Share

Chapter Three

CHAPTER THREE

CELINE's POINT OF VIEW

"SHE'S MY GIRLFRIEND SO BACK OFF DUDE!WALANG PWEDENG PUMORMA SA GIRLFRIEND KO. ANG LUMABAG, ALAM NIYO NA ANG PARUSA NIYO!"

The fudge. Kailan pa 'ko naging girlfriend ng isang f*ckboy? 

"ORRRAYT!!! NARINIG NIYO YUN?" napatingin ako kay Austin na nagsasalita sa stage. 

Nakababa na pala kami sa stage nang hindi ko man lang namamalayan. Masyado akong lutang sa sinabi ni Drake.

Papanong naging kami? Niligawan niya ba 'ko? Kelan?

"Nice one pardz! Masyado kang possessive sa bago mo" salubong sa'min ni Jero

"Possessive much? As if naman na ikaka-gwapo niya yung pagiging possessive sa gf niya" sabat naman ni-'i don't know' hindi ko siya kilala

"Baby, Huwag kang gumanyan kay Drake. Tandaan mo, yan ang nagustuhan mo sakin" suway ni Red sa babae tsaka inakbayan. 

Eh? Girlfriend niya siguro.

"THE MEETING IS OVER! DON'T FORGET ABOUT THE TEN NEW RULES" mukhang feel na feel yata ni Austin at Blake ang pagiging MC

"KAPAKANAN NG ESKWELAN ANG PALAGI NAMING INIISIP KAYA NABUO YUNG MGA RULES. HWAG NIYONG KALILIMUTAN, LALONG LALO NA ANG KAGWAPOHAN NAMIN" kahanginan ni Blake

Hindi ko alam kung ano ang dapat kong i-react. I even don't know kung paano ako naging involved sa mga 'to.

"Drake! Mag-usap nga tayo!" sabi ko at ako naman ang nanghila sa kanya

"Uyy!! Sa'n kayo pupunta?" Bahagya akong napahinto nang magsalita si Luis

"Make out daw kami, sabi ni babe" pilyong sagot naman ng kumag dahilan para mapairap ako ng wala sa oras.

Ngayon pa lang, I'm starting to hate him.

"Goodluck! Kapag nasobrahan, iputok mo sa loob, sayang yung bata. hahaha" hirit pa ni Luis at sabay silang nagtawanan

Hindi ko talaga gets ang pinagsasabi nila. Swear.

"Susubukan namin ni babe-A-Aray babe!" 

"Alam mo. Napupuno na'ko sayo eh, Kanina mo pa 'ko bwinibwisit" sabi ko sabay kurot sa kanyang tagiliran habang kinakaladkad siya. 

"BABE!!" sigaw niya dahilan para mapatahimik lahat ng estudyante dito. Magkasalubong ang kilay kong napatitig sa kanya bago nag-walk out. 

Bwisit! 

Ilang beses niya na ba akong binabadtrip simula pa kahapon? 

THIRD PERSON's POINT OF VIEW

Mabilis na naglakad si Celine palabas ng gym. Hindi niya pinansin ang mga estudyanteng nakatingin sa kanya hanggang sa tuluyan siyang makalabas. 

"KYAAAAAAAAH!!!" napatili ang dalaga nang bigla siyang buhatin ni Drake. 

Yung tipong parang nagbubuhat ng isang sakong bigas. 

"Wala ka nang kawala babe" nakangisi nitong sambit kung kaya't pilit na kumawala mula sa kanyang pagkakabuhat si Celine at hindi naman nabigo ang dalaga. Nakatakas siya sa mga bisig ng binata at kaagad na lumayo dito. 

"Don't come near me. Idedemanda kita." banta nito pero hindi man lang nagawang matakot si Drake bagkos mas lalo pa itong lumapit sa gawi niya. "Sabi nang lumayo ka!" tili ng dalaga.

"Pano ba yan? Ayaw magpapigil 'tong mga paa ko sa paglapit sayo." rason nito na mas lalong nakapagpakaba sa kanya. "Pagbigyan mo na 'ko. Kahapon pa 'ko nagtitiis-"

"Stop it! Hinding hindi ka makakaisa sakin dahil may b-boyfriend na ako." nauutal niyang sagot at pilit na humahakbang patalikod.

"Wala kang boyfrien-"

"Meron nga, sabi. May boyfriend na ako at nasa kabilang university siya." napalunok siya ng ilang beses nang makita niya ang galit sa mga mata ni Drake.

"Wala sa hitsura mo ang magkaroon ng boyfriend." 

Napasinghap naman siya dahil sa turan ng binata. Hindi siya makapaniwalang pinagduduhan siyang walang nobyo sa kabila ng kanyang kagandahang taglay. 

"Kung ayaw mong maniwala-uhmm." napaimpit siya nang biglang sakupin ni Drake ang kanyang mga labi sa pamamagitan ng labi nito. 

Muli siyang nagpupumiglas pero ayaw nang magpapigil ng binata at mas lalo pang pinalalim ang paghalik kahit na umaayaw ang kahalikan niya.

"D-mn! What the heck is your problem?" pagalit na sigaw ni Celine nang makawala siya kay Drake. "I told you na may boyfriend na ako, bakit ba ayaw mong maniwala?" 

"Maniniwala lang kapag kapag iniharap mo siya sakin." nakangising sambit ni Drake sa kanya. "Pero hangga't wala kang inihaharap sakin na boyfriend mo, ako na ang boyfriend mo simula ngayon. Naiintindihan mo?" 

Halos panindigan siya ng balahibo dahil sa sinabi ng binata. Hindi niya gusto ang pananalita nito.

"See you tomorrow, babe. Pwedeng ka nang umuwi kung gusto mo dahil kinancel namin ngayong araw ang buong klase." Hindi magawang maka-react si Celine hanggang sa maramdaman niya ang marahang paghaplos ni Drake sa kanyang buhok. "Hindi muna kita maihahatid sa ngayon dahil may gagawin pa ako. Babawi na lang ako sa susunod, okay?" nakangiti siya at maya maya'y binigyan ng isang smack kiss si Celine. "Ingat babe, love you." paalam nito at nakapamulsang naglakad palayo.

Hindi pa din makapaniwalang hinawakan ni Celine ang kanyang labi. Tila sini-sink in ang bawat katagang binitiwan sa kanya ni Drake.

"Mababaliw na yata ang sa fvckboy na yan." naiiling nitong sambit at mas lalo lang siyang naiinis sa tuwing maiisip niyang wala na siyang kawala sa isang Carlos Drake Santillan. 

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status