Droplets of Rain (Tagalog)
Droplets of Rain (Tagalog)
Author: nhumbhii
Prologue

As I walk near the shed, the fresh breeze of air that gently touches my skin made me think that this rooftop was only for us. It reminds me of how deeply I fall for him, and that was two weeks ago.

Napatingin ako sa kalangitan at nakitang nagbabadya itong uulan kaya kaagad akong sumilong sa shed. Hindi nga ako nagkamali dahil maya-maya'y nagsibagsakan na ang butil ng ulan. 

Memories bring back 

Napangiti na lang ako habang pinaglalaruan ang butil ng ulan na nasa palad ko. Napatingala pa ako sa itaas at dinamdam mabuti ang tunog ng ulan na nagsibagsakan sa bubong ng shed. 

I sometimes refer myself to pluviophile.

"May pasok ka pa."

Bahagya akong natigil sa ginagawa ko nang marinig ko ang boses niya. Napangiti pa ako ng pilit dahil mismong mga tenga ko ay nagha-hallucinate sa boses niya.

"Miss ka na ng puso kong luhaan," natawa pa 'ko sa sinabi ko at muling ipinagpatuloy ang paglalaro sa ulan.

"Student are not allowed to stay here without a proper consent coming from Dean." 

Halos panlambutan ako ng tuhod dahil sa malamig nitong boses. Dahan-dahan akong napalingon at nakita ang lalaking seryosong nakatayo habang hawak ang isang payong para proteksyon sa sariling huwag mabasa. 

"Under construction pa sa fifth floor nitong building at mahigpit na ipinagbabawal na huwag pumunta dito hangga't maaari." ma-otoridad niyang usal dahilan para mapairap ako.

Seryoso ba 'yan Drake? Bakit biglang bossy ang peg mo ngayon?

"Are you not going to hug me?" I asked as I raised my left brow and open my arms widely.

He stared at me blanky with those chestnut narrow eyes of him. How I missed those— I mean his eyes, not the way he looked at me.

"Babe?" Nanunuyo kong sambit. 

I want a hug, not just a hug but his warm hug. Kahit 'yon na lang ang ibigay niya sakin ngayon, kakalimutan ko na ang ginawa niya sakin kanina sa cafeteria.

"I'm breaking up with you." sabi niya sabay iwas ng tingin at tinalikuran ako. Nagsimula siyang humakbang palayo pero bigla ding napahinto.

Pumunta lang ba siya dito para sabihin sakin 'yan?

Muli siyang naglakad palapit sakin at ibinigay ang bitbit niyang payong. "Gamitin mo 'yan para hindi ka mabasa." 

Wala akong makitang emosyon sa kanya habang inaabot niya sakin ang payong. Nang matunugan niyang wala akong balak kunin ito, inilagay na lang niya sa sahig bago tumalikod ulit at naglakad.

"B-Bakit ngayon? Bakit hindi pa noon?" Sinubukan kong ayusin ang boses ko na huwag mautal, pero nanginginig ang kalamnan ko. Nang mapahinto siya, hindi na ako nagdalawang isip at tumakbo palapit sa kanya para yakapin siya ng mahigpit. "You're not breaking up with me naman diba? N-Nagbibiro ka lang." 

Hindi ko napigilang mapaiyak sa kalagitnaan ng ulan. Wala akong pakialam kung magkasakit ako. Gusto ko lang naman pigilan siya sa gusto niyang mangyari. Ayokong hiwalayan niya ako. Hindi ko kaya.

"Itigil na natin 'to." pwersahan niyang tinanggal ang mga kamay kong nakayakap sa kanya at kasing lamig pa ng ulan ang mga titig niyang ipinupukol sakin ngayon. "Ayaw ko na, okay? Huwag na tayong maglokohan dito." 

Walang tigil pa din ako sa pag-iyak at nang balakin kong hawakan siya, bigla niyang tinabig ang kamay ko. "H-How . . ." ultimong bibig ko ay nawalan yata ng salita kaya pabagsak akong napaupo.

"Am I a joke to you?" 

"Nakuha ko na ang gusto ko sayo kaya gusto kong tapusin na 'to—"

"Ginag-go mo ba 'ko? Sa dinami-dami ng pwede mong gamiting rason, bakit 'yan pa? Dahil ba ang babaw ng tingin mo sakin?" I hissed in disbelief. Napasapo ako sa noo ko bago pinilit ang sarili na tumayo para harapin siya. "Please, mag-isip ka naman ng ibang dahilan . . . Huwag lang 'yon." pagmamakaawa ko.

Nanginginig ang mga kamay kong hinawakan ang pisngi niya at pilit na binabasa ang sinasabi ng kanyang mga mata. Alam kong may iba siyang dahilan kung bakit niya ginagawa sakin 'to.

"Fine! Hindi kita minahal at kahit kailan, hindi sumagi sa isip ko ang mahalin ka." matigas niyang hiyaw at marahas na iwinaksi ang kamay ko at umalis.

"Did you know why I fall for you?" pahabol kong tanong at inis na pinunasan ang magkahalong ulan at luha sa pisngi ko.

"I didn't asked." sagot niya bago tuluyang umalis at isinara ang pinto ng rooftop.

You made me fall inlove with your lies. You made me believed na karapat-dapat akong mahalin and even this droplets of rain can tell how much I love you. Bakit ganyan ka Drake?

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status