Share

Chapter 9: Concerned

Chapter 9

Concerned

In the next morning nagising ako sa ng maaga.Kinapa ko ang cellphone kong nakalagay sa side table at tiningnan kung anong oras na.It was five in the morning.

Tamad akong bumaba sa aking kama at kaagad na nagtungo sa banyo upang manipilyo.Sa tingin ko'y tulog pa din sina Mom and Dad at baka si Yaya Sole lamang ang tanging gising na.

Nang matapos akong mag-intindi deretso kong tinahak ang kusina to drink some coffee.Nadatnan ko roon si Yaya na nagluluto ng breakfast together with our two other maids.They are both wearing their uniform habang abala sa gawaing kusina.

"Good morning." bati ko sa kanila kaya agad silang napalingon sa akin.

"Ma'am ang aga niyo po ah." one of the maids stated.

"Ate kape nga." sambit ko bago naupo sa harap ng lamesa namin.Agad din namang inilapag sa aking harapan ang inutos kong kape at dala ni Yaya Sole ang aking agahan.

"Ang dami naman nito,Ya.Alam niyo namang hindi ako gaanong kumakain kapag umaga." banggit ko.Usually pancakes lamang ang kinakain ko tuwing breakfast at sa tanghali ako bumabawi ng kain.

Nakasanayan ko nang kaunti ang kainin kapag umaga dahil na rin siguro sa kasabay ko ang parents kong kumain.Hindi naman sa ayaw ko umiiwas lamang ako sa mga intriga at maaaring panggigisa nila sa akin.

"Kumain ka ng marami para hindi ka lalanta-lanta mamaya sa trabaho." utos sa akin ni Yaya kaya wala akong nagawa kundi ubusin ang inihain niyang pagkain para sa akin.

"Ya,una na ako.Pakisabi na lang kay Tatay Pablo nauna na akong pumasok." paalam ko sa kanila.Ang sabi kasi ni Yaya ay hindi pa nakakapag handa si Tatay Pablo kaya maglalakad na lamang ako palabas ng subdivision.

Hindi rin naman nakakatakot kahit pa masyado pang umaga kung maglalakad ako.Hindi na rin naman ako nakakapag exercise kaya mabuting maglakad muna.

Habang naglalakad sa tabi ng kalsada ay ramdam ko ang lamig kahit pa nakacoat ako.Mahamog pa rin nang lumabas ako at medyo masakit sa ilong ko ang lamig na nasisinghot ko.

"Sakay na Miss." gulat pa akong napatingin sa jeep na nasa likuran ko pero mas lalo akong nagulat nang makilala ko kung sino ito.

"Ikaw?" sabay naming saad.Siguro ay nakilala rin ako nito.Gusto ko sanang magtakip ng mukha pero hello...may kasalanan pa ang isang 'toh sa akin.

"Hoy lalaki!Bumaba ka diyan sa jeepney mo at nang makaganti ako sayo." naiinis ako sa pagmumukha ng isang 'toh.Kilalang-kilala ko ang isang 'toh.Siya lang naman ang muntik makabangga sa akin kahapon.

"Aba'y Miss bakit ikaw pa itong galit.Alam mo ba nang dahil sa pagwawalang ginawa mo kahapon e hindi ko nai-deliver sa oras ang order ng kliyente ko." 

"Aba'y Mister ikaw po itong may kasalanan.Kung hindi mo ako muntik mabangga edi wala sana tayong problema ngayon.Bumaba ka diyan nang makatikim ka." may paghahamong sambit ko sa binata ngunit ngise lamang ang isinagot nito sa akin bago walang sabing pinaandar ang jeep niya.

Nabugahan pa ako ng usok nito na siyang lalong nagpairita sa akin."Ang bulok ng jeepney mo!" sigaw ko habang papalayo ito.

Bwiset na 'yun.Mag aamoy usok pa ako nito pagpasok ko sa opisina."Nakakainis ang kumag na 'yun.Siya pa itong nanisi ang kapal huh." usal ko sa aking sarili.

Mayroon naman talaga akong kasalanan pero kasalanan ko bang hindi siya tumitingin sa kalsada.E paano kung nabunggo ako edi nagastusan pa siya.Nakakairita na nga sa bahay pati ba naman sa kalsada.

"Good morning Ma'am Hinari." bati sa akin ng secretary ko ngunit ni-ngite ay hindi ko siya binigyan.Not now...walang good sa umagang ito.

Napansin niya naman siguro ang itsura ng mukha ko kaya hindi na ako nito muling kinulit hanggang sa makapasok ako ng aking opisina.Ibinaba ko ang kurtina ng office ko at saka pinalitan ang suot kong damit.

Matapos ang eskandalo ayaw ko munang mapahiya ngayon.Ang bwiset na jeepney driver na 'yun,nakakadalawa na siya.Gwapo na sana ang sama ng ugali.

Nang makapagbihis ako agad kong tinungo ang desk ko para magsimula ng trabaho.Ayaw ko ng matambakan muli ng mga papeles dito sa desk.Sapat na iyong kahapon.

"Hi." napalingon lamang ako mula sa pagkakayuko ng madinig ko ang familiar na boses.

"Oh ano nanaman?" masungit na tugon ko sa binata."I brought you some lunch.Tanghali na baka hindi ka pa kumakain." sambit nito.Kapag talaga gumaganyan ang antipatikong 'toh napapakunot-noo talaga ako.Like hello...may lagnat yata siya.

"At sino namang may sabi sayong kakain ako ng dala mo?No way.Umalis ka na may ginagawa pa ako." muling pagsusungit ko rito.But instead of leaving me prente lamang itong naupo sa couch at ibinaba sa lamesa ang paper bag na hawak niya.

"Nilinaw ko na kay Nicole na walang namamagitan sa amin." he announced.As if naman interesado ako.I continue with the works na kanina ko pa ginagawa para ipamukha sa kanyang hindi ako interesado sa mga sinasabi niya.

"Inayos ko na rin ang kumalat na scandalous video niyo." he added.

"So?What do you want me to say...thank you?" muling pagsusungit ko ng hindi man lang siya tinitingnan.Anong gusto niya ipagpasalamat ko pa sa kanya e in the first place siya naman itong puno't dulo ng lahat.

Oo talagang hindi kami magkasundo ni Nicole pero never kaming humantong sa ganoong sabunutan.Nang dumating lang ang antipatikong 'toh.

"Still mad?" 

"Hindi.Infact tuwang-tuwa pa ako sayo.Happy?" 

"Kumain ka muna bago mo ituloy ang trabaho mo.Ang payat-payat mo na nga mage-skip ka pa ng meals mo." 

"Tinalo mo pa ang magulang ko ah.Kakain ako kung kailan ko gusto saka pwede ba manahimik ka riyan." masungit na sambit ko sa binata.He just crossed his arms at kita kong nakatitig sa aking binata.

I even saw him grinning at me.Iyong ngise niya hindi ko alam kung nakakatuwa ba o ang lakas makamanyak.

"Smiling huh?" pansin niya sa pasimple kong pag-ngite.Ang laki ng mata... nakita pa niya 'yun huh.

"I'm not smiling."

"Hindi pala huh.Sabayan mo na akong kumain dito or else susubuan kita riyan." 

"I'm not scared.Hindi mo ako matatakot." maarteng tugon ko rito.Nagawa pa niyang manakot,e siya itong pupunta-punta dito para mag-aya.

Napakinggan ko ang tunog ng yapak niya sa sahig."Say ah,Hinari." he commanded kaya agad kong iniiwas ang bibig ko sa kutsarang may lamang kanin.

"Kanin lang talaga 'noh?" sambit ko.

"Pwede ba,Joaquin kumain ka na lang diyan.Busy nga ako,e." inis na dagdag ko.

"Bahala ka.Ang arte mo." 

"Maarte?Hoy!hindi ako maarte sadyang ayaw ko lang makisama sa'yo.Saka isa pa wala ka bang trabaho at parati ka na lang napapadpad dito at dito pa talaga sa opisina ko."

"I have work." he stated.Nilingon ko siya habang nakakunot ang noo ko.

"Work?E bakit ka nandito?"

"It's because you are my work.Trabaho kita." seryosong sagot niya.My brows knotted nang marinig ko ang sagot niya.

"Ako?Nalipasan ka na ba ng gutom.Ako nanaman ang idadamay mo." pagrereklamo ko rito.

"You are my work,Hinari wether you like it or not.Kaya kahit nasaan ka naroon din ako besides masanay ka na dahil later or sooner hindi ka na makakapag-reklamo sa akin." makahulugang sagot niya sa akin.

At the end,wala akong nagawa kundi sabayan si Joaquin sa pagkain.Sabay kaming kumain ng dala niyang pananghalian and I must admit...there's something on him na parang hindi mo agad mapapansin sa kanya.

Since I met him he used to be so annoying making me distance myself from him.Unang pagkikita pa lang namin sa elevator naroon na agad ang inis ko sa kanya at hindi iyon nawala lalo pa ngayong madalas ko siyang makita at makasama.

Nakakainis ang pagiging feeling close niya sa akin kahit pa hindi naman kami mag-kaibigan.Maybe our parents are good friends pero kami...baka malabong mangyare iyon.

At ngayong kasabay ko siyang kumain,hindi ko maiwasang pasimple siyang pagmasdan.Naroon pa rin ang pagiging seryoso ng binata pero iyong mga ngite niya nakakadala.Everytime na ngingite siya medyo nawawala ang inis ko sa kanya at napapa-ngite na rin ako ng hindi ko alam.

"You drooled." biglang singit niya kaya napahawak agad ako sa aking bibig."Hindi naman ah!" reklamo ko kaya tinawanan lang ako ng binata.

"Atleast hinawakan mo ang bibig mo to check it out." sagot niya.Inis kong ibinaba ang hawak ko g kutsara at tinungo ang desk ko."Oh ayaw mo na?" he asked.

"Ayaw ko na.Salamat na lang." I answered."Ikaw naman masyado kang pikon.Ano naman kung magtulo-laway ka e ako lang naman ito." my mouth formed an "O" 

"Hoy! I'm not tulo-laway ano.Ang kapal ng mukha mo.Umalis ka na nga bago pa kita mabato riyan." inis na singhal ko sa binata.

"Okay.Thanks for the lunch by the way." he commented bago lumabas ng office kong may ngise sa labi.Ang kapal talaga ng mukha niya.Never na talaga kaming magkakasundo ng isang 'yun.

Binabawi ko na ang mga good comments ko sa kanya.He's totally an asshole.Antipatiko at masyadong mayabang.

"Ma'am." 

"What!" medyo napataas pa ang tono ng aking boses ng biglang pumasok si Lea sa aking office."I mean what." pagbababa ko ng boses lalo pa't napansin kong medyo natigilan ang sekretarya ko.Marahil ay nagulat ito sa biglaang pagtataas ko ng boses.

"Kukunin ko na po ang isa sa mga reports." saad niya kaya kinuha ko ang isang folder na nakalagay sa aking drawer."Here." pag-aabot ko sa kanya.Bago pa man makalabas ang aking sekretarya hindi nakakawala sa aking mga mata ang malisyosang ngite nito.

Nang makita niya sigurong lumabas mula sa aking office si Joaquin ay binigyan niya ito ng kahulugan.Kaya talagang dapat na hindi na nagpupunta ang lalaking iyon dito,e.Nalalagay ako sa chismis at intriga.

Kapag patuloy ang pagpunta dito ng binata baka bukas-bukas ay panibagong gulo nanaman ang mangyare.Knowing Nicole hindi iyon basta-basta sumusuko.Kilala siya bilang spoiled brat.Everything she want pilit niyang kinukuha.Hindi malabong kahit pa nilinaw na sa kanya ni Joaquin ang lahat ay patuloy pa rin itong maghabol.

Unfortunately mukhang patuloy akong madadamay sa gulo nilang dalawa.Kung sabagay,paano nga namang hindi mag-aassume ang bruha kong pinsan,e kailan lang nakita ko silang naghahalikan sa harap ng kompanya.

Hindi na rin nakapagtataka kung bakit madali niyang napaniwala ang mga employee ng mag-away kami.Hindi naman kasi bulag ang mga taong nakakita sa paghahalikan nila.Seeing Joaquin kissing my cousin tapos makikita nilang madalas kaming magkasama ni Joaquin...well aakusahan nga nila akong malandi.

But I'm not concerned anymore.Kung anong gusto nilang isipin edi isipin nila.Madami na akong problema at sakit na kinikimkim...wag na silang dumagdag.

I will let them hate me.Mapapagod din sila sa huli saka isa pa wala namang maibibigay sa kanila ang galit nila.Wrinkles baka bigyan sila.

Natapos ang maghapon at nagsi-uwian na rin ang ibang empleyado habang ako ay nanatiling naka-upo pa rin sa aking swivel chair.Nakaharap sa monitor at hawak ang mouse.

Pinipilit kong tapusin ang natitirang trabaho ko sa aking desk nang bukas ay hindi ko na ito problemahin pa.

"Come in." I said as I heard some knock on my office door."Ma'am hindi pa kayo uuwi?" tanong ng sekretarya ko.

Tiningnan ko ang relos ko at pasado ala-seis na pala.Medyo madilim na rin sa labas ng tingnan ko ang bintana ng office ko.

"I would do overtime.Pwede ka nang umuwi,Lea." sagot ko rito at tanging ngite lamang ang isinagot nito sa aking bago muling isinara ang pinto.

Muli kong itinuon ang aking mga mata sa monitor at ipinagpatuloy ang trabaho ko.Hindi na bago sa akin ang mag-overtime.Sayang din naman kasi ang oras kung uuwi agad ako sa bahay.Hindi rin naman ako masaya sa bahay kaya dito ko na lang muna igugugol ang natitirang oras bago ako umuwi.Isa pa,hassle din ang traffic lalo pa't friday ngayon.

I also texted Tatay Pablo para hindi niya ako maagang sunduin ngayon.Baka mabagot lamang siya sa parking lot habang iniintay ako.

"Hinari." naalimpungatan ako ng maramdaman ang bahagyang pagtapik ng kamay sa aking pisnge.

"Hey!Wake up." pag-uulit ng boses.Inaantok man ay pilit kong iminulat ang aking mga mata.

Okay.Lunok tayo roon.

"Hinari." wika ng binata habang nananatiling nakatitig ako sa kanyang mukha na sobrang lapit sa akin.Kitang-kita ko ang mukha ng binata.Ang gwapong mukha nito idagdag mo pa ang mabangong amoy niya.

Shit!Heaven.

"Ano tititig ka lang diyan?" inis na tanong nito sa akin na siyang nagpagising sa natutulog ko pang diwa.

Inilayo niya ang mukha niya sa akin at nakapamulsang tinungo ang desk ko.He started typing on the keyboards at napansin ko rin ang mga papel na lumalabas sa printing machine.

"Anong ginagawa mo riyan?" I asked at saka tinungo ang mga papel na nakapatong mismo sa desk ko.

"Dito ka pa dumayo ng pagpi-print ah." wika ko at saka tiningnan ang mga nakalaman doong details."Teka...ito yung tinatapos ko kanina ah." gulat na sambit ko.Ipi-print ko na sana ito kanina pero hindi ko muna ginawa dahil inantok ako.

"At hindi mo tinapos." komento ng binata habang nasa monitor pa rin ang atensiyon.

Ilang saglit pa ay pinatay niya na rin ang monitor at nag-iinat na tumayo.

"Let's go." pag-aaya niya habang hindi pa rin ako makapaniwalang tinapos niya ang naiwan kong gawain.

"Bakit hindi mo ako ginising.Ako na lang sana ang gumawa." reklamo ko pa.Ayaw kong magkaroon siya ng dahilan para pasalamatan ko siya.

Oo.Mapride ako pagdating sa antipatikong 'toh.

"Kaya nga nakatulog ka di'ba kasi inaantok ka.Bakit naman kita gigisingin kung pwede namang ako ang gumawa." 

Okay.Speechless tayo 'dun.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status