Share

Chapter Five

SA pagmulat ng mga mata ni Phoebe ay nagulat siya nang makita ang liwanag na naglalagos sa labas.

Noon niya napansin ang kumot na nakapatong sa kanya, at maayos na pagkapatong ng kumot sa katawan niya. Sandali siyang napakunot-noo nang maalalala niya ang mga nangyari. Naalimpungatan siya kinagabihan na ginigising ni Magi. Nakatulog na naman kasi siya sa may studio nang hindi niya namamalayan.

Bumangon na siya at hindi niya maiwasang makaramdam ng ginhawa ito kasi ang unang beses na nakatulog siya nang matagal o nagigising dahil sa mga napapanaginipan niya.

This time she dreamed nothing,  as in wala, blangko napatingin siya sa suot na bracelet. Hindi kaya `to ang may dahilan kung bakit nakatulog siya ng maayos this time?

Saka napansin niyang hindi siya ngayon ginising ni Magi, ibig sabihin ay hindi pa ito tapos sa trabaho, Inabot niya ang cellphone sa may bedside table, alas siete pa lang ng umaga. Ito yata ang unang beses na nagising siya ng ganito kaaga nang hindi naman siya nagpinta magdamag kagabi. She is always flooded with those dreams na hindi siya pinapatulog kadalasan.

Tuluyan na siyang bumangon sa kama saka dumiretso sa may banyo, iniisip niya ngayon kung anong pwede niyang gawin para magpalipas ng oras.

Bukod kasi sa cellphone ay wala siyang internet o TV man lang dahil nga hindi siya mahilig sa mga ganoon. Para sa kanya usually pantawag at pang-txt ang cellphone niya maliban doon ay wala na siyang pinaggagamitan.

Doon niya na-realize na maliban pala sa pagpipinta ay wala siyang masyadong ginagawa.

Pagkababa niya sa komedor ay wala sa sariling napatingin                                                                                                                                               siya sa lugar, it was so desolate na nagkakabuhay lang `yon kapag nandon si Magi.

Napagmasdan niya ang agiw at dumi sa biong lugar, ilang beses na rin siyang sinabihan ni Magi na mag-hire ng kasambahay kahit stay out lang pero ayaw niya. Una sa lahat hidni siya ganon kadaling magtiwala sa ibang tao. KLahit kasi mukhang luma na ang bahay na `to lahat ng mga gamit ng kanyang Lolo ay Antique na. Ang iba pa nga `don ay pwede nang ipagbili sa mataas na halaga.

Madalas pa man din siyang walang pakialam sa bahay lalo na kapag tutok siya sa pagpipinta.

Masa maganda siguro kung maglinis na muna siya, para hidni na magmukhang haunted house `tong bahay  niya. Hindi iilang beses na may naririnig siyang mga bata na nagsasabing may multo sa loob nito kaya wala masyadong napapadaan sa lugar.  Bukod sa mga patay na mga halaman sa labas ay hindi na niya nagawang maipare-paint ang lugar dahil na rin… bakit nga ba?

Nagkibit balikat na lang siya saka pinuntahan ang supply closet, pagkabukas ng pinto ay agad siyang napabahing dahil sa maalikabok na lugar.

Ilang taon na ba simula nang huli siyang nakapaglinis ng bahay? Ah, yes, naalala niya na niya almost two years na rin siguro. Simula noong mamatay ang Lolo Tatay niya dahil sa sakit na cancer.

Huminga siya ng malalim, yes, she grieve for the past years at iyon rin siguro ang naging dahilan kung bakit bigla na lang nagloloko ang kapangyarihan niya because of her own emotional status.

Pero sa ngayon hindi na muna niya `yon pinagtuunan ng pansin. Isa pa kailangan na muna niyan magumpisang maglinis total wala pa naman si Magi para magdala ng almusal niya. Hindi siya pwede sa kusina wala siyang ideya kung paano magluto.

Doon siya natigilan siya, kailan nga ba siya nasanay na may kasama tuwing kumakain? 

Maybe because on how Magi simply bulldoze her presence in her life kaya siguro kinalaunan ay nasanay na lang siyang isang araw.

Napabuga siya ng hangin saka kinulha ang walis tambo. Kaysa naman kung ano-ano ang pumapasok sa isip niya dapat lang siguro niyang umpisahan ang paglilinis niya.

Tinungo niya ang sala, ayaw na lang niyang magsalita sa dumi `non ay inumpisahan nang magwalis para mai-wax ang sahig.

Kung nandito lang siguro ang Lolo niya baka napingot na siya nito sa tenga dhail hinayaan lang niya ang bahay nito na humantong sa ganitong estado. Hindi nga ba at iilang beses siya nitong kinagagalitan dati. Aminado siyang palagi na lang kasi niyang nakakaligtaan ang maglinis lalo pa at busy siya sa pagpipinta.

Bahagya siyang napangiti, sa lugar na `to ay tanging masasayang alaala na lamang ang g usto niyang iwan, hidni rin siya sigurado kung hanggang kailan nga ba siya mananatili `don pero bawat sulok ng lugar ay puno ng mga alaala na palagi niyang babaunin sa isip.

Napabuntong-hininga na lang siya, wala pang kalahati ang nalilinis niya pero naalikabukan pa rin siya. Parang ayaw na lang niyang tapusin `yon, at bumalik sa pagpipinta. Pinunasan niya nag pawis gamit ang t-shirt niya saka inabot ang deather duster para alisin ang mga agiw sa kisame.  

Pagpag dito, kuskos doon hindi niya maalala kung ilang beses niya iyon na ginawa hanggang sa makita niyang kumikintab na ang sahig at umaliwalas ang buong paligis. Tinanggal na rin kasi niya ang makakapal na kurtina sa lugar kaya mas naging maaliwalas ang sala.

Muli siyang nagpunas ng pawis, this time sa isang malinis na bimpo. Hindi niya maiwasng makaramdam ng tuwa nang makita niya ang bagong linis na itsura ng lugar. Doon lang niya napansin na tanghali na pero wala pa rin si Magi.

Pinunasan niya ang pawis gamit ang isang malinis na bimpo at kahit na papaano ay natuwa siya sa itsura ng buong lugar habang nakasalampak siya sa malinis na sahig. Noon niya napansin na kumakalam na ang sikmura niya.

“Phoebe!” napakislot siya nang marinig niya ang sigaw ni Magi sa labas.

She know thst this woman is like a freaking bouncing sunshine pero masama sa puso niya ang palagi na lang nagugulat dahil sa pinagagawa nito.

“Pasok!” aniya pero hindi pa rin siya tumayo mula sa pagkakasalampak niya sa sahig.

“Wow! Anong nangyari? Bakit ang linis? May okasyon?” lumapit ito sa kanya habang iginagala ang tingin bago tumalungko sa harap niya. HInawakan nito ang magkabilang pisngi niya saka bahagyang kinurot, “Hindi ka kaya nasasaniban ng masamang ispirito?”

Inis na pinalis niya ang kamay nito sa mukha. “Hindi.”

“Then did you have a good night dream?”

Nagulat siya sa sinabi nito.“Paano mo nalaman?” Nagtatakang tanong niya.

“Paano po kasi hindi ka na nangangalumata,” anito saka umayos na ng tayo. “Halika na nga,” inilahad nito ang palad para tulungan siya mula sa pagkakasalampak niya sa sarhig saka niya napansin ang supot na hawak nito.

“Late ka ata ngayon?” puna niya.

Lumabi ito sa kanya. “Sino kayang may kasalanan? Pinuntahan kita dito kagabi tinulugan mo lang ako late na tuloy akong nakakain ng dinner.”

Hindi naman niya maiwasang ma-guilty sa sinabi nito. “Bawi na lang ako sa`yo.”

“Paano ka naman babawi aber? You obviously don’t like going to crowded places, kaya hindi kita maayang mag-gala,” she stated in a matter of factly. Napangiwi na lang siya sa sinabi nito.

Hindi lang iilang beses siya nitong inaya na lumabas pero palagi na lang siyang tumatanggi. Kasi nga iniisip pa lang niya na madaiti ang balat ng mga tao sa kanya at biglang gumana ang kapangyarihan niya sumasakit ng sobra ang ulo niya.

“Basta, whenever you need something. Sabihin mo lang sa`kin, I’ll do it for you, kahit na ano pa `yon.” Sa totoo lang hindi niya alam kung ito ba talaga ang kinukumbinsi niya o ang sarili niya.

“Promise mo yan, ha?”

Tumango siya saka tinulungan niya itong maghain ng pagkain nila pagkatapos nila ng pagkain ay tinanong siya ni Magi.

“By the way, it just made me curious. Bakit nga ba hindi ka makatulog ng maayos tuwing gabi?” tanong nito.

Natigilan siya sa tanong nito, sasabihin nga ba niya ang dahilan o hindi? Pinagmasdan niya ito, this time gusto niyang subukan kung maniniwala ito sa kanya, kung hindi naman pwede namna niya iyong ipasa as a joke. Sa tingin niya? Hindi siya sigurado.

Bahala na. “I dream about a guy for the past years, hindi ko siya kilala hindi ko alam ang pangalan niya but he was always there,”

“Hmmm, alam mo ba? They say dreams connect people, in your case nga lang there is a undeniably string that connected you two.”

Pinagmasdan niya ang mukha nito at wala siyang makitang trace ng kahit na ano maliban lang sa sincerity na para bang hindi na pangkaraniwan dito ang naririnig sa kagaya niya.

“Sa tingin mo ba talaga?” paninigurado niya.

“Oo naman,” nakangiting sagot nito sa kanya. “So do you have any about this guy?”

“Wala, maliban sa itsura niya, saka nitong mga nakaraang araw I was awaken by nightmares. May masamang mangyayari sa kanya kung hindi ako gagawa ng kahit na anong aksyon.”

“Then, why don’t you?”

“Huh?”

“We have internet Phi, unless multo `yang napapanaginipan mo imposibleng hindi natin malaman ang pangalan niya. Malay mo naman, we can really see if he’s just simple a figment of your imagination or he’s real.”

Natahimik siya sa sinabi nito. Bakit nga ba hindi niya naisip agad ang bagay na `yon in the first place? Tama, takot kasi siya, takot siya sa kung anon a naman ang sasabihin ng ibang tao tungkol sa kanya.

But then bakit nga ba hahayaan niya ang sarili na makulong sa opinyon ng ibang tao? Masyado siguro siyang na-trauma noong bata siya kaya naman hanggang ngayon ay hidni pa rin `yon mawala sa sistema niya.  

If this guy is real, the he have al the rights na malaman ang mga kapahamakan na sasapitin nito sa hinaharap. Kung may kakayahan siyang baguhin ang hinaharap n ito, bakit hindi niya gawin?

Tumango siya bilang pagsang-ayon. “Okay, I really want to know if he’s real or not.”

This will be the last time na pakikialaman niya ang tadhana ng isang tao. Pagkatapos nito, she want to have a peaceful sleep, not even knowing that t his will be the start to enter that world where she is rightfully belongs.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status