Chapter 5

"ANO po ang reason ng break-up ninyo ng actress na si Hannah Lindsey?" Tanong naman ng isang media press tv na lalaki na sa tingin ni Setti ay nasa middle age ito.

"Sad to say, pero---" pinabitin pa ni Froilan Dantes ang isasagot. Pinalungkot pa nito ang ekspresyon ng mukha na lalong ikinairita ni Setti. "Nahuli ko siyang nakikipag date sa ibang lalaki."

Maang na napatayo sa kinauupuan niya si Setti at dinuro ang screen ng tv.

"Ang kapal talaga ng mukha mo na Froilan ka! babaliktarin mo pa ang kaibigan namin!"

Napataas kilay naman si Santino sa ikinilos ng kapatid. Biglang tayo din ang binata ng makita nitong dinampot ng kapatid ang isang maliit na flowervase na mukhang ibabato pa yata sa tv.

"Easy-" natatawang pigil ni Santino sa isang kamay ng kapatid. Kinuha nito ang flowervase sa kapatid at muling ipinatong sa center table. "Ang mukha dapat ng lalaki na 'yan ang binabasag at hindi ang tv."

"Naku, kuya...." Nang gigil na sabi ni Setti. "Kapag nakita ko talaga ang Froilan Dantes na yan, mang hihiram ng mukha 'yan sa aso. Manloloko na sinungaling pa!"

"Maupo ka nga," ani Santino. 

Naupo naman si Settie. 

"Huwag ka na nga makisali sa love problem ng kaibigan mo. Wala akong pang piyansa sayo."

Pagak na natawa si Settie sa birong iyon ng kuya niya.

"Paano naman kasi kuya, nakakagigil sa galit ang hambog na Froilan na 'yan. Siya na nga itong nanloko kay Hannah, siya pa itong may ganang mag pa interview at baliktarin ang kaibigan ko."

"Showbiz nga 'diba?" Paalala ni Santino sa kapatid. "Magulo talaga ang buhay showbiz, tsaka siguro ayaw ni Froilan Dantes na masira ang pangalan niya sa media kaya gusto nitong mapanatiling malinis ang pangalan sa larangan ng showbiz."

"Pero mali naman ang ginawa niyang paraan para malinis ang sarili niya." Inis na sagot ni Setti. "Puwede naman niyang isagot na out of love na silang dalawa o kaya pareho silang walang time sa isat-isa dahil sa trabaho nilang dalawa. My god kuya! pinalabas niyang masamang klaseng babae ang kaibigan ko. Para na nga siyang santo kung sambahin ng kaibigan ko, maparamdam lang dito ang pagmamahal. Tapos, ito lang igaganti niya? Ang kapal talaga ng face niya!"

Kumibit balikat si Santino. "Dahil nga ayaw niyang masira ang career niya."

Tumayo si Setti. "Hay naku! ang sabihin mo kuya, puti ang bayag ng Froilan na 'yan!" Wala sa loob na sagot ni Settie. Huli na bago pa niya ma-realize na mahalay ang words na ginamit niya.

Nanlaki ang mga mata ni Santino sa sinabi ng kapatid.

"Hoy, Setti. Ba't alam mo ang tungkol sa puting bayag na 'yan ha?" 

Napakagat labi naman si Setti sabay dampot ng  tasa na nakapatong sa center table.

"Pumunta ka na ng kusina kuya, uutusan ko na lang si Aling Meding na ipaghain ka ng pagkain." Pag iiba niya ng usapan. Nag simula na ngang humakbang si Settie pero napaatras ito ng maramdaman ang pag hawak ng kuya niya sa dulo ng kanyang buhok. 

"Hindi mo pa sinasagot ang tanong ko?" Seryoso ang mukha ni Santino. "K

"Ikaw Setti ha, baka naman-"

Mabilis na humarap si Setti sa kuya niya. Sinundot pa ni Setti ang tungki ng ilong nito.

"Ay grabe ka kuya, ang dumi mo mag isip ha." Nakairap na sagot ni Setti, napahalukipkip ito. "Narinig ko ang words na iyon sa bibig mo mismo kuya."

"Saakin?" Sabay turo ni Santino sa sarili. "Kailan ko sinabi iyon?"

Tila nag isip naman si Setti ng isasagot.

"Basta narinig ko sayo iyon, kuya." Nag kunwaring nag iisip si Setti. "Noong nalaman mo yata na niloko nung bagong boyfriend ng ex-girlfriend mo-----"

Hindi natuloy ang sasabihin ni Setti ng ipag tulakan siya ng kapatid.

"Aray naman," reklamo ni Setti.

"Tawagin mo na si Aling Meding, gutom na ako." Sabi pa ni Santino na humakbang na palayo kay Setti.

Natatawang nasundan na lamang ng tingin ni Setti ang kuya niya na hanggang ngayon ay madly inlove pa din sa ex-girlfriend nitong si Chelsea. Kung anuman ang dahilan ng break-up ng dalawa ay hindi na niya inalam pa.

Dinampot ni Settie ang remote control at ine-off na ang tv. Mabuti na iyon, kaysa naman mapanood pa niya ang makapal na mukha ni Froilan Dantes, nag iinit lang ang ulo niya dito. Umalis na din siya ng sala at sinimulan ng hanapin si Aling Meding na matagal nang naninilbihan sa kanilang magkapatid bilang kasambahay.

Broken family sila ng kuya Santino niya at dahil sa matayog ang pride ng kanyang kuya ay isinama na din siya nito sa bahay nito na ngayon ay fully paid na sa banko. Ayaw nitong makipisan siya isa man sa kanilang mga magulang.

"Aling Meding!" Tawag ni Setti sa may kaedaran nang kasambahay nila. Nakita ni Settie ang baguhan pa lang na isa nilang kasamabahay na si Lorena edad trenta. Ito na lamang ang inutusan ng dalaga na ipaghain ng makakain ang kuya niya.

"Sige po mam," sagot naman ni Lorena na may tono ang boses na bisaya.

"Akyat na po ako sa kuwarto ko, kayo na po ang bahala kay kuya ha. Kailangan mainit po ang food na ihahain mo sa kanya." Habilin pa ni Setti dito.

Tumango-tango naman ang kasambahay bago ito tumalikod para tunguhin ang kusina.

Napabuga muna ng hangin si Setti bago tinungo ang hagdan, kung saan ay nasa ikalawang palapag ang kinaroroonan ng kanyang kuwarto. Mahaba-habang usapan ang magaganap sa pagitan nila ng kanyang mga kaibigan dahil sa kapapanood pa lang niyang interview ni Froilan Dantes. Hindi din maiwasan ni Setti mahabag sa kaibigan na si Hannah, sigurado siyang umiiyak na naman ito ngayon dahil tulad niya ay napanood din nito ang interview sa manloloko nitong ex-boyfriend.

Kung sa akala ni Setti ay napanood ni Hannah ang interview ni Froilan Dantes, nagkakamali ito. Dahil maagang nakatulog si Hannah na ngayon ay humihilik na.

PUPUNGAS-pungas na nagising si Hannah ng umagang iyon. Nag sabay pa ang pag tunog ng kanyang alarm clock, telepono at ng kanyang cellphone. Tinatamad na inabot niya ang alarm clock na nakapatong sa bed side table at ine-off iyon. Tumigil na din sa pag tunog ang kanyang cellphone at telepono kaya muli siyang nag talukbong ng kumot. Muli siyang hinila ng antok ng muling tumunog ang kanyang cellphone.

"Hmp!" Inis na bumangon siya at inabot ang kanyang cellphone na nakapatong sa bedside table. Ang kaibigan niyang si Setti ang tumatawag. "Setti, napatawag ka?"

"Kumusta ka friend?"

Napakunot-noo siya sa tanong na iyon ni Setti.

"Okay lang naman ako, why?"

"Kanina pa kami tumatawag sayo nina Monica at Veronica, nag aalala lang naman kami sayo."

Medyo na werdohan siya sa sinabi ng kaibigan. Mahina siyang tumawa.

"Actually, natutulog pa ako ng tumawag ka. Tsaka ayos lang naman ako."

"Thank god." Narinig niya ang mahinang sinabi ni Setti na lalong ipinagtataka niya.

"Ang weird mo ha," natatawang sabi pa niya.

"Eh kasi naman, alam naman namin na hanggang ngayon ay affected ka pa din sa break-up ninyo ni Froilan. Nag alala lang kami na baka madagdagan na naman ang sakit na nararamdaman mo, dahil sa mga pinahayag ni Froilan sa interview niya kagabi."

"Interview?" Ulit niya sa sinabi ng kaibigan.

"Yes." Sagot ni Setti. "Mga alas nuebe siguro ng gabi, napanood ko ang interview ng magaling mo'ng ex-boyfriend."

Napabuga siya ng hangin. "Kung tungkol sa upcoming movie niya ang interview sa kanya, hindi na ako affected dun. Hindi naman na ako interested na ituloy pa ang character ko bilang isang cast ng movie na iyon."

"Hindi mo napanood ang interview niya kagabi noh?"

"No." Kumibit-balikat pa siyang sumagot. "Why?"

"Mag open ka ng isa sa social media account mo."

"Pinapakaba mo naman ako niyan Setti ha," totoo 'yong sinabi niya, dahil may biglang gumuhit na kaba sa dibdib niya.

"Sige na, paalis kami ni kuya ngayon. Tawagan kita mamaya." Paalam sa kanya ni Setti. 

"Wait la-" Nawala na sa kabilang linya si Setti.

Kinakabahan man si Hannah ay nagawa niyang mag online sa instafan niya. Sunod-sunod ang datingan ng mga mensahe sa kanya na mula sa kanilang fanclub ni Froilan.

"MANLOLOKO!" napasapo si Hannah sa tapat ng kanyang dibdib dahil sa mga nababasa. Andaming galit sa kanya sa hindi niya alam na dahilan.

"Hannah Lindsey malandi! Two timer! Manloloko! Laos!"

Nag inhale at exhale siya. "What on earth is happening?"

Ipinag patuloy ni Hannah ang pag babasa ng mga mensahe na natanggap niya, lahat ng mga nabasa niya ay hindi maganda. Sinabihan pa siyang laos at deserving na hindi na naging bida sa upcoming movie na summer love.

Hindi na niya tinapos ang pag babasa ng mga mensahe. Mga pictures naman sa instafan ang tinignan niya sa newsfeed. Puro mukha niya ang nakikita niya na ang iba ay pinagkatuwaang gawing memes pa.

Nakita niya ang video na ine-interview si Froilan.

"No-" hindi niya napigilan ang sariling maiyak sa napanood. Kaya pala kinumusta siya ni Setti dahil sa interview na iyon. Kaya pala madaming may galit sa kanya dahil binaliktad siya ni Froilan. Pinalabas nitong niloko niya ito.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status