author-banner
Yiel
Author

Nobela ni Yiel

Fate Mishap: My Ex-Husband's Brother Is My Baby Daddy

Fate Mishap: My Ex-Husband's Brother Is My Baby Daddy

Hindi kailanman naisip ni Viara na darating ang araw na mahuhulog siya sa lalaking hindi niya dapat mahalin—ang nakatatandang kapatid ng dati niyang asawa. Isa siyang psychologist at nang makausap niya online ang isang babaeng humihingi ng tulong tungkol sa problema nito sa asawa. Hindi niya akalain na ang babaeng iyon pala ang kabit ng kanyang sariling asawa. Nang malaman ni Viara na may anak ang kanyang asawa sa ibang babae, agad siyang nakipag-divorce at umalis ng Batangas kasama ang kanyang anak at lumipat sa Manila para magsimulang muli. Mula sa pagiging baguhang doktor ay nagsikap siya hanggang sa makilala bilang magaling na psychiatrist. Sa lahat ng pinagdaanan niya, tahimik na nakasuporta sa kanya si Alistair —ang masungit at bilyonaryong nakatatandang kapatid ng dati niyang asawa. Hanggang isang araw, isang lihim tungkol sa anak ni Viara ang tuluyang sumira sa tahimik niyang buhay. Paano kung ang batang inakalang niyang anak nila ng dating asawa ay siyang anak pala ni Alistair? Ang lalaking akala niyang tagapagtanggol lamang niya sa loob ng labinlimang taon ay matagal na palang may ibang dahilan kung bakit hindi siya iniwan. “It’s been fifteen years, Alistair at alam mo ang totoo, bakit mo ako hinayaang maniwala sa kasinungalingan na nandyan ka dahil lang sa naaawa ka amin ng anak mo na inakala kong anak namin ni Alarick?” Puno ng hinagpis niyang sabi sa lalaking kaharap.
Basahin
Chapter: CHAPTER 106
Hindi agad nagsalita si Viara pagkatapos nilang makita ang unang draft ng kasunduan.Labing-anim na buwan bago niya unang nakilala nang personal si Alistair.Iyon ang paulit-ulit na umiikot sa isip niya habang nakatingin sa screen ng cellphone nito.Hindi niya maintindihan.Hindi niya alam kung paano siya napunta sa isang kasunduan ng pamilyang hindi naman niya kilala noon.At mas lalong hindi niya alam kung bakit may mga taong tila matagal nang may plano para sa kanya.“Alistair,” mahina niyang tawag.“Hm?”“Gusto kong umalis.”Agad itong tumingin sa kanya.“Saan?”“Hindi ko alam. Kahit saan. Gusto ko lang makalabas muna dito.”Hindi nagtanong pa si Alistair.Tumayo ito, kinuha ang bag niya at isinara ang mga dokumento.“Okay.”Napatingin si Viara.“Hindi mo tatanungin kung saan tayo pupunta?”“Kapag nakalabas na tayo, saka mo sabihin kung saan mo gustong pumunta.”Hindi niya alam kung bakit, pero gumaan nang kaunti ang dibdib niya.Ilang minuto lang, nasa sasakyan na sila.Hindi sil
Huling Na-update: 2026-09-23
Chapter: CHAPTER 105
Hindi na nakatulog si Viara matapos nilang ma-verify ang reference number na iniwan ni Serena.Tama ang number.Tama ang archive code.At mas masakit kaysa sa inaasahan niya ang nahanap nila.Hindi lang basta security monitoring ang ginawa sa kanya noon.May mga taong talagang nagdedesisyon kung ano ang dapat niyang malaman, kung saan siya pupunta, at kung sino ang dapat niyang makausap.At ang pinakamasakit sa lahat, hindi pala siya isinama sa lumang kasunduan dahil nagkataon lang.Pinili siya.Pagdating ng umaga, tahimik na nakaupo si Viara sa dining table habang hawak ang isang tasa ng kape. Hindi niya ito iniinom. Kanina pa iyon nasa harap niya pero hindi man lang niya napapansin.Sa kabilang bahagi ng mesa, binabasa ni Alistair ang mga dokumentong nakuha nila.Ilang minuto silang walang imikan.Hanggang sa tuluyang magsalita si Viara.“Bakit ako?”Itinigil ni Alistair ang pagbabasa.“Hindi ko pa alam.”“Hindi iyon ang sagot na gusto kong marinig.”“Alam ko.”“Pero iyon lang ang k
Huling Na-update: 2026-09-23
Chapter: CHAPTER 104
Dalawang araw matapos nilang matanggap ang sulat ni Ramon, hindi pa rin mahanap nina Viara at Alistair si Mateo Villareal.Walang malinaw na address.Walang current record.Walang pangalan sa mga lumang Sandoval files na madaling ma-trace.Para bang sinadya talagang burahin ang bakas ng taong iyon.Kaya nang tumunog ang doorbell nang hapon na iyon, hindi inakala ni Viara na isa na namang pangalan mula sa nakaraan ang makikita niya sa labas.Si Alistair ang unang pumunta sa pinto.Ilang segundo lang ang lumipas bago narinig ni Viara ang boses nito.“Viara.”May kakaiba sa tono niya.Hindi takot.Hindi galit.Pero parang may taong hindi niya inaasahang makita.Lumapit si Viara.“Sino?”Hindi agad sumagot si Alistair.Sa halip, bahagya itong umatras.At doon niya nakita ang babaeng nakatayo sa labas.Mahaba ang buhok, simpleng damit, at halatang ilang beses pinag-isipan kung tutuloy ba siya o aalis na lang.Pero kilala niya ang mukha.Kahit ilang taon na ang lumipas, imposibleng makalimu
Huling Na-update: 2026-09-23
Chapter: CHAPTER 103
Hindi agad sinabi ni Viara kay Alistair ang nasa isip niya matapos nilang malaman na wala siyang pirma sa original agreement.Hindi dahil may tinatago siya.Hindi lang niya alam kung paano ipapaliwanag ang pakiramdam niya.Parang may bahagi na naman ng buhay niya na matagal nang pinagdesisyunan ng ibang tao habang siya ang naiwan na walang kaalam-alam.Noong gabing iyon, hindi muna nila pinag-usapan ang kasunduan.Kailangan muna nilang huminga.Kinabukasan, dumating ang original records na hinihintay nila. Hindi ito isang simpleng folder lang. Isang maliit na kahon ang ipinadala mula sa lumang legal storage facility, sealed at may listahan ng laman.Nasa dining table sila ni Alistair nang buksan nila iyon.“Sigurado kang dito natin bubuksan?” tanong ni Viara.“Mas gusto kong dito kaysa sa office.”“Bakit?”“Dahil ayokong may ibang tao na nakapaligid.”Napatingin siya sa kahon.“Parang nakakatakot.”“Hindi kita pipilitin.”“Hindi ako natatakot sa dokumento,” sagot niya. “Natatakot ako
Huling Na-update: 2026-09-23
Chapter: CHQPTER 102
Hindi nakatulog nang maayos si Viara nang gabing iyon.Paulit-ulit niyang naaalala ang dokumentong nakita nila sa brown envelope. Hindi naman bago sa kanya ang mga lihim ng Sandoval family. Ilang taon na rin siyang nasanay na may lumalabas na bagong impormasyon tungkol sa buhay niya kapag akala niya ay tapos na ang lahat.Pero iba ito.Dahil pangalan niya mismo ang nakalagay.Hindi lang bilang asawa ni Alistair.Hindi rin bilang ina ni Amara.Kundi bilang isang taong may karapatan sa isang bahagi ng malaking ari-arian ng pamilya.Kinabukasan, maaga siyang bumaba sa kusina. Nagulat pa siya nang makita roon si Alistair, nakaupo sa dining table habang nakakalat sa harap niya ang mga photocopy ng dokumento.May kape sa tabi nito pero halatang hindi pa nagagalaw.“Hindi ka rin natulog?” tanong ni Viara.Tumingin si Alistair sa kanya. “Hindi masyado. Iniisip ko pa rin kung saan nanggaling ang dokumentong iyon.”Lumapit si Viara at umupo sa kabilang upuan. “May nahanap ka?”“May ilang bagay
Huling Na-update: 2026-09-23
Chapter: CHAPTER 101
Ilang araw matapos ang proposal ni Alistair, parang walang malaking nagbago sa bahay nila.Pareho pa rin ang umaga. Pareho pa rin ang kalat ng mga laruan ni Amara sa sala. Pareho pa rin ang kape ni Viara na madalas ay nakakalimutan niyang inumin dahil may kailangang habulin na bata.Ang pinagkaiba lang, may singsing na sa daliri niya.At kapag napapatingin siya roon, napapangiti siya nang hindi niya namamalayan.Hindi pa rin niya nasasabi sa lahat na engaged na sila. Hindi dahil nahihiya siya, kundi dahil gusto muna niyang sarilinin ang sandaling iyon.Hindi niya gustong gawing malaking event ang lahat.Pagkatapos ng napakaraming nangyari sa buhay niya, gusto niyang maranasan naman ang isang magandang bagay nang hindi agad sinusundan ng problema.Kaya nang gabing iyon, habang nakaupo sila ni Alistair sa sofa at naglalaro si Amara sa sahig, napunta na naman ang usapan sa kasal.“Hindi pa rin ako nagmamadali,” sabi ni Viara habang pinagmamasdan si Amara na pilit inaabot ang isang laruan
Huling Na-update: 2026-09-23
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status