Share

Chapter Three

“BEAUTIFUL as ever, Phi,” nakangiting puri sa kanya ni Mia pero tango lang ang sinagot niya.

          Parang gusto niyang sabihn na mas mukha siyang naglalakad na zombie kaysa isang babae. Pero hindi na lang niya ito pinansin. Mas gusto niyang ipakita na dito ang mga natapos niyang canvass.  

          She’s very much confident with her works sa lahat ng hindi siya sigurado sa mundo sa mga artworks niya may 101% siyang tiwala.

          “Wala ka nang dila, girl? `Kaloka,” reklamo nito.

          Kimi naman siyang napangiti, Mia is one of her friends since college. Nagtayo ito ng isang maliit na gallery, na unti-unti na ring nakikilala nitong mga nakalipas na taon. Kaklase niya  ito sa fine arts noong nagaaral pa siya ng kolehiyo pero hindi ito nahilig sa pagpipinta kung hindi sa pangongolekta ng painting. Kaya sa tulong ng mga trust fund na Grandparents nito, ay nakapagpatayo ito ng sariling business.  

          Local paintings ang binebenta nito na malaking tulong sa mga kagaya niyang hindi pang mainstream ang mga gawa. Kung tutuusin ay maswerte pa rin siya dahil takaw pansin ang mga gawa niyang painting sa hindi niya malamang kadahilanan.

          Napatingin siya sa canvass niyang bahagyang nakabukas mula sa pagkakabalot sa manila paper. Kahit siya ay hindi rin maipaliwanag kung bakit, but every painting have a part of her soul as an artist kaya siguro some people were quite interested with it.

          “Para namang hindi ka pa nasanay sa`kin,” aniya.

          “Oo na. So I’ll display this later on kapag may nagkainteresado, babalitaan kita agad.”

          “Kahit na wag na, just direct the money on my bank,” sagot niya. Hindi na nito kailangan pang mag-abala na impormahin pa siya, dahil kahit na anong sabihin nito ay hindi pa rin siya makikipagkita sa mga bumibili sa painting niya. Kahit na iilang ccollectors na ang nagsabi na gusto siyang makilala ng personal.

          “Ikaw talaga, ang sungit mo pa rin.”

          “Hindi ako masungit, nagsasabi lang ako, nang hindi mo na pinapahirapan ang sarili mo.”

          “Sige na nga, sabi mo eh.”

          “Mauna na ko, baka next week babalik ako para sa bagong painting na nagawa ko.”

          “Ah, Oo nga pala, bago ko makalimutan may gusto nga pala akong ibigay sa`yo,” may inabot siya sa kanyang folder.

          Kunot-noo niyang tinignan `yon, at hindi niya maiwasang mapakurap nang makita niyang isa `yong proposal para sa isang solo exhibit.

          “May isang collector na gustong mag sponsor ng solo exhibit mo, girl magandang chance to to promote your works locally, malay mo naman may maka recognize sa`yo internationally `di ba? Sayang `to kung nagkataon.”

          As much as gusto niyang maging excited siya rito ay hindi niya magawa isa pa hindi talaga siya mahilig makipag-socialize sa maraming tao. With how her power fluctuate without any notice. as much as possible she want to lessen contact with other people.

          Huminga siya ng malalim. “I’ll think about it Mia, I have confidence with my works, but I think this is not yet the time para magkaroon ako ng ganito kalaking event with my career.”

          Nakita niya ang disappointment sa mukha nito, pero wala siyang magagawa with how the way she is malabong mangyaring magkaroon siya ng normal na interaction sa ibang tao.

          “Sure, besides, it’s an open proposal you can tell me anytime.”

          “Open proposal? Ganon ba talaga ka desperate ang sponsor na `yan just to have my exhibit?”

          “The sponsor is a huge fan of yours, dahil din sa kanya kaya unti-unti na ring nakikilala `tong gallery. So you can say, na para siyang Daddy Long Legs sa buhay mo,” nakita niya ang pag-ningning ng mga mata nito, na para bang nag-iimagine ng kung ano.

          “Much more like, it was a thigh you need to latch on para kumita.”

          “Grabe siya, ano tingin mo sa`kin mukhang pera? Bakit, kailan pa ko nagkaroon ng tatlong mukha na nakalagay sa isang libo?”

          “Kilala mo ba ang tatlong tao na nasa isang libo?”

          “Jose Abad Santos, Josefa Llanes Escoda at Vicente Lim.” awtomatikong sagot nito, na ikinangisi niya nang makita niyang pinamulahan ito ng mukha.

          “Mauna na ko,” iiling-iling niya sabi, habang nakanguso naman ito dahil nahulog ito sa pang-aasar niya.

          She put her dark shades on and making her gloves secured, she’s wearing a thin long sleeve shirt at black skinny jeans. This was her protective gear, para kahit na nadadaiti ang balat niya sa kahit na sino ay hindi basta-basta gagana ang kapangyarihan niya.

          Wala kasi siyang kotse at `ni minsan ay hindi niya naisipan na bumili, tutal ay may grab app naman siya. Iyon ang madalas na ginagamit niya tuwing aalis siya ng Antipolo. Magastos, Oo, pero kung iyon ang paraan niya para maging komportable ay wala iyong problema sa kanya.

          Naramdaman niya nag pangangalam ng sikmuta, kaya bahagyang nililis ang long sleeve niya para makita ang wrist watch niya.

Past twelve na pala, sanay na naman siya sa irregular na kain. Isa pa sigurado naman siyang nagtabi ng pagkain si Magi para sa kanya sa bahay.

Nagsimula na siyang maglakad nang isang lalaking nagmamadaling papasok sa gallery. Muntik na silang makabanggaan mabuti na lang at maagap siyang nakailag.

“Sorry,” the guy muttered walang lingon-likod itong nagmamadaling pumasok. Kaya hindi na niya nagawa pang makita nag mukha  nito.

Ilang minuto pa at bigla siyang natigilan. His voice suddenly ring on her ears, as his scents linger in the air. It was the smell of peppermint.

Marahas siyang napalingon pero bulto na lang nito ang nakita niya. Hindi na rin siya nag-abala pa na sundan ito. Baka kasi nagkataon lang, pero kung iyon nga ang lalaking nasa panaginip. Ano naman ang sasabihin niya? Na nagkita sila sa panaginip? Kahit siya baka imbes na maniwala, baka ma-weirduhan lang ito sa sasabihin niya.

 Ipinilig niya ang ulo kung ano-ano na lang ang pumapasok sa isip niya mas mabuti sigurong umuwi na lang siya.

Pero kahit na nagawa na niyang makasakay ng Grab taxi ay  hindi pa rin mawala sa isip niya ang lalaki, Why? Iyon ang tanong na pumasok sa isip niya. It was nothing but a brief encounter, wala pa ngang kasiguraduhan kung ito ang lalaking matagal na niyang hinahanap.

Sa buong durasyon ng byahe niya ay hindi niya ito maialis sa isip niya. Hindi niya tuloy namalayan na palapit na siya sa destinasyon niya dahil sa kakaisip. 

“HEY, Miss!” pigil ng isang boses kay Phoebe. Napapitlag siya, saka niya napansin na muntik na pala tumama ang mukha niya sa may poste. Nariin siyang napapikit, gusto niyang kastiguhin ang sarili niya sa sarili niyang katangahan pero pinigilan niya ang sarili.

“Are you okay?”  nahamig na niya ang sarili nang lingunin niya ang nagsalita. Napakurap siya nang makita ang itsura nito, she neer judge people just by looking at their appearance but she’s too eye catching to describe.

From hair to her feet ay punong puno ng accessories, hindi pa naman pasko pero para itong naglalakad na Christmas tree. Pero sino nga ba siya para mangmata ng fashion ng ibang tao? Siya nga `tong naka longsleeve kahit na summer pa lang.

“I’m sorry?”

“`Kako, okay ka lang ba? Muntik ka nang h*****k sa poste,” nag-aalalang tanong nito.

Ito pa alng ang unang beses na nakita niya `to, kaya akala niya noong una ay pakitang tao lang ang ginagawa nito pero hindi. Kita niya kasi sa mga mata nito ang sincerity sa kabila ng mga weird na abubot na nakasabit dito.  

Sasagutin na sana niya `to pero naunang magreklamo ang simura niya. Pinamulahan siya ng mukha, sa dami kasi ng iniisip niya ay nakalimutan na niyang kumain. Hindi naman niya magawang matignan ito ng diretso sa mata nang makita niya ang paglapad ng ngiti nito.

 “Kumain ka na ba?”

Umiling lang siya.

“Kaya pala eh,” Sandali itong nag-isip. “Gusto mo bang sumama sa`kin?”

Nagtatanong ang mga matang nakatingin siya dito.

“May malapit na shop kasi ako dito it’s my lunch break, tamang-tama medyo napadami kasi ang order ko. Gusto mo bang kumain?” itinaas nito ang hawak na supot  saka napalunok nang maamoy niya ang mga bagong lutong pagkain mula roon. Napahagikgik na lang ito sa naging reaksyon niya.

Para namna siyang tanga, kung basta na lang siya sasama sa total stranger `di ba? Pero bago pa  siya makasagot ay nahawakan na nito ang may gloes niyang kama saka siya hinatak sa pinakamalapit na shop. Isang tingin pa lang niya alam na niyang kung hindi ito `don nagta-trabaho ay pagmamay-ari nito ang lugar.

Ganito ba talaga ang ibang tao? Basta na lang inaaya ang isang tao na kumain despite na hindi talaga siya nito kakilala?

But then feeling this warm hand beneath her gloves feels quite nice.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status