Share

Chapter One

CHAPTER ONE

CELINE's POINT OF VIEW

"Virgin ka pa ba?" 

Bahagya akong napatingin sa lalaking umupo sa katabi kong upuan. 

"Lumayo ka nga sakin, kung ayaw mong dukutin ko yang dalawang mata mo!" pagtataray ko sa kanya habang nililigpit ang mga gamit ko sa desk 

Kung makapagsabi ng hindi na virgin, wow! Hiyang-hiya ako sa fvckboy. Feeling close lang? Ganun? 

"First blood mo daw si Kean, kaya pano mo masasabi na virgin ka pa?"

Siraulo 'to ha. Anong first blood ang pinagsasabi niya? Pinapalabas niya ba na nakipag-anohan ako sa Kean na yun tapos may dugo na? 

"Kung wala kang magawa sa buhay mo, pwes! Tigil-tigilan mo 'ko" sigaw ko sabay tayo habang bitbit ang mga gamit ko at nagsimulang maglakad palabas ng classroom 

Kabanas! Gagawa na nga lang ng kwento, yung hindi pa makatotohanan. Sana nagpaalam muna siya sakin na gusto niyang gumawa ng kwento-kwento, edi sana naging mentor niya 'ko at posibleng mapabilang pa siya sa mga magagaling na author dito sa pinas kapag nagkataon. Tsk

"Hindi ka na virgin"

Napahinto ako sa paglakad, sabay lingon sa taong nagsalita. Nakaramdam na din ako ng hiya dahil pinagtitinginan ako ng mga kaklase ko. Siguro nagtataka sila kung bakit nandito ang kilalang fvckboy sa school namin, gayong hindi naman namin siya kaklase. 

"Bahala ka na nga diyan, kung ayaw mong maniwala, Edi wag!" medyo napasigaw ako dahil sa inis na ayaw pa din ako lubayan ng siraulong 'to. 

"Parang inamin mo na din na hindi ka na virgin, sa lagay na yan" sagot nito dahilan para mas lalong mapakunot ang noo ko sa kanya 

"Gusto mo ng proweba na virgin pa talaga 'ko?" pigil ang inis kong sabi sa kanya ngunit napangiti lang ang loko tsaka nang-aasar na tumingin sakin "Kahit hwag na. Halata namang hindi ka na virgin" 

Kunti na lang talaga't dudukutin ko na ang mga mata niya. I need someone na pwedeng pumigil sakin dahil kapag ako, hindi nakapagtimpi. Mapipilitan talaga akong ipalapa siya sa alagang aso ng kaibigan ko. 

"Mamayang seven, pumunta ka sa condo ko,"

Tinalikuran ko siya at muling naglakad palayo, ayoko nang patagalin ang usapan sa pagitan namin ng siraulong yun. As if naman na sisikat siya sa kwento niyang gawa-gawa lang. Ang sabihin niya, wala lang talaga siyang mapagtripan kaya ako ang punterya niya ngayon. 

"Dun ko papatunayan na virgin pa 'ko" dagdag ko at tuluyan nang lumabas sa classroom

THIRD PERSON's POINT OF VIEW

"Drake! Punta tayo sa bagong bar ni Austin, madami daw chicks na galing sa WNU" sabi ni Luis sa kaibigan niyang busy sa kaka-picture ng mga lectures na nasa white board. 

Kakatapos lang ng kanilang klase kaya't sila na lang ang natitira dito sa classroom. Magkakaiba ang kanilang  kurso pero dahil sa magulang ni Drake ang may-ari sa eskwelahan, nagawa nilang maging blockmates sa lahat ng subject 

"Kayo na lang, may pupuntahan pa 'ko" rason niya dito habang patuloy pa din sa pagkuha ng litrato .

CARLOS DRAKE SANTILLAN kilala bilang ultimate playboy at fvckboy sa kanilang eskwelahan. Magulang nito ang may-ari sa kanilang paaralan kaya't hindi na kataka-taka kung mismong paaralan nila ay ipinangalan sa kanilang apelyido 

"Minsan lang 'to Drake! Sumama ka na" pagpupumilit pa ng isa niyang kaibigan na si Pula. 

"Una na ako, enjoy kayo sa bar" pagpapaalam niya nang matapos siya sa kanyang ginagawa. Napamura pa ang dalawa niyang kaibigan, ngunit hinayaan niya na lang ito at nagpatuloy sa paglalakad. Mabilis siyang maglakad, kaya't mabilis din niyang narating ang parking lot. Sumakay siya sa kanyang EnzoFerrari at pinaandar ang engine. 

Sampung minuto lang ang iginugol niya sa pagmamaneho at narating niya kaagad ang kanyang patutunguhan. Dire-diretso lang ang lakad niya papasok sa condominium nang matapos niyang iparada ang kanyang sasakyan. Sumakay siya sa elevator at nakasabay pa ang ilang mga nagtra-trabaho dito mismo sa condo na kanyang pinuntahan. 

Panay ang tingin sa kanya ng ilang kababaihan at tila nagpapa-cute pa, basi sa kanilang inaasta. Dahil sa dakilang playboy at fvckboy ang nasabing binata. Nilapitan niya ang katabi niyang babae at aakmang hihipuan na sana nang biglang bumukas ang elevator. 

"Tsss, sayang!" nasabi na lang niya nang makalabas ang lahat ng tao sa elevator maliban sa kanya. 

Maya-maya lang ay bumukas ulit ang elevator dahil umabot na ito sa huling palapag. Palapag na kung saan siya tutungo. Lumabas siya sa elevator at tinungo ang pinakasulok ng palapag. Saktong pagkarating niya dun ay bukas ang pinto ng isang unit kaya hindi na siya nahirapan pa sa pagbukas. Iginala niya muna ang kanyang paningin tsaka nagpatuloy sa loob. 

Nadatnan niyang tahimik at walang katao-tao dito. Kaya muli siyang nagpatuloy sa paglalakad hanggang sa mapansin niya ang isang kwarto. Naka-awang ang pinto nito. Kaya hindi siya nagdalawang isip na pumasok dito. Madilim ang bumungad sa kanya at  kinakailangan pa niyang buksan ang ilaw na nasa bandang gilid. 

Lumapit siya sa kama na kung saan may isang dalagang mahimbing na natutulog at walang kaalam-alam na may taong nakapasok sa condo niya. Napangisi ang binata ng makitang walang suot na damit ang nasabing dalaga maliban sa undergarments na nakapaloob sa comforter. 

Aakmang hahawakan na sana ni Drake ang natutulog na si Celine, nang bigla itong maalimpungatan. Nataranta ang binata at hindi malaman kung anong gagawin sapagkat napagtanto niyang, ang dalaga mismo ang nagpapunta sa kanya dito, kaya bakit naman siya matatakot? 

"A-Anong ginagawa mo dito?" nauutal at hindi makapaniwalang tanong sa kanya ni Celine. 

CELINE KIETH DELAFUENTE  isang normal na estudyante na mag-isang nakatira sa kanyang condo. Gusto niyang maging independent, kaya't pinilit niya ang kanyang mga magulang na manirahan mag-isa. 

"7Pm na" cool na sagot ni Drake habang nakangisi. 

"What the heck! Ano bang pinagsasabi mo!?" automatikong napaupo si Celine, kaya't kitang kita ni Drake ang katawan nitong walang nakabalot na ano mang saplot maliban sa suot nitong bra. 

"Mukhang mas excited ka pa kumpara sakin, Babe" makahulugang sambit ng binata habang naka-focus ang mata sa katawan ng dalaga. 

Nagulahan naman si Celine sa mga tinging ipinupukol sa kanya ni Drake kaya agad niyang kinuha ang comforter at itinakip sa katawan nang mapagtanto niyang wala nga pala siyang suot na damit. 

"Pervert! Lumabas ka nga!" hindi mapigilang  hindi mairita ang dalaga lalo na't sa mga tininging ipinupukol sa kanya na parang pinagnanasaan siya. 

"A-Ano ba? B-Biro lang yung k-kanina" nauutal nitong sabi habang pilit na tinatakpan ang kanyang katawan. 

"Let me taste you babe... are you still virgin or not?" nakangising sambit ni Drake at nagsimulang gumapang papunta sa direksyon ni Celine.

Napalunok ng ilang beses ang dalaga at sinubukang umatras ngunit bigo siyang napahinto dahil nasa gawi na siya na kung saan head board na ng kama. Hindi niya inakalang totohanin ng binata ang kanyang sinabi, kaya't kampanti itong natulog ng hindi nilock ang pintuan ng kanyang condo. 

"Scared huh? Don't worry, I'll be gentle" mas lalong nadagdagan ang kanyang kaba sa sinabi ni Drake. Nagdadalawang isip pa siya kung sisigaw ba siya ng tulong dahil una sa lahat, wala lang din namang may makakarinig sa kanya oras na sumigaw siya at nagsasayang lang siya ng boses kapag tangkain pa niyang sumigaw. 

"Ready babe?" tanong ni Drake ng tuluyan siyang makalapit at pumaibabaw sa dalaga

"L-Lumayo ka!" pilit na pinapaalis ni Celine sa kanyang kama ang nakangising si Drake ngunit mas malakas pa din ang binata kaya't balewala lang ito sa kanya.

"B-Biro lang nga y-yun!"

Hindi nagpatinag si Drake. Siniil niya ito ng halik. Sa bawat halik na kanyang ginagawa ay lumalakbay naman ang kaliwa niyang kamay sa iba't ibang parte ng katawan ng dalaga. Napalaki ang Mata ni Celine ng maramdaman niyang natanggal ni Drake ang pagkaka-hook ng kanyang bra. 

"Sssssh. Alam Kong virgin ka pa, pero sa una lang 'to masakit. Trust me" ngumiti sa kanya ang binata tsaka muli siyang hinalikan at tinuloy ang kanyang ginagawa 

Nakita niyang nagbabadya ang mga luha nito, kaya dali-dali niya itong pinahiran. Hinalikan niya ulit si Celine at "sssh.. don't cry" sambit nito sa pagitan ng kanyang paghalik 

"T-Tumigil ka na!" pagmamakaawa nito, tsaka buong pwersang itinulak ang binata. 

Medyo nakaramdam ito ng awa kaya't bahagya itong napatigil sa paghalik at tinitigan ang umiiyak na si Celine. 

"Hindi muna kita pipilitin... sa ngayon" makahulugang sambit ni Drake tsaka tumayo at naglakad palabas sa unit nito. 

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status