
Arranged Marriage with the Ruthless CEO
Dahil sa kawalang bayag ng kaniyang ama at pang-aapi ng kaniyang madrasta, napilitan si Natalie na magpakasal kay Mateo Garcia, isa sa mga pinakamakapangyarihang tao sa San Jose. Sa araw ng kanilang kasal, natuklasan ng kaniyang asawa na hindi na siya birhen bago pa man sila ikasal, na siyang nagpatibay ng paniniwala nito na isa siyang maduming babae na may magulong buhay.
Matapos dalhin ang bata sa loob ng kaniyang sinapupunan sa loob ng siyam na buwan, iniluwal ni Natalie ang kaniyang anak, pinirmahan ang annulment papers na inihain sa kaniya ng kaniyang asawa, at saka naglaho na parang bula.
Makalipas ang ilang taon, nagbalik si Natalie sa San Jose kasama ang isang bata.
"Mr. Garcia, balita ko ay naghahanap kayo ng personal doctor?"
Malugod na pumayag si Mateo. "Tanggap ka na."
May bali-balitang kumakalat na walang asawa, ni kalandian si Mr. Garcia. Ngunit para siyang Isang tutang naglalambing sa kaniyang personal doctor at itinuturing ang anak nito, na hindi pa alam kung sino ang tunay na ama, na parang sarili niyang anak.
Read
Chapter: KABANATA 318 “Kailangan kong pumunta!” Matigas at walang pagdadalawang-isip ang boses ni Mateo. Napatigil siya sandali bago nagdagdag, “sinasabi ko sayo ito dahil kailangan mo akong pagtakpan kay Lolo.”Alam ni Antonio na magkasama silang dalawa at kung makakarating sa matanda na iniwan niya si Natalie para puntahan si Irene, siguradong maghahalo ang balat sa tinalupan. Nangako siya sa lolo niya at kung susuwayin na naman niya ito, hindi niya alam kung mapapatawad pa siya ng matanda. Ngunit importante din ang kailangan niyang puntahan.“Si Alex na ang maghahatid sayo.”Nanikip ang dibdib ni Natalie. Isang malalim at hindi maiwasang pakiramdam ng kawalang-magawa ang lumukob sa kanya. Kilala niya si Mateo, kapag nagpasya na itong umalis, wala na siyang magagawa para pigilan pa ito.Kaya sa halip, hindi na siya lumaban pa o nakipagtalo. Isa iyong tahimik na pagtanggap. Nakatigil na ang kotse kaya bumaba na lang siya.Nagkuyom ang mga kamao ni Mateo. Tumigil siya sandali---isang segundo lang at pagkat
Last Updated: 2025-05-08
Chapter: KABANATA 317 Isang tawag lang naman---hindi mahirap gawin. Wala namang mawawala sa kanya kung tatawagan niya ang lalaki. Tumulong na din naman siya, lulubus-lubusin na niya.Naiwan raw ni Janet ang telepono niya kanina dahil sa pagmamadali. Naiintindihan niya iyon. Sa oras ng emergency, napakaraming mga bagay ang nakakalimutan. Wala ring binigay na paliwanag si Janet sa nangyari sa anak kaya hindi na rin nagtanong pa si Drake. Tinawagan na niya si Mateo.**Sa mga sandaling iyon, nasa ospital sina Mateo at Natalie para bisitahin si Antonio. Maaga pa lang ay ipinatawag na sila nito para paalalahan na kailangan silang makausap nito. Naroon din si Ben, nasa gilid ito ng kama ng matanda. May hawak itong kalendaryo na tinitingnan ni Antonio. Abalang-abala ang dalawa nang pumasok sina Mateo sa loob ng silid.Nang makita ang dalawa, agad na nagliwanag ang mukha ng matandang lalaki. “Ah, tamang-tama ang dating ninyo,” itinaas nito ang hawak na kalendaryo. “Tinitingnan ko na ang mga petsa. Actually, kami n
Last Updated: 2025-05-08
Chapter: KABANATA 316 “Saan niyo ako dadalhin?!”Muling binalik ang duct tape sa bibig niya para hindi na siya magtangkang sumigaw pa. Pakiramdam ni Irene, bawat bahagi ng katawan niya ay masakit. Nahihirapan siyang huminga at hindi siya makapag-isip ng maayos dahil sa pinaghalong takot at kirot.Nag-aapoy ang kanyang lalamunan, pero kahit anong pilit niya, walang boses na lumalabas sa kanya. Pinipiga ng tape ang kanyang paghinga. Wala na rin siyang ideya kung gaano katagal na silang bumabyahe.Ang dilim sa labas ng bintana ng van ay tila walang katapusan, at tanging ang papalit-palit na liwanag ng mga street lights lang ang nakikita niya.Lumakas lalo ang kabog ng dibdib ni Irene.Hindi pwedeng dito na lang matapos ang buhay niya. Kahit hindi sinabi ng dalawang lalaki, alam niyang hawak nila ang buhay niya at pwedeng magbago ang isip nila at imbis na pakawalan siya, baka patayin na lang siya. Kailangan niyang mag-isip at makahanap ng paraan para mabuhay.Hindi pa siya nakakabuo ng maayos na plano, tumigil
Last Updated: 2025-05-08
Chapter: KABANATA 315 Sa loob ng dalawang segundo, ang dalawang lalaki ay tuluyang natahimik. Ang hangin sa loob ng madilim na warehouse ay bumigat at napuno ng pagkagulat dahil sa sinabi niya.“Imposible!” Tumayo ang payat na lalaki, matalim at matigas ang boses. Naniningkit din ang mga mata, puno ng galit at pagdududa.“Nagsasabi ako ng totoo!” Mabilis na naghanap ng paliwanag si Irene, halos maputulan na siya ng hininga sa sobrang pag-aalala. Alam niya ang bigat ng sitwasyon---ang bawat segundong nawawala sa kanya ay katumbas ng buhay niya. “H-hawak niyo na ako…bakit pa ako magsisinungaling? Mga kuya…saan niyo ba kasi nakuha ang balitang buntis ako?”“Hah.” Malahalimaw ng ngiti ng payat na lalaki, puno ng panunuya. “Hindi mo alam? Hindi ba’t ikaw mismo ang nagsabi kay Mateo na buntis ka?”Nanlamig ang buong katawan ni Irene.Parang tinirintas ang kanyang sikmura sa kaba. Parang isang malakas na sampal ang tumama sa kanyang mukha. Malinaw na may nagbabantay kay Mateo at nalaman nito na buntis siya.Sa or
Last Updated: 2025-05-07
Chapter: KABANATA 314 Hindi na inabala ni Rigor ang sarili sa pakikinig ng mga posibleng rason kung bakit wala roon si Irene. Para sa kanya, malinaw na paglabag na ito ng utos niya at malinaw na ayaw ng anak na magbahagi ng atay para dugtungan ang buhay niya. Ubos na ang kanyang pasensya at halos sumabog na ang ugat nito sa noo sa galit.“Nagpalaki talaga ako ng isang walang utang na loob na anak! Kasalanan mo ‘to, eh. Pinalaki mong spoiled ang anak mo, kaya ayan! Hindi na mahingan ng pabor! Ikaw din ang nagbigay ng sungay sa magaling mong anak, Janet!”Nataranta si Janet at mabilis na hinawakan sa manggas ang asawa para pigilan ito, alam niyang lalayasan siya nito at kapag nakita nito si Irene, malilintikan ang anak. “Huwag kang mag-isip ng ganyan sa anak mo, Rigor. Pumayag naman siya. Hindi ba? Maayos nga siyang sumama dito. Sigurado akong may paliwanag ito---”“Oo, may paliwanag talaga. Pinlano niyo ito. Ikaw ang may pakana nito. Pinapunta mo pa dito ang magaling mong anak pero patatakasin mo naman pala
Last Updated: 2025-05-07
Chapter: KABANATA 313Naroon pa rin ang tensyon at nakakapanindig-balahibong atmospera sa mga Natividad kahit na ilang araw na ang lumipas. Sabay pa rin silang kumakain gaya ng nakasanayan, pero may lamat na ang kanilang samahan. Ang dating matibay na pundasyon na pinagtibay ng masasamang plano ay unti-unti nang nawawasak.Ang tanging maririnig ay ang kalansing ng mga kubyertos sa porselanang pinggan. Ininom ni Rigor ang baso ng apple juice at tsaka pinunasan ang bibig gamit ang isang table napkin.Ibinagsak niya ang baso ng ubod ng lakas sa mesa na ikinabigla ng mga kasama niya sa hapunan. Pagkatapos, ang mata niya ay napako kay Irene.“Irene, pumunta ka sa ospital. Alas-tres ang appointment mo at huwag na huwag mong isipin na hindi pumunta o ma-late.”Nanginig ang mga kamay ni Irene pero hinigpitan niya lalo ang hawak sa mga kubyertos. Sinubukan niyang ibuka ang bibig pero wala ng lumabas na mga salita.Si Janet, na tahimik lang na nakikinig noong una ay hindi na nakatiis at sumigit habang marahang hinaw
Last Updated: 2025-05-07