Contract And Lies: Marrying The Cold Billionaire

Contract And Lies: Marrying The Cold Billionaire

last updateLast Updated : 2025-03-06
By:  EpiphanywifeOngoing
Language: Filipino
goodnovel18goodnovel
10
2 ratings. 2 reviews
5Chapters
207views
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
SCAN CODE TO READ ON APP

Nakatakdang magpakasal si Derrek Lucero sa anak ng amiga ng kanyang ina. Naisagawa ang kasunduan bago pa man pumanaw ang ina niyang may taning ang buhay. Halos tatlong taon na namuhay si Derrek at nagpakasaya at iniwasan ang tungkol dito.Hindi siya nagkaroon ng pagkakataong makilala ang babae na kinamatayan na ng ina. Tanging si Attorney Luciano lamang ang nakakakilala. Hanggang isang araw ay nag asawa muli ang kanyang ama na walang ibsa kundi ang malanding sekretarya nito. Natuwa si Derrek ng sabihin ng ama na hindi na isasagawa ang kasal sa kaibigan ng kanyang ina pero ang sinabi ng ama na itutuloy pa rin ang kasal ngunit hindi sa babaeng itinakda ng kanyang ina kundi sa anak ng kanyang madrasta niya sa unang asawa nito na si Lilibeth. Nilukod ng poot ang puso ni Derrek dahil ang ama niya ay naging sunod sunuran na lamang sa bagong asawa. Samantala si Monigue naman ay halos nakalimutan na ang bagay na ibinulong sa kanya ng kanyang ina bago ito nalagutan ng hininga sa ICU. Dahil nangiisang anak ay pinasan ni Monique an responsabilidad.Hirap man sa araw araw, ang tangi niyang dasal na lamang ni Monique ay ang makaahon sa kahirapan kahit sa anu pa mang paraan.

View More

Chapter 1

Prologue

"Ano pa ba ang gusto mo sa akin, Derrek? Hindi pa ba sapat ang lahat ng hirap ko? Kung saan-saan na ako nagtatago, halos nakayuko akong naglalakad, kulang na lang ay hindi na ako lumalabas para lang hindi nila ako makita," pigil ang damdaming sabi ni Monique.

 

Ang muling pagkikita sa lalaking minahal niya ng sobra ay lalong nagpabigat ng kanyang loob at hinanakit sa tadhana na nagtakda ng lahat ng kanyang paghihirap. Kung pwede lang ibalik ang nakaraan, kung pwede lang na huwag na niyang mahalin ang lalaking nasa harap niya ngayon, kung pwede lang na kalimutan na ito at ang lahat ng alaala kahit sandali lang, pero hindi pa rin niya makalimutan.

 

"Saan pa ba ako tatakbo? Saan pang kagubatan o bundok magtatago ha, Derrek? Sabihin mo naman kasi, wala na atang lugar sa Pilipinas na hindi ko pa natakbuhan para lang lumayo sa'yo," tumaas na ang boses ni Monique lalo pa at wala lang kibo si Derrek na nakatitig lang sa kanya.

 

"Alam kong parang dumi lang ako sa pamilya mo, parang wala akong kwenta sa inyo kaya nga heto na oh, sinisikap kong mawala sa paningin n'yo sa buhay mo para hindi na ako maging malaking kahihiyan, para hindi ka na mapahiya at hindi ka na mainsulto kailanman," sabi ni Monique.

 

Pero nanatiling tahimik si Derrek. Pero laking gulat ni Monique ng bigla itong lumuhod sa harap niya saka hinubad ang kanyang t-shirt. Hindi makapaniwala si Monique sa nakikita. Bakit ganun siya? Bakit ginawa niya yun, Derrek? Para saan? Ano bang ibig sabihin ng lahat ng ito, Derrek?

 

Tumulo ang luha ni Monique sa nakita, Alam niya ang ibig sabihin ng nakikita niya at nalulunod na naman ang puso niya, umaasa na naman, nagiging tanga na naman. Haaaah! Tama na! Ayoko na..! Ayoko nang tanggapin ang ibig sabihin ng nakikita ko," sigaw ng isip ng dalaga. Pero ang sumunod na ginawa ni Derrek ay mas lalong nagpalambot ng puso ni Monique. Pinagbabayo ni Derrek ang sariling dibdib, ilang ulit nitong sinaktan ang sarili saka ito yumakap sa mga binti ni Monique.

 

"Love, Love... alam kong wala akong karapatan para humingi ng patawad mo, pero susubukan ko pa rin at paulit-ulit kung gagawin, hindi ako titigil at hindi mapapagod dahil gusto kong patawarin mo ako sa lahat ng sakit at paghihirap na naidulot ko," anito.

 

"Maniwala ka man o hindi, Monique, naririro ka simula pa lang, binauon kita dito. May mga bagay nga lang na hindi ko kontrolado, may mga bagay na wala akong lakas noon at pinagsisisihan kong hindi ko naipaglaban ang babaeng pinakamamahal ko. Patawarin mo ako, Monique, handa na ko ngayon, matapang na, pinatatag na ako ng pag-ibig ko sa'yo at ng mahabang pangungulila. Wala ng halaga sa akin ang sasabihin nila, ang mga banta nila. Ang gusto ko na lang ay makasama ka, Monique."

 

"Mommy, sino siya? Hoy! Mama ano ginagawa mo sa mommy ko? Kidnapper ka ba? Asan ang puting Van mo?" tanong ng batang nasa tatlong taong gulang sabay pinalo ng maliliit na kamay ang mga braso ni Derrek.

 

Nag angat ng tingin si Derrek ng marinig ang bata, at umagos ng parang gripo ang luha sa mga mata niya, nanikip ang dibdib ni Derrek sa sobrang saya dahil ang batang kaharap niya ngayon ay kamukhang kamukha niya.

 

"Monique? Ano bang ibig sabihin nito? Akala ko ba? Oh my God, all these years, you raise him alone? Napakalaki ba ng galit mo sa akin para ilayo mo pati ang anak ko, Monique?" may pagdaramdam na sabi ni Derrek.

 

Hindi naman nakasagot si Monique, buko na siya at hindi niya napigilan ang biglang pagsulpot ni Drew. Wala ng choice si Monique kundi harapin ang buhay at gulo na tatlong taon niyang tinakasan.

Expand
Next Chapter
Download

Latest chapter

More Chapters

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Comments

user avatar
Deigratiamimi
Must read 🫶
2025-03-22 20:25:31
0
user avatar
Mairisian
Highly recommended 🫶
2025-03-21 02:23:47
0
5 Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status