Mag-log inHindi kailanman naisip ni Viara na darating ang araw na mahuhulog siya sa lalaking hindi niya dapat mahalin—ang nakatatandang kapatid ng dati niyang asawa. Isa siyang psychologist at nang makausap niya online ang isang babaeng humihingi ng tulong tungkol sa problema nito sa asawa. Hindi niya akalain na ang babaeng iyon pala ang kabit ng kanyang sariling asawa. Nang malaman ni Viara na may anak ang kanyang asawa sa ibang babae, agad siyang nakipag-divorce at umalis ng Batangas kasama ang kanyang anak at lumipat sa Manila para magsimulang muli. Mula sa pagiging baguhang doktor ay nagsikap siya hanggang sa makilala bilang magaling na psychiatrist. Sa lahat ng pinagdaanan niya, tahimik na nakasuporta sa kanya si Alistair —ang masungit at bilyonaryong nakatatandang kapatid ng dati niyang asawa. Hanggang isang araw, isang lihim tungkol sa anak ni Viara ang tuluyang sumira sa tahimik niyang buhay. Paano kung ang batang inakalang niyang anak nila ng dating asawa ay siyang anak pala ni Alistair? Ang lalaking akala niyang tagapagtanggol lamang niya sa loob ng labinlimang taon ay matagal na palang may ibang dahilan kung bakit hindi siya iniwan. “It’s been fifteen years, Alistair at alam mo ang totoo, bakit mo ako hinayaang maniwala sa kasinungalingan na nandyan ka dahil lang sa naaawa ka amin ng anak mo na inakala kong anak namin ni Alarick?” Puno ng hinagpis niyang sabi sa lalaking kaharap.
view more“Dok, may iniwan akong lalaki para sa iba at nagkaroon din ako ng anak sa kanya kahit alam kong may boyfriend ako. Hindi ba mali iyon?”
Natigilan si Viara sa pagta-type ng narining ang tanong ng bago niyang pasyente sa online consultation ngayong araw. Saglit niyang tinitigan ang screen bago muling ibinalik ang mga daliri sa keyboard.
Hindi niya maiwasang mapaisip kung gaano kakomplikado ang buhay ng ibang tao pero bilang isang psychologist, hindi niya trabaho ang manghusga. Nandito siya para makinig at tumulong.
“Kung komportable ka, pwedi mo bang ikwento sa akin nang mas detalyado ang nangyari?” maingat niyang tanong.
Ilang segundo ang lumipas bago ito sumagot. “Magkaibigan na ang pamilya namin mula pa noong bata kami. Childhood sweethearts kami at parehong gusto ng mga magulang namin na magkatuluyan. Akala ko, kami na talaga hanggang sa pagtanda.”
Napabuntong-hininga si Viara habang binabasa ang sumunod na mensahe. “Pero bago pa kami tuluyang magpakasal, may minahal siyang iba at para mapalapit sa kanya ang babaeng iyon, pinilit niya akong mag-abroad at pagka-alis ko ay nagkaroon ako ng boyfriend. Sinubukan kong gamitin ang relasyon namin para makalimot pero noong official ko nang ipinakilala sa mga tao ang boyfriend ko, bigla siyang pumunta sa akin nang palihim, nang hindi alam ng asawa niya. Alam kong mali pero hindi ko siya napigilan. Hindi nagtagal, nabuntis ako at hindi ko sinabi sa boyfriend ko na ang bata ay anak ng ibang lalaki.”
Napailing si Viara, hindi niya alam kung paano niya kakausapin ang babaeng ito nang hindi niya napaparamdam ang panghuhusga.
“Sinubukan kong kumbinsihin ang ama ng anak ko na iwan na niya ang asawa niya at pakasalan ako pero ayaw niya at ngayon, hindi ko na rin kayang iwan ang boyfriend ko para sa kanya.”
Napahawak si Viara sa noo, ano ba itong pinasok ng babaeng ‘to? May relasyon ang lalaki at may boyfriend din siya. Nagkaroon pa sila ng anak at higit sa lahat, ayaw nilang bitawan ang kani-kanilang relasyon.
Akala niya roon na matatapos ang kuwento, pero may panibago itong sinabi. “Dok, alam mo ba? Noong araw na manganganak ako,
nanatili siya sa tabi ko. Hindi ba ibig sabihin noon, mahal na mahal niya ako?”
Napahinga nang malalim si Viara kung hindi lang siya professional, baka nasampal na niya ‘to.
“Hindi lang iyon, siya mismo ang nag-aalaga sa anak namin. Naglaan din siya ng sampung milyong piso para sa edukasyon ng bata pagkasilang nito. Pagbalik namin sa Pilipinas, siya mismo ang sumundo sa amin at binilhan niya kami ng malaking bahay at kumuha ng mga kasambahay at butler para hindi kami mahirapan. Hindi ba malinaw na mahal niya kami?”
Sandaling nakatitig lang si Viara sa screen, mayabang na nga, proud pa. Hindi niya alam kung paano sasabihin sa babaeng iyon na hindi porke't may perang ginagastos ang isang lalaki ay hindi ibig sabihing tama na ang ginagawa nito.
Bago pa siya makapag-type ng sagot, may panibagong tanong na naman ito.
“Dok, mukhang magaling ka namang psychologist, may itatanong ako kung sakaling lokohin ka ng asawa mo at magkaroon siya ng anak sa ibang babae, makikipaghiwalay ka ba?”
Napakunot ang noo ni Viara, medyo personal na iyon pero sa huli, pinili niyang sagutin pa rin. “Ang relasyon ay binubuo ng dalawang taong parehong nagbibigay ng tiwala at kapag nagtaksil ang isa, hindi na pareho ang pundasyon ng relasyon. Hindi kailangang manatili sa isang pagsasama kung wala na itong respeto.”
Ilang segundo ang lumipas ay sumagot ito. “Tama ka dyan dok, sana lahat ng asawa ay kagaya mo.”
Napakunot-noo si Viara, hindi niya malaman kung papuri ba iyon o may ibang ibig sabihin. Maya-maya ay nag-offline na ang babae, napailing si Viara habang nakatingin sa gray na profile picture. Kung hindi lang siya nakatali sa professional ethics, baka pinagsabihan na niya ng walang preno ang babaeng iyon pero pasyente niya ito. Anuman ang sabihin o ikuwento nito, mananatiling pribado ang lahat.
Natigilan siya ng biglang tumunog ang cellphone niya. “Hello?”
“Viara!” Boses iyon ng matalik niyang kaibigan na si Mira. “May nakita ako kanina.”
“Ano?” bored niyang tanong sa kaibigan.
“Bumalik na raw sa Pilipinas si Serena.” Natahimik si Viara sa sinabi nito. “At may kasama siyang bata.”
Parang tinapunan siya ng malamig na tubig dahil sa narinig at hindi niya alam kung bakit, pero kusang napunta ang tingin niya sa laptop.
Sa gray na profile picture ng pasyente niyang kanina lamang ay kausap niya. Serena din kasi ang pangalan nito.
“Viara? Naririnig mo ba ako?”
Napakurap siya at agad na bumalik sa usapan. “Oo, naririnig kita.”
“Bakit parang wala kang reaction?”
“Wala naman akong dapat ikabahala. Kung bumalik siya, ano naman?”
“Paano kung may binabalak na naman siya sa’yo? Nakalimutan mo na ba kung bakit siya pinaalis noon?”
Hindi iyon makakalimutan ni Viara, si Serena ang babaeng minsang nagtangkang sirain ang pagsasama nila ni Alarick noong araw ng kasal nila, nilagyan nito ng gamot ang iniinom niya at sinubukang ipahamak si Viara sa ibang lalaki. Mabuti na lamang at nalaman iyon ni Alarick bago pa tuluyang mangyari ang gusto nito.
Iyon din ang unang pagkakataong nakita ni Viara ang asawa niyang mawalan ng kontrol sa galit. Namumula ang mga mata ni Alarick habang mahigpit na nakahawak sa leeg ni Serena, kung hindi dumating ang ina nito para pigilan siya, hindi alam ni Viara kung ano ang pweding mangyari.
Pagkatapos noon, ipinadala ni Alarick si Serena sa ibang bansa at tuluyang pinutol ang ilang negosyo sa pamilya nito.
Kaya hanggang ngayon, malinaw pa rin kay Viara kung bakit ayaw niyang marinig ang pangalan ni Serena.
“May anak na pala siya,” mahinang sabi ni Viara. “Baka may sarili na siyang buhay ngayon. Bakit pa niya ako guguluhin?”
“May punto ka rin at saka, mahal na mahal ka ni Alarick. Kahit ano pa ang gawin ni Serena, hindi niya iyon papayagan.”
Bago pa makasagot si Viara, naputol ang tawag kaya napabuntong-hininga siya. Siguro nga wala na siyang dapat ipag-alala. Maya-maya, may panibagong pasyente na pumasok sa online consultation kaya ibinalik niya ang buong atensyon sa trabaho.
---
Alas-singko nang isara ni Viara ang laptop. Hinawakan niya ang bilog niyang tiyan habang dahan-dahang tumatayo. Ilang linggo na lang at manganganak na siya.
Matagal nang hinihiling ni Alarick na mag-leave na siya, pero ayaw pa niyang manatili lang sa bahay. Bilang psychiatrist ng ospital, gusto rin niyang matulungan ang mga bagong intern bago siya tuluyang mag-maternity leave.
Paglabas niya, agad niyang nakita si Alarick na naghihintay sa tabi ng kotse. Napangiti siya nang maalala ang unang pagkakataong hinintay siya nito tatlong taon na ang nakalipas.
Noon, bagong graduate pa lamang siya at tutol ang pamilya ni Alarick sa relasyon nila. Magkaiba ang mundo nila, pero hindi siya nito sinukuan.
“Anong iniisip mo?”
Napapitlag si Viara nang marinig ang boses nito. “Wala, naalala ko lang kung gaano ka kasipag manuyo noon. Buti na lang at hindi ka sumuko sa akin.”
Hinawakan ni Alarick ang kamay niya. “Paano ako susuko? Ikaw ang babaeng gusto kong makasama habang-buhay. At ngayong may anak na tayo, mas lalo kitang aalagaan.”
Ngumiti si Viara. “Kaya pala ikaw mismo ang sumundo sa akin ngayon. May especial ba sa araw na ‘to?
“May reservation ako sa restaurant. Gusto kong makasama ka ngayong gabi, kaya huwag ka nang magreklamo at sumama ka na sa akin.”
Habang papunta sa kotse, panay ang tanong nito tungkol sa baby. “Pagod ka ba? Kumusta si baby? Madalas pa rin ba siyang sumipa?”
“Hindi ako pagod at oo mas madalas siyang sumipa o maglikot nitong mga nakaraang araw.”
Ngumiti si Alarick habang hinahaplos ang tiyan niya. “Baby, huwag mong masyadong pahirapan si Mommy. Kapag lumabas ka na, ako na ang bahala sa inyong dalawa.”
Napatawa si Viara. Sa sandaling iyon, pakiramdam niya ay kumpleto na ang buhay niya pero nang buksan ni Alarick ang p***o ng kotse ay bigla niyang naamoy ang isang matamis na pabango.
Pamilyar na pamilyar iyon, napahinto siya at muling suminghot bago tumingin kay Alarick. “Bakit may amoy ng pabango ng babae sa kotse mo? At bakit parang pamilyar sa akin ’yung amoy na ’yan?”
Hindi agad nagsalita si Viara pagkatapos nilang makita ang unang draft ng kasunduan.Labing-anim na buwan bago niya unang nakilala nang personal si Alistair.Iyon ang paulit-ulit na umiikot sa isip niya habang nakatingin sa screen ng cellphone nito.Hindi niya maintindihan.Hindi niya alam kung paano siya napunta sa isang kasunduan ng pamilyang hindi naman niya kilala noon.At mas lalong hindi niya alam kung bakit may mga taong tila matagal nang may plano para sa kanya.“Alistair,” mahina niyang tawag.“Hm?”“Gusto kong umalis.”Agad itong tumingin sa kanya.“Saan?”“Hindi ko alam. Kahit saan. Gusto ko lang makalabas muna dito.”Hindi nagtanong pa si Alistair.Tumayo ito, kinuha ang bag niya at isinara ang mga dokumento.“Okay.”Napatingin si Viara.“Hindi mo tatanungin kung saan tayo pupunta?”“Kapag nakalabas na tayo, saka mo sabihin kung saan mo gustong pumunta.”Hindi niya alam kung bakit, pero gumaan nang kaunti ang dibdib niya.Ilang minuto lang, nasa sasakyan na sila.Hindi sil
Hindi na nakatulog si Viara matapos nilang ma-verify ang reference number na iniwan ni Serena.Tama ang number.Tama ang archive code.At mas masakit kaysa sa inaasahan niya ang nahanap nila.Hindi lang basta security monitoring ang ginawa sa kanya noon.May mga taong talagang nagdedesisyon kung ano ang dapat niyang malaman, kung saan siya pupunta, at kung sino ang dapat niyang makausap.At ang pinakamasakit sa lahat, hindi pala siya isinama sa lumang kasunduan dahil nagkataon lang.Pinili siya.Pagdating ng umaga, tahimik na nakaupo si Viara sa dining table habang hawak ang isang tasa ng kape. Hindi niya ito iniinom. Kanina pa iyon nasa harap niya pero hindi man lang niya napapansin.Sa kabilang bahagi ng mesa, binabasa ni Alistair ang mga dokumentong nakuha nila.Ilang minuto silang walang imikan.Hanggang sa tuluyang magsalita si Viara.“Bakit ako?”Itinigil ni Alistair ang pagbabasa.“Hindi ko pa alam.”“Hindi iyon ang sagot na gusto kong marinig.”“Alam ko.”“Pero iyon lang ang k
Dalawang araw matapos nilang matanggap ang sulat ni Ramon, hindi pa rin mahanap nina Viara at Alistair si Mateo Villareal.Walang malinaw na address.Walang current record.Walang pangalan sa mga lumang Sandoval files na madaling ma-trace.Para bang sinadya talagang burahin ang bakas ng taong iyon.Kaya nang tumunog ang doorbell nang hapon na iyon, hindi inakala ni Viara na isa na namang pangalan mula sa nakaraan ang makikita niya sa labas.Si Alistair ang unang pumunta sa pinto.Ilang segundo lang ang lumipas bago narinig ni Viara ang boses nito.“Viara.”May kakaiba sa tono niya.Hindi takot.Hindi galit.Pero parang may taong hindi niya inaasahang makita.Lumapit si Viara.“Sino?”Hindi agad sumagot si Alistair.Sa halip, bahagya itong umatras.At doon niya nakita ang babaeng nakatayo sa labas.Mahaba ang buhok, simpleng damit, at halatang ilang beses pinag-isipan kung tutuloy ba siya o aalis na lang.Pero kilala niya ang mukha.Kahit ilang taon na ang lumipas, imposibleng makalimu
Hindi agad sinabi ni Viara kay Alistair ang nasa isip niya matapos nilang malaman na wala siyang pirma sa original agreement.Hindi dahil may tinatago siya.Hindi lang niya alam kung paano ipapaliwanag ang pakiramdam niya.Parang may bahagi na naman ng buhay niya na matagal nang pinagdesisyunan ng ibang tao habang siya ang naiwan na walang kaalam-alam.Noong gabing iyon, hindi muna nila pinag-usapan ang kasunduan.Kailangan muna nilang huminga.Kinabukasan, dumating ang original records na hinihintay nila. Hindi ito isang simpleng folder lang. Isang maliit na kahon ang ipinadala mula sa lumang legal storage facility, sealed at may listahan ng laman.Nasa dining table sila ni Alistair nang buksan nila iyon.“Sigurado kang dito natin bubuksan?” tanong ni Viara.“Mas gusto kong dito kaysa sa office.”“Bakit?”“Dahil ayokong may ibang tao na nakapaligid.”Napatingin siya sa kahon.“Parang nakakatakot.”“Hindi kita pipilitin.”“Hindi ako natatakot sa dokumento,” sagot niya. “Natatakot ako






Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.