Chapter 11

"Hoy Sarin  pano na ngayon yan?" 

Nag-aalalang tanong ni Marija sa binata. Nanatiling tikom ang bibig ng binata habang nakatuon lamang ang tingin sa daan. Ilang saglit lang ay tumunog ang cellphone nito. 

"Could you hand me my phone?" 

Kalmadong ani nito. Agad niyang ibinigay ang cellphone nitong nasa ibabaw ng dashboard. Agad naman siyang natahimik.

"Speak up." 

Matigas na ani ng binata. Agad na napa upo ng maayos ang dalaga. Nagsalita ang kausap nito sa cellphone subalit hindi naman niya marinig. 

"What?"

Napalakas ang sambit ng binata kaya't napapiksi siya. Kumunot ang noo nito ng tingnan ang reaksiyon niya. 

"Don't let that fucking morons left my company. You better fucking understand Farik or else.." 

Napatigil ito sa pagsasalita at napatingin sa gawi ng dalaga. Nakatunganga lang itong nakatingin  sa kaniya. He heaved a deep sigh and focused on his driving. Ilang  minuto lang ay huminto nan ang kotse. Mabilis na lumabas ang binata at hinila siya palabas ng kotse. Nanlaki ang mga mata niya't napatang na naman. Nakita na naman niya ang matayog na building ng binata.

Di niya maiwasang mapahanga. May nagmamadaling lumapit sa kanila at yumuko sa harap ni Marco.

"S-sir nasa taas pa po sila gaya ng sabi niyo." 

Tinignan lamang ito ng binata at hinawakan ang kamay ng dalaga papasok ng kompaniya. Agad na nagsitinginan ang mga empleyado pagkakita sa amo nilang may kahawak kamay. Sa pagkamangha ng dalaga ay hindi niya na inalis ang kamay na hawak ng binata. Sumakay sila sa napaka pamilyar na elevator. Agad siyang napatakip ng mukha. Nangingiti na tiningnan ng binata ang dalaga. 

"Remembered something?"

"Huwag mo nang ipamukha sakin." 

Inis na aniya't inirapan ang binata. Nag ting na ang elevator hudyat na nakaabot na sila sa nais na floor. Binuksan ni Farik ang pintuan at pinaunang pumasok ang dalawa.

"Mr. Sarin" 

Magiliw na ani ng lalaking naka suit. Akmang lalapit ito sa kanila ng sumenyas ang binata na umupo na lamang. 

"What do you want Mr. Ventiz?" 

Seryosong ani nito. Naka upo lamang ang dalaga at nakatingin sa iba pang kasama ng matanda. 

"Ayaw mo talaga ng paligoy-ligoy ano?" 

Nakangising ani ng lalaking katabi ng matanda. Nanatiling walang reaksiyon si Marco at naka upo lamang. 

"Anyway, we want the 16% share of this company. Infact, hindi naman nalalayo ang galing namin sa pamamahala ng ganitong business. Malaki na rin naman ang share mong 50% why not grant our request?"

Walang ka abog-abog na ani ng matandang si Mr. Ventiz at inilahad sa lamesa ang transparent folder. 

"What do I get in return?" 

Kalmanteng ani ng binata. Nanatiling nakaupo lamang ang dalaga at walang naiintindihan sa pag-uusap ng dalawa. 

"If and only if you'll grant our request we'll give you the authority to be the half owner of our world famous chain of hotels. How's that as a deal?" 

Nakangising ani ng matanda parang positibong mapapa oo niya ang binata. 

"And what if I don't want to?" 

"Well, you have no choice but to sign those papers." 

Nakangising ani ng matanda at malagkit na tumingin sa katabi ni Marco.

"And we'll enjoy that delicious recipe." 

Kampanteng ani nito at tumawa ng malakas. Agad na naasiwa ang dalaga sa turan ng matanda. Baka kako ay naba bankrupt na ang kompaniya ni Marco. Sumenyas ang binata at lumapit naman agad si Farik at binuksan ang folder. Agad itong binasa ng binata at hindi na tinapos at ipinatapon ito sa basurahan. Agad na napatayo ang dalawang kasama ng matanda. Kinabahan naman agad si Marija at napahawak ng mahigpit kay Marco. Tiningnan siya ng binata at kiming nginitian. 

"I'm not interested on your bullshits Ventiz. I can run my company like hell if I wanted to. I don't need your freakin hotels and I wouldn't let my surname got stained because of that goddamn piece of paper." 

Malamig na ani ng binata. Nawala ang ngisi ng matanda at dinuro si Marco.

"Shut the hell up Sarin. You really don't know about business. Ikaw na nga itong binibigyan ng grasya aayaw ka pa. Ano pa nga ba ang aasahan ko sa isang baguhang tulad mo." 

Mapang-uyam na ani ng matanda. Tila minamaliit nito ang kakahayan ni Marco. Tumayo na rin ang binata at nakpamulsang tinitigan ang matanda. 

"This fucking young man you are talking about bought 5 companies in just 1 year. I am one of the most sought bachelor and  top business entrepreneur here in the country. A respected business analyst which ruined 10 companies. Tell me hows my record to be called uncapable in business." 

Sagot ng binata na mas lalong nagpa init sa ulo ng matanda. Sa tingin ng dalaga'y konti nalang at aatakehin na ito sa puso. Sumabat ang katabi nito. 

"Mr. Sarin we don't want any rejections from you. But since you're declining our offer it's not our loss anymore." 

Ani ng binata rin na sa tingin ng dalaga ay sekretarya ng matanda. 

"Mr. Ventiz made up his mind already, if you'll decline his offer we will pull his share out. And surely your other investors will do too if they found out about what happened." 

May himig na pagbabanta na ani ng lalaking nakasalamin. Sa tantiya niya'y lawyer ito ng matanda. 

"HAHAHA.." 

Malakas na tumawa ang binata kahit medyo awkward ay sumabay na rin ang dalaga para naman kahit konti ay may maitulong siya sa binata. Para kasing dehado na ito sa laban. Napailing-iling ang binata at kinuha ang hand sanitizer nito. 

"Those.." ininguso nito ang folder.

"Papers are dirty. I'm afraid that those papers have viruses on it. Farik disinfect thw whole room later. I won't be using this for a week it smells formalin." 

Nakangising ani ng binata at tiningnan ng maigi si Mr. Ventiz.

"Do not understimate my company, any time I could ruin your company Mr. Ventiz so don't you fuckin' scare me with your useless tactics and just get the hell outta  here." 

Mahina subalit mahihimigan mo ang galit sa boses ng binata. Napatuwid ng tayo ang dalawa at  ngumiti na rin ang matanda. 

"I've expecting this already Marco. How about Natasha for the bidding." 

"Natasha?" 

"Yes, my beautiful daughter I believe no one can resist my daughters charm. Kilala sa alta-sociedad ang anak ko at may background sa business malaki ang maitutulong niya sayo kung saka-sakali. You'll be a good match for each other.And most of all our both companies will benefit each other. Hindi yong namumulot ka lang ng kung sinu-sino diyan sa tabi-tabi." 

Nakaka insultong ani ng matanda at pinasadahan ng tingin si Marija. 

"That's a good deal huh." 

Nakangiting ani ng binata. 

"So what do you think? Tinitingala ka ng lipunan Mr. Sarin napakababa mo naman siguro kong papatol ka lang sa mga  mabababang uri ng babae. You can have more than a pretty face and a gorgeous body." 

Nakangising ani ng matanda. Nanliit at nainsulto naman agad ang dalaga at inis na hinubad ang suot na tsinelas at ibinato sa matanda. Agad na lumapit ang sekretarya nito kay Mr. Ventiz.

"You bitch!" 

Galit na akmang susugod na ang matanda sa dalaga ng harangan ito ng katawan ng binata. Pilit na tinutulak ng dalaga ang binata at handa ng kalmutin ang matanda ng magsalita ito. 

"How's that as a gift Mr. Ventiz?" 

Sarkastikong ani ng binata. Nangunot ang noo ng matanda at galit na tumingin kay Marija. 

"Your daughter is part of the bidding. She's your puppet whore. Well not bad Ventiz no wonder you have a very known empire. This woman beside me is far from your daughter.   This woman is not for business she's for family. And that's what you are lacking for. Don't lecture me with your bullshits a-hole."

Galit na galit na umalis ang matanda kasama ang alipores nito. Bago nito sinara ang pinto ay tiningnan pa ng masama ang dalaga.

Tbc

Zerenette

Comments (1)
goodnovel comment avatar
Aicagram Alldame
maganda at nakaka challenge na basahin..................
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status