Share

Kabanata 7

Anna Luisa

Nung araw na yun, ay di na kami nakapag-usap pa ni Ethan dahil saglit lang daw siya dahil may pupuntahan pa raw siya. Kaya heto ako at tinitiis ang kaingayan nina Alonika at Julia.

Wala naman akong ganang, pinagmasdan ang pag-aaway nila sa harap ko. Pabalik na kami sa Manila at kasama tong dalawa kong pinsan dahil doon na raw sila mag-aaral sa pinapasukan ko.

Kaya natitiyak kong magugulo ang buong taon ko sa pag-aaral ko dahil sa dalawang to, at sabi ni Kuya ay sa condo ko raw titira tong mga to, nung una gusto kong umangal pero wala akong magawa dahil, wala daw tutuluyan ang magkapatid sa Manila.

Habang nasa biyahe ay patuloy ang bangayan nilang dalawa, at laging napipikon si Julia kay Alonika.

"Julia, ang ingay niyo." saway ni Kuya sakanila. Kaya natigilan ang dalawa at nanahimik nalang.

At ako naman ay napalingon sa labas ng bintana, iba na ang simoy ng hangin di na katulad ng dati. Napakamoderno na ng lahat ng bagay sa taon na ito, kaya ang kalikasan ay naapektuhan na.

Hanggang sa pumasok sa alaala ko ang pinagsamahan namin ni Juancho.

Flashback

"Juancho, saan ba tayo magtutungo?" tanong ko sakanya dahil nakatakip ang kamay niya sa mata ko. Pero di niya ako sinagot at tanging pagbungisngis niya lang ang narinig ko.

Kaya hinayaan ko siyang gabayan ako sa paglalakad papunta sa kung ano man yun.

"Tiyak kong matutuwa ka sa makikita mo, mahal na binibini." bulong niya sakin, kaya napangiti ako.

Habang palayo ng palayo kami ay may naririnig akong huni ng mga ibon na wari mo'y umaawit, at lagaslas ng tubig. Saan kaya kami patungo?

"Malayo pa ba tayo?" tanong ko sakanya.

"Wag kang mag-aalala binibini malapit na tayo.." sagot niya sakin. At tsaka kami tumigil, at narinig ko ang lagaslas ng tubig, kaya sa tingin ko ay nasa isa kaming paraiso. "..pagkabilang kong tatlo, imumulat mo ang iyong mga mata." sabi niya kaya napatango nalang ako. At tsaka tinanggal ang kamay niya na nakatakip sa mata ko bale nakapikit nalang ako.

"Isa." unang bilang niya kaya napangiti ako. Ano kaya ang makikita ko? "Dalawa." pagbibilang niya pa. Kaya mas lalo akong naexcite sa makikita ko. "Tatlo." huling bilang niya, kaya agad kong binuksan ang mata ko at namangha ako sa nakita ko..

Nasa paraiso kami, may mga ibon na humuhuni sa paligid at kumikinang ang paligid. Kaya napangiti ako ng malaki.

"Makinig ka binibini, para sa iyo ang awitin na ito." sabi niya at tsaka ko siya nakitang may hawak ng gitara.

Nakita ko naman ang pagpapatugtog niya ng gitara niya tsaka nagsimulang umawit.

Sabi nila

Balang araw darating

Ang iyong tanging hinihiling

At nung dumating

Ang aking panalangin

Ay hindi na maikubli

"Juancho." naluluhang sambit ko sakanya. Kaya ningitian niya ako.

Ang pag-asang nahanap ko

Sayong mga mata

At ang takot kong sakali mang

Ika'y mawawala

At ngayon, nandyan ka na

'Di mapaliwanag ang nadarama

Handa ako sa walang hanggan

'Di paaasahin

'Di ka sasaktan

Mula noon

Hanggang ngayon

Ikaw at Ako

"Mahal na Mahal kita, Anna Luisa." nakangiting sabi niya at tsaka nagpatuloy sa pag-awit niya.

At sa wakas

Ay nahanap ko na rin

Ang aking tanging hinihiling

Pangako sa'yo

Na ika'y uunahin

At hindi naitatanggi

Ang tadhanang nahanap ko

Sa'yong pagmamahal

Ang dudulot sa pag ibig

Natin na magtatagal

"Sayo ko lang naranasan ang tunay na saya at ligaya, Anna Luisa. Ikaw ang naging lakas ko at minsan ay kahinaan ko." umiiyak na sabi niya sakin habang nakatitig sakin at muling umawit.

At ngayon, nandyan ka na

'Di mapaliwanag ang nadarama

Handa ako sa walang hanggan

'Di paaasahin

'Di ka sasaktan

Mula noon (Mula noon)

Hanggang ngayon

Ikaw at Ako

At ngayon, nandito na

Palaging hahawakan

Iyong mga kamay

'Di ka na mag-iisa

Sa hirap at ginhawa

Ay iibigin ka

Mula noon

Hanggang ngayon

Mula ngayon

Hanggang dulo

Ikaw at Ako

Huling kanta niya at tsaka lumapit sakin, at niyakap ako ng mahigpit.

"Kung papipiliin ako ng isang libo't isang daang beses, ikaw at ikaw ang pipiliin ko, Anna Luisa." bulong niya sakin.

"Mahal na Mahal din kita, Juancho." bulong ko sakanya.

At nung gabing iyon, ay ginawa naming masaya ang bawat sandali na magkasama kami. Kahit na alam naming mali, ay nagiging tama pag kami ang magkasama. Pakiramdam ko, wala na kong ibang makikitang iba pa. Siya lang ang nakikita kong makakasama ko hanggang sa dulo ng aking hininga.

End Of Flashback

"Aera, bakit umiiyak ka?" nagulat ako sa biglang pagsulpot ni Alonika sa gilid ko kaya napatingin ako sakanya at agad pinunasan ang luha ko.

"Namimiss mo ba si Yuri?" tanong naman ni Julia.

"Hindi ah, may naalala lang ako." depensa ko sakanila.

"Okay lang yan, ganyan talaga pag nagmamahal. Kung masasaktan ka, masasaktan ka. Kung iiwan ka, iiwan ka. Kaya wala tayong magagawa kundi tumanggap nalang ng tumanggap ng sakit." sabi ni Alonika sakin at tinapik ako sa balikat.

Di ko alam pero naintindihan ko ang gusto niyang iparating, tama siya. Ang pagmamahal minsan talaga ay nakakasakit rin.

Nasaksihan ko si Ina at Ama noon na laging nagtatalo at nagkakasakitan na sila pero ang isa't-isa pa rin ang kasama nila bago matapos ang araw.

Si Juancho na kaya yung para sakin? O may taong mas karapat-dapat kaysa sakanya.

Sa kaiisip ko ay di ko namalayang nasa tapat na kami ng building kung nasaan ang condo ko.

"Nandito na tayo." sabi ni Kuya kaya napalingon ako sa labas, at dali-daling lumabas ng kotse sina Alonika at Julia dahil mukhang eto ang unang beses na pupunta sila sa condo ni Aera.

"Sa tingin mo Julia? Maganda kaya condo ni Aera?" tanong ni Alonika sa kapatid niya.

"Sa tingin ko, halata namang maayos sa tirahan yang si Aera. Pero mas excited ako magboys hunting sa PUP, at gagawin ko talaga silang boyfriend agad." sabi ni Julia at hinila na ang mga maleta niya, at nauna na samin. Naiwan naman kami, habang si Alonika ay napapailing sa kapatid niya.

"Bakit lalaki agad hanap ng kapatid mo?" tanong ni Kuya kay Alonika.

"Ah Kuya, brokenhearted kasi yan sa gagong Felix na niloko lang siya kaya ganyan yan." umiiling na sagot ni Alonika, kaya napatango nalang si Kuya at bumaling sakin.

"Aera." tawag niya sakin kaya nilingon ko siya.

"Bakit Kuya?" tanong ko sakanya.

"Aalis na ako ah, alagaan mo yang mga pinsan natin. Pagmay problema o kailangan ka tawagan mo lang ako." bilin niya sakin.

Kaya tumango lang ako. At ng maibaba na niya lahat ng gamit namin ay agad siyang umalis. At kami naman ni Alonika ay pumasok na building upang sundan si Julia. Mukhang nasa lobby na yun at hinihintay na kami.

Mukhang lalong gugulo ang buhay ko? Dahil sa magkapatid na to.

To be continued..

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status