CHAPTER 3

Cael's POV.

Simula nang iwan ako ni Catricia, naging ilag na ako sa mga babae. Catricia was my childhood friend, she's sweet, too jolly, sobrang kulit niya. She left me 13 years ago. Hindi ko na siya natagpuan. I tried to find her in any social media flatforms but I couldn't find anyone who has the same name with her. I haven't got a chance to know why she did not even bid a goodbye. I know we were still young that time but I know it was love, kaya gano'n na lamang kalaki ang impact ng biglaan niyang pagkawala. Growing up without the girl I first loved beside me was never been easy not untill I met this girl, Ava.

I do not know why but everytime I see Ava, I see Catricia. She is makulit too, sweet and super caring like Catricia used to be. Alam mo 'yong feeling na parang kilalang-kilala na niya ako? I don't know pero kahit naman hindi ko pinapansin 'yon, nakagaanan ko na rin ng loob, siguro dahil na rin sa pangungulit niya araw-araw.

I would admit, that even I am a guy, kinikilig din ako sa mga banat niya lalo na ro'n sa part na, sa tingin niya---ako na raw ang tama para sa kaniya, dude, I actually wanted to scream that time pero pinigilan ko, nakakahiya naman kung titili ang isang Cael Carreon sa harap ng isang babae. Aaminin ko rin na kahit siniseen ko lang lahat ng chats niya, those were highly appreciated, tinatawanan ko rin lahat ng jokes niya kahit hindi ako nag-rereply 'cause those were not really korni like what she was always saying, those made me happy, and it really melts my heart everytime na tatawagin niya akong Caelq. Alam mo 'yong feeling na may tumutusok sa puso mo pero hindi masakit kase gustong-gusto mo 'yong pakiramdam na 'yon? Gano'n ang nararamdaman ko t'wing kakanyanin niya ako. Lakas maka-importante.

I do not know but I just woke up one day, na siya na palagi ang dahilan ng mga ngiti at pagtawa ko. Isang umaga, bigla nalang akong gumising na napakagaan na ng loob ko sa kaniya kahit na hindi ko talaga siya gaanong kinakausap, sobrang gaan to the point na nagawa kong mag-kuwento sa kaniya kahit konti lang na hindi ko naman nagawa sa iba. Alam mo 'yong feeling na, hindi ka sure sa nararamdaman mo pero ayaw mo nang mawala 'yong tao sa 'yo or makita na iba na 'yong gusto? Hindi ko alam, pati ako naguguluhan. Minsan, bigla ko nalang nahuhuli ang sarili ko na nakangiti nang hindi ko namamalayan. Alam mo 'yong hindi ko siya gustong pansinin dahil baka katulad ni Catricia, iwan niya rin ako pero araw-araw naman akong naghihintay ng chats or greet coming from her?

Remember when I chatted her and chucked her shoulder and asked her if she could share me the other pair of her earphones? I was unaware of what I was doing, seriously. It's just that her charm was very different to the point the it could control someone unintentionally.

I was serious about what I said, I really want her to be my date. Kahit malayo pa ang mangyayaring grad. ball, naglakas-loob akong hilingin 'yon sa kaniya. Even I am not sure if she would say yes or refuse, I just did. Hindi ko rin naman gugustuhin kung makakapartner siya ng iba.

That night when I sent her a message, I was aware she was typing, I was patiently waiting pero ang tagal ng message tapos bigla-bigla nalang nawawala. Kaya nag-compose na rin lang ako ng message.

"Good evening, hehe." Ano ba 'to? Ang cold pa rin ng dating.

Delete...

I compose another one. "Hi, Catricia, date na kita sa grad. ball, ha?" Baka isipin niya naman, tinake for granted ko 'yong pagka-gusto niya sa akin?

Delete... delete...

Kinakabahan talaga ako.

I heaved a deep sigh and continued chatting her.

"Hi, Ava. Good evening, hehe. I want to ask you sana, actually kanina ko pa pinag-iisipan kung paano kita tatanungin, nakailang ulit ako ng compose ng message before it was finally sent, nahihiya kase ako kase I used to ignore you pero ngayon lalakasan ko na ang loob ko." I closed my eyes before I clicked the send button and finally, na-send ko rin. I'm lil bit nervous. Naghihintay ako sa isasagot niya.

"Hmm, ano 'yon?"

Agad kong sineen ang reply niya at pinag-isipan kung paano magsisimula. Should I say it directly or t'yempuhan ko muna kaya?

A minute later and I just found myself typing.

"Ava..."

-sent

Hihintayin ko muna ang sagot niya bago ko tuluyang sabihin ang pakay ko.

"Yes?"

My heart beats faster. Ghad! Why am I feeling this way?? What did this girl do to me?

"Would you be my date on our grad. ball?"

-sent

I have finally asked it.

Kinakabahan ako sa isasagot niya. Baka isipin niya nang-gogood time ako, or baka maisipan niyang gantihan ako dahil sa mga pang-iignore ko sa kaniya, hays, bahala na!

She was typing while my heart was beating so fast.

"Shezz, kahiya!" dugtong ko habang naghihintay sa isasagot niya.

"Totoo?"

"Baka wrong sent ka?"

"Totoo ba 'to?"

"Talagang-talaga?"

Sunod-sunod niyang reply, bahagya naman akong napatawa, she seems so shocked.

What the f*ck! Sabi ko na, hindi maniniwala 'tong makulit na 'to.

"Seryoso ako!" Bakit parang mukhang galit?

Delete...

I typed again. "I'm serious. Oy, baka isipin mo pinagtitripan lang kita kase, diba? Hindi kita pinapansin sa school, hindi naman kase ako mahilig makipag-close kahit kanino."

"Hindi, ah. Hindi lang ako makapaniwala," her response.

Muli akong huminga ng malalim.

"So, what is your answer? Is it a yes or is it a ano?" I asked her once again.

"Mag-yes ka please, please." Nakapikit kong bulong habang tangan ang aking cellphone. Dali-dali kong iminulat ang aking mga mata ng mag-vibrate ang phone ko.

"Magiging choosy pa ba ako? Alam mo namang patay na patay ako sa 'yo. Ofcourse, yes. Actually, ichachat sana kita kaso bigla kang nag-type. Omg, Caelq, kinikilig akooooo."

Napatalon ako sa tuwa. "Yes!"

"So, see yah there?" I sent.

"See yah, my Cael."

My Cael daw!?! Ganito ba kiligin? Ito ba 'yong tinatawag nilang kilig?

Nanatili ang ngiti sa aking labi.

"Seen mo na 'to, Ava. Have a great night," reply ko. Para na akong baliw.

Ghad! Am I...inlove?

"You already made it great."

I don't know pero lalong bumilis ang takbo ng puso ko sa reply niya.

What is this feeling? Bakit kailangang kabahan? Disgusting!

"Kulit. Sabi ko, seen nalang eh." Pagpapalusot ko sa kabang nadarama.

"Sige, babay na." Nagalit yata.

"Bye," reply ko.

Ilang minuto akong hindi mapakali, pinaseen ko ang chat ko sa kaniya pero naghihintay naman ako ng reply niya, ironic isn't it?

"Nagalit ba siya?"

"Baka na-offend."

Nag-isip ako ng puwedeng ibang sabihin.

"Oy, galit ka ba?" Too clingy, Cael.

Delete...

"Sorry."

Baka itanong niya for what? Ano'ng isasagot ko? hayss.

Delete...

I turned my phone off and let some minutes to pass. As the minutes passed by, I opened it again and compose again a message.

"And oo nga pala, 'wag mo sanang iisipin na ayaw ko sa 'yo dahil sa kakulitan mo, actually tuwang-tuwa nga ako sa mga jokes mo and I really appreciated na nag-aalala ka sa akin, it is just that I do not really know how to interact with others, boring kase ako, haha. Seen mo nalang ulit 'to. Goodnight!" And it was finally sent.

Hindi na ako nag-expect ng reply niya. I do not know pero iba 'yong saya na nararamdam ko noon. Ibang-iba.

I even chatted my team mates and told them what happened. Alam mo 'yong sobrang excited kang mag-kuwento?

Bigla silang nagtaka kase ngayon lang daw ulit ako naging ganito kasaya. I do not know why, I don't know how pero sobrang saya ko talaga.

"Dude, tinamaan ka na." 

"Saya mo, ah? Baka naman inlove ka na r'yan. You hate girls, right?"

"Nuxx, inlove yata."

Mga reply na natanggap ko sa kanila. Halatang-halata ba para gano'n ang maging reaction nila?

Is it too obvious?

Fuck! Am I really already inlove with this girl?

Ghad! What did you do to me, Ava?

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status