author-banner
Epiphanywife
Epiphanywife
Author

Novels by Epiphanywife

CEO's Missing Heir  ( Diary of a Prostitute)

CEO's Missing Heir ( Diary of a Prostitute)

Hindi matatanggap ni Tyler ang biglaang pagkamatay ng kapatid niya habang nasa malayo siya. Ang guilt at bigat ng kaooban dahil sa isang pagkakamali sa kapatid ay labisc na nangpahirap pa sa kanya. Ngunit ang labig na nangpabigat ng saloobin ni Tyelr ay ang huling kahilingan ng kapatid bago ito lagutan ng hininga. Peo halos hindi makapaniwala si Tyler na ang ipapakiusap ng kapatid ay ang pakasalan niya at alagaan ang babaeng kalaguyo nito.Paano matatanggap ni Tyler na ang nais ng kapatid niyang pakasalan niyaay bukod sa kabit na nito ay babaeng bayaran pa. Pero ang kasalanan sa kapatid na halos naging bangongot sa gabi gabi ni Tyler ang nangtulak sa kanya para mangako sa kapatid. Ipinahanap ni Tyler ang baba para offeran ng malaking halaga upang pakasalan pero hihiwalan din matapos lamang ang isang taon ngunit sa kanyang pagiimbestiga ay nalaman ni Tyler na ang lahat ng ari- arian ni Theo ay isinalin nito sa babaeng iyon.kaya pinagisipan ng hindi maganda ni Tyler ang babae at pinagbintangan na may kinalaman sa pagpapakamatay ng kapatid niya. Samantala... Si Erika ay naman handang gawin ang lahat mabuhay lamang si "Dos" lahat ay gagawin niya kahit pa ang ibenta ang kaluluwa.Tahimik na silang namumuhay mag ina.Isang beses man silang kumain sa isang araw ay ayos lang basta ang mahalaga ay magkasama sila at walang sakit. Pero hindi akalain ni Erika na guguho ang mundo niya isang araw ng sumulpot ang isang lalaki at nagpakilalang kapatid ng ama ng kanyang anak. Kung balak nitong kunin ang anak niya ay maghahalo ang balat sa tinalupan. Hindi siya papayag na ilayo sa kanya si "Dos"
Read
Chapter: Chapter 137 ( Finale)
Samantala... Nagulat naman si Erika na kasalan pala ang dadaluhan niya. Puti siguro ang motif sabi pa niya. Pero nagulat si Erika ng huminto sila sa tapat ng arko saka siya biglang sinuutan ng Belo ng isang babaeng pulis at inabutan ng sariwang bulaklak sa kamay. Magsasalita sana si Erika ng tumabi sa kanya sa magkabilang side sina Almira at Phillip na siyang umakay sa kanya sa paglakad.Walang pamilya si Erika kaya ang magasawang Del Valle ang tumayong partidos nito. Unang hakbang pa lamang pagpasok sa arkko ay tumulo na ang luha ni Erika. Naroon kase at namumutla ang lalaking pinakakaibig niya.Gusto niya iyong takbuhin at yakapin at humingi ng tawad dahil naisip niyang iwan ang lahat at sabihin ditong nagbago ang kanyang pasya ng gabing bago ang operasyun.Tumingin si Erika sa bahaging kaliwa at nakita doon ang magasawan malapad ang ngiti. Kinindatan lang siya ni Don Timotheo, marahil sa oras na iyon ay alam na nito na nabasa na niya ang mga nasa folder. Muling umagos ang luha ni
Last Updated: 2025-01-24
Chapter: Chapter 136
Naisip nga niya noon na lumayo dahil sa mga agam agam.bPero ng makarga niya si Tres at makita ulit ang mga ngiti ni Dos na sabik sa ama, at ang mga halik ni Tyler sa shower ng hapon iyon. Naisip ni Erika na hindi niya kayang mawalay sa mga ito. Hahayaan niya si Tyler ang magdesisyun. Total naman ang pagkatao ni Erika ay para kay Dos at Tyler lang naman at may Tres pa ngayon. Binago niya ang mundo para hindi na muling lingunin pa" lalong naiyak si Erika.Hindi niya masisisi ang matanda. Lalo tuloy siyang pagdududahan nito at lalo siyang hindi matatanggap ng pamilya ni Tyler. Kapag dumating si Don Timotheo at puntahan siya ay kakausapin niya ito at hihingi na lamang siya ng tawad. kung ayaw nito sa kanya para kay Tyler ay mauunawaan niya pero kailangan siya ng mga anak niya. Kailangan ko ang mga anak ko" humahagolhol na sabi ni Erika.Samantala...kababalik lamang ng mag amang Timotheo at Vicente ng makatanggap ng tawag mula kay Tyler nalaman na nito na nawawala si Erika."Ikaw na ang
Last Updated: 2025-01-24
Chapter: Chapter 135
Napuno ng iyakan ang paligid pero mas nangibabaw ang maliligayang puso.Nasa silid na ang lahat at nakaraos na sa 12 hours ang mga bata kaya ligtas na ang mga ito.Nalilibang ang lahat habang nilalaro si Tres ng magpaalam si Erika para magbanyo.Lumabas si Erika ng VIP room at naghanap ng banyo. Saka lang niya naalala na may banyo nga pala sa silid VIP room ng nasa lobby na siya.Tuliro lang talaga siya, labis lamang talaga kase ang kaligayan niya.Nakailang beses siyang usal ng pasasalamat sa napakagandang balita. Masaya siya lalo na ng makitang niyang napakaligaya ni Tyler.Napakapalad niya sa ama ng kanyang mga anak. Para bang ang nangyari ngayong ay bawi sa lahat ng sugat at pighati niya sa loob ng halos anim na taon taon.Papasok na si Erika ng elevator ng makaramdam siya ng gutom. At alam niyang hindi pa rin kumakain si Tyler. Ayaw niya ng pagkain sa canteen kaya naalala niya ang All Day Mart na nasa tapat ng hospital.Pumasok si Erika sa elevator at pinindot ang down. Lingid kay E
Last Updated: 2025-01-23
Chapter: Chapter 134
"Babe, look at me please, i miss you.Erika, mabubuhay ako kahit walang anak , pwede tayong gumawa maraming anak pero ang babae sa buhay ko at magpapaligaya sa akin ay iisa lang Erika. At alam mong ikaw lang yun" sabi ni Tyler na hinalikan pa siya sa noo bago sa labi ulit pero saglit lang."Huwag mo sanag isipin na hindi ka na mahalaga ha, sabi nila ganun daw ang may post partum eh. Ikaw ang buhay ko Erika. Kaya tayo umabot sa dulo ng laban na ito dahil ikaw ang mindo ko" sabi ni Tyler."Alam mo bang nabihag mo ang puso ko ng gabi pa lang na iyon sa likod ng pintuan nyo, yung nahuli tayo ni Dos. Mula noon Erika hanggang ngayon ay palagi mong binubuhay ang puso ko.Patawarin mo ako Erika at kalimutan nating ang nakaraan at mamuhay tayong magkakasama at masaya ha pwede ba ha" sabi ni Tyler at muling hinalikan si Erika.Sa pagkakataong iyon ay naging marobrob at malalim ang halik.Naramdaman ni Erika ang ilang buwang pangungulila nito.Ipinaramdam sa kanya ni Tyler na kailangan siya nitong
Last Updated: 2025-01-23
Chapter: Chapter 133
Humagolhol na si Donya Viola ng maungkat ang nakaraan at napatayo bigla si Don Timotheo at niyakap ang asawang nahiwalay sa kanya ng mahigit pitong taon.Matagal na nagyakap ang dating magasawa habang nakatunghay ang dalawa nilang anak."Itinama ko na ang mga mali ko Viola, ibinalik ko na ang mga bagay na para sa iyo lamang dapat. Si Enteng ay nasa apelyido ko na matagal na kaya kasama na siya sa aking last will" mahinanhogn sabi ni Don Timotheo."Ipinapakiusap ko lang na magmula ngayon ituring nyo na siyang kapamilya at hindi private imbestigator lang ha" Sabi ng Don."Enteng anak, lumipat ka na sa bahay na binili ko para sayo. Limang taon yun baka makakapal na ang mga damo at mag asawa ka na din pwede para hindi na ako magalala" bilin pa nito."Walang problema Dad, basta huwag lang akong tatawaging kuya ni Enteng" sabi ni Tyler."Bakit? eh matanda ka ng apat na taon sa akin Kuya?" Sabi ni Enteng."Hoy Vicente dagugan kita dyan. Nakakailang at nakakakilabot eh. Basta Tyler na lang 35
Last Updated: 2025-01-23
Chapter: Chapter 132
Si Dos na unti-unti ng naging masigla lalo na nang si nurse meow na ulit ang bantay. Si Tres naman ay araw araw gumaganda ang kulay at nagkakalaman."Talaga nurse meow pogi ang kapatid ko, parang ako din?" Tanong ni Dos isang hapon na hinihilamusan ito ni Gwen. Bagamat may suot na itong bonnet at maputla nanatili ang maningning na mga mata ni Dos na ngayon lalong napagtanto ni Gwen na kahawig ng mata ng kanyang amo pati ang kulay ng mata nitong mala abuhin."Wait, biglang napaisip si Gwen.Bigla kase niyang naalala na abuhin di pala ang mata ni Enteng yun nga lang hindi biluhan ang mata nito. Hindi naman masyadong singkit pero papunta na roon."Wow yun amo niya at ung crush niyang oppa parehas gray ang mata so ironic" sabi oa ni Gwen."Nurse meow ang layo na ng nilipad ng isip. Nagpunta na ng Mars Mahal ka nun peksman" sabi ni Dos na kinalabit ang nurse na tila nananaginip ng gising."Talaga ba? Jin jia?" Tanong ni Gwen na ginagaya ang drama sa korea."Ne.....sashi!." sagot naman ng bi
Last Updated: 2025-01-23
Refuse To Divorce: In The Arms Of  Ruthless Billionaire

Refuse To Divorce: In The Arms Of Ruthless Billionaire

Eto ay isang kuwento ng babaeng naipakasal sa isang bilyonaryong may edad sa pamamagitan ng shot gun wedding na kagagawan ng kanyang gusapang ama. Ngunit ang babae ay may lihim naman paghanga sa lalaki noon pa man kung kaya naman hindi siya komontra at na excite pa nga itong mmaging asawa ng Bilyonaryo. Ngunit ang kaligayahan sa piniling kapalaran ay hanggang panaginip na lamang pala dahil kailan man ay hindi siya trinayong asawa ng lalaki. Ngunit a kabila ng lahat ng hirap ng katawan at kalooban sa pagsasama at sa klase ng trato sa kanya ng lalaki ay minahal pa rin at sinamba ni Yuna ang asawang si Felix Altamirano. Pero umabot na sa sukdulan ang lahat dahil sa isang mas masakit na katotohanang sumampal sa ilusyon ni Yuna. Wala palang pagasa, nagiilusyun lamang pala siya.
Read
Chapter: Chapter 595 : Ano Ang Ibig Sabihin Ng Halik
"Ang ibig bang sabihin nito ay, nagsasama na kayong muli ni Miss Yuna?" Natawa ng sarkastiko si Frlix."Aba syempre, ito ay bahay ng asawa ko at bahay ko na rin at para maayos ang usapan natin dito, Mister Robert, maigi pang umalis ka na at bumalik ka na. Salamat sa paghahatid mo sa asawa ko," sabi ni Felix na ipinagtabuyan na si Robert palabas. Ang kanyang tono ay medyo hindi na magalang at tila wala ng pagtitimpi.Bakas naman sa kahihiyan ang mukha ni Robert nang ito ay tumayo at lumabas sa pintuan ng may mabalasik na mukha.Pagkasarang-pagkasara ng pinto, nanlamig ang mukha ni Felix at tinitigan ang mahihimbing na si Yuna.Lumapit si Felix sa tabi ni Yuna at ginaya ang nakaluhod na posisyun ni Robert kanina.Galit soya kay Yuna pero ikababaliw talaga niya kapag hawalan ito ng iba.Si Yuna ay mahimbing, wala siyang ideya sa nagaganap, lasing at nahihilo. Inikot niya ang kanyang ulo, yumakap sa kanyang mga bisig, at nakahanap ng komportableng posisyon para matulog.Malamig na tinitiga
Last Updated: 2025-09-04
Chapter: Chapter 594 : Para Siyang Mababaliw
Inilabas ni Felix ang kanyang telepono at nakita niyang video message iyon. Ang naka thumbnail na larawan ay si Yuna na inaalalayan ng isang lalaki. Namula ang mukha ni Felix at agad nagtagis ang mga bagang at nang i-click niya ang video ay agad nga niyang nakita si Yuna na nakayakap sa mga bisig ng isang lalaki na namukhaan niyang si Robert at tila tinutulungan itong pumasok sa kotse. Lalong dumilim ang mukha ni Felix.Lumapit sa kanya si Marlon at sinabi, "Sir, sinabi ng tindahan ng lugaw na wala na raw silang arroz caldo ngayong gabi, kung gusto mo ay meron daw silang sinabawang seafoods."Si Felix na nakasuot ng dark pattern na kurbata ay nakaupo sa kotse at walang ekspresyon ang kanyang maamong mukha. "Hindi na, wag ka nang bumili ng kahit ano, bumalik na tayo agad, bilisan mo," natigilan naman si Marlon."Teka, sir, di ba ang sabi mo ay bibili ka ng midnight snack para sa misis mo?" tanong nito.Sinabi ni Felix na, "Hindi na, bumalik na tayo," malamig ang boses ni Felix. Narar
Last Updated: 2025-09-04
Chapter: Chapter 593 : Ang May Masamang Budhi
Narinig ni Melisa na nagkaroon ng kuro kuro ang mga tao. Sumulyap si Melisa kay Yuna bago nagpatuloy."Napakaswerte namin kung tutuusin na ngayon at natuklasan namin ang tunay mong kulay pati na rin ang pangit mong pagkatao bago pa man kayo ikasal ng kapatid ko. Kung hindi, baka kinakaladkad mo na rin kami sa kahihiyan at kamatayan dahil sa isang masamang babaeng tulad mo. Inaasahan mo ba talaga na ang isang sinungaling na babaeng tulad mo ay matatanggap ng pamilya namin?"Napahagulhol si Rowena. Sukol siya ng mga sandaling iyon. Hindi inaasahan ni Rowena na kapopootan siya ni Melissa ng ganito na lamang katindi at talagang pinahiya siya sa harap ng maraming tao. Tumingin naman siya kay Robert na nananahimik. Sa isang sulok ng oras na iyon, namumula na ang kanyang mga mata sa matinding pag-iyak."Robert, ano ang sinasabi mo noon ng ligawan mo ako? Hindi ba't sinabi mo na ako ay ipinanganak para maging reyna ng buhay mo at ako lamang ang babaeng makakapagpaligaya sa iyo? Bakit ngayon
Last Updated: 2025-09-04
Chapter: Chapter 592: Ikaw Ang Gumawa Ng Iyong Kapalaran
"Nang gabing iyon, dadalo si Yuna sa isang pagdiriwang ng selebrasyon sa kumpanya nina Robert. Simple lang ang kanyang suot, isang light blue na bestida na bahagyang lampas sa kanyang tuhod. Nilagyan niya ito ng sinturon sa baywang na pinalamutian ng mga brilyante at kristal. Ang kanyang mahabang kulot na buhok ay sinadya niyang kulutin para sa gabing iyon at inilugay sa kanyang makitid na balikat. Habang nasa harap ng salamin, pinagmasdan ni Yuna ang kanyang sarili. Mukha siyang elegante sa kanyang kasuotan, parang isang diwata sa ilalim ng maliwanag na buwan. Pagpasok niya sa hall, nakita niyang maraming tao. Puno na ng tao ang okasyon nang sandaling iyon. Nang makita siyang pumasok sa loob ng hall, ang ilan ay napalingon, at makikita sa kanilang mga mata ang paghanga. Ang ilan naman ay ngumiti at binati si Yuna. Isang simpleng ngiti ang isinagot ni Yuna sa kanila. Sa isang sulok naman ay nakaupo sina Melissa at Robert. Marahil sila ang mga pangunahing panauhin. Binati ni Yuna an
Last Updated: 2025-09-04
Chapter: Chapter 591: Ang Buenas Na Halik Sa Umaga
Bahagyang nagulat si Felix nang marinig niya ang sumbat na iyon ni Yuna.Sumandal siya sa upuan para titigan ang asawa. Malalim siyang bumuntong-hininga sa kaseryosong sinabi,"Ang lahat ng ginawa mong 'yun noon ay nakatanim sa puso ko. 'Yun ang dahilan kung bakit minahal kita sa kabila ng sitwasyong ito. Dahil kung hindi, bakit hindi ko kayang pakawalan ka ngayon at hindi ko kayang masayang ang lahat ng 'yan?" malat na sabi ni Felix.Nanikip ang dibdib ni Yuna. Hindi dahil sa sama ng loob pero dahil parang nagkaroon ng maraming mga paru-paro ang kanyang sikmura.Nanginig ang kanyang labi maging ang kanyang mga pilik-mata. Inaamin niya, iba ang dating sa kanya ng seryosong salitang iyon ni Felix. Dahil doon bigla siyang nagkaroon ng lakas ng loob na labanan ng titigan si Felix sa kanyang mga mata.Naghihinala kasi siya sa kaseryosohan ng mga salitang iyon at ayaw niyang madala at ayaw niyang magpakatanga ulit."Umalis ka na nga," sabi na lang ni Yuna."Bakit? Nahihiya ka ba?" Tumawa s
Last Updated: 2025-08-30
Chapter: Chapter 590 : Ang Masakit Na Sumbat
Noong mga nakaraan sa loob ng kulungan, palagi binu-bully si Yuna sa loob. Pagkatapos isang araw, dalawang babae ang dumating sa bilangguan. Hindi sila lumalapit sa kanya, ngunit sa tuwing siya ay nasa panganib, ang dalawang babae ay nagmamadaling lumabas upang iligtas siya, at pagkatapos ay mawawala pagkatapos siyang iligtas. Naisip ni Yuna na si Patrick ang nagpapasok ng mga tao, dahil alam niyang nagdurusa ito doon.Tumawa si Felix pagkatapos marinig ang lahat. Hindi siya makapaniwalang ang mga taong pinadala niya ay naging kredito ni Patrick nang hindi sinasadya?Hindi kataka-takang umasa nga siya kay Patrick pagkatapos makalabas ni Yuna sa kulungan..Nakuyom ni Felix ang kamo ngunit hindi na kumibo pa.Pagkatapos ng hapunan, bumalik si Yuna sa kanyang silid upang gumuhit.Naghugas si Felix ng isang bowl ng strawberry at dinala ito sa silid ni Yuna at inilagay sa tabi niya.Sumulyap si Yuna sa kanya, pagkatapos ay tumingala sa kanya. "Hindi ka pa ba uuwi?"Ang kanyang mga salita
Last Updated: 2025-08-30
The Elusive Billionaire Has Fallen

The Elusive Billionaire Has Fallen

Sa mundong pakiramdam niya ay unfair sa kanya,gagawin ni Anika ang lahat para lamang matulungang maipagamot ang nagiisang kapatid na nakaratay sa karamdaman.Bilang nakakatanda at tanging pagasa nilang magiina,nakahanda si Anika kahit ibenta ang kaluluwa makalikom lamang ng sapat na pera para sa hospital. At ang minsang desisyun na iyon ang magdudulot pala ng habang buhay na pighati at kaguluhan sa kanyang isipan at lalong lalo na sa kanyang puso. Dahil ang isang gabing katumbas ng halagang pang hospital ng kanyang kapatid ay hindi pa pala sasapat. At ang pinakamahirap sa sitwasyun ni Anika ay ang katotohanang kinakailangan na naman niyang harapin ang bangongot ng gabing iyon dahil ang tanging ang lalaking nakasama niya noong gabing iyon ang may hawak ng tanging solusyun sa sakit ng kapatid.
Read
Chapter: Chapter 140: Pag Minamalas Nga Naman
"Ikaw ba yan talaga," mabilis na dagdag ni Anika sa pagkadismayang makita doon ang binata. "Ang swerte ko naman talaga, bakit ngayon pa!"Tiningnan ni Lyndon ang mukha ni Anika at nakita niyang lasing na lasing ito. "Bakit ka nandito? Sino'ng kasama mo?""Ah yung katrabaho ko."Naisip ni Lyndon ang payatot na pangangatawan ni Dennis. Tiyak na masaya ito, pumunta siya sa ganitong lugar kasama ang isang lalaking katrabaho. Maraming tao ang nakatayo sa likuran ni Lyndon at lahat ng mga mata ng mga ito ay nakatuon kay Anika. umiikot ang paningin ni Anika, Si Lyndon ay ang klase ng lalaking pinupuri ng mga tao saan man ito magpunta, at ang isang babaeng tulad ni Anika ay isang libangan lamang sa paningin ng iba. Umatras si Anika."Pasensya na, maiwan na kita, may mahalaga pa akong gagawin." Paalalam niya.Nakita ni Lyndon na sinasadya nitong nilalayo ang sarili. Ang babaeng ito, ngayon ay halos wala ng ganang magpanggap na masaya na makita siya hindi katulad ng dati. Umalis si Lyndon n
Last Updated: 2025-09-04
Chapter: Chapter 139: Naroon Pa rin ang Pangamba
"Ah, si Mr. Xander ba pumupunta pa ba siya sa club nitong mga huling araw na wala ako?" alanganang tanong ni Anika."Hindi, Hindi pa," sabi ni Sonia. "Sabi ni Madam, kahit daw magpunta siya, halimbawa, isang araw magpunta nga, sasabihin niya raw ako at saka itatago niya raw ako," kuwento ni Sonia.Kahit papaano nakahinga ng maluwag si Anika pero nagtaka...Sa tingin ni Anika, makabubuti iyon. "Mabuti naman kung ganoon." Sabi niya.Natatakot kasi siya na baka gumawa pa ulit ito ng gulo at idamay si Sonia ng tuluyan. Pero ngayon na sinabi ni Sonia na hindi naman pala ito nadadalaw sa club nitong mga nagdaang araw, kumapma ai Anika. Marahil ay nakalimutan na nito ang tungkol sa kanila."Hayaan mo na iyon. Huwag mo nang masyadong isipin. Basta ang sabi naman ni Madam ay poprotektahan naman ako kahit papaano" tumango tango na lamang si Anika."Alam mo ba, nung isang araw, medyo naging clumsy ako at nabasag ko ang vase ng isang customer?"Napataas ang kilay ni Anika. "Vase? Anong vase?""
Last Updated: 2025-06-10
Chapter: Chapter 138: Hindi Mapakali Si Lyndon
Marahan siyang lumapit, at dumapo ang kanyang mga daliri sa bulsa ng amerikana ni Lyndon, at maingat niyang hinanap ang bulsa ng amerikana ni Lyndon. Ngunit iniwas ito ni Lyndon Maingat na tumingin si Anika sa mukha ng binata, "Saglit lang, kukunin ko lang!""Eh di kunin mo, kung makukuha mo?"Ipinasok ni Anika ang kanyang kamay sa bulsa nMalaki ang kanyang amerikana, at malambot ang tela. Parang dumapo ang kanyang mga daliri sa malambot na koton.Ngunit agad na inilipat ni Lyndon ang telepono sa bulsa ng kanyang pantalon pagkatapos ay hinuli ang kamay ni Anika at kusang ipinasok ni Lyndon sa kanyang bulsa. Mamahalin ang kanyang pantalon at madulas ang tela malalim din ang bulsa na halos aabutin tiyak ng kamay ni Anika ang bukol doon. Tahimik niyang inilagay ang kamay sa isang partikular na lugar, at hindi nag-react si Anika at doon lalong naiinis si Lyndon."Anong ginagawa niya? Bakit ganito na siya?" Bulong ni Lyndon. Nasasaktan ang kanyang puso na parang balewala na siya kay Anika
Last Updated: 2025-06-10
Chapter: Chapter 137: Akala Ay Balewala
Mabilis na itinago ni Anika ang kanyang telepono sa kanyang bulsa at nagpanggap na hindi niya ito nakita.Hindi maganda ang mga ilaw sa kalye sa lumang lugar nila, at karaniwang hindi ito naayos sa oras kapag nasira ito. Halos pabalik na sa kanyang bahay si Anika sa gitna ng dilim.Tahimik ang paligid, at itinutok niya ang kanyang mga tainga, nakikinig sa tunog ng posibleng panganib. Mahina ito, pero mahirap balewalain.Tiningnan ni Anika ang direksyon ng tunog at nakita niya ang isang kotse na nakatago sa tabi ng isang berdeng halaman na mas mataas kaysa sa kalahati ng taas ng isang tao. Dahil nasira ang ilaw sa sulok, mahirap itong makita kung hindi ka maingat na magmasid.Pero buhay ang makina ng kotse. Kinusot ni Anika ang kanyang mga mata. Ang plaka ng kotse alam niya iyon!Tumalikod siya na parang walang nangyari, at pagkatapos ay kalmado at mahinahong naglakad papasok sa gusaling apartment.Bumibilis ang tibok ng puso ni Anika, at parang narinig niya ang pagsara ng pinto ng k
Last Updated: 2025-06-02
Chapter: Chapter 136: Walang Pusong Babae
Nakauwi si Anika nang maaga, bumili siya ng isda at karne, at nagluto ng malaking handa para sa pamilya niya.Noong gabing iyon, natulog siya bago mag-alas-nuwebe, at hindi nagising buong magdamag. Matagal na rin siyang hindi nakaramdam ng ganito ka-komportable pagtulog.Kinabukasan, halos ma-late na si Anika sa paggising at na-ipit niya ang buhok niya habang nagmamadaling bumaba. Naglakad siya nang sobrang bilis kaya hindi niya napansin ang isang kotse sa parking lot.Hanggang sa nagpatuloy ang tunog ng mga busina, lumingon si Anika at nakita niyang bumukas ang bintana ng likurang upuan ng kotse."Miss Anika"Medyo malako kaya hindi pa masilip ni Anika kung sino iyon kaya naglakad si Anika ng ilang hakbang at nakita niyang si Gwen pala iyon. Ibinigay nito sa kanya ang isang plastic bag"Para sa iyo ito."Kinuha ito ni Anika ang bag na hinagis sa kamay niya, binuksan ito at nakita niya ang ilang kahon ng gamot sa loob.Nandoon din si Lyndon sa loob ng sasakyan, ngunit nanananahimik l
Last Updated: 2025-04-30
Chapter: Chapter 135: Ang Pagkukunwari Ni Gwen
Nagbago ang mood ni Anika, ngunit kung para sa gamot, wala siyang magagawa at wala siyang katapatang magreklamo.Napakulot na lang ang sulok ng labi ni Anika."Ah okay sige" sagot na lang niya.Maari na siuyng gumalaw ng malaya at magplano.Hindi na niya kailangang magmakaawa kay Lyndon, o kaya kay Gwen.At sa madaling salita, makakapagisip na siya kung paano naman tatakasan si Lyndon.Kinaumagahan, sumikat ang araw at sumisilap sa mga siwang ngalaling dahon ng puno na nangsusulot ng isang pagasa. Inihatid ni Yaya susan si Gwen sakay ng wheelchair nito sa pintuan. Tinitingnan ng matanda ang mga patak ng dugo sa wheelchair, na natuyo na lamang doon. Pinakatitigan din niGwen ang patak ng dugo."Yaya, kilaal mo na kung sino ang babaeng nagpunta kay Lyndon noong nakaraang gabi?" tanong bigla ni Gwen."Nagdala ng isang pitsel ng tubig si Yaya Susan saka bumulong kay Gwen."Tinanong ko na ang tungkol sa babaeng iyon at ang sabi, ito daw ay isang hostes mula sa pangmayamang club na pinupin
Last Updated: 2025-04-08
Contract And Lies: Marrying The Cold Billionaire

Contract And Lies: Marrying The Cold Billionaire

Nakatakdang magpakasal si Derrek Lucero sa anak ng amiga ng kanyang ina. Naisagawa ang kasunduan bago pa man pumanaw ang ina niyang may taning ang buhay. Halos tatlong taon na namuhay si Derrek at nagpakasaya at iniwasan ang tungkol dito.Hindi siya nagkaroon ng pagkakataong makilala ang babae na kinamatayan na ng ina. Tanging si Attorney Luciano lamang ang nakakakilala. Hanggang isang araw ay nag asawa muli ang kanyang ama na walang ibsa kundi ang malanding sekretarya nito. Natuwa si Derrek ng sabihin ng ama na hindi na isasagawa ang kasal sa kaibigan ng kanyang ina pero ang sinabi ng ama na itutuloy pa rin ang kasal ngunit hindi sa babaeng itinakda ng kanyang ina kundi sa anak ng kanyang madrasta niya sa unang asawa nito na si Lilibeth. Nilukod ng poot ang puso ni Derrek dahil ang ama niya ay naging sunod sunuran na lamang sa bagong asawa. Samantala si Monigue naman ay halos nakalimutan na ang bagay na ibinulong sa kanya ng kanyang ina bago ito nalagutan ng hininga sa ICU. Dahil nangiisang anak ay pinasan ni Monique an responsabilidad.Hirap man sa araw araw, ang tangi niyang dasal na lamang ni Monique ay ang makaahon sa kahirapan kahit sa anu pa mang paraan.
Read
Chapter: Chapter 4
"H-Hello..." kabadong sagot ni Monique. Kapag talaga tawag mula sa ospital ang sinasagot niya, nangangatog pati ang buhok niya sa ulo."Miss Natividad, tumaas po ang lagnat ng mother mo at nagkainfection po. Pwede po ba kayong mangtungo ngayon sa ospital? Kakausapin daw po kayo ni Doc for another operation," sabi ng kausap."Po, operasyon na naman? Hindi ho ba naoperahan na ang nanay ko?""Yes po Miss Natividad, ang kaso po ay nagkaroon ng malalang infection si Mrs. Natividad. Si Doc na lang po ang makapagpapaliwanag sa inyo regarding the procedure na kailangan," sabi ng nurse."Okay po, salamat."Hindi na nag-aksaya ng panahon si Monique, nag-backride na ito sa jeep na pinupuno ni Lureng at sumama sa biyahe. Alam niyang sa sandaling ito ay aabutan pa niyang nakapila ang ama. Agad hinanap ni Monique ang ama pagdating sa terminal."Boss Dado, si Erpat asan?" tanong niya."Nasa likod, alam mo na!" anito. Napakamot sa noo si Monique. Ang "alam mo na" na sinasabi ni Boss Dado ay sugal. Ba
Last Updated: 2025-03-06
Chapter: Chapter 3
"Manang Tess, Isang lugaw nga ho at saka dalawang toge," sabi ni Monique, sabay sumalampak na ng upo sa lugawan na malapit sa pilahan ng jeep."Niknik, tanghalian na lugaw ka pa rin? Lugaw na naman pati ata hapunan mo lugaw na rin ah," puna ni Nelson, isa sa mga driver na naroon. Bata ito at halos hindi nalalayo sa kanyang edad."Oh, ano naman sayo ha? Nelson?" tugon ni Monique, bahagyang nakataas ang kilay."Baka gusto mo ng sopas, Oh meron pala ritong palabok si manang gusto mo ba? Libre na kita," alok ni Nelson."Naku Nik-Nik. Huwag na huwag mong matatanggap ang panlilibre na yan ni Nelson. Tiyak ko may kapalit na orasiyon yan naku mahojolo la," singit naman nung isang driver na medyo may edad na. At nagtawanan ang lahat."Bakit ano naman ang masama? Binata naman ako at dalaga naman siya," depensa ni Nelson."Naku tigil tigilan mo nga yang pangangarap mo ng gising Nelson. Yang pagkaganda gandang iyan ni Nik-Nik Eh sayo lang mapupunta. Mag aral ka munang mag toothbrush at saka magpa
Last Updated: 2025-03-06
Chapter: Chapter 2
"Please, Mom, lumaban ka please, laban Mommy. Huwag mo akong iiwan. I'm so sorry kung naging lagalag ako. Kung hindi ko sinunod ang hiling mo. If only I knew, Mommy, na lalala ka ng ganito, Mommy sana... sana ginawa ko na. Please mom, wake up... wake up. I promise... I promise to you I will do it. I will do it. Just please mommy, lumaban ka. Oh God! please help my mom, please help us." Pero matapos lang magdasal ng binata, isang nakakatakot na tunog, na ni sa panaginip ay ayaw niyang marinig, ang umalingawngaw sa katahimikan ng ospital."Tooot!! ! isang mahaba at nakakakilabot na tunog ang narinig ni Derrek kasabay ng pag-straight line ng guhit sa Cardio monitor ng kanyang ina. Nagkagulo ang mga naroon sa loob, ang isang doktor ay pinump ang dibdib ng mommy niya at ang dalawang nurse ay lumabas at nang magbalik ay dala na ang machine at inabot sa mga doktor."Charge to 150," sabi ng doktor."Ready," sagot ng nurse saka binigyan ng shock ang mommy niya sabay pinump ulit ng isang nurse
Last Updated: 2025-03-06
Chapter: Chapter 1
Nakatulog ng mahimbing si Derrek, pagod na pagod mula sa kanilang halos kamasutra-style na pagtatalik ng babaeng kasama niya. Matagal na niyang pinagpaliban ang buhay binata, ang pagiging malaya, dahil sa pagkakasakit ng kanyang ina.Simula nang ibulong ng kanyang ina ang kanyang hiling kay Derrek noong unang beses na dinala sa ospital, nagsimula na siyang maglakad-lakad, nagrebelde. Nakakausap pa ang ina noon. Nagtataka nga si Derrek kung bakit tatlong araw lang ang lumipas, hindi na niya ito makausap.Maraming test ang ginawa, paulit-ulit, halos hindi malaman ang sakit. Halos anim na buwan siyang nasa ospital bago nakumpirma na meningitis ang sakit ng ina, at malala na.Ang tunog ng teleponong patuloy na tumutunog ang nag-istorbo sa katahimikan ng isang hotel room sa Malate."Honey, honey, gising na. Ang phone mo, tumutunog nang tumutunog. Sagutin mo na," halos malata ang boses ng babae."Bahala na. Tulog na lang ako. Pagod na pagod ako," sagot ni Derrek. Pero patuloy pa rin ang p
Last Updated: 2025-03-06
Chapter: Prologue
"Ano pa ba ang gusto mo sa akin, Derrek? Hindi pa ba sapat ang lahat ng hirap ko? Kung saan-saan na ako nagtatago, halos nakayuko akong naglalakad, kulang na lang ay hindi na ako lumalabas para lang hindi nila ako makita," pigil ang damdaming sabi ni Monique.Ang muling pagkikita sa lalaking minahal niya ng sobra ay lalong nagpabigat ng kanyang loob at hinanakit sa tadhana na nagtakda ng lahat ng kanyang paghihirap. Kung pwede lang ibalik ang nakaraan, kung pwede lang na huwag na niyang mahalin ang lalaking nasa harap niya ngayon, kung pwede lang na kalimutan na ito at ang lahat ng alaala kahit sandali lang, pero hindi pa rin niya makalimutan."Saan pa ba ako tatakbo? Saan pang kagubatan o bundok magtatago ha, Derrek? Sabihin mo naman kasi, wala na atang lugar sa Pilipinas na hindi ko pa natakbuhan para lang lumayo sa'yo," tumaas na ang boses ni Monique lalo pa at wala lang kibo si Derrek na nakatitig lang sa kanya."Alam kong parang dumi lang ako sa pamilya mo, parang wala akong kwen
Last Updated: 2025-03-06
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status