Chapter: Kabanata 10: Gabi sa Paraiso at ang Paglusob sa Mansyon"Hmmm, umandar na naman ang kapilyuhan mo, ha!" tawa ni Monique sabay kurot sa pisngi ng binata nang sabihin nitong binigyan niya ng day off ang lahat ng kasambahay. "Magluluto muna ako ng sopas, I'm sure kumpleto ang ingredients mo rito, tapos gagawa na rin ako ng salad.""Magpahinga ka muna at libutin din natin ang mansyon, saka ka magluto—at tutulungan kita," malambing na sabi ni Brendan habang nakapulupot pa rin ang braso sa beywang ng dalaga."Weh, talaga? Tutulungan mo akong magluto?""Oo naman!""Sige, sige, magpapalit muna ako ng pambahay at magha-half bath na rin," nakangiting sagot ni Monique."Okay, pero magsu-swimming tayo mamaya. I assume may dala kang two-piece... yum!" pilyong hirit ni Brendan sabay kindat.Muli siyang kinurot ni Monique sa tagiliran. "Jusko, nananakot ka ba, hahaha!"Matapos magbihis ng komportableng pambahay, inilibot ni Brendan si Monique sa buong mansyon. Namangha ang dalaga sa lawak at garbo ng bawat sulok—mula sa naglalakihang chandelier, malawak
Last Updated: 2026-11-26
Chapter: Kabanata 9: Ang Patibong sa Opisina at ang Simula ng PagsasamaKinaumagahan, maagang naghanda si Monique para sa kanyang pagbabalik sa Miller’s International Group of Companies. Suot ang isang simpleng cream blouse at black pencil skirt, huminga siya nang malalim habang nakatayo sa harap ng salamin ng condo, marahang hinaplos ang kanyang impis pang tiyan."Kaya natin 'to, baby," bulong niya nang may determinadong ngiti. "Hindi tayo magpapaapi kahit kanino."Gaya ng ipinangako ni Brendan kagabi, sinundo siya nito sa condo patungo sa opisina. Ngunit pagdating nila sa gusali, kinailangan agad pumasok ni Brendan sa isang urgent video conference kasama ang mga investors mula sa Europa, kaya nauna nang naupo si Monique sa kanyang mesa sa executive floor.Tahimik at abala si Monique sa pag-aayos ng mga kontrata nang biglang lumapit sa kanyang mesa si Amanda, may bitbit na isang umuusok na paper cup ng mainit na kape at nakasuot ng isang napakatamis ngunit plastik na ngiti."Good morning, Monique! Welcome back," bati ni Amanda na tila walang anumang nang
Last Updated: 2026-11-26
Chapter: Kabanata 8: Ang Huling Babala at ang Tamis ng Kare-KarePagbalik sa opisina matapos maihatid si Monique sa condo, agad na pumasok si Brendan sa kanyang pribadong silid nang naglalagablab ang mga mata sa galit. Hindi na siya nag-aksaya ng oras, binuksan niya agad ang security system sa kanyang computer at pinanood ang hidden CCTV footage ng insidente kanina.Kitang-kita roon ang buong pangyayari: ang pagpasok ni Amanda habang nasa board meeting siya, at ang mabilis nitong paglalagay ng brown envelope at flash drive sa ibabaw ng kanyang mesa."Amanda... you've gone way too far, woman," mariin at nakakakilabot na bulong ni Brendan.Agad niyang pinindot ang intercom upang tawagan ang kanyang executive manager. "William, papasukin mo si Amanda sa opisina ko ngayon din!""Opo, Boss," mabilis na sagot ni William sa kabilang linya.Ilang segundo pa ay bumukas ang pinto at pumasok si Amanda nang may matamis na ngiti, na tila walang anumang kasalanang ginawa. "Bren—""Amanda! Panoorin mo 'to!" sigaw ni Brendan sabay pihit ng monitor paharap sa dalag
Last Updated: 2026-11-26
Chapter: Kabanata 7: Ang Lihim na DinadalaMabilis na isinugod ni Brendan si Monique sa St. Paul Hospital. Buhat-buhat niya ang walang malay na dalaga papasok sa Emergency Room, bakas sa mukha ng bilyonaryo ang matinding pag-aalala na ngayon lamang nakita ng kanyang mga tauhan.Habang inaasikaso ng mga nurse si Monique, biglang nag-ring ang cellphone ni Brendan. Nang makita niya ang pangalan ng kanyang ina sa screen, napatiim-bagang siya ngunit sinagot pa rin ito."Brendan, mag-usap tayo. Iwan mo muna ang babaeng 'yan diyan at papuntahin mo si William. Pumunta ka sa mansyon ngayon din. This is not a request, it's an order. Come here right now!" malamig at maawtoridad na utos ni Madam Olivia bago ibinaba ang linya.Napahilamos sa mukha si Brendan at lumapit sa nurse na nagbabantay kay Monique. "Nurse, okay na ba siya?""Unconscious pa po siya, sir, pero stable naman ang kanyang vital signs. Maaaring dahil lang ito sa matinding stress o fatigue. Nagsagawa na kami ng blood tests, ECG, at iba pang laboratory exams. Hintayin lang p
Last Updated: 2026-11-26
Chapter: Kabanata 6: Ang Patibong at ang Pagdating ng ReynaAlas-tres na ng hapon at patuloy pa rin ang mahabang board meeting ni Brendan sa conference room sa kabilang dulo ng executive floor. Samantala, tahimik at seryosong nag-aayos ng mga dokumento sa kanyang mesa si Monique nang biglang tumunog ang kanyang intercom.Nang sagutin niya ito, isang pamilyar at matinis na boses ng babae ang narinig niya sa kabilang linya—si Amanda."Monique, kung gusto mong patunayan na karapat-dapat ka sa posisyon mo riyan, pumasok ka sa opisina ni Brendan ngayon din," malamig at mapanghamong utos ni Amanda. "Nandoon na ang mga confidential files na kailangan niyang pirmahan bago matapos ang meeting. Huwag kang tatanga-tanga."Bago pa makasagot si Monique, naputol na ang linya. Napabuntong-hininga siya at napakagat-labi. Ayaw niyang magkaroon ng dahilan si Amanda para siraan siya sa trabaho, kaya kahit nag-aalinlangan ay tumayo siya at pumasok sa loob ng opisina ni Brendan.Pagpasok niya sa silid, agad niyang napansin ang isang makapal na brown envelope na na
Last Updated: 2026-11-26
Chapter: Kabanata 5: Bagong Simula at ang Unang PatibongKinaumagahan, maagang-maaga gumising si Monique upang maghanda ng almusal."Monique, pupunta muna ako ng bayan para mamalengke," paalam ni Tiyang Rosa. "Kung hindi ko na kayo maabutan dahil nagmamadali rin si Brendan, paki-lock na lang ng pinto, ah?""Sige po, Tiyang, ingat ka po!""Sige, sige. Ingat din kayo sa pagluwas."Pagkaalis ng tiyahin, umakyat na si Monique sa ikalawang palapag upang gisingin si Brendan. Kumatok siya at pumasok sa silid. "Brendan, gising ka na ba? Luto na ang almusal."Dumilat si Brendan at napangiti nang makita ang dalaga, sabay hawak sa kanyang ulo. "Hmm, Monique, magaling ka ba maghilot? Ang sakit ng ulo ko, eh, pwede mo ba akong hilutin saglit?""Jusko, oo na, wait lang, kunin ko 'yung balm ni Tiyang," sagot ni Monique. Pagbalik niya, nagtanong si Brendan, "Nasaan ba si Tita?""Nagpunta sa bayan.""Talaga?" Biglang nangislap ang mga mata ni Brendan nang marinig iyon."Hilutin na kita," sabi ni Monique at lumapit sa kama upang masahiin ang sentido ng binat
Last Updated: 2026-11-24