Chapter 16: Friends

Chapter 16

Friends

Kinabukasan,sumabay akong kumain ng agahan kina Dad.Habang kumakain kami pansin kong tila walang nangyareng pag-aaway sa pagitan nila kagabi.They acted normal gaya ng kinasanayan kong makita.

Mukha ngang ayos na sila so I decided not to open the topic I heard last night.Hindi ko rin naman gustong malaman...sa ngayon.Hindi pa ako handa sa maaaring isagot nila sa mga tanong na ibabato ko sa kanila.

Kagabi...hindi agad ako nakatulog and it's obvious by simply looking at my eyes.Dark circle are formed under it.

Madami akong gustong malaman.The moment I heard their fight gusto ko ng pumasok sa loob ng kwarto nila but I decided to listen to their fight...secretly.

Nang gabing iyon madaming tanong ang nabuo sa utak ko na siyang hindi nagpatulog ng maayos sa akin.Tulad ng...

'Bakit iyon nagawa sa amin ni Dad?'

'Bakit nila itinago sa akin?'

At 'nasaan ang kapatid ko?'

Kagabi...hindi ko alam kung dapat ba akong magalit kay Dad dahil nagawa niyang magtaksil sa amin ni Mom.Kung dapat ba akong maghinanakit sa kanila kasi itinago nila sa akin ang tungkol sa kapatid ko.

But one thing I'm sure..masaya ako na may kapatid ako.I'm happy kasi alam niyo 'yun...finally.Sa wakas may kapatid pala ako.Hindi ako nag-iisa.

Hindi ko lang alam kung ano ba ang mararamdaman ko kapag nakita ko na siya o kung makikita ko ba siya.Kasi base sa pananalita ni Mom kagabi lumalabas na ayaw niya sa kapatid ko.Hindi ko naman masisisi si Mom kasi ramdam ko 'yung sakit na ibinigay ni Dad sa kanya.

It's just unexpected kasi ang alam ko wala naman silang problema pero bakit?Bakit nagkaroon ng anak si Dad sa ibang babae?

"Bye Ma'am!" Tatay Pablo waved his hand on me bago nito pinaandar ang kotse paalis.

Buntong-hininga akong naglakad papasok ng kompanya.Nadinig ko pa ang ilang pagbati sa akin ng mga empleyado na ginantihan ko lang ng payak na ngite.

Walang laman ang elevator nang makapasok ako pero agad akong napa-ismid sa hangin nang pumasok ang makakasabay ko.Sa dinami-dami nang pwedeng pumasok dito sa loob ng elevator na 'toh bakit ang bruha ko pang pinsan?

Sumara ang elevator.Kaming dalawa lamang ni Nicole ang narito sa loob at nananatiling tahimik.Nakakapanibago ngang ni-hindi man lang niya ako tinarayan or tinaasan ng kilay.Well...nagpapasalamat naman ako dun kasi kahit papaano sinapian siya ng kabaitan ngayon.

"Good morning, Ma'am." Lea greeted me so I do the same.

"Ma'am nasa loob po si Mr.Andrade...gusto raw po kayong maka-usap." she announced at dahil doon muli tuloy akong nakaramdam ng kaba.

Sariwa pa naman sa utak ko ang narinig ko noong nakaraang gabi.Hindi pa ako handang kausapin o makita siya ngayon dahil sa kaba kong baka madulas ako or mabuking niya ako.Mabuking na nanilip sa kanila ni Lina.Bwiset!Bakit kailangang ako ang mag-adjust sa ginawa nilang momol?

"Ba't ba ang bagal mo?" bungad na reklamo niya.Aba'h akala mo naman kung sino siyang boss ko kung mag-reklamo.

"E,ba't din ba ang aga mo rito?" 

"We need to talk." seryosong sagot niya.Muli siyang naupo sa coach na nasa loob ng opisina ko habang pinapanuod ang bawat paghakbang ko patungong swivel chair ko.

I removed my coat at saka iyon isinuot sa likod ng swivel chair.Natira ang suot kong blouse at napansin kong nakatitig nang husto sa akin si Joaquin.

Naglalandas ang mga mata niya pababa sa bewang ko.Anak ng...minamanyak niya ba ako?

"Yang mata mo.Pumunta ka lang ba dito para manilip?" 

"Manilip?What the fuck...saan mo naman nakuha ang ideyang sinisilipan kita,Hinari?Baka ikaw..." ganti niya sa akin na ikinamulagat ko.

My ghad!Mali yata ang nasabi kong salita.Naibalik niya kaagad sa akin ang paratang ko sa kanya and to be honest... I'm guilty.

"E,ano ba kasing pag-uusapan natin?"

"Nagseselos si Lina." panimula niya.

"Oh...ano namang kinalaman ko sa pagseselos niya?"

"Ikaw ang pinag seselosan niya,Hinari." may diing pahayag niya.Agad akong napamura ng marinig ang sinabi niya.

Ano?Nakatira ba silang dalawa...nakabatak ganun?For heaven sake ako talaga...ako?

Ako na walang kaalam-alam sa kalandiang namamagitan sa kanila.Bakit naman ako pagseselosan ng Lina niya,e wala naman akong pakealam sa lalaking 'toh.

"Please Hinari.Ayusin mo...sabihin mong wala siyang dapat na ipagselos sayo.Sabihin mong wala tayong relasyon." he pleaded.

"Joaquin alam mo totoong wala tayong relasyon pero ako talaga...Bakit ako ang aayos ng gusot niyo?At saka isa pa,di'ba engaged na siya so bakit ka humihingi sa akin ng tulong para magkaayos kayong dalawa.Niloloko niyo ang lalaking papakasalan niya." sagot ko.

Nadinig ko ang pag buntong-hininga niya."Kapag ginawa mo 'toh Hinari gagawin ko lahat ng gusto mo.Just please...tulungan mo akong ayusin 'toh." muli niyang pakiusap.

"Joaquin naman...sa dinami-dami ng pwede mong hingan ng tulong ba't ako?Ayaw ko...ayaw kong makisawsaw sa problema niyo." I said with finality ngunit agad kong nadinig ang pagmumura niya.

"Damn this,Hinari...Ikaw lang ang inaasahan kong aayos nito."

"Can you hear your words,Mr.Andrade?Inuutusan mo akong kausapin ang babaeng mahal mo para maayos niyo ang gusot niyo.Are you fucking serious?Bakit hindi mo gawin ang inuutos mo sa akin imbes na ako ang guluhin mo.Wala naman akong alam sa relasyon niyo,ah."

"What?Anong wala... nagselos siya sayo kasi masyado akong malapit sayo." 

"Pagbigyan mo na ako,Hinari...isa lang.Isang beses lang 'toh.Hindi na mauulit." dagdag niya pa.

"Sinabi ko bang lumapit ka sa akin...hindi naman di'ba?Sinabi ko bang sunduin mo ako,na isayaw mo ako no'ng gabing 'yun?What the fuck Andrade...ikaw itong lumalapit sa akin kahit pa wala naman akong sinasabi sayo.Tapos ngayon sisisihin mo ako kasi nagselos si Lina sa akin.Cut this bullshit,Mr.Andrade.Wala kang makukuhang tulong sa akin.Ginusto mo 'yan so 'wag mo akong idamay." inis na sagot ko sa kanya.

"Ikaw ang gigil na gigil na humapit sa akin no'ng nakaraang gabi tapos ako pa ang sisisihin mo.My gosh...pinigilan kita."

Aba'h nag-iinit ang ulo ko sa kanya.Feeling ko magkaka-altapresiyon ako sa antipatikong 'toh.

Ano bang akala niya sa akin...taga-ayos ng gulo nila ni Lina? Fuck.

"Damnshit!Bakit ba kasi ang slow mo?" inis na mura niya sa akin.

"Aba'y putang*na mo,Andrade.Umalis ka na nga lang habang may pasensiya pa ako.Pumunta ka rito para humingi ng tulong tapos nang hindi ka matulungan...mumurahin mo ako.Putang*na mo rin!" galit na bulyaw ko sa kanya.

Tumayo siya at agad na tinungo ang pinto.Pabagsak pa nitong kinabig pasara iyon habang naiwan ako sa loob habang sapo-sapo ang sarili kong d****b.

How dare him...how dare him na murahin ako dahil lang hindi ko ginawa ang sinabi?Bakit kapag ba ginawa ko ang bagay na iyon makaka sigurado siyang pipiliin siya ni Lina hanggang dulo?

Siraulo ba siya?Sinong tanga ba siya at naisipan niyang pumasok sa relasyong ipinag-babawal sa batas ng mga tao lalo na sa batas ng Diyos.

Bakit hindi na lang nila gawing legally official ang relasyon nilang iyon para wala naman silang natatapakang tao?

Ang walang hiyang Andrade na 'yun.Pati sa katorpehan niya idadamay ako.

"Come in." 

"Ma'am tubig po?" wika ni Lea habang hawak-hawak ang bottled mineral water sa kanang kamay niya.

Ibinigay niya iyon sa akin at walang kemeng nilagok hanggang sa maubos.Napanganga pa si Lea dahil doon ngunit hindi ko na lang pinansin ang reaksiyon niya.

"Grabe, Ma'am...ang intense naman ng scene na 'yun." 

"What?" takang tanong ko.

"Naku...dinig naming lahat sa labas ang pagtatalo niyo ni Sir Joaquin.Grabe Ma'am ang sama ng ugali niya." napakunot naman ang noo ko at saka wala sa sariling tiningnan ang isang bintanang nakabukas pala.

Hindi ko alam na nakabukas pala iyon kaya siguro nadinig nila ang pagtatalo namin ng binata.Shit naman...chismis again.

"Hayaan niyo na siya, Ma'am.Grabe talaga ang mga lalaki ngayon hindi lang napagbigyan nagagalit agad.Paano na lang kung talagang may dalaw tayo." she said na kaagad na ikinabilog ng mga mata ko.

What is she talking about?

"Dalaw?Ano bang sinasabi mo riyan?" 

"Si Ma'am naman.Nadinig naming nasa labas na nakikiusap si Sir Joaquin sa'yo.Ikaw din naman kasi Ma'am,e.Dapat pinagbigyan mo na lang si Sir hindi naman kami sisilip."

"What the hell... Lea get out!" sigaw ko sa kanya nang mapagtanto ko ang tinutukoy niya.

What the... nagkamali sila ng dinig.Ang akala nila humihingi sa akin si Joaquin ng...yak!

Gaano ba kadumi ang tainga nila at hindi nila nadiniig maayos ang pinag talunan namin ni Joaquin.

Base sa sinasabi ni Lea ay alam ko na ang nadinig nila.Anong part ba ng pag-uusap namin ni Joaquin ang nadinig lang nila at iyon ang iniisip ni Lea?

Wala sa sarili akong napasampal sa noo ko  bago ko naisandal ang sarili ko sa swivel chair ko.

And dami ko ng problema dumagdag pa siya at ang relasyon nila ni Lina.

Dumaan ang mga oras.Oras na ng uwian kaya nagpaalam na sa akin si Lea para umuwi habang ako ay hindi pa tumatayo sa pagkaka-upo.

Nanatili ako sa loob ng opisina ko at pilit na tinatapos ang mga trabahong hindi ko magawa ng maayos.Bwiset...kung hindi lang sana nagpunta dito ang lalaking 'yun maayos sana ako g nagtatrabaho kanina,e.Hindi sana ako magbabalak na mag overtime ngayon.

Bakit ba kasi parang kasalanan ko pa a g paglapit niya sa akin,e siya naman itong lapit nang lapit sa akin.Kahit nga pinapamukha ko na sa kanyang ayaw ko siya sa tabi ko,e lapit pa rin siya ng lapit.

Tapos selos...ako pagseselosan.Anak ng tinapa...bahala na sila.Parati na lang talaga akong nadadamay sa mga kung anong gulo simula ng makilala ko ang Joaquin na 'yun.

Kung hindi kahihiyan,away naman.Tapos ngayon selos.Mahabaging Dios...bakit ganito?

"H-hi." napalingon ako sa bumukas na pinto at nakita roong nakatayo si Joaquin.

"Andito ka nanaman tapos maninisi ka kung bakit nagseselos sa akin si Lina...pwede ba tigilan niyo na ako." iritableng sagot ko sa kanya ngunit hindi ito nag padala.

Pumasok niya ng tuluyan sa loob ng opisina ko at naupo sa couch.Napaismid ako dahil doon.

"Sorry na." 

Pagak pa akong napatawa ng madinig ko ang pag hingi niya ng tawad sa akin.

"Sorry?Para saan...sa ginawa mong kagaguhan kanina?" I sarcastically asked him dahilan para mapakamot siya sa likod ng batok niya.

"Eto naman.Humihingi na nga ako ng tawad dahil sa pagiging gago ko kanina.Saka narealized ko na hindi ko dapat ginawa sayo ang bagay na 'yun.Dapat hindi kita pinilit na gawin ang ayaw mo kaya sorry na,Hinari." he said.

Para siyang batang nakikipag bati sa nakaaway niya kaya medyo napangite naman ako.

"Oh...nakita ko 'yun.Ngumite ka so paano ba yan...bati na tayo huh." naka-ngiteng saad niya kaya wala akong nagawa kundi bitawan ang pinipigil kong pag ngite.

"Sorry na huh." ulit niya.

"Sa isang kondisyon." napa-ngiwi siya dahil sa sinabi ko.

"Oh...ayaw mo yata,e." pananakot ko pa.

"Hindi ah...ano ba ang kondisyon mo?"

"Ilibre mo.Aba'h hindi ako nakapag tanghalian dahil sa inis ko sayo." 

"Oo na...tumayo ka na riyan.Mag tatakaw ka lang pala, konsensiyahin mo pa ako." reklamo niya at saka naunang lumabas ng office ko.

Pinatay ko muna ang monitor at saka iniligpit ang trabahong hindi ko pa rin natatapos.

Bukas na lang ulit dah talagang nagugutom na ako.

"Ano ayos na kayo ni Lina?" tanong ko out of curiosity.

Naka-upo kami ni Joaquin sa bermuda habang nakatingin sa langit.Ang akala ko kasi pupunta kami ng fancy restaurant pero dito niya ako dinala sa isang park.

Talagang may kakuriputang dumadaloy sa dugo niya.Dumaan lang kami sa isang fast-food para bumili ng pagkain tapos dito na kami tumambay.

Hindi na rin naman masama dahil atleast dito tahimik.Kitang-kita ko pa ang langit na nasabugan ng maraming bituin.

Pareho kaming nakatingin sa langit nang bigla akong nakakita ng shooting star.

"Oy...nakita mo 'yun?" agad na tanong ko sa kanya habang nananatiling nakatitig sa langit.

"Ang alin?"

"May shooting star tangeks." pahayag ko.

"Oh ngayon?"

"Dapat nag wish ka...ganoon ang ginagawa kapag may nakita kang shooting star.Ako nag wish ako." 

"And it's...?

"Tangeks ka...sekreto syempre." sagot ko sa kanya at saka kinuha ang fried chicken na nasa in-order namin kanina.

"Oh....may nakita ako!" agad akong napatingin sa langit nang sabihin niya iyon ngunit hindi ko na naabutan ang sinasabi niyang shooting star.

"E,anong winish mo?" tanong ko.

"Ang daya mo...sabi mo secret pero nagtatanong ka ngayon." reklamo niya sa akin.Napa-ismid ako sa sinabi niya.

"Hindi ka naman pinipilit.Kung ayaw mong sa-----"

"Hiniling ko na sana maging mag kaibigan tayo,Hinari." pagpuputol niya.

My eyes landed on him na nakatingin pala sa akin habang nakatingala ako sa langit.

"Kaibigan?" takang tanong ko.He wants me to be his friend... kaibigan talaga?

Ilang taon na ba ang lumipas na hindi ako nakakarinig ng ganoong salita.Ilang taon na ba ang nakakalipas nang huling may magtanong sa akin tungkol sa pagkakaibigan?

"Friends?" he asked at saka inilahad ang kamay niyang nakangite ko namang tinanggap.

Sa paglalapat nang kamay namin...isa-isang tumulo ang mga luha ko.Siguro ay tears of joy dahil sa wakas may kaibigan muli ako.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status