LOGINArielle never dreamed of walking down the aisle with a man she despised. Pero dahil sa matinding business feud between her family’s small company at ang empire ni Leandro Vergara, napilitan siyang pumasok sa isang contract marriage. Leandro Vergara, ang cold, arrogant, ruthless CEO na walang pakialam kung sino ang masaktan, basta siya ang panalo. Para sa kanya, Arielle is nothing but a pawn. Para kay Arielle, Leandro is the last man she’d ever love. Kaya sa mismong kasal pa lang nila, nagsimula na agad ang awayan, mga brutal banats sa pagitan nila at walang tigil na banggaan ng pride. Pero habang magkasama sila sa isang bubong, unti-unting nakikita ni Arielle ang mga bitak sa pader ni Leandro. At lalong nagiging komplikado nang bumalik sa buhay ni Arielle ang kanyang best friend na si Marcus, safe, steady, at matagal nang may lihim na pagmamahal sa kanya. Ngayon, kailangan niyang pumili: ang comfort ng is ang pagmamahal na matagal nang nandiyan, o ang mapusok na pag-ibig na unti-unting winawasak ang matigas niya puso para kay Leandro. Sa isang kasal na nagsimula sa pwersahan, possible bang matalo ang puso sa sariling laban nito?
View MoreTahimik ang buong hapag. Ang kanin sa plato ko ay halos hindi ko malunok, habang si Papa ay nakatitig sa akin na para bang naghahanap ng tamang tiyempo para magbitiw ng isang bomba.
“Arielle,” basag niya sa katahimikan, “may kailangan tayong pag-usapan. Importante ito.” Napatingin ako sa kanya, agad kong naramdaman ang tensyon. Nasa tabi niya si Mama, mahigpit ang hawak sa baso, parang pinipigilang manginig. “Ano na naman ‘yon, Dad?” medyo iritado kong sagot. Hindi ko gusto ang mga ganitong eksena, lalo na kung business-related. Nagkatinginan muna sila bago naglabas ng malalim na buntong-hininga si Papa. “Napagdesisyunan na ng board. Ang tanging paraan para matapos ang gulo sa pagitan ng kumpanya natin at ng Vergara Empire… ay kasal.” Parang natigilan ang buong mundo ko. Nalaglag ang tinidor mula sa kamay ko at tumunog sa plato. “Wait. Ano?!” “Yes,” mahina pero mariing sabi ni Mama. “Ikaw at si Leandro Vergara.” Natawa ako, hindi yung tawa ng natutuwa, kundi yung tawa ng hindi makapaniwala. “Seriously? Ikakasal n’yo ako sa kanya? Sa taong pinaka-ayaw ko sa lahat?!” “Arielle, please lower your voice,” saway ni Mama, pero hindi ko na kayang pigilan ang init ng ulo ko. “I’m not some kind of pawn, Ma!” Tumayo ako mula sa upuan, halos tumalsik ang tubig sa baso. “Hindi ako bargaining chip na pwedeng ialay sa altar para lang maligtas ang negosyo!” “Arielle, makinig ka naman,” malalim na boses ni Papa, ramdam ko ang frustration. “This is not about selling you off. This is about saving everything your grandparents built. Unti-unti nang bumabagsak ang kumpanya. If we don’t do this, mawawala lahat.” Halos mapailing ako. “So ano? Ang solution, ipapakasal n’yo ako sa halimaw na siya ring dahilan kung bakit tayo nalulugi?!” “Anak, wala na tayong ibang option,” halos pakiusap ni Mama. “Kung hindi natin gagawin ito, lahat ng pinaghirapan ng pamilya natin mawawala. Hindi lang tayo ang maaapektuhan, pati lahat ng empleyado, libo-libo sila, Arielle.” Napahawak ako sa sentido ko, pilit na kinakalma ang sarili. Pero sa utak ko, bumabalik ang lahat ng alaala... Naalala ko ang unang beses kong makasalubong si Leandro Vergara. College pa lang ako noon, at invited kami sa isang business forum. Naka-barong siya, naka-ngisi habang nagsasalita sa mga investors. Nung lumapit ako sa group para makipagpakilala, nilingon niya ako saglit, at may sinabi siyang hindi ko malilimutan: “Middle-class minds don’t belong in boardrooms.” Ramdam ko pa rin ang sakit ng bawat salita niya. Ang tingin niya sa akin? Parang wala akong halaga. Ilang taon ang lumipas, ilang kontrata ang nawala sa amin, kontratang siya ang kumuha, gamit ang impluwensya at kapangyarihan niya. At sa tuwing magtatagpo ang landas namin sa mga events, lagi siyang mayabang, lagi niyang ipinamumukha na mas mataas siya. Cold. Ruthless. Walang puso. Kaya ngayong naririnig ko sa mismong mga magulang ko na siya ang magiging asawa ko, parang gusto kong sumabog. “Hindi siya tao, Dad,” mariin kong sabi. “Isa siyang halimaw na naka-suit. Walang konsensya. At gusto n’yo siyang gawing asawa ko?” “Anak…” lumambot ang boses ni Mama, halos mahulog na ang luha sa mga mata niya. “Hindi namin ‘to ginusto. Pero kailangan. Naiipit na tayo. Isa lang ang paraan para matapos ang feud at mailigtas ang kumpanya.” “Paano kung tumanggi ako?” balik ko agad. “Ano, pababayaan n’yo na lang akong masira ang buhay ko dahil sa desisyon na ‘to?” “Arielle,” boses ni Papa, mabigat, halos nanginginig, “minsan kailangan nating magsakripisyo para sa mas nakararami. Hindi lang ito tungkol sa’yo. Tungkol ito sa kinabukasan nating lahat.” “Kinabukasan?” Napangisi ako, mapait. “So my future doesn’t matter? Basta’t mailigtas ang negosyo, okay lang kahit sirain ang buhay ko?” “Don’t twist my words,” singhal ni Papa. “We are asking you to do this for the family.” “Family?” Halos matawa ako sa sakit. “So family means isakripisyo ko ang sarili kong kaligayahan para sa isang lalaking kinamumuhian ko? That’s your definition of family?” Tahimik si Mama, nakayuko, nangingilid ang luha. Si Papa naman ay mariin ang tingin sa akin, ramdam ko ang desperasyon. Gusto ko nang sumigaw, gusto kong tumakbo palabas. Pero alam kong kahit anong gawin ko, cornered ako. Tumayo ako, halos mabuwal ang upuan. “No. Hindi ko gagawin. Hinding-hindi ko gagawin ‘yan. I will never marry that man!” Tahimik. Walang gumalaw. Walang nagsalita. Ramdam ko ang mabilis na pintig ng puso ko, parang sasabog ang dibdib ko. Pero habang nakatayo ako roon, nakaharap sa kanila, ramdam ko rin ang bigat ng sitwasyon. Kahit pa anong pagtanggi ko, alam kong hindi ganoon kadali ang lahat. Naglakad ako papunta sa malaking salamin sa gilid ng dining hall. Tinitigan ko ang sarili kong repleksyon, namumula ang mga mata, nanginginig ang mga labi. “I will never marry that man,” bulong ko, mas mahina na ngayon, parang sinusubukan kong kumbinsihin ang sarili ko kaysa ang mga magulang ko. Pero sa ilalim ng lahat ng galit, ng pagtutol, ng tapang na pilit kong pinapakita, may maliit na boses sa loob ko na nagsasabing: wala ka nang ibang pagpipilian, Arielle. At doon ko naramdaman ang tunay na pagkakulong, hindi sa isang kwarto, kundi sa sarili kong kapalaran. “Anak…” narinig kong boses ni Mama sa likuran ko, mahina, parang nagmamakaawa. “Hindi namin intensyon na saktan ka. Kung may ibang paraan lang sana…” Napapikit ako, pilit na pinipigil ang pagpatak ng luha. “Pero wala nga, ‘di ba?” bulyaw ko, hindi na lumingon. “Wala na kayong nakikitang solusyon kundi ibigay ako sa taong pinaka-kinamumuhian ko.” “Arielle.” Ngayon si Papa na ang nagsalita, mabigat at mariin ang tono. “Hindi mo kailangang mahalin si Leandro. You just need to marry him. That’s all.” Napalingon ako sa kanila, halos masamid ako sa sariling hininga. “That’s all? Para bang kasal ay isang simpleng kontrata lang? Para bang wala akong puso, wala akong damdamin?” “Hindi ‘yan ang ibig naming sabihin,” mabilis na dagdag ni Mama, nanginginig ang kamay habang nilalapit sa akin. “Pero please, anak… isipin mo rin kami. Isipin mo ang lahat ng taong umaasa sa kumpanya.” Parang gusto kong sumigaw. Gusto kong sabihin na hindi ako Messiah na pwedeng isakripisyo para iligtas ang lahat. Pero nang makita ko ang mukha nila, pagod, puno ng takot, napalunok ako ng luha. Bumalik ang tingin ko sa salamin. Naroon pa rin ang imahe ng isang babaeng malakas sa panlabas, pero durog sa loob. “Hindi ko alam kung paano ko ‘to haharapin,” mahina kong bulong, halos hindi nila marinig. “Pero isang bagay ang sigurado ko, hinding-hindi ko siya mamahalin. Never.”“Alam ko na, Arielle.”Napatigil siya sa gitna ng paghubad ng sapatos. Hindi niya kailangang lingunin si Marcus para maramdaman ang bigat sa boses nito. Mabigat. Tahimik. Mapanganib sa katahimikan nito.“A-ano ang alam mo?” pilit niyang tanong, kahit alam na niya ang sagot.“Huwag na,” sagot ni Marcus, tumayo mula sa sofa. Hawak niya ang telepono, nanginginig. “Huwag mo nang ipagkaila. Ayokong marinig sa bibig mo ang kasinungalingan.”Dahan-dahang lumapit si Arielle. “Marcus, hindi ganito—”“Inayakan ka niya,” putol niya, nangingilid ang luha. “Hinalikan. At hindi mo siya tinaboy.”Tahimik si Arielle. Isang segundo. Dalawa. Hanggang bumagsak ang balikat niya.“Hindi ko planado 'to,” mahina niyang sabi. “Sinubukan kong lumaban.”“Pero natalo ka,” sagot ni Marcus. “At ngayon, ako ang talo.”Tumulo ang luha ni Arielle. “Ayokong saktan ka.”“Pero nasaktan mo pa rin ako,” mahinang sabi nito. “Hindi dahil pinili mo siya—kundi dahil kahit ako ang kasama mo, siya pa rin ang hinahanap ng puso
Hindi agad umatras si Arielle. Sa halip, ang kamay niyang nakatukod sa dibdib ni Leandro ay dahan-dahang napapikit, parang hinahanap ang tibok nito—parang gustong patunayan kung totoo pa rin ang nararamdaman niya, kung buhay pa rin ba ang bagay na pilit niyang pinapatay sa sarili niya. “Leandro…” mahina niyang bigkas, halos masira ang tinig. Parang iyon lang ang kailangan ni Leandro para tuluyang mawalan ng kontrol. Hinawakan niya ang mukha ni Arielle, parehong palad na nanginginig, parehong mata na nag-aapoy. Ang halik nila ay hindi na tanong—ito ay sagot. Sagot sa lahat ng sakit, kalituhan, at matagal nang itinangging pagnanasa. Mapusok, gutom, at puno ng emosyon ang bawat galaw. Para bang kapag huminto sila, babagsak silang pareho. Sa loob ng tahimik na suite, sa gitna ng gabi at galit na hindi pa rin nauubos, sila’y nagkatagpo—hindi bilang magkaaway, hindi rin bilang maayos na magkasintahan, kundi bilang dalawang taong sugatan na sa isa’t isa lang nakakakita ng lunas. Hindi
“Anong ginagawa mo rito?”Malamig, mababa, at puno ng galit ang boses ni Leandro nang tumigil siya ilang hakbang lang ang layo kina Arielle at Marcus. Hawak ni Marcus ang siko ni Arielle, tila sinusubukang ilapit ito sa sarili niya, isang larawan na lalo lang nagpasiklab sa apoy sa dibdib ni Leandro.“Leandro—” nagulat si Arielle, agad humiwalay kahit hindi pa bumibitaw si Marcus.“Bitawan mo siya,” madiing utos ni Leandro, nakatuon ang tingin kay Marcus, parang handang sumuntok anumang oras.“Hindi mo na siya pagmamay-ari,” sagot ni Marcus, pilit pinatatatag ang boses kahit bakas ang tensyon. “Choice niya kung sino ang gusto niyang kasama.”Tumawa si Leandro, pero walang kahit anong saya roon. “Choice? Matapos ang lahat ng ginawa ko para sa kanya?”“After ng lahat ng ginawa mo para saktan siya,” balik ni Marcus.“Ayos lang,” singit ni Arielle, nanginginig ang tinig. “Please… huwag kayong mag-away dito, nakakahiya sa ibang tao."Ngunit lalong nagdilim ang mga mata ni Leandro. Napa-igt
“Handa ka na ba?” bulong ni Marcus habang nasa labas sila ng hotel ballroom, hawak ang malamig na kamay ni Arielle. Kita niya ang bahagyang panginginig nito. “Handa naman,” tipid na sagot ni Arielle, pilit na ngumiti kahit ramdam niya ang bigat ng tibok ng puso niya. Sa loob-loob niya, hindi handa ang damdamin niya, pero wala na itong atrasan. Nais niyang patunayan kay Leandro na kaya niyang kalimutan siya, na hindi lang siya ang may kaya na magmahal ng iba. Binuksan ni Marcus ang pinto, at agad silang sinalubong ng malalakas na ilaw at daan-daang matang nakatuon kay Arielle. Parang sabay-sabay huminto ang oras. Sa suot niyang emerald green gown na bumagay sa makinis niyang balat at kumikinang sa ilalim ng magagandang ilaw, tila ba siya ang reyna ng gabi. Ang mga bulungan ay agad kumalat. “God, Arielle… you look breathtaking,” bulong ni Marcus, bakas ang paghanga at pagmamay-ari sa tinig niya. Ngumiti lang si Arielle, marahang tumango. Ngunit lihim niyang inikot ang paningin sa


















Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.