Share

KABANATA 86 “HUSBAND & WIFE”

“ERIK? Tama ba?”

Marahil nang makaramdam na rin si Nathaniel ay ito na ang unang lumapit sa kanyang nobyo.

“Ako nga pala si Nathaniel, kapatid ni Mia,” anitong hindi na nagpaliguy-ligoy pa sabay abot ng kamay nito sa kanyang nobyo.

Sa puntong iyon ay muling tiningala ni Mia ang mukha ng nobyo. Kaya naman kitang-kita niya ang mabilis na pagbabago ng aura ni Erik saka tinanggap ang pakikipagkamay ni Nathaniel.

“Oo, would you believe it, may kuya pala ako?” aniyang muling impit na napahagikhik. “Tapos ikaw naman magseselos ka nalang ng hindi ako tinatanong?” dugtong pa niya saka niyakap muli ng mahigpit si Erik.

Noon siya mahigpit munang niyakap ni Erik saka pagkatapos ay pinakawalan at walang anumang salitang siniil ng mariing halik sa kanyang mga labi. Hindi alintana ang mga taong alam niyang nakakakita sa kanila ay nagawang iparamdam sa kanya ng binata kung gaano katindi ang pananabik na mayroon ito para sa kanya.

“Halika na sa loob?” anito pa ng nakangiti habang nangingislap ang
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP
Comments (2)
goodnovel comment avatar
Mayfe de Ocampo
nice story author,,di ka tlga magsisisi na bigyan ng time highly recommended
goodnovel comment avatar
Christopher Tamano
tagal n nitong walang update
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status