Ungentleman (Taglish)
Ungentleman (Taglish)
Author: zerenette

Chapter 1

Nakatanga lamang ang dalaga habang pinapanood ang lalaking dumaan sa harapan niya. 

Kasalukuyan itong nakaupo sa upoan ng isang mamahaling restaurant kasama ang manager nitong 

bakla. Hinihintay kasi nila na dumating ang photographer nilang si Brandy para sa photoshoot ng 

isang kilalang alak sa bansa mamaya. Sabay na silang pupunta sa venue at mag sign ng kontrata sa 

may ari.

"Bunganga te, baka mapasukan ng langaw. Ke ganda-ganda walang poise." Saway ng baklang si 

Balosh.

"Ang gwapo bakla oh." Nguso ng dalaga sa lalaking nakaupo sa likod nila. Mga 4 tables apart kaya 

medyo may kalayuan din. Agad na lumambitin sa ere ang nguso niya ng nakatingin din sa kaniya ang 

papabols at kinindatan siya. Agad naman siyang napahawak sa puso niya at napangiti ng lihim.

"Nakita mo yon Balosh? Kinindatan ako nung gwapong lalaki." 

Kinikilig na sambit niya. Inirapan lamang siya ng bakla palibhasa kasi walang boyprend. Nangingiting 

nilingon niya ulit ang lalaki at literal na nalaglag ang panga niya. Pag ngisi ng binata ay nalaglag ang 

suot nitong postiso. Napalunok siya at kinurot ang sarili tsaka kunwari ay busy busyhan.

"Ay! Gwapo nga puro gilagid oh. Pak na pak ka talaga Marija. Ikaw na!" Tatawa-tawang asar ng bakla 

sa kaniya. Pumalakpak pa ang bakla. Inisip niya lamang na pukpukin ito mamaya.

"Che! Oh andiyan na pala si Brandy. Tayo na at nang matapos na ang araw nato. Na i-stress ang 

kagandahan ko." 

Nakangiting aniya't naglakad na paalis. Hindi na niya pinasadahan ng tingin ulit ang lalaki 

paniguradong aasarin na naman siya ng huklubang bakla.

"Naku! Kung hindi ka lang talagang maganda bruha ka. Kanina pa kita kinalmot ng kinalmot." 

Nangigigil na ani ng manager ng dalaga habang hindi na magkanda ugaga sa pagbitbit ng mga 

gagamitin nila. Nagmumukha itong julalay kesa manager. Tanging back pack lang naman ang dala ng 

dalaga. Nakapameywang na hinarap niya si Balosh.

"If I know inggit ka lang sa byoti ko. Laking iskwater ako pero makinis. Tsaka huwag na huwag kang 

magkakamaling awayin ako. Alam mong alam nating dalawa na ito lang hanap buhay natin. Swerte 

nga tayo't napili ako para maging model ng alak." 

Saad niya sa kanila na ikinairap ng mga ito sa kaniya. Kahit naman palagi silang nagbabangayan ni 

Balosh at Brandy ay sobrang lab na lab niya ang mga ito. Sa mga panahong walang-wala sila ng nanay 

Apple niya sila ang tumulong sa kanila. Kaya malaki ang utang na loob niya sa mga baklang to. Sabay 

sila kahit anong raket basta ba legal at mapagkikitaan gora agad. Hanggang sa may nag alok sa kanila 

ng modeling, sino ba siya para tumanggi? Sa angking ganda niya'y bagay na bagay siya sa 

pagmomodel. Actually, nanalo na siya nun sa barangay day pageant. Napansin ng baklang 

photographer ang kagandahan niya na ang pangalan ay Brandy Futa. Doon nagsimula ang karera nila 

ng baklitang bestfriend niya.

"Hoy gaga? Nananaginip ka na naman. Sumakay ka na kaya. Naghihintay ang may-ari ng kompaniya 

para sa contract signing mo. Bilisan mo at pag iyon nainip ewan ko lang. Ang laki-laki pa naman ng 

talent fee one hundred thousand per shoot." Seryosong ani ni Brandy sa kaniya. Literal na tumigil 

ang paghinga niya sa narinig.

"Ha? Ba't ang laki?" Nanlalaki ang mata niyang sambit. Sino ba namang loko-loko ang magbabayad 

ng one hundred thousand per day. Partida pag umabot ng 10 days milyonarya na siya.

"Gaga! Mabuti nga at mukhang tanga yung may-ari. Hindi na rin naman siya lugi sa ganda mo no? 

Ang ganda mo kaya." Puri sakaniya ni Balosh na ikina ngiti niya.

"Hindi nemen mesyedo." Inipit pa ng dalaga ang boses niya at ngumisi ng pabebe.

"Feeling talaga." Inis na ani Balosh at pinukpok ang mautak niyang head. Inis na inirapan niya naman agad ito. Baklang to.

"Tara na. Mukhang hindi niyo pa alam kung sino ang boss natin. Pag tayo na late ng 3 seconds 

goodbye one hundred thousand tayo." Nag-aalalang ani ni Brandy sa kanila. Agad naman na lumaki 

ang butas ng ilong ni Balosh at inalog alog siya pagkasakay nila sa kotse niya na parang pinaglumaan 

na ng ilang henerasyon.

"Ano bang problema?" Tanong niya sa kanila napaka oa kasi ng mga reaksiyon nito.

"Halerr? Sarin Déstilleria ang company day, Hindi basta-basta lang!" Over acting na ani ni Brandy. 

Nagkibit balikat lang ang dalaga dahil wala naman siyang alam sa may-ari nun.

"So?" Tanong niya.

"Ay gaga! Marco Theus Sarin day hindi mo kilala?"

Nanlalaki ang matang tanong ni Brandy habang seryosong nakahawak sa cellphone niya. Lumalaki na 

rin ang butas ng ilong nito palatandaan na sobrang exxagerated.

Bopols din tong baklang to pag kami nahuli ng PLDT lalong wala kaming one hundred thousand. Di 

niya ba alam na bawal ang cellphone while driving? Ano bang pakialam ko sa Theus na yan? 

Anang isip niya.

"Gaano ba kasi ka yaman at ka kilala yan na parang aligagang-aligaga kayo?" 

Simpleng tanong niya. Kunot ang noo na tinignan siya ng dalawa. Napalunok siya agad at napahawak 

sa seatbelt ng kotse ni Brandy. 

"B-bakit parang galit kayo? M-may nasabi ba akong mali?" 

Uutal-utal na tanong niya. Bumuntong hinga si Brandy at pinalo siya sa kamay ni Balosh. 

"Aray! Ano ba Balosh? Namumuro ka na sakin ah. Kamay mo parang bakal ang sakit."

Reklamo niya't sinamaan ito ng tingin. 

"Wala ka bang cellphone Marija? Diyos ko naman day, pesbok pesbok din pag may time para hindi 

ka nahuhuli sa balita." 

Puno ng frustrasyon ang mukha na ani ni Balosh. 

"Bigyan mo ko. Alam mo namang napakahirap ng buhay. Alangan namang unahin ko ang cellphone 

kesa sa bigas at ulam namin ni nanay. Isama mo pang ang mahal ng renta ng bahay kahit maraming 

butas ang yero." 

Sagot niya sa bakla. 

"Sige nga bibili ako selpon pero ikaw magbabayad ng kuryente namin, tubig pa. Isama mo pa ang 

renta sa pwesto ni nanay sa palengke. Money down, now na." 

Nakataas ang kilay na aniya kay Balosh. Napapikit ito at nakakuyom na rin ang kamao. 

"Alam mo ikaw Marija? Selpon lang ang pinag-uusapan natin bakit dumating sa point na ako na yata 

ang pababayarin mo sa lahat ng gastusin niyo? Kung sana lang may tatanggap sa sexy body ko 

matagal na kitang na sponsoran ng selpon bruha ka." 

Pairap-irap na anito. Napanganga pa siya habang tumatalsik ang laway nito papunta sa mukha niya 

dahil lumalapit ang mukha nito. Mabilis na iniharang niya ang kamay sa mukha nito at tinulak ng 

bahagya. 

"Showering ka." 

Mahinang aniya at napailing-iling.

Tbc

Zerenette

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status