Share

KABANATA 82 “THE LOST TREASURE 3”

“MA’AM Eden, may naghahanap po sa inyo.”

Iyon ang narinig na Bernie na sinabi ng kasambahay na si Lita sa ina niyang noon ay abalang nagdidilig ng halaman sa garden ng kanilang bahay sa Maynila.

“Sino?” iyon ang itinanong nito saka lumingon sa kanila at mabilis na natigilan nang makilala siya. “A-Anak?” anitong mabilis na binitiwan ang hawak na hose saka siya nilapitan at mahigpit na niyakap.

“M-Mama,” iyon ang tanging nasambit niya saka gumanti ng mahigpit na yakap sa kanyang ina. “M-Miss na miss ko kayo,” aniya pang tuluyan na ngang napaiyak.

Ilang sandali pa at niyakag na siya ni Eden sa loob ng kanilang bahay. “Lita, maghanda ka ng makakain,” anitong hinaplos ang mukha niya pagkatapos.

“Ano bang nangyari anak? Bakit ka tumakas?” ang masinsin nitong tanong sa kanya nang makapag-solo sila sa sala.

Agad na iginala ni Bernie ang paningin niya sa loob ng malawak nilang kabahayan. “Ang Papa? Nasaan siya?” tanong niya nang mabigong makita ang hinahanap.

“Nag-grocery siya. Mulan ang mabal
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status