HIS OBSESSIONIST LUST

HIS OBSESSIONIST LUST

last updateTerakhir Diperbarui : 2025-03-03
Oleh:  Mysterious_darkness3On going
Bahasa: Filipino
goodnovel18goodnovel
10
1 Peringkat. 1 Ulasan
28Bab
717Dibaca
Baca
Tambahkan

Share:  

Lapor
Ringkasan
Katalog
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi

Leioqe grew up in a room where she was confined by her parents, and the only solace she had was her mother, Nay Linda. Her family was once very wealthy, but suddenly their company collapsed. Just to save their company, the Leioqe family had to sell her. Leioqe was taken to an auction where billionaires were fighting over her, but Joaquin was fascinated by her when his gaze fell on her. Joaquin was determined to get her, and bid almost a billion pesos to win over his competitors.

Lihat lebih banyak

Bab 1

CHAPTER ONE

Nakakabinging katahimikan ang nakapalibot sa loob ng tinutuluyan kong silid. Yakap-yakap ang sariling mga tuhod, nakaupo sa katreng kahoy.

“Oh, Leioqe gising kana pala. Gising na pala ang maganda kong anak.” bungad ni mama pagpasok nito sa loob ng silid kung nasasaan ako. Bahid ang labis na ngiti sa kaniyang labi habang naglalakad papalapit sa aking kinarorooan may dala-dalang isang paper bag na hindi ko alam kung anong laman.

“Ang dugyot-dugyot ng itsura mo, nasisira ang 'yong kagandahan. Maligo ka roon at nang umayos ang iyong itsura.” Dumampi ang kamay ni mama sa aking pisnge pumadaosdus papunta sa aking buhok para suklayin gamit ang kaniyang mga daliri.

Nanatili akong tahimik. Ano nanaman kaya ang balak nitong gamit? Kakaiba ang ugali nito ngayon, maamo't tila mo'y ako ang pinakamamahal niyang anak, ngunit kabaliktaran ito ng totoong trato nito sa'kin, ng buong pamilya ko—pamilya ko nga ba sila?

Sila ang naging dahilan kung bakit naging miserable ang buhay ko. Kung bakit ako naririto ngayon. Ikinulong buong buhay ko sa madilim na k'wartong 'to, pinapakain na parang aso at tinatratong parang hayop. Hindi ko alam kung anong naging kasalanan ko kung bakit ako pinaparusahan ng ganito. Mahigit labing anim na taon na akong nakakulong sa silid na ito, pagkasilang ko palang ay naririto na ako kahit na ngayong labing anim na taong gulang na ako.

“Bilisan mo na Leioqe, bago ko pa hablutin 'yang buhok mo tungong banyo. 'Wag mong sagarin ang pasensiya ko, Leioqe.” nakakakilabot na saad ni mama, tinatago ang kaniyang tunay na ugali sa isang anghel na ngiti. “Ngayon mag kakaroon kana ng silbi sa pamilyang 'to. Mawawala kana rin sa pamamahay na'to. Mawawala kana rin sa aming lahat.” isang nakakalokong ngiti ang gumuhit sa kaniyang labi bago tumayo at naglakad palabas ng silid.

“Suotin mo ang damit na nasa paper bag, pagtapos mong maligo. Babalikan kita, dapat naka ayos kana kung ayaw mong may mangyaring masama sa'yo.” pahabol na segunda ni mama bago tuluyang sinara ang pinto. Muling bumalot ang kadiliman sa loob ng aking silid.

Nangangapang bumangon ako sa pagkakaupo, at marahang naglakad para buksan ang ilaw. Ayokong nilalabag ang mga utos ni mama dahil alam ko ang mga kaakibat na kahahantungan ko sa oras na pumalag ako mula rito. Kinuha ko ang paper bag na dala ni mama kanina't kinuha ang laman no'n. Isang pink dress, bra at panti, kasama ang magpares na sandald na itim. Para saan ang mga 'to?

Nagtataka man, nagtungo parin ako sa maliit na banyo ng silid na'to para maligo. Kinuskos ko ang buonf katawan para matanggal ang mga duming nakakapit sa aking balat gamit ang hinubad kong damit. Ilang minuto matapos maligo, tinuyo ko ang sariling katawan, sabay suot ng dress na dala ni mama.

Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng tuwa dahil ito ang unang beses na binigyan ako ni mama ng ganitong damit at sandals. Ito ang unang beses na nakatanggap at nakasuot ako ng ganitong uri ng pananamit, kaya hindi matanggal ang ngiti sa aking labi. Ano kayang dahilan bakit ako pinagsuot ni mama ng ganito?

Isasama ba nila ako sa labas at ipapakilala sa mga kasosiyo nito sa kumpanya na ako ang anak nila? Pero imposible, pero bakit ako nakasuot ng ganit? Baka na realize na nila anak nila ako? Pero bakit ang sabi ni mama'y mawawala na ako sa bahay na'to sa pamilyang 'to? Ano ang ibig sabihin no'n? Anong magiging silbi ko sa kanila?

Naudlot ang malalim na pag iisip ko nang bumukas muli ang pinto ng k'warto ko't bumungad doon si nanay Linda ang kasambahay sa bahay na'to, ang naging karamay at nagpalaki sa'kin.

“Nanay Linda! Tingnan niyo po ang ganda ng suot kong damit! Bigay po sa'kin ni mama 'to!” masayang salubong ko rito habang nakangiti. Ngunit pansin ko ang pananahimik nito.

“Umiiyak po ba kayo?” tanong ko saka ito niyakap. Mas lalo namang lumakas ang bawat hikbi ni nanay linda at niyakap ako pabalik. “Ano pong meron nanay linda? Bakit po kayo umiiyak?”

“Ma mi-miss kita, parang anak na rin ang turing ko sa'yo. Kung p'wede nga lang na kunin kita rito pero hindi ko kayang gawin ang bagay na 'yon. Ako ang malalagot sa mama mo.” sambit ni nanay linda na labis kong ipinagtaka.

“A-ano pong ibig niyong sabihin nay?” takang tanong kong nangungunot ang noo. Subalit hindi tumugon si nanay linda at muli lang akong niyakap ng mahigpit.

“Tara na, hinihintay kana nila sa sala.” paanyaya ni Nay Linda habang tinutuyo ang luhang nagmula sa kaniyang mga mata. Ang malungkot nitong mukha napalitan kaagad ng isang ngiti sa kaniyang labi, kaya napangiti na lang din ako.

Sumunod lang ako kay Nay Linda nang magsimula itong maglakad papalabas ng silid. T-teka, lalabas kami ng silid? Ito ang unang beses na makakalabas ako sa loob ng silid na ito.

Halos mamangha ako dahil sa ganda ng lugar habang nakasunod lang ako kay Nay linda paakyat ng bahay. Mayaman naman talaga sina mama't papa, nagpapatakbo ito ng napaka laking kumpanya sa buong mundo ayon kay Nay Linda sa'kin nung labing apat na taong gulang palang ako. Si Nay linda rin ang nagturo sa'kin magbasa at magsulat, o kahit na ang magbilang.

Nakakasilaw ang liwanag na nakapalibot sa amin. Nasa taas na kami kung saan ang tinutukoy ni Nay Lindang sala.

“Oh andito na pala ang anak ko. Salamat Linda sa pagsundo kay Leioqe. Maaari kanang makaalis.” saad ni mama na nakabakas ang ngiti sa kaniyang labi.

“P-pero, Nay Linda 'wag mo akong iwanan dito.” natatakot kong pinigilan si Nay Linda sa pag-alis nito sa aking tabi. Hawak-hawak ko ang braso nito. “S-sama ako sa'yo.” dagdag ko't nagmamakaawa sa kaniya. Hinarap naman ako ni Nay Linda at ngumiti na may pait sa kaniyang labi.

Hinawakan niya ang kamay kong nakahawak sa kaniya't tinaggal 'yon. “'wag kang mag alala, magiging maayos din ang lahat.” sambit ni Nay Linda at hinawakan ang pisnge ko. “Mauna na ako. Makakaya mo 'yan Leioqe ng wala ako.” huling saad ni Nay Linda bago naglakad paalis at iniwan akong nakatayo roon.

“Ano pa'ng hinihintay mo, Leioqe. Halika na rito't maupo ka sa aming tabi.” paanyaya ni mama, kaya kahit na naiilang naglakad parin ako papalapit sa kanila at naupo sa kanilang tabi. Nasa aking tabi si mama habang nasa kabilang upuan ang mga kapatid kong mataray na nakatingin sa aking gawi. Habang sa kabilang banda naman ng mga upuan naroroon ang mga hindi ko kilalang lalaki, tatlong lalaki. Pansin ko namang wala roon si papa.

“Siya na ba ang tinutukoy mo Leonda?” tanong ng isang may kaedarang lalaki kay mama.

“Siya nga, anong masasabi niyo?” nagkatinginan naman ang tatlong lalaki at nagbulungan. Bago humarap kay mama.

“Maganda ang anak mo't makinis pa ang balat. We'll take her, name her price now.” sambit nito, ngunit hindi ko naintindihan ang huli nitong mga sinabi. Ingles iyon kaya hindi ko maunawaan dahil lumaki akong walang alam.

“20 Million.” tugon ni mama sa lalaking nagtanong sa kaniya. “Hindi na kayo lugi sa anak kong 'to. Birhen pa ito't, labis niyong mapapakinabangan.” kinabahan ako dahil sa ibinigkas ni mama sa tatlong lalaking 'to?

Anong ibig sabihin nitong mapapakinabangan?

“Deal… Sign this contract and we'll send you the money right now.” isang papel naman ang nilabas nito sa dala-dalang itim na lagayan. Nakangiting inabot ito ni mama at pinirmahan ang papel bago muling ibinalik sa lalaking nakaupo sa aming gilid.

“Magpapakabait ka sa kanila ha. Sundin mo lahat ng utos nila gaya ng pagsunod mo sa lahat ng utos ko.” malambing na saad ni mama, bago sinuklay ang buhok ko gamit ang kaniyang daliri.

“A-ano pong ibig niyong sabihin ma?” naguguluhan kong tanong at sunod-sunod na napalunok.

“We will take her now, money sent to your bank account. We need to go.” sambit ng isang lalaki saka sabay-sabay na tumayo ang tatlong lalaking 'to. Sumunod namang tumayo si Mama, kaya pati ako'y napatayo na rin ng wala sa oras.

“Sumama kana sa kanila Leioqe.” utos ni mama kaya nanlaki ang mga mata ko.

“P-pero ma b-bakit? A-ayoko—”

“Sumama kana sa kanila Leioqe, 'wag kang matigas ang ulo. Sinasabi ko sa'yo, 'wag kang gagawa ng kahit na anong galaw na magpapahamak sa'min, kundi ito na ang magiging huling hininga mo.” pambabanta ni mama sa'kin sa mababang tono ng boses. Nagsitayuan naman ang mga balahibo ko't napatango-tango sa kaniyang sinabi.

“Ihatid kona kayo sa labas ng bahay.” sambit ni mama, saka kami naglakad kasunod ng tatlong lalaking 'to. Halos masilaw ako sa liwanag nang makarating kami sa pabas ng bahay. Napaka sarap sa pakiramdam malanghap ang sariwang simoy ng hangin. Habang manghang-mangha naman akong nililibot ang paningin sa kapaligiran. Tinatago ko lang ang labis na aking pagkamangha habang naglalakad kami.

Tumigil naman kami sa isang itim na wari ko'y ang tinutukot ni Nay Linda dati na sasakyan ang tawag. Isang bagay kung saan sinasakyan ng tao tungo sa malayong lugar. S-sakay ba kami diyan? I-ibig sabihin pupunta kami sa malayong lugar? Pero saan naman?

“Get in now, Leioqe.” saad ni mama na hindi ko naintindihan. Pansin naman ni mamang hindi ako gumalaw sa kaniyang sinabi. “Pumasok kana sa loob ng sasakyan.” utos nito sa wikang tagalog. Binuksan naman ng isang lalaki ang pinto kaya agad akong pumasok. Nangunot naman ang noo ko nang hindi pumasok sa loob si mama at sinara lang ang pinto ng sasakyan.

Sumunod namang pumasok sa loob ay ang isang lalaki, habang ang dalawa naman ay masa unahan ng sasakyan.

“M-mga kuya, saan po ba tayo pupunta? Bakit hindi kasama ang mama ko?” takang tanong ko nang biglang parang umalog ang sasakyan kaya napakapit naman ako sa kinauupuan ko.

“Hindi mo ba alam ija?” dumako ang tingin ko sa lalaking nakaupo sa aking tabi nang magsalita ito.

“Ang alin po?” halos mamangha ako nang bigla gumalaw ang sasakyan kaya napatingin ako sa maitim na bintana ng sasakyan. Naandar kami? Kaya labis na saya ang nabuo sa loob ko.

“Binenta kana ng mga magulang mo sa amin, kapalit ng labing dalawang milyong piso.” nawala ang pagkamangha sa aking loob at napalitan ng gulat, kasabay no'n ang pagtingin ko sa lalaking nasa aking tabihan.

“B-binenta? S-saan na po ako mapupunta?” natatakot na tanong ko kaya napayakap sa aking sarili. “Sasaktan niyo rin po ba ako, gaya ng ginawa nila sa'kin? Ikukulong niyo rin po ba ako sa isang silid na madilim at gagawing parang hayop?” tanong ko na puno ng takot ang boses.

“Hindi namin 'tong gagawin ija, pero hindi ko alam kung anong mangyayari sa'yo once na maibenta ka namin sa mga bilyonaryong dadalo sa auction kung saan, bibigyan ka nila ng mataas na presiyo para angkinin ka't maiuwi sa kani-kanilang tahanan. Sa madaling salita, binenta ka sa'min ng magulang ko, at ibebenta ka rin naman namin hanggang sa may umangkin sa'yo sa mataas ng presiyo.” paliwanag ng lalaking nakaupo sa aking tabihan.

“Ibig sabihin gagawin niyo akong paninda sa palengke?” mahina namang natawa ang lalaking 'to sa isinambit ko.

“Hindi ka namin ibebenta sa palengke ija, sa isang lugar ka namin ibebenta. Basta malalaman mo rin 'yon. ” sambit nito at umiling-iling.

“P-pero pa'no po kapag walang bumili sa'kin? Ano pong gagawin niyo?” takang tanong ko dahil baka patayin ako ng mga 'to kapag hindi ako nabili.

“Wag kang mag alala Ija, may bibili at bibili sa'yo sa auction. Sa ganda at kinis mong 'yan! Talagang paglalawayan ka ng mga lalaking bilyonaryong naroroon para maangkin ka. Pabigurado akong triple sa presiyo ng binyad ng mama mo ang kikitain namin sa'yo.” tugon nito kaya napatahimik ako. Ginawala lang pala akong paninda ng mga 'to. Saan na kaya ako nito pupulutin?

Pa'no kung may dahas pa kesa sa pamilya ko ang makakuha sa'kin? Pa'no na ako? W-wala na si Nay linda sa tabi ko. Sino pa ang mag aalaga sa'kin? W-wala na akong kakampi. Mahigpit na niyakap ko ang aking sariling katawan dahil sa nararamdaman. Napatingin nalang ako sa labas kasabay ng luhang kumawala sa aking mata.

Ito lang ba ang tingin nila sa'kin? Isang bagay na p'wede nilang ibenta kung kani-kanino? Natatakot ako. Gusto ko na lang makasama si Nay Linda at bumalik sa silid kung saan ako lumaki kung saan ako namulat.

Tampilkan Lebih Banyak
Bab Selanjutnya
Unduh

Bab terbaru

Bab Lainnya

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Komen

user avatar
Jenelyn Sechico Rivera
sana tapusin ang kwento miss A,, I add ko muna ito sa gallery
2025-05-05 14:49:18
0
28 Bab
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status