Petals of Pain
Petals of Pain
Author: ByndLuna
Prologue



"What's the matter with you,Hinari?Ano nanamang kahihiyan 'toh?"galit na bungad sa akin ng aking ina nang makapasok siya ng kwarto ko.

Napatungo na lamang ako dahil doon at minabuting manahimik na lamang dahil alam kong hindi rin naman niya ako pakikinggan.Magsasayang lang ako ng laway.


I let her said anything she wants me to hear kahit pa sakit ang binibigay niyon sa akin.


"How many times do I have to tell you na you should be on top.Hindi lang sa klase kundi sa lahat dahil isa kang De Alva!" muli niyang sambit sa akin na parati ko namang naririnig sa kanya.

Kabisado ko na ang mga salitang 'yon,kabisado ko na rin ang boses niya,nila ng tatay ko kapag pilit nilang ipinapasok 'yon sa utak ko.

"Ulitin mo pa,Hinari tatamaan ka na talaga.Pagod na akong humarap sa kahihiyan." muli niyang saad bago lumabas ng aking silid.

Kasabay ng paglabas niya ng kwarto ko ay ang paglabas din ng mga luha ko sa aking mga mata.Parating ganito ang takbo ng buhay ko at hinihiling ko na sana minsan magising akong hindi ako si Hinari,na hindi ako isang De Alva dahil nakakapagod na.

Ever since I was a kid I grew up with a fame plastered in my name.Lumaki akong parating dinidiktahan kung ano ang dapat kong gawin sa buhay ko.They want me to be perfect but I can't.

They didn't allow me to feel the feeling of being free dahil para sa kanila kailangan kong maging sanay sa bagay na hindi ko naman gusto.Sa mga bagay na kahit kailan ay hindi nagbigay sa akin ng kaligayahan.

Inilagay nila sa balikat ko ang responsibilidad na hindi ko naman kayang panindigan.

When I was a child,I only wish to live my life as a normal kid.

Walang utos na sinusunod.Walang pamimilit para gawin ang bagay na ayaw ko talagang gawin.

Malayo sa lahat ng bagay na konektado sa pangalan ko at ng pamilya ko.

Tanging gusto ko lang naman,e magkaroon ng kaibigan.Magkaroon ng kalaro at maranasan ang mga bagay na hanggang tanaw na lamang.

At higit sa lahat...ang maramdamang may Ama't Ina na parating nariyan sa tabi ko.Handang sumuporta at handang tanggapin kahit pa lahat ng imperfections ko.Hindi iyong tila props lang sa bahay namin.

Buong buhay ko iyon lang ang hinihiling ko pero kahit ilang ulit ko itong hilingin...hindi ko pa rin magawang makamtan.

Kung tutuusin,abot kamay ko na ang mga bagay na hinihiling ko pero laging naroon ang hadlang.

Parating hadlang ang pangalan ko.

"Don't do that..."

"You should be like..."

"You need to be on top..."

"Isa kang De Alva kaya patunayan mo..."

Lots of expectations na halos hindi ko magawang abutin.

Expectations na matagal nang nakagapos sa akin.

Those bundles of expectations that's suffocating me.Pinipigilan ang bawat paghinga ko.

In a garden, I'm one of the beautiful flowers but my own petals are all in pain.

Petals of Pain

A novel written by ByndLUNA

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status