author-banner
authorj_
authorj_
Author

authorj_의 작품

Married By My CEO Enemy

Married By My CEO Enemy

Arielle never dreamed of walking down the aisle with a man she despised. Pero dahil sa matinding business feud between her family’s small company at ang empire ni Leandro Vergara, napilitan siyang pumasok sa isang contract marriage. Leandro Vergara, ang cold, arrogant, ruthless CEO na walang pakialam kung sino ang masaktan, basta siya ang panalo. Para sa kanya, Arielle is nothing but a pawn. Para kay Arielle, Leandro is the last man she’d ever love. Kaya sa mismong kasal pa lang nila, nagsimula na agad ang awayan, mga brutal banats sa pagitan nila at walang tigil na banggaan ng pride. Pero habang magkasama sila sa isang bubong, unti-unting nakikita ni Arielle ang mga bitak sa pader ni Leandro. At lalong nagiging komplikado nang bumalik sa buhay ni Arielle ang kanyang best friend na si Marcus, safe, steady, at matagal nang may lihim na pagmamahal sa kanya. Ngayon, kailangan niyang pumili: ang comfort ng is ang pagmamahal na matagal nang nandiyan, o ang mapusok na pag-ibig na unti-unting winawasak ang matigas niya puso para kay Leandro. Sa isang kasal na nagsimula sa pwersahan, possible bang matalo ang puso sa sariling laban nito?
읽기
Chapter: Chapter 49: Kapag May Piniling Isa
“Alam ko na, Arielle.”Napatigil siya sa gitna ng paghubad ng sapatos. Hindi niya kailangang lingunin si Marcus para maramdaman ang bigat sa boses nito. Mabigat. Tahimik. Mapanganib sa katahimikan nito.“A-ano ang alam mo?” pilit niyang tanong, kahit alam na niya ang sagot.“Huwag na,” sagot ni Marcus, tumayo mula sa sofa. Hawak niya ang telepono, nanginginig. “Huwag mo nang ipagkaila. Ayokong marinig sa bibig mo ang kasinungalingan.”Dahan-dahang lumapit si Arielle. “Marcus, hindi ganito—”“Inayakan ka niya,” putol niya, nangingilid ang luha. “Hinalikan. At hindi mo siya tinaboy.”Tahimik si Arielle. Isang segundo. Dalawa. Hanggang bumagsak ang balikat niya.“Hindi ko planado 'to,” mahina niyang sabi. “Sinubukan kong lumaban.”“Pero natalo ka,” sagot ni Marcus. “At ngayon, ako ang talo.”Tumulo ang luha ni Arielle. “Ayokong saktan ka.”“Pero nasaktan mo pa rin ako,” mahinang sabi nito. “Hindi dahil pinili mo siya—kundi dahil kahit ako ang kasama mo, siya pa rin ang hinahanap ng puso
최신 업데이트: 2025-12-09
Chapter: Kabanata 48: Sa Gitna ng Pagnanais at Pagsisisi
Hindi agad umatras si Arielle. Sa halip, ang kamay niyang nakatukod sa dibdib ni Leandro ay dahan-dahang napapikit, parang hinahanap ang tibok nito—parang gustong patunayan kung totoo pa rin ang nararamdaman niya, kung buhay pa rin ba ang bagay na pilit niyang pinapatay sa sarili niya. “Leandro…” mahina niyang bigkas, halos masira ang tinig. Parang iyon lang ang kailangan ni Leandro para tuluyang mawalan ng kontrol. Hinawakan niya ang mukha ni Arielle, parehong palad na nanginginig, parehong mata na nag-aapoy. Ang halik nila ay hindi na tanong—ito ay sagot. Sagot sa lahat ng sakit, kalituhan, at matagal nang itinangging pagnanasa. Mapusok, gutom, at puno ng emosyon ang bawat galaw. Para bang kapag huminto sila, babagsak silang pareho. Sa loob ng tahimik na suite, sa gitna ng gabi at galit na hindi pa rin nauubos, sila’y nagkatagpo—hindi bilang magkaaway, hindi rin bilang maayos na magkasintahan, kundi bilang dalawang taong sugatan na sa isa’t isa lang nakakakita ng lunas. Hindi
최신 업데이트: 2025-12-08
Chapter: Kabanata 47: Mapusok na Halik
“Anong ginagawa mo rito?”Malamig, mababa, at puno ng galit ang boses ni Leandro nang tumigil siya ilang hakbang lang ang layo kina Arielle at Marcus. Hawak ni Marcus ang siko ni Arielle, tila sinusubukang ilapit ito sa sarili niya, isang larawan na lalo lang nagpasiklab sa apoy sa dibdib ni Leandro.“Leandro—” nagulat si Arielle, agad humiwalay kahit hindi pa bumibitaw si Marcus.“Bitawan mo siya,” madiing utos ni Leandro, nakatuon ang tingin kay Marcus, parang handang sumuntok anumang oras.“Hindi mo na siya pagmamay-ari,” sagot ni Marcus, pilit pinatatatag ang boses kahit bakas ang tensyon. “Choice niya kung sino ang gusto niyang kasama.”Tumawa si Leandro, pero walang kahit anong saya roon. “Choice? Matapos ang lahat ng ginawa ko para sa kanya?”“After ng lahat ng ginawa mo para saktan siya,” balik ni Marcus.“Ayos lang,” singit ni Arielle, nanginginig ang tinig. “Please… huwag kayong mag-away dito, nakakahiya sa ibang tao."Ngunit lalong nagdilim ang mga mata ni Leandro. Napa-igt
최신 업데이트: 2025-12-08
Chapter: Kabanata 46: Mga Pagsulyap
“Handa ka na ba?” bulong ni Marcus habang nasa labas sila ng hotel ballroom, hawak ang malamig na kamay ni Arielle. Kita niya ang bahagyang panginginig nito. “Handa naman,” tipid na sagot ni Arielle, pilit na ngumiti kahit ramdam niya ang bigat ng tibok ng puso niya. Sa loob-loob niya, hindi handa ang damdamin niya, pero wala na itong atrasan. Nais niyang patunayan kay Leandro na kaya niyang kalimutan siya, na hindi lang siya ang may kaya na magmahal ng iba. Binuksan ni Marcus ang pinto, at agad silang sinalubong ng malalakas na ilaw at daan-daang matang nakatuon kay Arielle. Parang sabay-sabay huminto ang oras. Sa suot niyang emerald green gown na bumagay sa makinis niyang balat at kumikinang sa ilalim ng magagandang ilaw, tila ba siya ang reyna ng gabi. Ang mga bulungan ay agad kumalat. “God, Arielle… you look breathtaking,” bulong ni Marcus, bakas ang paghanga at pagmamay-ari sa tinig niya. Ngumiti lang si Arielle, marahang tumango. Ngunit lihim niyang inikot ang paningin sa
최신 업데이트: 2025-12-08
Chapter: Kabanata 45: Hindi Bibitawan
“Ayoko na, Marcus…” mahina ang tinig ni Arielle habang nakatanaw sa bintana, ang mga patak ng ulan ay tila kasabay ng bigat ng dibdib niya. Hawak niya ang malamig na tasa ng kape ngunit hindi niya ito nagagalaw. Parang wala nang lasa ang lahat, parang wala nang saysay, dahil ito ang pakiramdam ng mahalin ang isang Leandro Vergara na dapat sana ay kalaban niya lamang. Tahimik lang si Marcus, nakaupo sa sofa, ang mga mata ay nakatutok sa kanya. Kita sa mukha ang pag-aalala, at sa ilalim nito’y ang tagong pag-asa. “Kung si Leandro pa rin ang hinihintay mo,” malumanay niyang sabi, “masasaktan ka lang talaga, Arielle. Ilang beses ka na niyang pinaiyak. Hanggang kailan mo siya ipagtatanggol? Hanggang kailan mo isasantabi sa isipan mo na ginamit ka lang niya para makapaghigante sa pamilya mo?" Pinikit ni Arielle ang mga mata, pinipigilan ang luha. “Alam ko. Kaya nga siguro… ito na ang huli. Ang totoo, umaasa lang ako sa wala. Sa lahat ng ginawa niya, sa pamilya ko, sa akin, bakit hangga
최신 업데이트: 2025-09-30
Chapter: Kabanata 44: Masasaktan Ka Lang
“Mr. Vergara, everything’s set for your presentation later at the hotel.” Mahinang kumatok ang boses ng kanyang assistant mula sa pintuan ng opisina. “Leave it there.” maikli ngunit madiin ang sagot ni Leandro habang nakaupo sa swivel chair, nakatingin sa malayo, hawak ang ballpen na ilang ulit nang pinaikot-ikot sa kanyang daliri. Ilang segundong katahimikan, bago siya tuluyang napapikit. Sa wakas, pagkatapos ng lahat, galit, gulo, pag-aaway, sakit, parang unti-unti nang nagiging malinaw ang dapat niyang gawin. “Tama na…” bulong niya sa sarili, halos hindi marinig. “Tama na ang pagtakbo, tama na ang pagtatago. Kung talagang mahal ko siya… hindi ko siya hahayaang mabuhay sa kasinungalingan. Hindi ko siya hahayaang isipin na hindi siya mahalaga.” Mahigpit ang pagkakakuyom ng kanyang kamao. Ang mga alaala ni Arielle, bawat tawa nito, bawat galit, bawat luha, lahat ay bumabalik sa kanya, parang pelikulang paulit-ulit na ipinapakita sa isip niya. Ang sakit ng mga salitang binita
최신 업데이트: 2025-09-26
좋은 소설을 무료로 찾아 읽어보세요
GoodNovel 앱에서 수많은 인기 소설을 무료로 즐기세요! 마음에 드는 책을 다운로드하고, 언제 어디서나 편하게 읽을 수 있습니다
앱에서 책을 무료로 읽어보세요
앱에서 읽으려면 QR 코드를 스캔하세요.
DMCA.com Protection Status