Share

Chapter Five

CHAPTER FIVE

CELINE's POINT OF VIEW 

"Suotin mo yan!" utos niya sabay hagis ng isang pants na halatang mas malaki pa sakin.

Anong tingin niya sakin? Tomboy? 

"Ayoko! Magmumukha akong tomboy kapag sinuot ko yan" tanggi ko dito

Sa laki ba naman ng pants sa tingin niya kasya sakin yan? Kahit kailan hindi ko pa nagawang magsuot ng ganyang klaseng outfit, knowing na nandito ako sa university, ano na lang ang iisipin nila sakin?

"Sa ayaw o sa gusto mo susuotin mo yan!"

"A. YO. KO!" pagmamatigas ko. 

Seryoso ang mga mata niyang nakatingin sakin kaya tinimbangan ko din ang mga titig niya. Kala niya ha. Edi suotin niya mag-isa yan, hindi yung pipilitin niya akong magsuot ng ganyan. 

"Ano? Mas gugustuhin mo pang suotin yang skirt na yan----"

"Ayoko nga diba? Ano ba ang hindi mo maintindihan sa salitang ayoko?" iritableng sagot ko sa kanya. 

Padabog siyang lumabas sa office at iniwan akong nakakunot ang noo. Hindi ako maarte, sadyang mapili lang ako sa mga sinusuot ko at kahit minsan hindi pumasok sa isip ko ang magsuot ng pants ng iba, at hindi lang basta-bastang pants, dahil pagmamay-ari yun ng isang fvckboy. Who knows, baka may naiwan pang sperm sa pants niya. Yuck! 

"HOY! G*GO!" dinig kong sigaw niya mula sa labas

Sa lakas ba naman ng boses niya, hindi na 'ko magtataka kung bakit dinig na dinig dito sa loob ang mga pinagsasabi niya mula sa labas. 

"P*TANG*NA MO AUSTIN! KAPAG AKO HINDI MAKAPAGPIGIL AKO MISMO ANG BIBILI NG KABAONG MO!" muli na naman niyang sigaw at sinamahan pa ng mura.

Napabuntong na lamang ako ng hininga bago napaupo sa sofa. Ipinatong ko ang isang unan sa ibabaw ng hita ko tsaka muli na namang huminga ng malalim

Yung feeling na sobrang iksi na nga ng suot kong skirt tapos nagawa ko pang maupo sa isang sofa? Tsss

"Tsss. Ang arte arte" sabi niya pagkapasok niya dito sa loob 

Wow naman! Kung makapagsalita, parang walang kaartehan ang hayop na 'to ah. 

"Tsss. Akala mo kung sinong gwapo" pabalang kong sagot 

Hambalusin kita diyan eh, mas maarte yang ugali mo kumpara sakin. 

"Kumain ka na?" tanong niya

Kita mo 'to? Nag-fefeeling na naman ang maarteng 'to. Feeling real boyfie lang ang peg. Tsk

"Wow? Feeling boyfriend?" pang-aasar ko 

"Tsss"

"Tsss" pag-uulit ko sa sinabi niya sabay nang-aasar na tumingin sa kanya.

"Isa pang panggagaya, paparusahan kita"

Hahahaha! Asar talo ang loko! 

"Isa pang panggagaya, paparusahan kita"

Sinong tinatakot mo? Sana ginawa ko na 'to noong una pa lang, edi sana matagal na niya akong nilubayan at wala na sanang manyak na nagfe-feeling boyfriend sa buhay ko.

"Isa"

"Isa" 

Saglit siyang napahinto sabay kuha sa phone niya na nasa bulsa ng kanyang pantalon. Wala naman palang binatbat ang isang 'to.

"Dalawa"

"Dalawa" pag-uulit ko

Tingnan lang natin kung hanggang saan yang pasensya mo. Kunti na lang 

"I love you babe"

"I love you babe--- a-anong sabi mo?" naguguluhang kong tanong 

Did he say..  I LOVE YOU BABE? 

Nababaliw ba siya?? 

"Recorded!"

Anak ng----

Itinaas niya ang kanyang cell-phone, tsaka may kung anong pinindot

"G*go ka ah, akin na nga yan!" mabilis akong tumakbo papunta sa direksyon niya para sana kunin sa kanya ang cellphone ngunit mas mataas siya kumpara sakin. 

"Gagawin ko 'tong ring tone"

"Argh.. Isa!" Banta ko dito

NAKAKAHIYA!!!!! 

"I love you more, babe"

Ah ganun? Ayaw mong ibigay ha.. 

"Argh! nakakairita yang pagmumukha mo!" agad akong dumamba sa kanya kasabay nun ang paghagis niya sa kanyang cellphone sa sofa

"Chill babe, pwede naman nating gawin 'to dormitory namin" 

Pervert!

Balak ko na sanang tumayo para kunin na naman ang hinagis niyang cellphone ngunit ganun na din ang pagyakap niya sakin ng mahigpit 

"Burahin mo yun!" nanlilisik ang mga matang utos ko sa kanya

"Buburahin ko yun sa isang kondisyon"

Sige lang. Hindi ako magdadalawang isip na ipatokhang ang lokong 'to

"NO! buburahin mo----" napatigil ako sa pagsasalita nang biglang umiba ang pwesto namin. 

Nakapaibabaw siya sakin a-at... ako yung nasa ibaba

Ang sagwa

"Make love with me babe."

HanuhDAW? Juice coloured! Bakit mo 'ko pinarusahan ng ganito? Buti sana kung isang matino at hindi f*ckboy ang nang-angkin sakin bilang girlfriend. Ayoko na talaga.

"P*TA! PORN!"

Buong pwersa kong inalis ang brasong nakayakap sakin at tinulak si Drake palayo tsaka tumayo. Inayos ko ang nagusot kong damit pati na din yung maikli kong skirt. 

"Tang-na! Balak niyo pa yatang mag-live show dito" napayuko ako dahil sa sinabi ni Red

NAKAKAHIYAAAAAAAAAA!

Naramdaman ko ang pag-akbay sakin ni Drake dahilan para sapilitan ko itong iwaksi at lumayo sa kanya ng kunti. 

"Don't know how to knock first before entering?" matalim bagang tiningnan niya ang kanyang mga kaibigan kaya napatingin din ako sa kanila. Saktong pagkatingin ko nakatingin din sakin si Jero. Yung tingin na--YUCK! don't tell me hinuhubaran niya 'ko sa isip niya 

"Nah! Para saan pa? Haha" Luis 

Napalapit ako kay Drake tsaka isiksik ang sarili ko sa kanya ngunit titig na titig pa din sa katawan ko si Jero. Swear, hindi ako nagbibiro 

"One more stare, I won't hesitate to donate your fvcking eyes"

Biglang umiwas ng tingin si Jero at tumingin sa ibang direksyon. 

"Uhm. Excuse me"

Napatingin kaming lahat sa babaeng dumating. She's holding a paper bag at kagaya ko, she's also wearing 10 inches below the knee skirt 

"Pinapabigay nga po pala ni Austin"

Kaagad na kinuha ni Blake and dala ng babae which is yung paper bag. Binuksan niya ito tsaka inilabas ang laman. 

"Damit----"

Aakmang magsasalita pa sana siya nang biglang kinuha sa kanya ni Drake ang paper bag. 

"May CR diyan sa kaliwa. Dun ka na magpalit"

Binigay niya sakin ang paper bag, at mahina akong tinulak. 

Para sakin 'to? 

Hindi na lang ako umangal. Pumunta ako sa sinasabi niyang CR at pumasok sa loob. Tiningnan ko muna kung anong klaseng damit ang laman ng paper bag bago sinukat. 

Plain white dress? 

Although simple lang siya, pero maganda tingnan—Teka, hindi naman civilian day ngayon ah. 

"Drake?" gulat kong bulalas nang bigla siyang pumasok dito sa loob ng cr 

"Sakto lang ba sayo ang sukat?" tanong niya

Buti na lang at tapos ko nang isuot ang binigay niyang damit dahil kung hindi, I'm sure magiging manyak na naman 'to.

"O-Oo. Pwede mo bang i-zipper sa likuran?"

Sinunod niya din naman ang sinabi ko, pero maya maya'y bigla niya na lang akong niyakap sa beywang 

"Babe?" bulong niya tsaka isiniksik ang mukha niya sa leeg ko

Tsss. Eto na naman siya. Nagsisimula na naman ang kamanyakan niyang taglay 

"Huwag mo nga isiksik yang mukha mo sa leeg ko" angal ko dito 

Nagfe-feeling boyfriend na naman po siya. A feelingerong manyak na boyfie

"You look sizzling and hot wearing that plain dress" sabi nito habang hindi pa din inaalis ang mukha niya sa leeg ko 

"I know. Bata pa lang ako, alam ko na yun" proud na proud kong sabi sa kanya. May sense din minsan kausap ang isang 'to. Honest

Inabot ko na lang ang bag ko at hinanap ang hairbrush tsaka nagsuklay 

"I don't know why I am blinded by your beauty. You perfectly looks awesome"

Napahinto ako sa pagsusuklay, tsaka napatingin sa repleksyon niya sa salamin. 

Hays. Ang hirap talaga maging maganda, nakakapagod nang marinig ang puri at puna ng mga taong nakapaligid sakin. Should I blame my mom dahil ipinanganak niya akong maganda?

"I still remember the day when I first saw you. I was out that time when you glanced at me"

Nagpatuloy ulit ako sa pagsusuklay at hindi siya pinansin. Hayaan ang loko, bumabanat eh 

"So I made a plan on how could I come near to you. I tease you, I even said you're not virgin anymore,"

Ah ganun? Pinagplanuhan niya pala ang inisin ako that time, para patulan ang kamanyakan niya? Tss

"And I am so glad that I can own you now" dagdag pa nito na kaagad ko namang inirapan.

Does he own me? Tssk Self proclaimed?

Inalis niya ang kamay niyang nakayakap sakin tsaka ako pinaharap sa kanya. "I love you. I really do" 

Seryoso ba siya sa sinasabi niya? 

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status