyo.
Mas matanda si Sandra ng anim na taon kay Bryan, pero bukod sa edad, taglay nito ang kagandahan at hubog na parang isang diyosa.
Sikat na sikat si Sandra sa unibersidad, hinahangaan ng lahat, babae man o lalaki, at kilala bilang pinakamahusay na babaeng instructor sa buong university.
Napahawak ng mahigpit si Erich sa kanyang dibdib at pinigilan ang paghinga. Narinig ni Erich ang malambing ngunit pamilyar na tinig ng kanyang asawa, ang tinig na dati’y nagbibigay sa kanya ng kapanatagan.
“Malapit nang mapabilang sa PSE ang kumpanya, at kailangan pa natin siya. Isa pa, may iniwang testamento si Lolo na hindi ka puwedeng papasukin sa bahay. Kapag nalaman ito ngayon, baka mapahiya ka lang kay Lola, at ayokong masaktan ka.”
Tila sumabog ang tenga ni Erich sa narinig. Matang nanlalaki. Napahawak siya sa bibig, pinipigilang lumabas ang hikbi na nagbubuhol sa kanyang lalamunan.
Maingat niyang pinagdikit muli ang napunit na fake marriage certificate at itinago iyon sa kanyang bag.
Doon niya napagtanto, simula pa lang, ginawa na siyang tanga at ginamit ni Bryan.
Mabilis siyang lumabas ng kumpanya at agad na tinawagan ang abogado. Malalim ang paghinga niya, at nang magsalita, tila ibang tao ang kanyang tinig, matatag, kalmado, at walang bakas ng emosyon.
“Attorney Garcia, maaari ko nang pirmahan ang kasunduan sa mana.”
“At isa pa, ako ay kasalukuyang walang asawa, walang anak, at ako lamang ang tagapagmana.”Pagkatapos niyang ayusin ang mga papeles sa mana, nagmaneho siya pauwi. Ngunit dahil lutang ang isip, nabangga siya at nagtamo ng kaunting sugat sa noo.
Pagkatapos magamot sa emergency room, bigla siyang may naalala kaya dumiretso siya sa gynecology department.
Nang makuha niya ang resulta ng pagsusuri, tuluyan nang namatay ang anumang natitirang damdamin sa kanyang puso para kay Bryan.
“Ibig n’yong sabihin... wala akong problema sa matres ko?”
“Wala. Ayon sa resulta, maayos at malusog ang katawan mo.” “Puwede akong magbuntis?” “Siyempre.” “I can be intimate with my husband?” dagdag niya.Nang itanong iyon ni Erich, napayuko ang doktor na babae, tila naiilang. “Kailangan pa bang sabihin ’yan?”
Nung nagpakasal kasi sila noon ni Bryan, nagpacheck-up siya at ayun sa result, malubha ang kanyang matres. Hindi raw siya maaaring magkaanak, at ang pakikipagtalik ay maaaring makasira sa katawan niya.
Naalala pa niya ang sinabi ni Bryan “ kahit gano’n, ikaw pa rin ang pipiliin ko,” matamis puno ng pangako, habang mahigpit na hawak ang kamay ni Erich.
“Ikaw na ang para sa akin sa habang buhay.” Dahil sa pangakong iyon, hinarap nila ang galit ng pamilya ni Bryan.
Nakita ni Erich kung paano binasag ng ama ni Bryan ang isang tasa habang sumisigaw,
“Mag-aasawa ng babaeng hindi maka-anak? Sisirain mo lang ang pamilya natin!”
Narinig din niyang umiiyak ang ina ni Bryan habang nagrereklamo sa mga kamag-anak, “Parang sinapian ng demonyo ang anak ko.”
Ngunit palagi siyang pinangakuan ni Bryan, “Huwag mo silang pakinggan. Nandito lang ako.”
Dalawang taon niyang tiniis ang mga insulto
“Isang inahing di nangingitlog,” “babaeng walang silbi” mga salitang parang tinik na laging nakakabaon sa kanyang puso.
Napakuyom ang kamao ni Erich. Nag-aapoy ang mata.
Nang mabalitaan ni Byan na naaksidente si Erich, agad siyang sumugod sa ospital. Naka–white shirt ito, matangkad, halos six foot, at sa unang tingin, bumalik sa isip ni Erich ang anim na taong pinagsamahan nila. Niyakap siya nito.
Naalala niyang una niya itong nakilala sa university. Guwapo, matalino, mayaman. Sa loob ng apat na taon, niligawan siya nito nang walang tigil hanggang sinagot niya ito.
Ngayon, habang yakap siya ni Bryan, wala na siyang maramdaman kundi pagkasuklam.
“Uwi na tayo,” malamig niyang sabi, sabay iwas.
“Ano’ng nangyari? Laging kang maingat sa pagmamaneho.” tanong nito habang nagmamaneho.
Hindi siya sumagot. Tahimik lang si Erich, tinitigan ang singsing na dati niyang ipinagmamalaki.Hahawakan sana ni Bryan ang kanyang kamay, pero umiwas siya.
“Bakit ka nagtatampo? Sige na, huwag ka nang magalit. May espesyal na bisita sa bahay, pinaghanda ko ang paborito mong ulam.”Ngumiti si Erich, mapait. “Oo nga, ang saya ko. Sobrang makulay ang buhay ko ngayon.”
Nagtatakang napatingin si Bryan kay Erich. Di maintindihan ang sinabi nito.
Pagdating nila sa bahay, Sinalubong sila ng isang marangyang villa na bunga ng pagtulong ni Erich sa negosyo ng asawa. Narinig niya agad ang tawanan at sigawan sa itaas.
Boses ng bata. At boses ng babae. Malambing. Pamilyar.
Ang bata ay si Kevin Jose, limang taong gulang, ang batang inampon nila matapos silang magpakasal.
At ang babae? Si Sandra Lapid.
Nakatayo ito sa hagdan, wearing red dress, mukhang bata pa rin sa kabila ng edad.
“Kev, tingnan mo kung sino ang dumalaw,” masiglang sabi ni Bryan.
Sa unang pagkakataon, nakita ni Erich ang tunay na kasabikan sa kanyang mga mata.
Hindi iyon para sa kanya.
“Teacher Sandra?” tanong ni Erich, pilit ang ngiti, pero sa loob-loob niya, kumukulo ang dugo.
Lumapit si Sandra habang hawak ang kamay ni Kevin.
Sa isang iglap, nagdugtong-dugtong sa isip ni Erich ang lahat. Ang bata, ang babae, ang mga taon ng panlilinlang.
Limang taon na silang kasal. Limang taon na rin si Kevin.
Hindi siya baog. Hindi siya ang may problema. Siya lang ang ginawang panakip-butas.
Habang kumakain, panay ang asikaso ni Bryan at Kevin kay Sandra. Tila tatlo silang pamilya, at si Erich ay bisita lamang.
“Erich, gusto kong dito muna tumira si Teacher Sandra. Para matulungan kang disiplinahin si Kevin.” mahinahong sabi ni Bryan Pagkatapos ng hapunan.
Tahimik lang si Erich. Nilunok niya ang galit at nagpatuloy sa pagkain, parang walang naririnig.
Pero biglang sumabat si Sandra, “Pasensya ka na, Erich. Hindi na lang siguro, tutulungan na lang kita kay Kevin sa studies niya.”
“No! Gusto ko si Tita Sandra dito!” sigaw ni Kevin.
At bago pa makapagsalita si Erich, ibinato ng bata ang baso ng juice diretso sa kanya.
Chapter 13 - 10 million, for forgiveness?Mabilis na bumalik sa ulirat si Bryan.“Rich, ano bang nangyayari sa’yo? Hindi mo naman iniintindi ang mga ganitong bagay noon. Ang Jose Corporation ay pinagsikapan nating buuin. Mag-asawa tayo, kalahati ng shares ko ay parang sa’yo na rin. Hindi mo na kailangan pang humingi niyan. At saka…”“Alam mo ang sitwasyon sa kumpanya. Mas malaki ang hawak na shares ng papa ko at ng mga major shareholders kaysa sa akin. Kahit gusto kong ibigay sa’yo ang hinihingi mo, hindi ko kaya.”“At saka yung mga matatandang board members, hinding-hindi sila papayag na babae ang mamahala ng kumpanya. Kapag ipinilit mo ’yan, ikaw lang ang mahihirapan. Ayo
Chapter 12: Three Day Rule, Erich Chat’s HarveyNagulat si Bryan. “Anong ibig mong sabihin na hindi siya umuuwi?”Bago pa man masagot ang tanong niya, nag-vibrate ang telepono niya. Isa na namang problema sa kumpanya.Pinaalis niya muna ang katulong, saka mabilis na lumayo para sagutin ang tawag.Pagbalik niya, napansin ni Sandra na biglang dumilim ang mukha ng lalaki kaya ninerbiyos ito. “Ano na naman ang nangyari?”“Isa na
Kabanata 11 — Erich hasn’t been coming home anymoreBago pa man mag-load ang picture, biglang nag-ring ang cellphone ni Bryan.Si Sandra ang tumatawag.Pagka-sagot ni Bryan, agad niyang narinig ang iyak ng babae.“Ano’ng nangyari? Ba’t ka umiiyak?”Nanikip ang dibdib niya, puno ng kaba ang boses.Pero kahit anong tanong niya kay Sandra, puro iyak lang ang sagot nito, ayaw magsalita.“Nasaan ka? Nasa bahay ka ba? Pupuntahan kita ngayon.”Pero bago niya matapos ang tanong, ibinaba nito ang tawag.
Chapter 10 - The Daughter of the Castro FamilySumasakit ang ulo ni Bryan. Mataas ang pride ni mommy at si Ely naman ay may pagkaspoiled. Kapag kukumbinsihin niya ang mga ito na humingi ng pasensiya kay Erich, siguradong magkakagulo lalo.“Erich, alam mo naman ang ugali ng Mommy ko. Pagbigyan mo na siya, hayaan mong humingi siya ng pasensiya sayo……”Napasiklab ang panga ni Bryan, piniling isantabi muna ang problema sa pamilya para mapakalma si Erich.On the other hand, ang kumpanya ang pinakaimportanteng dapat ayusin ngayon.“Naniniwala akong nagbabago ang tao. Para sa akin at sa kumpanya, sana pag-isipan mo muna ito ng mabuti at nang maingat.”Hindi nagdalawang-is
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.