Chapter 3

“Sigurado ka ba dyan Shenna?” napatango ako sa tanong ni Kyla.

“O-Oo, alam niyo namang m-mahal ko pa rin si Ice hanggang ngayon. Hindi ko kakayaning makita si Ice na masaya kasama ang Sarah na yo'n.” nakatungong sabi ko.

“Mas maganda kung sabihin na lang natin kay Prince ang dahilan kung bakit ka umalis three years ago.” suggestion ni Tiger.

“Sa tingin ko wala namang magbabago kahit sabihin natin kay Ice yo'n.”

“Ganito na lang Shenna. Tutal magkapit-bahay naman kayo, sugurin mo siya sa unit niya. Magsuot ka ng lingerie tapos akitin mo. Hindi makakatanggi yo'n.” sabi ni Lion na para bang iyon ang pinakamagandang ideya sa lahat. Napailing na lang ako.

“Gago ka talaga.” sabi ni Dragon at binatukan siya.

“Teka, bakit nandito kayong lahat? Wala ba kayong mga trabaho?” nakapamaywang na tanong ko. Napansin ko din na puro naka-tuxedo ang limang 'to (wala si Bullet), nagpunta pa talaga dito sa unit ko imbis na magtrabaho.

“Alam mo namang hindi kami makaka-hindi sayo Shenna.” sabi pa ni Shark.

“Nga pala, mamayang gabi na yung grand opening ng Hot and Cold. Pinapaalala ko lang.” dagdag ko pa.

“Siyempre pupunta kami kahit sobrang busy namin.” sabi ni Lion at inakbayan si Kyla. Ano bang meron sa dalawang 'to?

“Teka, sino bang nag-isip ng pangalan ng restau mo? Ang corny lang, Hot and Cold.” nakangiwing sabi ni Kyla.

“Hindi ko nga alam kay Lololo eh.” Di ko talaga alam ang trip ni Lololo kung bakit yun yung ipinangalan sa restau ko. Para talagang bagets ang matandang yo'n.

“Ah! Makipagsabwatan na lang tayo kay Lolo. Pikutin mo si Prince. Game over na pag nabuntis ka, out of the picture na si Sarah.” napanganga na naman kami sa sinabi ni Lion. Baliw pa rin talaga 'to.

***

“Bagay sayo ang hair color na 'yan Ma'am! Kabog na kabog!” sabi ng bakla dito sa salon na pinuntahan ko. Magpapaayos ako para sa grand opening ng restaurant mamaya. Madami dami rin kasi ang mga bisita.

Gusto ko kasing magpakulay ng buhok, dark brown. Nagdadalawang isip nga ako eh, kaso mukha namang bagay sakin kaya go na ko. Magpapamanicure na rin kasi ako.

Nagbasa muna ko ng magazine habang inaayusan nila ako.

Natigilan ako nang marinig ko ang pagbukasmg pinto at parang nag-init ang dugo ko nang makita ko si Sarah. Nasira ang araw ko!

Napatingin siya sakin at binigyan ako ng pekeng ngiti. Naglakad siya papalapit sakin at umupo sa tabi ko.

“Hello Ma'am Sarah!” bati ng bakla kay Sarah, nginitian niya naman ito.

“Kabog! May dalawang dyosa sa salon natin ngayon!” magiliw na sabi ng isang bakla.

“Balita ko, nurse ka daw.” pag-open ko ng topic.

“Ah oo.” mahinhin na sabi nito. Damn you b!tch. Bwisit! Natututo na ko magmura dahil sa babaeng 'to!

“I hope makapunta ka sa grand opening ng restaurant ko.” sabi ko at pekeng ngumiti sa kanya. Napansin siguro ng mga bakla ang tensyon sa pagitan namin kaya tahimik lang sila na inaayusan kami.

“Sure, by the way kasama ko si Prince sa party, I hope you don't mind.” nginisihan ko lang siya.

“It's alright, babawiin ko din naman siya sayo, kaya samantalahin mo na.” nawala ang ngiti sa labi niya. Oh b!tch please!

“W-What do you mean?” parang kinakabahan na tanong nito. Pagak na tumawa lang ako.

“I'm just kidding Sarah my dear. Well, it's up to you if you'll gonna take it seriously.” I nonchalantly said and smirked at her. I'm serious bitch! Nagkamali ka ng inagawan! Salamat sa mga naging kaibigan ko sa US, tinuruan nila ako ng tamang asal kung b!tch ang kaharap.

“I thought you're a sweet and simple girl, gaya ng lagi nilang sinasabi. But you prove me wrong.”

“Well, tama rin naman yo'n. Kapag mabait ka sakin, syempre mabait din ako sayo. But, if you're a b!tch, I will be a bitch to you as well.” nanunuyang sabi ko. Kitang kita ko ang pagkabalisa ni Sarah. Oh poor kitten, go to hell!

“I hate b!tches, lalo na yung mahilig manguha ng hindi sa kanila.” sabi ko at tumitig sa kanya. Napalunok naman siya.

That's right! Matuto kang lumugar.

***

Nakangiting sinasalubong ko ang mga bisita. Natigilan naman ako nang pumasok ang Danger Zone kasama si Kyla, hindi nila kasama sina Ice at Sarah. Wala naman akong pakialam kay Sarah eh, kay Ice lang meron.

“Hoy Bullet! Namiss kita.” sabi ko at niyakap siya.

“Syempre pag mga gwapo, namimiss mo.” mayabang na sabi nito at ginantihan ako ng yakap.

“Ang ganda mo ngayon Kyla!” araw araw namang maganda si Kyla, mas maganda lang siya ngayon dahil pambabae ang suot niya. Naka silver long gown siya na may slit sa kanang hita niya at fit na fit 'yon sa kanya. Sexy talaga ang loka.

“Duh? Lagi naman akong maganda.” sabi nito at nag flip hair pa.

“Ngayon ko lang sasabihin 'to Shenna, pero mas maganda ka talaga sakin ngayon.” nakangusong sabi ni Kyla.

Naka-suot ako ng baby pink cocktail dress, turtle neck siya pero backless. Kitang kita nga ang likod ko sa damit na 'to eh. Naka bun din ang buhok ko.

“Maglalaway si Prince pag nakita ka.” nakangising sabi ni Lion.

“Ewan ko sayo! Umupo na kayo do'n.” sabi ko at tinuro ang mesang para talaga sa kanila.

Marami rami rin ang mga bisita. Hindi ko naman kasi inaakalang malaki pala ito.

“Shenna!” napangiti ako nang makita sila.

“Tita Amy! Tito King!” sabi ko at sinalubong sila ng yakap.

“Namiss ka namin.” maluha-luhang sabi ni Tita Amy. Napangiti naman ako.

“Mas namiss ko po kayo.” tinapik ako ni Tito King sa balikat.

“I'm so proud of you Shenna.” sabi ni Tito King at bahagyang ngumiti. Ang tipid niya pa rin talaga ngumiti.

“Salamat po.”

“Nakita mo na ba si Prince?” tanong ni Tita Amy.

“Opo, actually magkatabi lang kami ng unit.”

“Wow! What a coincidence!” gulat na sabi nito.

“Oo nga po eh, nagulat din po ako.”

“By the way, nakapag-usap na ba kayo tungkol sa relasyon niyo?” tanong pa nito. Napailing ako.

“Ayoko pong m-magtanong, baka po ma-disappoint lang ako sa isasagot niya. Ngayon pa pong parang may iba na siyang gusto.” ngumiti lang sakin si Tita Amy.

“Alam kong mahal ka pa ni Prince. Alam ko Shenna.” makahulugang sabi nito pagkatapos ay dumiretso na sila sa loob ni Tito King.

Tiningnan ko ang listahan ng mga bisita. Dalawa na lang ang hindi pa nadating. Si Sarah at Ice.

Natigilan ako nang dumating na silang dalawa. Nakangiti si Sarah habang nakakapit sa braso ni Ice, si Ice ay wala pa ring reaksyon gaya ng dati.

Napakaganda ni Sarah ngayon. Nakasuot siya ng red long gown, hindi iyon gano'ng ka-revealing pero litaw na litaw pa rin ang ka-sexy-han niya sa suot niya.

“Good evening. Thanks for coming.” pormal na sabi ko at sinulyapan si Ice. Napatingin naman sakin si Ice. Bumaba ang tingin niya sa suot ko. Ayan na naman siya, para na naman akong tinutunaw ng mga tingin niyang 'yan.

“Please have a sit.” sabi ko at pekeng ngumiti kay Sarah. Binigyan lang ako nito ng mahinhin na ngiti.

Ayaw pumunta nina nanay eh, pinipilit ko nga kaso hindi talaga sila mahilig sa mga ganitong party.

Nang masigurado ko na wala ng mga bisita na dadating ay umupo na ko sa table ng Danger Zone, nando'n din sina Ice at Sarah.

Umupo ako sa bakanteng upuan sa pagitan nina Ice at Kyla.

“Punta tayo sa Batangas sa birthday ko!” sabi ni Kyla.

“Ah! Next week na pala ang birthday mo. Natanda ka na.” natatawang sabi ko.

“Okay lang, natangkad naman ako eh. Ikaw pandak pa rin.” sabi nito at tumawa, nakitawa naman sa kanya ang Danger Zone.

“Grabe kayo sakin ah.” nakangusong sabi ko.

“Pero walang halong biro Shenna, hanggang ngayon hindi mo pa naaabutan yung balikat ko.” natatawang sabi ni Shark. Oo nga, hanggang dibdib lang ako nila, samantalang hanggang labi lang ako ni Kyla. Hindi talaga ako tumangkad.

“Lalo na sa US, napagkakamalan akong elementary student.” nakasimagot na sabi ko. Mas lalo naman silang natawa.

Natigilan kami nang magsimula ng tumugtog ang mga romantic song. Nagsisimula na ring sumayaw sa gitna ang mga lovers.

“Ehem, Kyla Hillary Briones.” nakangiting sabi ni Lion at inilahad ag kamay kay Kyla. Inirapan naman siya ni Kyla pero tinanggap pa rin ang kamay ni Lion.

“Napilitan lang ako ah.” bulong pa ni Kyla pagkatapos ay magsimula na silang sumayaw sa gitna.

Natigilan kami nang may lalaking lumapit kay Sarah.

“Hi Eric!” magiliw na bati ni Sarah sa lalaking Eric ang pangalan. Sa totoo lang, gwapo 'tong Eric na 'to.

“May I have this dance?” nakagiting tanong nung Eric at inilahad ang kamay kay Sarah. Lumingon muna si Sarah kay Ice na para bang nagpapaalam, tumango lang si Ice. Tinanggap naman ni Sarah ang kamay nung Eric at sumayaw na sila sa gitna.

Napatingin ako sa table namin, bakit nawala ang Danger Zone?! Naiwan tuloy kami ni Ice mag-isa dito!

Napatingin ako kay Ice. Matiim na nakatitig ito kina Sarah at Eric. Nang haplusin ni Eric ang pisngi ni Sarah ay kitang kita ko ang pag-igting ng panga ni Ice habang nakatitig sa kanila.

Nakaramdam ako ng sakit sa dibdib ko. Nagseselos ba siya? Sakin lang siya ganyan dati.

Nanghingi ako ng tequila sa waiter. Gusto kong umiyak pero pinipigilan ko ang sarili ko. Halatang nagseselos siya. Si Sarah na yata talaga ang mahal niya.

Walang sabi sabing tumayo ako at pumunta sa cr. Hindi ko na kaya, parang sinasaksak ang puso ko.

Agad kong ni-lock ag cr pagkapasok ko. Doon na nag-unahang tumulo ang mga luha ko. Wala na kong pakialam kahit magulo ang make up ko, sasabog ang puso ko pag hindi ko inilabas ang mga luhang 'to.

Inabot ako ng mahigit sampung minuto sa cr. Inayos ko pa kasi ang nagulo kong make up.

Paglabas ko ay dumiretso na ko sa table namin. Nando'n na ang Danger Zone, pero wala si Ice at Sarah. Napatingin ako sa paligid at parang gusto ko ulit tumakbo sa cr nang makita kong nagsasayaw sila. Napailing na kang ako at nanghihinang umupo sa upuan ko.

Umupo na rin naman sina Ice at Sarah pagkaupo ko.

“Shenna, saan ka nanggaling? Bakit parang namumugto yang mga mata mo?” parang gusto kong sapakin si Kyla dahil tinanong niya pa 'yon.

Napatingin silang lahat sakin, naramdaman ko rin ang pagsulyap ni Ice sakin.

“A-Ah, w-wala lang 'to. May naalala lang ako.” sabi ko at tipid na ngumiti.

“Rein!” nanlaki ang mga mata ko nang marinig ko ang pamilyar na boses na 'yon. Please sana hindi siya yo'n!

Napalingon kaming lahat sa nagsalita. Bwiset! Bakit nandito siya?! Pa'no siya nakapasok?!

“H-Henry.” nakakainis talaga! Pero ang gwapo niya ngayon. Sabagay, lagi naman siyang gwapo eh. Pero nakakainis talaga! Sana hindi na lang siya pumunta dito sa Pilipinas!

“Hello asawa ko.” malambing na sabi nito at dinampian ako ng halik sa pisngi. Tiningnan ko siya ng masama.

“Sino naman yang gwapo na yan Shenna?” bulong sakin ni Kyla.

“Guys, si Henry Krane, kapit bahay ko sa US.” walang ganang sabi ko at inirapan si Henry.

“Hindi, ang totoo niyan asawa talaga ako ni Rein.” sabi ni Henry at ngumisi sakin.

“Rein?! Ikaw kang ang tumatawag no'n sa kanya ah. Ang sweet naman.” parang kinikilig na sabi ni Kyla.

“Asawa ka diyan!” sabi ko at binatukan siya.

“Bakit? Asawa na naman talaga kita ah. Diba nga nung nalasing ka sinugod mo ko no'n. Sabi mo pa sakin, asawa na kita. Do'n ka pa nga natulog sa kwarto ko eh. Ang cute mo talagang matulog, alam mo ba yo'n?” ang daldal pa rin talagang hinayupak na 'to!

Natigilan kami nang walang sabi sabing tumayo si Ice at umalis. Parang ang dilim din ng mukha niya. Problema no'n?

“Uh oh! May yelong nagseselos.” natatawang sabi ni Lion.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status