MALAPIT nang dumilim nang makarating ng Maynila si Mia. Kung hindi sana siya naipit sa traffic, marahil hindi siya inabot ng ganitong oras sa byahe. SA labas ng lumang bahay nanatiling nakatayo si Mia habang tahimik na nakamasid doon.
Matagal na panahon narin ang lumipas pero nararamdaman parin niya ang tila maliit na kurot sa kaniyang puso habang nakatingala sa kung tutuusin ay malaking bahay na nakatayo sa kaniyang harapan.
Noon kumilos si Mia saka itinulak pabukas ang kinakalawang na gate ng bahay. Alam niyang bukas marami sa mga kapitbahay niya ang magtatanong kung bakit biglaan ang kaniyang pagbabalik? At kung ano ang nangyari sa kaniya?
Mapait ang ngiti na pumunit sa kaniyang mga labi.
Sa ayos niya, baka wala nang magtanong. Baka pag-usapan nalang siya nang ibang taong mapanghusga.
Tama.
Dahil mula nang magkasakit si Nanay Rosita at napilitan siyang kumapit sa patalim para maipagamot ito, wala naman yata kahit isa sa mga tao sa paligid niya ang nakaunawa sa kaniya maliban sa yumaong matanda.
Noon inilabas ni Mia ang susi saka binuksan ang malaking pintuan ng lumang bahay.
Natural, maalikaok at maraming agiw. Pero dahil nga iniwan niya iyon nang nakatakip ng telang puti ang mga gamit ay alam niyang hindi siya gaanong mahihirapan sa pagpupunas ng mga antigong gamit sa bahay na iyon.
Bukas na siya maglilinis. Ang gagawin niya ngayon ay mag-aayos ng kaniyang tutulugan dahil gusto narin niyang magpahinga. Ngayon niya biglang naramdaman ang pagod kasama pa ang pananakit ng katawan gawa ng mga pasa na tinamo niya dahil sa pananakit sa kaniya ng ngayon ay dati na niyang kinakasama.
Nagsindi lang siya ng kandila at sinimulan na niya ang pag-aayos ng kaniyang matutulugan.
Bukas na bukas ay kailangan niyang pumunta sa electric company. Mahirap kumilos sa dilim lalo na at siya lamang mag-isa roon. Pagkatapos ay sisimulan na niya ang paghahanap ng trabaho. Kailangan niyang kumita ng pera, kahit pa sabihin siya lamang mag-isa. Ang ibinigay na pero sa kaniya ni Aling Ising ay mauubos at mauubos rin at mas mahirap kung hihintayin pa niyang mangyari iyon.
*****
KINABUKASAN gaya ng inasahan niya ay inulan si Mia nang maraming tanong at bulung-bulungan mula sa kaniyang mga kapitbahay.
At dahil nga likas naman siyang tahimik ay minabuti niyang ngitian na lamang sa halip na sagutin ang mga ito.
Sa tindahan ni Mrs. Ramos siya bumili ng pang-almusal niya nang araw na iyon. Kape at biscuit.
Okay na iyon na panlaman ng tiyan. Kailangan niyang magtipid lalo at wala pa siyang trabaho na nakikita. Ang totoo plano talaga niyang pumunta sa Pegasus mamaya.
Iyon ay ang night club kung saan siya namasukan noon bilang waitress.
Siguro naman kahit matagal na panahon na ay makikilala parin siya ng may-ari. Gusto niyang pumasok doon kahit taga-hugas nalang ng plato o kaya ay serbidora. Katulad nang dati. Pero hindi kagaya ng iniisip ng iba. Waitress lang talaga siya noon. At tanging si Bernie lang ang lalaking sinasamahan niya. Sa katunayan ay ito lang ang lalaking pinagbigyan niya ng sarili niya at wala nang iba pa.
At dahil nga sa gabi naman ang trabaho sa Pegasus, minabuti narin niyang bilinan at pakiusapan si Mrs. Ramos na kung may alam itong tao na naghahanap ng tagalinis at tagalaba ay siya na lamang ang irekomenda nito.
Makakapaglinis at makakapaglaba naman siya sa umaga lalo na kung iyon ay araw ng dayoff niya sa club.
Nagtanong kasi sa kaniya ang ginang, at dahil nga sa pagnanais niyang tulungan siya nito ay naisipan ni Mia na sabihin lamang rito ang totoo. Kung ano ang talagang nangyari sa kaniya at kung bakit siya nagbalik ng Maynila pagkatapos ng napakatagal na panahon.
Hapon na nang matapos si Mia sa paglalakad at pag-aasikaso ng lahat ng kailangan niyang ayusin. Sinuwerte naman kasi siyang tinanggap ng club owner na si Rosanna. Nang maalala ang naging pag-uusap niya ay napangiti ang dalaga.
"Ganoon ba? Nakakaawa ka naman pala. Hayaan mo, bibigyan kita ng trabaho. Sinabi ko naman sa iyo nang umalis ka dito hindi ba?Para na kitang anak kaya pwede kang bumalik dito anumang oras na gustuhin mo," anitong hinawakan ang kamay niya saka iyon marahang pinisil.
"Tahan na, huwag ka nang umiyak. Dito kana lang sa atin, at least dito kahit may mga taong tsismosa at mapanghusga, sa huli tutulungan ka parin nila kasi nakita nila kung paano ka lumaki. Hindi ka namin pababayaan, huwag ka nalang ulit sasama sa demonyong lalaking iyon!" ang kaniya namang Ate Dahlia na isa na ngayong club manager.
"Ano bang gusto mo? Kaya mo bang maging waitress ulit? Dating gawi, hindi ka pwedeng i-table ng kahit sino. Pwera nalang kung gusto mo," si Rosanna sa mahinahon parin nitong tono.
Tumango si Mia saka kumuha ng tissue sa box at nagpahid ng kaniyang mga luha. "Opo Ate, dating gawi," sagot niya na ngumiti narin pagkatapos.
*****
MAKALIPAS ang isang linggo, heto na ulit siya ngayon. Kahit paano ay nasasanay na sa buhay niya ng mag-isa.
Katulad nang sinabi niya hindi siya nagbukas ng cellphone hangga't hindi siya nakakabili ng bagong sim card.
Kaya naman nang makabili ay agad niyang tinawagan ang cellphone number na ibinigay sa kaniya ni Aling Ising upang tiyakin sa matanda na okay na siya. Nagpasalamat narin siya sa lahat ng naitulong nito sa kanya. Dahil kung hindi dahil sa rito, malamang nandoon parin siya ngayon sa poder ni Bernie, naghihintay kung kailan siya nito uuwian.
Ang alam kasi niya ay dalawang linggo ang out of town na pupuntahan nito.
At alam rin niya na ang babaeng nabuntis nito ang kasama nito kung totoo man ang out of town na sinabi sa kaniya ng lalaki at siyang pinagmulan ng kanilang pagtatalo. Hanggang sa umabot na nga iyon sa muli na naman pananakit sa kaniya ni Bernie, physically.
Mabilis na ipinilig ni Mia ang ulo niya para iwala sa isipan niya ang alaalang iyon.
Sa loob ng isang linggong pananatili niya roon ay masasabi niyang bahagya naman niyang nakakalimutan na si Bernie. Siguro ay mas magiging lubusan na iyon kapag nakapagsimula na siya ng kaniyang trabaho sa Pegasus.
Ang bilin kasi sa kanya ni Rosanna, kailangan muna niyang pagalingin ang mga pasa sa katawan, braso at mukha niya bago siya magsimula sa pagtatrabaho. At nauunawaan naman niya iyon kung bakit. Alam niyang kailangan sa ganoong trabaho ang palagi kang maganda at presentable sa mga tao.
"Mabuti naman at napadaan ka anak, naku may magandang balita ako para sa iyon," si Mrs. Ramos nang isang gabing bumili siya ng isasaing na bigas at dalawang piraso ng itlog na maalat at kamatis sa tindahan nito.
"Ano ho iyon?" tanong niya sa ginang.
Sa aura ng mukha nito ay mukhang good news nga ang sasabin sa kaniya ng babae kaya naman nakaramdam siya kaagad ng excitement.
"Naihanap na kita ng lilinisang bahay. Naalala mo ba si Erik, iyong lalaking kaklase mo na nakatira doon sa bahay na iyon na may kulay berdeng gate?" pagsisimula ni Mrs. Ramos.
Agad na natigilan si Mia sa narinig. "Si Erik po?" ang ulit niyang tanong.
Tumango si Mrs. Ramos."Kapapasok lang niya, sayang at hindi kaya nagpang-abot. Nandito rin siya kanina at bumili lang ng kape. Palagay ko hindi pa naman siya tulog, puntahan mo na. Tutal linggo naman bukas at baka bukas rin mismo ay magpalaba at magpalinis na siya sa iyo. Sayang ang kita," payo pa sa kanya ng ginang.
Sa narinig ay naisip ni Mia na tama nga naman si Mrs. Ramos.
Kung magpapalinis at magpapalaba bukas i Erik, habang hinihintay niya ang paggaling ng mga pasa niya ay may income siya.
"Sige po, pupuntahan ko siya ngayon," aniyang inabot ang sukli mula sa ginang saka na tumawid ng kalsada para puntahan ang bahay mismo ni Erik.
Noon naramdaman ni Mia ang kakatwang emosyon sa dibdib niya.
Si Erik, ang first love at first dance and last dance niya noong high school.Ngayon lamang sila nito muling magkikita dahil ilang araw lang mula nang graduation nila ay umalis na ang binata kasama ang pamilya nito para manirahan sa Canada.
Sa tapat ng kulay berdeng gate ay diniinan ni Mia ang doorbell.
Hindi naman nagtagal at narinig niyang bumukas na ang pintuang kahoy ng kabahayan. Pagkatapos ay ang mga yakag na papalapit na sa kanya. Hanggang sa tuluyan na ngang bumukas ang gate saka niyon ibinalandra sa paningin niya ang isang napakagwapong lalaking kay katagal na panahon bago niya muling nakita.
"Mia?" ang taka nitong tanong habang nakatitig sa mukha niya.
Alanganin ang ngiti na pumunit sa mga labi ng dalaga. "Long time no see," ang naisipan naman niyang isagot.
SA sala siya pinatuloy ni Erik para doon nila ituloy ang pag-uusap. Matapos siyang paupuin ay nagtuloy sa kusina ang binata. Hindi naman ito nagtagal dahil bumalik rin ito na may dalang isang baso ng malamig na orange juice at isang platito ng buttered cookies."Paninda iyang ng kasama ko sa trabaho. Tikman mo, masarap," alok nito sa kanya na ang tinitukoy ay ang mga cookies sa platito.Tumango si Mia saka nakangiting kumuha ng isa. "Masarap nga," aniyang biglang nakaramdam ng gutom kaya nang maubos niya iyon ay kumuha siya ng isa pa.
KATULAD ng sinabi ni Erik, kumain sila ng masarap dahil sa isang mamahalin na buffet restaurant siya nito dinala. Noon una ay alangan pa siya dahil narin sa suot niyang simpleng walking shorts at tshirt. Pero nang sabihin sa kanya ng binata na okay ang outfit niya ay hindi na siya nagprotesta pa."Salamat sa masarap na hapunan," aniya nang ibaba siya ni Erik sa tapat mismo ng bahay niya.Tumango ito. "Paano, see you tomorrow? Sunduin kita para hindi ka na maglakad?" tanong nito.
"NAY, may good news ako sa inyo," nang abutan ni Mia ang kaniyang Nanay Rosita na abala sa pagdidilig ng mga tanim nitong ornamental plants sa kanilang bakuran.Katulad ng dati, itinulak ng dalaga ang bakal na gate saka nagmano sa kaniyang kinikilalang ina nang makalapit rito."Alam ko na, nabanggit na sa akin nung kaklase mo," anitong nakangiti siyang pinagmasdan.
"ALISna po ako," paalam ni Mia sa nanay niya isang umaga at papasok na siya sa eskwela.Tumango ang kaniyang Nanay Rosita. "Mag-iingat ka," anitong hinalikan pa siya sa kaniyang noo.Ngumiti lang si Mia saka tumango at pagkatapos ay lumabas na nang gate. Hindi
PRESENT DAY...KATULAD ng napagkasunduan nila kagabi, sagot niya ang kape.Hindi alam ni Mia kung excited lang siya para sa almusal na pagsasaluhan nila ni Erik. Isama pa ang katotohanan na ito ang nag-set noon kaya kanina pa magaan ang pakiramdam niya.Nahirapan pa nga siyang makatulog dahil sa kakaisip ng masayang tagpo na nangyari sa pagitan nilang dalawa na noong kabataan niya ay hindi ibinigay sa kanila ng pagkakataon.
SAKTO sa sinabing oras ni Erik nang dumating ito para sunduin siya. Hindi alintana ang mga kapitbahay niyang nakamasid sa kanya ay sumakay siya sa dalang sasakyan ng binata."Ikaw na ang bahala ah," si Erik nang maikabit niya ang seatbelt.Nagsalubong ang mga kilay ni Mia sa sinabing iyon ni Erik dahil sa pagtataka. "A-Ano?" naguguluhan niyang tanong.Tumawa ng mahina si Erik. "Ikaw ang babae, kaya mas marami kang alam kaysa sa akin sa pag-aayos ng babay. Kaya ikaw na ang bahala
SAkabila ng mabilis na pagtahip ng dibdib ni Mia dahil sa sobrang tindi ng discomfort na nararamdaman niya nang mga sandaling iyon ay minabuti niyang dumsitansya nalang mismo kay Erik. May palagay pa nga siya na mukhang nahalata ng binata ang ginawa niya kaya ito tumawa ng mahina. Napalaingon siya rito at saka ito tinitigan . Ilang sandaling nagtama ang paningin nila. Pagkatapos noon hindi niya inasahan ang sumunod na ginawa ni Erik. Malakas na lamang siyang napasinghap dahil sa harap-harapan nitong pagkindat sa kaniya na naging dahilan ng mabilis na pag-iinit ng buo niyang mukha.
“KAHITkailan hindi ko naranasan sa piling niya ang maging ganap na masaya. Alam mo ba na limang taon niya akong niloloko? Literal niya akong pinagbubuhatan ng kamay, hindi niya ako pinahahawak ng pera. Ang palagi niyang sinasabi sa akin hindi ko daw kailangan ng pera sa pitaka ko kasi pinakakain at binibihisan naman niya ako. Hindi ko naisip minsan man na ganoon siya kasama. Iba siya kumpara sa ugali na ipinakikita niya noong high school pa tayo,” pagpapatuloy ni Mia sa pagkukwento habang nakayuko.Tahimik na nakikinig lang si Erik. Hindi niya alam kung wala siyang maisip kaya hindi gumagana ang utak niya nang mga sandaling iyon.