Share

Chapter Four

CHAPTER FOUR

THIRD PERSON's POINT OF VIEW

"BESTFRIEND! WAKE UP! MALE-LATE NA TAYO" sigaw ni Megan habang niyuyogyog ang puyat at natutulog na si Celine. 

Napatayo siya sabay kuha sa dala niyang paperbag at muling sinigawan ang kaibigan

"MYGHOD! gumising ka na nga"

Naglakad siya papuntang sofa para inspeksyunin ang dala nitong bagong uniporme. 

"WAKE UP NA CELINE! 45 minutes left male-late na tayo" patuloy pa din ito sa pagsigaw kaya tuluyan nang nagising ang kanyang kaibigan.

"ANG AGA AGA! PINAPAIRAL MO NA NAMAN YANG MEGAPHONE MO!" pabalik na sigaw ni Celine sabay talukbong sa comforter. 

Puyat ito dahil pasado alas dose na nang makauwi siya kagabi galing sa bahay ng kanyang mga magulang.

"Maingay pala ha" binaba ni Megan ang hawak nitong paperbag tsaka sumugod sa kwarto ng kanyang kaibigan. 

"Yaaaaaaah! Ano ba!" nakabusangot ang mukhang napabangon si Celine nang pabagsak na humiga si Meg at siya ang ginawa nitong kama

"Ang INGAY ko diba? Diba?" 

Bahagyang napa-roll eyes na lang ito sa inasta ng kanyang kaibigan. Napakamot pa sa batok ang dalaga kasabay ng kanyang paghikab

"Anyway! Kayo na pala ni Santillan?" 

Parang ang kaninang antok na expresyon ni Celine ay tila napalitan ng pagkagulat at napawi ang antok nito dahil sa tanong ng kanyang kaibigan

"YUCK! HINDI AH!" automatiko itong napasigaw lalo na't naalala na naman nito ang ginawa sa kanya ng nasabing binata

"Ows talaga? Why so defensive?" nakataas kilay na tanong ni Meg

"Tigilan mo nga ako. Hindi nga kami" sagot naman nito sabay tayo at nagpatuloy sa banyo

"OK! Sabi mo eh"

Saglit na natahimik ang buong sulok ng kwarto nang biglang nagsalita si Celine na kakalabas lang galing banyo

"Hindi nga pala ako papasok" sabi nito habang sinusuklay nito ang kanyang buhok

"What? Hindi pwede" gulat na sagot ni Meg na may nakapaskil na pagkainis sa mukha nito

"Hindi nga ako papasok" pag-uulit pa ni Celine

Gustuhin man niyang pumasok ngunit ayaw naman niyang makita ang pagmumukha ni Drake

"Sige ka. Kapag hindi ka pumasok, isusumbong kita kay tita at sasabihing may boyfriend ka na" pananakot naman sa kanya ni Meg

"Edi isumbong mo, wala akong pake"

Bigla niyang kinuha ni Meg ang kanyang cp sa loob ng bag niya, tsaka may kung anong ginawa. 

"Hello tita??..... Yes po..... Sasabihin ko lang po sana na may boyfriend ----" mabilis pa sa alas kwatrong tumakbo si Celine sa kanya at tinakpan ang bunganga nito

"Ok! Ok! Papasok na ko"

"Yun naman pala eh. Bilisan mo dahil late na tayo"

Padabog itong pumasok sa banyo para maligo nang muli na namang nagsalita si Meg "Siyangapala, hindi na pwede yang skirt mo" 

"I just bought my skirt last month, kaya papanong hindi na pwede?" nakabusangot na tanong sa kanya ni Celine

"Duh! Nasa rule yan"

"Rule?" 

Hindi na nag-abalang sumagot si Meg. Itinapon nito ang dala nitong bagong skirt sa mukha ng kaibigan kaya't ganun na din ang pagsalo ni Celine habang may nakapaskil na pagka-inis sa mukha nito

"ANONG KLASENG SKIRT 'TO? MAS SOBRA PA YATA 'TO SA MGA HOSTESS, tsss" reklamo nito

"Kailangang pumasok na nakaganyan kaya wag ka na ngang mag-reklamo, hindi ka nag-iisa bes"

"Ayoko! Hindi na lang ako papasok, kung ganyan lang din naman ang susuotin ko" balak na sana nitong itapon pabalik kay Meg ang bagong skirt nang biglang nagbanta na naman si Meg

"Ok. Tatawagan ko na lang si tita at sasabihing----"

"OO NA! OO NA! PAPASOK NA 'KO"

Asar na pumasok sa loob ng banyo ang dalaga habang ngiting-ngiti si Meg dahil sa pagkakataon ngayon napapayag niya ang kanyang kaibigan 

"Dali na! Late na tayo oh" 

CELINE's POINT OF VIEW

"Umuwi na lang kaya tayo" sabi ko at hinila pabalik sa gate si Meg. 

Ayoko! 

Hindi ko talaga kaya ang magsuot ng ganito

"Ano ka ba naman. Wag ka ngang ano"

Kaibigan ko ba talaga 'to? Bakit hindi siya suportado?

Palingon lingon lang ako sa bawat sulok, habang nakatago sa likod ni Meg. Baka makita pa 'ko dito ni Drake at baka pagtawanan pa 'ko nun, dahil sa nangyare kahapon. 

"Umayos ka nga bestfriend!" Napapadyak ako dahil sa inaasta ng kasama ko

"Sabi ko naman sayo na ayaw kong pumasok. Pinilit mo pa 'ko"

"Whatever! Tara na nga!" mahigpit niya 'kong hinila at sabay kaming naglakad. 

Argh nakakahi-

"Why are you wearing such low skirt?"

Lagot na. Sinasabi ko na nga ba't magk-krus ang landas namin dito sa campus.

"Bakit hindi mo tanungin yang mga kaibigan mo. Tss" sa panahon ngayon, kailangan kong mag-taray, Lalo na't may katangahan akong ginawa kahapon. 

"Tsss" 

Hinila niya ako mula kay Meg at kinaladkad papuntang nowhere. Ewan ko pero may lahi yata siyang siraulo dahil bigla bigla na lang nanghihila.

"BESTFRIEND! KITA NA LANG TAYO MAMAYA SA CAFETERIA. BYE"

Wow grabe! Hindi man lang ako binawi mula sa isang f*ckboy? Bestfriend ko talaga yan. Huwag niyong kalimutan na bestfriend ko yan. Tsss

"Bitiwan mo nga ako!" sabi ko at hinila ang kamay ko pabalik

Kaimbyerna lang eh

"Ano? Nagagandahan ka dyan sa suot mo?"

Mas mataray pa siya sakin ngayon?

Hinila niya ulit ako kaya nagpahila na lang ako sa kanya. Baka umusok pa ang ilong nitong kasama ko. Tsss

Kaladkad lang Siya ng kaladkad sakin hanggang sa mapadpad kami sa offi-OFFICE? Bakit sa office? Anong gagawin namin dito? 

"D*MN YOU ALL ASSHOLE! WHAT'S WITH WEARING A LOW SKIRT FOR GIRLS?" bulyaw niya nang makapasok kami sa loob

Kainis lang ha, ako pa talaga ang ginawang modelo sa harap ng mga f*ckboy

"Holysh*t!" napatingin ako Kay Austin na nagmura

Yung legs ko. Nae-expose. Bigti na!

Agad akong nagtago sa likuran ni Drake nang maramdamang panay ang tingin nila sa hita ko. 

"IPAGPATULOY NIYO PA YANG KAMANYAKAN NIYO SA GIRLFRIEND KO AT MAPAPATAY KO TALAGA KAYO NANG WALA SA ORAS"

Galit na ba siya sa lagay na yan? 

Sabay sabay silang nag-iwas ng tingin at yung iba'y pasimpleng may ginagawa kuno.

"Hindi ako nakatingin ha" rason ni Luis

Sinungaling. Halos tumulo nga yang laway mo sa kakatingin sakin tss

"Mas lalo namang hindi ako. May baby na 'ko kaya bakit ko naman mamamyakan yang girlfriend mo?" tanggi naman ni Red

Tsss, mga manyak na nga! Dinagdagan pa ang mga kasinungalingan nila.

"Who the hell was in charge in making this rule?" seryosong tanong sa kanila ni Drake dahilan para sabay sabay silang umiwas ng tingin.

Oh? Ano kayo ngayon? Ha? 

Sabay nilang tinuro ang nakaupong si Jero na kaagad namang tumawa at nagreklamo.

"Bakit ako? Si Austin ang nagplano nun." giit nito

Kaagad na kwinelyuhan ni Drake ang gulat na gulat na si Austin dahil sa pagturl sa kanya ni Jero.

"Chill lang dude! Exempted yung girlfriend mo sa rule na ginawa namin"

G-go ba Siya? Edi Sana sinabi niya sakin kahapon para kahit papano hindi nadagdagan ang kasalanan ko sa paningin ni God. Tss

"Anong namin? G*go! Ikaw lang ang gumawa nun" singit ni Blake

Tsk True friends ang tawag dyan, diba?

"Mamili ka,TATANGGALIN MO ANG RULE NA GINAWA MO O TATANGGALIN KO YANG PAGMUMUKHA MO"

Lagot ka ngayon.

"Oo na! Aalisin ko na"

Halos matawa ako sa mukha ni Austin. Epic pa sa lahat ng epic. 

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status