
Sinful Nights with My Ex-husband's Uncle
Limang taon naging martir si Liana Castillo bilang asawa ni Marco Vance. Tiniis niya ang malamig na pagtrato nito at ang pangmamaliit ng pamilya Vance para lang patuloy na masuportahan ang inang may matinding sakit. Pero tuluyan siyang nawasak nang pag-uwi niya sa condo nila, nadatnan niya ang asawa niyang hubo’t hubad habang may ibang babaeng umuungol sa kama nilang dalawa. Sa halip na magsisi, sinabihan pa siyang hindi siya sapat.
Wasak ang puso at desperada, nagpakalasing si Liana sa isang bar at isinuko ang sarili sa isang estranghero na may malamig ngunit mapang-angking presensya. Isang gabing puno ng alak, galit, at bawal na pagnanasa ang nangyari.
Akala niya ay matatapos ang lahat pagsikat ng araw. Ngunit nagkamali siya. Nakita niyang muli ang lalaki, si Dr. Alexander Vance. Isang bilyonaryong neurosurgeon, may-ari ng hospital kung saan naka-confine ang ina niya, at ang kinatatakutan at pinakamakapangyarihang tiyuhin pala ng kaniyang asawa.
Alam ni Alexander ang pagtataksil ng kaniyang pamangkin. Gamit ang desperasyon ni Liana, inalok siya nito ng isang delikadong kasunduan
"Divorce him. Marry me instead…and I’ll make everyone who hurt you pay."
Dahil nakasalalay ang buhay ng ina, pumayag si Liana sa isang lihim na kasal. Akala niya ay isa lang itong paraan para makaganti at makalaya. Pero sa bawat nakaw na halik, marahas na haplos, at maiinit na gabing nakakulong siya sa mga bisig ng doctor, unti-unti siyang nalulunod kay Alexander.
Nahuhulog si Liana sa lalaking hindi niya dapat mahalin, at handa siyang masunog sa impyerno kasama nito. Kahit pa ang kapalit ay ang galit ng lipunan kapag nalaman nila ang sikreto, na ang babaeng itinapon ng isang Vance ay inangkin ng mismong pinakamakapangyarihang haligi ng kanilang pamilya.
Read
Chapter: Chapter 7: The Hidden TruthNang makabalik sila sa penthouse pagkatapos ng kaguluhan sa restaurant, hindi pa rin makaniwala si Liana sa nangyari. Ang dating itinuturing na basura ni Marco ay buong giting na ipinaglaban ng pinakamakapangyarihang lalaki sa pamilya Vance.Pagkapasok na pagkapasok nila sa silid, agad na hinila ni Alexander si Liana sa kaniyang mga bisig at isinandal sa pinto."Dapat itininanggi mo na lang ako kanina, dapat sinabi mo na lang na hindi mo ako kil—""He touched you," paos na sabi ni Alexander, habang ang mga kamay ay mariing nakahawak sa mga balakang ni Liana. "I wanted to break his arms the moment I saw him holding you."Napangiti si Liana sa kabila ng kaba. "Alexander... ikaw lang ang asawa ko. Wala nang iba."Ang mga simpleng salitang iyon ang tuluyang nagpaalis sa galit at selos ng doktor. Inangkin ni Alexander ang kaniyang mga labi sa isang napakamainit at madamdaming halik. Binuhat siya nito patungo sa malaking kama at pinaligaya nang buong magdamag. Malalim na ang gabi nang maka
Last Updated: 2026-08-08
Chapter: Chapter 6: The Public ConfrontationMaagang ginising si Liana ng isang halik sa kaniyang noo. Pagdilat ng kaniyang mga mata, nakabihis na si Alexander sa kaniyang mamahaling navy blue suit."Get up, sweetheart. We're going out," nakatitig na sabi ng doktor, ang boses ay puno ng lambing habang hinahaplos ang kaniyang pisngi."Saan tayo pupunta?" tanong ni Liana habang itinataas ang kumot para takpan ang kaniyang dibdib."To buy you everything you deserve," sagot ni Alexander. "Ayaw kong makita kang nagsusuot ng kahit anong bagay na nagpapaalala sa dati mong buhay."Ilang oras ang lumipas, dinala siya ni Alexander sa isang luxury mall sa lungsod. Bawat boutique na pasukin nila ay isinasara para lang sa kaniya. Binilhan siya ni Alexander ng mga branded na damit, sapatos, at bag na kahit sa panaginip ay hindi kayang bilhin ni Marco.Tanghalian na nang pumunta sila sa isang sikat na 5-star French restaurant. Dahil may tumawag kay Alexander mula sa ospital, sandali muna itong nagpaalam para sumagot sa rest room corridor, kay
Last Updated: 2026-08-08
Chapter: Chapter 5: Hiding from the exNakakulong ang buong katawan niya sa pagitan ng mga binti ni Alexander habang pilit niyang pinipigil ang kaniyang paghinga. Amoy na amoy niya ang mamahaling sabon at pabango ng doktor na humahalo sa sarili niyang amoy."What the hell are you doing here, Marco?" malamig at may awtoridad na boses ni Alexander.Narinig ni Liana ang mabibigat na hakbang ni Marco na huminto ilang metro lang ang layo mula sa gilid ng kama."S-Sorry, Uncle! Hindi ko naman alam na tulog ka pa," halatang takot at nanginginig ang boses ni Marco. "Nasa ibaba kasi ang security, pinaakyat ako dahil sinabi kong emergency. Tito, kailangan ko ng tulong mo!""Anong emergency 'yan para mambulahaw ka nang ganitong oras?" tanong ni Alexander habang nananatiling nakahiga.At sa gitna ng pakikipag-usap nito kay Marco, dahan-dahang isinuksok ni Alexander ang kaniyang malaking kamay sa ilalim ng kumot.Naramdaman ni Liana ang mainit na palad ni Alexander na dumausdos sa kaniyang hita, paitaas sa kaniyang bewang. Napakagat-la
Last Updated: 2026-08-08
Chapter: Chapter 4: The Real DealNang gabi ring iyon, dinala si Liana ng private driver ni Alexander sa isang napakataas at exclusive condominium sa gitna ng lungsod. Pag-akyat sa penthouse, halos mabitawan niya ang kaniyang maliit na bag sa sobrang ganda ng paligid, mga purong salamin na pader na nakatanaw sa mga ilaw ng lungsod at purong mamahaling muwebles."Welcome home, Mrs. Vance," salubong ni Alexander. Nakahubad na ang kaniyang suit jacket. Nakatupi na rin ang sleeves ng kaniyang puting polo hanggang siko, at bukas ang unang dalawang butones nito.Nakatayo si Liana sa gitna ng sala habang nanginginig ang mga daliri niyang may suot na diamond ring."N-Nasaan ang kwarto ko?" nahihiyang tanong ni Liana, pilit na iniiwas ang tingin sa matipunong dibdib ng doktor.Ngumisi nang bahagya si Alexander at inilapag ang hawak na baso sa mesa. Dahan-dahan itong lumapit sa kaniya. Bawat hakbang nito ay puno ng matinding presensya na nagpapatalon sa dibdib ni Liana."Our room is upstairs, Liana. Walang hiwalay na kwarto sa
Last Updated: 2026-08-08
Chapter: Chapter 3: Fake MarriageGusto nang lumundag ng puso ni Liana sa sobrang bilis ng tibok nito. Nakatitig siya sa madilim na mga mata ni Alexander, hindi makapaniwala sa narinig."Pakasalan ka? Nababaliw ka na ba?" nahihirapang bulong ni Liana habang pilit na itinutulak ang matigas na dibdib ng doktor. "Tito ka ng asawa ko! Isang malaking kasalanan 'to!"Hindi man lang natinag si Alexander. Lalo pa nitong inilapit ang mukha sa kaniya, dahilan para magdikit ang mga labi nila nang bahagya."Kasalanan?" Malamig na tumawa si Alexander. "Ang tunay na kasalanan ay ang ginagawa sa'yo ng pamangkin ko. At ano naman ang mawawala sa'yo, Liana? Your marriage with Marco is already dead. The moment he laid hands on another woman in your bed, tapos ka na sa kaniya."Bumaba ang tingin ni Alexander sa nanginginig na labi ni Liana. Hinawakan nito ang baywang ng babae at mas lalo pa itong hinila papalapit."P-Pero hindi kita kilala..." nanginginig na apela ni Liana."Kilala mo ako," bulong ni Alexander, ang boses ay puno ng pagna
Last Updated: 2026-08-08
Chapter: Chapter 2: The Billionaire UncleMaagang nagising si Liana dahil sa silaw ng araw na tumatagos sa kurtina ng hotel suite. Masakit ang ulo niya at kumakabit pa rin sa kaniyang balat ang pananakit ng katawan, patunay sa walang kapares na init at kapusukan na ipinaramdam sa kaniya ng estranghero kagabi.Lumingon siya sa tabi niya. Nakatagilid ang lalaki, mahimbing na natutulog. Sa liwanag ng umaga, lalong lumabas ang matipuno nitong dibdib at ang matitigas na linya ng kaniyang panga.Kinabahan bigla si Liana. Natatakot siyang harapin ang ginawa niya kaya dahan-dahan siyang bumangon, isa-isang pinulot ang mga damit niya sa sahig, at dali-daling lumabas ng silid bago pa magising ang lalaki.Dumeretso agad si Liana sa St. Jude Medical Center para bisitahin ang kaniyang ina na nakakabit sa mga makina sa ICU. Pagdating sa nurse station, bumigat ang dibdib niya nang abutan siya ng babala ng billing department. Matagal nang may hindi nababayarang balance at kapag hindi pa naasikaso ngayon, mapipilitan silang itigil ang ilang g
Last Updated: 2026-08-08