author-banner
blueberry
blueberry
Author

Nobela ni blueberry

Stranded With 18 Beauties, I Rule the Island

Stranded With 18 Beauties, I Rule the Island

Nawasak ang isang cruise ship na siyang naging dahilan upang maging stranded si Carlos sa isang abandonadong isla kasama ang labing-walong magagandang dilag: mga supermodels, mga pop divas, mga reyna ng pelikula, mga babaeng tagapagmana ng yaman. Sa una’y maayos silang nagtutulungan upang mabuhay, ngunit dahil sa komentaryo ng matalik na kaibigan ng isang kilalang aktres, nagulo ang lahat. “Isa s’yang lalaki, paniguradong may binabalak yan sa atin.” Pinaalis ng mga mayayabang na babae sa kanilang kampo si Carlos. “Nasa abandonadong isla tayo, akala n’yo pa rin ba nakalalamang pa rin kayo? Akala n’yo ba nandito ako para maging tuta n’yo?” Ngumisi si Carlos habang paalis, at doon nagising ang kaniyang Desert Island Survival system. Habang nanginginig ang mga babae dahil sa malakas na ulan at nag-aagawan sa isang maasim na ligaw na prutas, kumakanta at kumakain naman ng inihaw si Carlos samantalang nakasilong sa isang kuweba. Habang tinitiis nila ang masakit na kagat ng mga nakalalasong mga insekto, nakahiga na si Carlos sa balat ng isang hayop habang nagpapakasaya sa pagmamasahe ng isang maangas na supermodel sa kaniyang binti. Sa huli, maging ang kaniyang matalik at kilalang kaibigang babae, na dating makapangyarihan at makasarili, ay walang magawa kung hindi ang lumuhod na lamang sa harap ni Carlos. “Carlos, parang awa mo na, bigyan mo naman ako ng makakain. Gagawin ko ang lahat…”
Basahin
Chapter: Kabanata 6: Ang Presyo ng Katahimikan
Napapitlag si Miranda, biglang nawala ang antok niya.Parang may malamig na kamay na humila sa kaniya palabas ng kalahating tulog. Halos isang oras na siyang nakapikit pero hindi nakatutulog. Ang bawat lamok na dumadapo sa balat, ang bawat tusok ng damo sa likod, ang kalam ng sikmura, ang lahat ay parang partisipante sa isang contest. Nagkikipagkompetesiyon para hindi siya patulugin. Ngayon, may isa pa siyang dahilan para manatiling gising.“Nag-iipon pala ng pagkain ang haliparot na ‘yon?” naibulong niya sa sarili. Dilat na dilat na ang kaniyang mga mata, tila nilisan na ng lahat ng antok na kanina niya pa pinag-iipunan.Umugong ang ulo niya, at sumiklab sa loob niya ang matinding galit.Nagugutom ang lahat samantalang nagagawa niyang magkunwari at magpaawa, umiiyak at nakikisabay sa damdamin ng grupo. Ngunit sa huli, patago siyang dumudukot ng pagkain kahit alam niyang maraming sikmura ang kumakakalam sa paligid.Naalala ni Miranda ang eksena kanina. Ang mga luha ni Glenda, ang nang
Huling Na-update: 2026-11-19
Chapter: Kabanata 5: Ang Unang Lamat sa Pagguho ng Alyansa
“Kung hindi natin pinaalis si Carlos, makakakain kaya tayo ng inihaw na isda ngayon?”Nanahimik ang buong paligid nang lumabas ang mga katagang iyon sa bibig ni Nichole.Yumuko at nanahimik ang ilan sa kanila na parang napagtanto ang bunga ng kanilang mga desisyon; habang ang iba nama’y napatingin nang hindi sinasadya sa mukha ni Mayumi."Kung hindi sana pinalayas si Carlos marahil..."Sabay-sabay na napalunok ang ilan. Iisang imahe lamang ang naglalaro sa kanilang mga isipan, ang amoy ng malutong at ginintuang kulay ng inihaw na isda.“Okay!”Biglang hindi mapakali si Mayumi nang maramdamang nag-iiba ang ihip ng kanilang usapan. Naglakas loob siyang tumayo, matalas ngunit halatang may pagkabalisa ang kanyang boses."Aba! Ang bilis n'yo naman magsalita matapos ang lahat? Nagtaas kayo ng kamay, ah. Anong silbi n'yang mga pinagsasabi n'yo ngayon?"Humarap siya kay Nichole at itinuro ito sa kaniyang mukha.“Nichole, nagtaas ka rin ng kamay no’ng nagbotohan kanina! Ano’ng akala mo, wala
Huling Na-update: 2026-11-19
Chapter: Chapter 4: Hindi Mapapalitan ng Kwintas na Ngkahahala ng 1.3 Milyon ang Isang Kagat ng Inihaw na Isda
“Hindi namin kukunin ng libre ang pagkain mo. P’wede kaming makipagpalitan sa’yo.”Si Luningning ang nagsalita. Humakbang siya palabas sa grupo. Tumatama ang liwanag ng apoy sa napakaganda at seryoso niyang mukha. Nagtaas ng kilay si Carlos. Gutom na gutom na lumapit ang mga babaeng ito sa kaniya para sa pagkain. Ano naman kaya ang posible nilang maiaalok bilang kapalit?Hindi nagmadaling magsalita si Luningning. Inabot niya ang likurang banda ng kanyang leeg at kinalas ang clasp ng isang kwintas. Kumikislap ang kwintas sa liwanag ng apoy. Walang kapintasan ang kulay-dugong hiyas na pendant; kahanga-hanga at maingat ang pagkakagawa. Maging si Carlos na walang kaalam-alam sa mga alahas ay kayang sabihin na mamahalin ang kwintas na iyon.“Custom-made ang isang ito, at nagkakahalaga ng 1.3 million.” Hawak ni Luningning ang kwintas sa kanyang palad. “Ibigay mo sa amin ang kalahati ng isdang ‘yan at kalahati ng ‘yong pang-araw-araw na pagkain. Ibibigay ko sa’yo ang kwintas.”Wala siyan
Huling Na-update: 2026-11-18
Chapter: Kabanata 3: Pinalayas nila ako noong araw, pero lumapit at nagmakaawa para sa pagkain pagsapit ng gabi?
Ngumunguya si Carlos ng sariwa at malambot na kabute, at puno ng mayamang aroma ng kabute ang kaniyang bibig.Sa sandaling iyon, bigla na lamang nagkaroon ng kaluskos na nanggaling sa mga damo sa paligid. Saglit siyang natigil, tapos nilunok ang pagkain sa kanyang bibig, at biglang naging alerto. Maraming ligaw at makamandag na insekto sa loob ng abandonadong isla. Marahil napunta sila sa kinaroroonan niya dahil naakit sa amoy ng inihaw na isda. Mabilis na inabot ng kanang kamay ni Carlos ang isang bato. Hawak niya ang isang batong kasinlaki ng kanyang kamao. Inihanda niya ito kanina lang. Naging tensyonado ang kanyang muscles habang nakatitig sa pinanggalingan ng tunog. Kung mayroong ligaw na hayop ang mangahas na sumugod, ay agaran niya itong babatuhin. Tapos, nakita niya ang maliit at maputing kamay na humawi sa palumpong ng mga maliit na uri ng puno. Kasunod nito, isang bilugan at chubby na mukha ang sumilip sa likod ng mga dahon. Si Glenda Suarez pala ang dumating. Magulo
Huling Na-update: 2026-11-18
Chapter: Kabanata 2: Malaking Kaibahan: Ang Unang Pagkain Sa Ilang
Pagsapit ng gabi. Tangay ng simoy ng dagat ang maalat at mamasa-masang amoy sa buong dalampasigan. Labingwalong babae ang nakaupo sa paligid ng isang maliit na apoy, halos hindi na ito matatawag na siga. Nagbibigay ng pakurap-kurap na liwanag ang ningas nito sa kanilang mga mukha. Si Mayumi ang nagsimula ang apoy. Nang hugutin niya ang Zipo mula sa kanyang bulsa, nakatanggap siya ng mga tingin na puno ng pasasalamat. Kung hindi dahil sa palihim niyang paninigarilyo at pagdadala ng lighter, tiyak na walang ni kunting liwanag ang makikita ng grupo sa gabing ito. Nakakalat sa paligid ng apoy ang iilang supot ng tinapay at malilit na keyk, ang mga klase ng mumurahing pagkain na galing sa kusina ng cruise ship na dala-dala nila. Sa normal na pagkakataon, hindi nila ito pagbabalingan ng tingin kahit na iharap sa kanila. Ngunit ngayon?Binuksan ni Luningning ang isang pakete ng tinapay na may palamang crema at kinain ito nang may pagka-elegante, ngunit ipinagkanulo sya ng sarili niyan
Huling Na-update: 2026-11-18
Chapter: Chapter 1: Sinimulang iboto para palayasin, tapos gusto nila akong gawing alipin?
“I suggest palayasin si Carlos sa ating kampo.”Ito ang sinabi ni Mayumi Bautista, ang matalik na kaibigan at ahente ng sikat na aktres na si Luningning Ramos. Mukha siyang nasa mid-twenties, at kahit na lukot-lukot ang kanyang mamahaling damit at tila parang pinatuyong mga atsara dahil sa pagkababad sa tubig ay nanatili ang matabil niyang bibig. Mas may kilala siyang persona online. Isa siyang sikat na independent na babaeng blogger na mayroong milyun-milyong tagasunod. Napasok niya ang mundo ng mga sikat dahil sa matalim niyang dila at sa persona ng “pagtulong sa mga kapatid na babae sa paghahanap ng mga walang kwentang dyowa.” Tunay niyang talento ang pag-alabin ang damdamin ng mga tao. Nakaupo si Carlos sa dalampasigan habang nililinis niya ang inanod na isda nang marinig niya iyon, nahinto ang kaniyang kamay. “Sa anong dahilan?” tanong ng isa sa kanila. Lumingon-lingon si Mayumi sa paligid, pinasadahan niya ng tingin ang labing-pitong iba pang mga magagandang babae na nakaka
Huling Na-update: 2026-11-18
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status