Chapter: Chapter VPagkaalis ko sa hotel ay nagpasya akong bumalik muna sa Maynila. Alam ko kasi na mas mapapadali ang paghahanap ko ng ebidensya pag nasa Maynila ako., oo mas nakakatakot dahil mas malapit ako kila Ralph pero wala akong magagawa kundi mag-ingat na lang na wag nila akong makita Mag-ama pati na ng mga alagad nila. Dumiretso ako sa bahay ng mga magulang ko pag balik ko ng Maynila. Kailangan kong kumuha ng iilang damit at may mga papeles ako na dapat dalhin. Pagpasok ko pa lang sa pintuan ng bahay ay nakita na agad ako ng isa sa mga katulong naming. “Maam Ysa nagbalik kayo.” Maluha luhang nyang sambit habang inaalalayan ako papasok ng pinto.“Maam nag-ayos na po ako ng iilang damit nyo, nakalagay po sa garahe. Kung may iba pa po kayong kailngan ay kunin nyo na po. Wag po kayong magtagal dito Maam. Halos araw araw pong dumadaan dito sina Sir John at Sir Ralph, hinahanap po nila kayo. Mukha pong galit nag alit sila kaya natakot na po ang ibang katulong at nagpasya na lang na umalis. Hininta
Last Updated: 2026-09-11
Chapter: Chapter IVAraw-araw kaming magkasabay ni Tom kumain. Nagpromise ako sa kanya na hanggang nandito kami sa hotel ay hindi ko hahayaan na kumain sya ng walang kasama. "Tom sabi mo dba dito ang hometown mo. So nandito ang bahay ng mga parents mo?" paguusisa ko.Sandaling tumahimik si Tom at hindi agad sumagot. "Aah wala na ee nabenta na." maikli nyang sagot.Ilang araw na din kaming magkasama pero madami pa akong hindi alam sa kanya tila may tinatago sya na hindi ko maintindihan o tamang hinala lang talaga ako. Napansin ko kasi na naging mapaghinala na ako sa mga tao simula ng nalaman ko ang tunay na kulay nila Uncle John. Totoo pala talagang pwedeng mag iba ang tao pag nasaktan. Palagi namin napagkkwentuhan ang mga pangarap namin sa buhay pero ni minsan hindi pa namin napagkwentuhan ang pamilya ng isa't isa. Hindi ko alam pero hindi ko yun masyado tinatanong hindi ko din kasi alam kung paano magkkwento tungkol sa mga magulang ko. "Ysa mahilig ka ba manood ng movie?" tanong ni Tom"Oo naman, per
Last Updated: 2026-09-11
Chapter: Chapter IIIPagpasok ko sa kwarto ng binook kong hotel ay umupo agad ako sa kama at binuksan ang phone ko, pinindot ang email ko at inopen ang isang mensahe na naglalaman ng isang video. Ilang araw bago ang kasal namin ay nag hire ako ng isa pang videographer, hindi para irecord ang masasayang mangyayari sa kasal kundi para idokumentaryo ang magiging ganap pagkatapos malaman ng mga tao ang pag alis ko. Hindi ko pwedeng palampansin ang eksenang yon, gusto kong makita kung ano ang magiging reaksyon ni Uncle John, Ralph at maging ng mga bisita. "Nawawala ang Brideeeee!! sigaw ng mga wedding coordinators na kanina lang ay ang lalaki ng mga ngiti bago nila bukasan ang pinto ng simbahan. "Ano? Bakit? Nasaan si Ysa?" sunod sunod na tanong ni Uncle John habang naglalakad papalabas ng simbahan. "Hanapin nyo sya baka hindi pa sya nakakalayo." utos pa nya sa mga bodyguard nya habang niluluwagan ang kurbata nya, halata ang inis sa mukha nya. Habang ang mga bisita ay nagbubulungan, sabi pa ng isa. "Ano t
Last Updated: 2026-09-11
Chapter: Chapter II"Ysa, right here" sigaw ni Ralph ng makita akong pumasok sa loob ng restaurant. Palapit ako sa lamesa nila habang inaayos ang buhok at damit ko. "Anong nangyari sayo? bakit madumi ang gilid ng damit mo?" tanong nya habang tinutulungan akong umupo. "Aah may bumangga kasi saking lalake kanina habang hinahanap ko tong resto. Pero ok lang, nag sorry naman sya sa akin." sagot ko. "Sige umpisahan na natin magplano". dagdag ko. Mahabang usapan ang nangyari at sa huli kahit na napakamahal ng professional fee para sa make up artist na yun ay binook padin ito ni Ralph. Sa katunayan si Ralph lang naman ang madaming tanong at ako sumasang-ayon lang sa lahat. "Wala naman akong balak na magpaganda sa binabalak nyong wedding. hmmp" sigaw ko sa isip ko habang nakatingin kina Ralph at sa makeup artist. Pagtapos ng meeting ay nagpaiwan muna kami ni Ralph sa resto, may sorpresa daw sya sa akin. Hindi na ako nagulat dahil ganoon naman lagi si Ralph mahilig sya sa mga sorpresa, isa yon sa nagustuhan
Last Updated: 2026-09-11
Chapter: Chapter I"Sa wakas!" Sigaw ko habang mabilis na pinaandar ang kotse na inihanda ko para may magamit ako sa pagtakas sa sarili kong kasal.Ako si Ysa at mahigpit dalawang taon na naming pinagplanuhan ni Ralph ang kasal namin, bago pa man ako maging ulila. Simula sa simbahan, reception pati sa isusuot namin at ng mga abay. Ang hindi alam ni Ralph, ilang buwan na din akong lihim na nagpaplano kung paano tatakasan ang pinagpaplanuhan naming kasal. Mabait si Ralph, gwapo, matalino at higit sa lahat isang Bilyonaryo pero hindi ko siya kayang pakasalan dahil sa nabunyag ko tungkol sa kanila ng Daddy nya, si Uncle John, Best friend ng mga magulang ko, ilang buwan ang nakakalipas pagkatapos masawi ng mga magulang ko. At isa pa kahit na pareho na kaming nasa 20’s na at nasa tamang edad na para ikasal, hindi ko sya lubusang mahal iniisip ko lang ang koneksyon ng mga pamilya namin.Dalawang taon na akong ulila. Namatay sa car accident ang Daddy at Mommy ko. Hindi iyon simpleng aksidente lang dahil mismon
Last Updated: 2026-09-11