Chapter 7: Rumors

Chapter 7

Rumors

Nakalabas kami ng building habang nakasunod lamang ako sa kanya.He tried to hold my hand when we walk through the lobby pero mabilis kong iniiwas ang kamay ko.

Ano siya siniswerte?Parang kagabi lang nagawa niyang buhatin ang natutulog kong katawan tapos ngayon gusto niyang makahawak ulit.Sarap niyang kaltukan.

"Wait for me here." he said leaving me inside his car.Sinundan ko naman ng tingin ang papalayo niyang likod and with my two eyes...nakita ko kung paano niya halikan si Nicole.

Napalaki pa ako ng mata nang makita ko iyon.Nicole kiss him back at hindi alintana ang nagdadaang mga tao malapit sa kanila.

It's not a torrid kiss in the middle of the crowd.Sapat nang sabihin na masyado silang PDA.

Muli tuloy pumasok sa utak ko ang sinabi kanina ni Nicole nang pumunta ito sa office ko.Marahil kaya ganoon ang naging reaksiyon niya ay dahil may something sa kanilang dalawa at ginawang issue ang paghatid sa akin ni Joaquin kaninang umaga.

If that so...mukhang lumalabas na babae ako ng antipatikong lalaking 'toh.Galit kong binaba ang kotse niya at kaagad na pumara ng paparating na taxi since hindi ako susunduin ni Tatay Pablo.

Hindi napansin ni Joaquin ang ginawa ko kaya madali akong nakalayo sa kanila sakay ng taxi.

"Oh!Bakit naman gabi ka na nagawi dito,Hija?" takang tanong sa akin ni Manang Loleng na naabutan kong nagsasara na ng kanyang karinderya.

"Naabutan po ako ng traffic Manang,e.Dapat medyo maaga pa akong nakarating dito." sagot ko sa kanya bago saka ako pumasok sa loob ng karinderya niya.

"Manang may pagkain pa ba?" tanong ko.

"Ay!tamang-tama saluhan mo akong kumain.May niluto akong pagkain doon sa loob,halika." pag-anyaya niya sa akin at sabay naming tinungo ang kusina nila.

"Ang bango Manang ah." may ngite sa labing saad ko nang mailapag niya sa lamesa ang kanin at ulam naming kare-kare.

Sinimulan kong kumain.Naka-dalawang kain pa ako bago ako tuluyang uminom ng tubig."Grabe!The best talaga ang luto niyo Manang." sambit ko.Muli akong uminom ng tubig at tinulungan siyang mag ligpit ng pinagkainan namin.

"Naku ako na dito,Hija.Doon ka na lamang sa labas at intayin mo akong matapos dito." sambit niya.

Gaya ng sinabi niya lumabas ako at inintay na lamang siya roon.Inilibot ko ang tingin ko sa kabuuan ng karinderya niya.Madalas akong magawi dito lalo na kapag hindi ako abala sa trabaho.Unang punta ko rito ay nang isama ako ni Lea dito para kumain.

Hindi naman niya talaga kilala si Manang Loleng kaya bihira din siyang magawi dito simula noon.Ngunit ako...madalas.

Nasasarapan din kasi ako sa mga lutong pagkain ni Manang kaya mahirap tanggihan ang tiyan ko kapag hinahanap ito.Hindi gaya sa canteen ng kompanya...puro na lang nakakasawa ang naroon liban lamang sa salad nila na madalas kong kinakain.

Sa dalas kong pagpunta dito ay lalo akong napalapit kay Manang dahil na rin siguro sa pag-aasikaso niya sa akin.Minsan na ring naikwento sa akin ni Manang na wala siyang anak.Matandang dalaga ba pero hindi masungit.

Tinanong ko rin siya noon kung bakit hindi siya nang-asawa at sabi niya masakit daw ang buhay pag-ibig niya.The first man of her life cheat on her.Akala raw niya ay mahal siya nitong totoo pero hindi pala.

Simula raw noon ay hindi na siya nagtangka pang muling umibig.Natatakot na raw siyang masaktan pang muli.

"Oh!E bakit ka nga ba nagawi dito.Baka hanapin ka na sa inyo niyan,Hija." saad niya  kaya napatingin ako sa relos ko at napagtantong maga-alas siete na pala ng gabi.

Mukhang hinahanap na nga ako nito sa bahay.Tumayo ako mula sa pagkaka-upo saka niyakap si Manang Loleng bago magpaalam.

"Mag-iingat ka,Hija." she said at inihatid ako ng tingin niya bago ako makalayo sa karinderya niya.Nilakad ko ang hindi kakiputang iskinita at nang makalabas ako mula roon bumungad sa akin ang katawan ng isang lalaking nakapamulsa.

"Why did you leave?" seryosong tanong niya sa akin ng magtama ang mga mata namin.Kahit pa medyo may kadiliman sa aming kinatatayuan malinaw kong nakikita ang masama niyang tingin sa akin.

Bakit ba siya narito?Hindi naman niya ako nakitang umalis kanina ah.

"Tayo na." he said at mabilis akong hinila palayo sa lugar na iyon.Nang makarating kami sa harap ng sasakyan niya ay pilit niya akong ipinasok doon.Walanghiya!

"Teka lang!" iritadong sigaw ko sa kanya dahil halos masubsob ako sa upuan dahil sa ginawa niya.

Umikot ito sa harapan at saka umupo sa driver's seat."Next time na gawin mo iyon...makakatikim ka na." he said ng may bahid ng pagbabanta sa boses niya.

Duh!As if naman I was scared.Hindi niya ako matatakot sa paganiyan-ganiyan niya.

"Bakit ba kasi sumunod ka pa dito at infairness huh!Nakita mo pa akong umalis gayong busy ka kay Nicole kanina." I irritably said habang nakatuon ang tingin sa harap ng sasakyan niya.

"I told you intayin mo ako pero umalis ka." sagot niya at hindi pa din pinapaandar ang sasakyan.

"Wait lang huh!Bakit ko naman gagawin ang sinabi lalo pa't alam ko namang busy ka sa labi ni Nicole.Hell no!" inis na sagot ko sa kanya.

"Alam mo ihahatid na lang kita pauwi." he surrender.Anong akala niya papatalo ako sa kanya...no way!

Mabait ako pero this man doesn't deserve my kindness.Hinding-hindi ko ito papakitaan ng kabaitan kung ganiyan ang pagtrato niya sa akin.Akala mo hindi lalaki sa sobrang gentleman...duh!

Isa pa...wala naman akong alam na dahilan kung bakit niya ginagawa ang bagay na ito.Basta na lang siyang pumunta ng bahay namin para sunduin ako tapos ngayon naman siya pa ang nag-insist na ihatid ako.

Hindi naman kami close 'noh baka feeling lang ang isang 'toh."Huwag mo akong tingnan." sambit ko sa kaniya nang mapansing nakatingin ito sa akin habang nagda-drive.Bwiset na 'toh...may balak yatang magbangga idadamay pa ako.

"No thank you?" tanong sa akin ni Joaquin.Eksaherada kong binuksan ang pinto ng kotse niya at walang imik na bumaba.

Nakakabad-trip ang mukha niya.Maka-demand siya sa akin akala mo naman ay mag-kaibigan kami...like hello!Hindi ano.

Doon siya sa Nicole niya.Aba't mukhang gusto pa niya akong gawing kabit niya.Hindi ako pinanganak sa mundo para makihati lalo pa't sa babaeng bruha na iyon.

"Magandang gabi,Señorita." bati sa akin ng maid.Walang imik akong umakyat sa kwarto ko at pabagsak kong inihiga ang katawan ko sa sobrang pagod.

Nagpalit lamang ako ng damit at saka muling nahiga para matulog nang biglang pumasok ang Mommy ko.

"Hinatid ka ba ni Joaquin kanina,Hija?" nakangiteng tanong niya sa akin.

"Yes Mom.Bakit?" curious na tanong ko sa kaniya but she just smiled at me.

"Good night,Hija." sambit niya bago lumabas ng kwarto ko.Nagulat naman ako sa sinabi niya.Kailan ko ba huling narinig sa kaniya ang pagbating iyon...noong bata pa ako.

"Si Ma'am!" tarantang sambit ng isa sa mga empleyado ng kompanya habang hindi maintindihan kung saan pupunta.

Kanina pa lamang pagpasok ko sa building ay napansin ko nang may mali sa paraan ng pagtingin nila sa akin.Nanatili lamang akong tahimik at hindi sila pinapansin but now...hindi ko magawang balewalain ang mga pinapakita nila sa akin.

"Ma'am Hinari!" tawag sa akin ng papalapit kong sekretarya.

Namumutla ang mukha niya at tila may mali sa kaniya."Bakit?" takang tanong ko sa kaniya at muling tiningnan ang mga matang nakatingin sa aking gawi.

"Anong mayroon at bakit ganiyan silang makatingin sa akin?"

"E kasi Ma'am---um...ano ho." utal na sagot niya kaya napaikot ang mga mata ko ng wala sa oras.

"Spit it,Lea." sambit ko sa kaniya.

Bumuntong-hininga pa ito bago nagsalita.

"E kasi si Ma'am Nicole po may kung anong ikinalat na chismis." she announced na ikinasalubong ng mga kilay ko.

"Chismis?"

"Opo.Sinabi niya pong mang-aagaw daw po kayo at isa pa kirida raw po kayo ni Sir Joaquin." she added kaya naestatwa ako sa kinatatayuan ko.

Kita ko ang mga reaksiyon ng mga empleyadong nakapalibot sa amin gayundin ang pasimpynilang bulungan.What the fuck is this?

Ang babaeng 'yun sumusobra na siyang talaga.Saan naman niya nakuha ang mga bagay na iyon para gawan ako ng chismis?

"Well.Well.Well.Look what we have here.Isang babaeng painosente nasa loob naman pala ang kulo." tila nagpanting ang tenga ko nang marinig ko ang boses ni Nicole mula sa likuran ko.

Galit ko itong nilingon at akma sana siyang susugurin nang biglang pumasok sa utak ko ang imahe ng Mom and Dad ko.Kapag nagkagulo kami rito ng bruhang 'toh tiyak na ako ang malalagot kahit pa hindi ako ang nanimula.

"Oh?Bakit parang natigilan ka? Sasampalin mo ako di'ba?" pang-iinis nito sa akin.

"Ikaw kasi.Hindi mo na lang sinabing gusto mo pala ang boyfriend ko inilihim mo pa." bawat salita niya ay nagpapanting sa aking tenga.

'I badly want to tear her head off.'

"All of you.Kita niyo ang pinsan kong 'toh?Guess what isa siyang ahas.Patago niyang inaahas ang boyfriend ko kahit pa pinsan niya ako!" sigaw niya habang walang habas akong itinuturo sa mga empleyadong nakatingin sa amin.

"Matagal na akong nagtitimpi sa'yo Nicole but this time you reach my limit." I immediately grabbed her arms at kaagad siyang sinampal kaliwa't kanan.

Ang kapal ng mukha niyang magkalat ng kung anong kagaguhan niya gayong wala naman siyang proweba.How dare her.Sa lahat ng pinsan ko siya lang ang nagpapa-init ng ulo.

Seeing her face is enough para kumulo ang dugo ko.

"Totoo naman hindi ba?Ahas ka.Ahas!" she shouted on my face kaya muli ko siyang sinampal.Dinig ko ang singhapan ng lahat ng sabunutan ako nito at dahil hindi ako papatalo...ginantihan ko siya.

Bahala ng magulo ang buhok ko makalbo ko lang ang bruhang pinsan kong 'toh!

"Mang-aagaw ka,Hinari!Lahat na lang inagaw mo.My position in this company,kahit pa noong mga bata tayo mang-aagaw ka na!Dapat talaga sa'yo tinuturuan ng leksyon." she shouted habang nagsasabunutan kami.Ramdam ko rin ang pilit na pag-awat sa amin ng mga empleyado pero talagang mahirap kaming paghiwalayin.

Ang babaeng 'toh...kulang pa sa kaniya ang makalbo.She mess with the wrong person.Hindi siya ang taong makakapanakit sa akin nang dahil lang sa boyfriend niyang antipatiko.

I don't care kung boyfriend niya ang lalaking 'yun.Kapag talaga nakita ko siya makakatikim din siyang bwiset siya.Idinamay niya pa ako sa gulo nilang dalawa...how dare him!

Dahil sa kaniya naakusahan pa akong kirida niya...as if naman may katotohanan.

"Wag niyo akong pigilan.Bitawan niyo ako!" sigaw niya ng mapag-layo kami.Umuusok ang ilong nitong gusto akong sugurin habang parehong gulong-gulo ang buhok namin.

"You slut!Bitch or what so ever!Naturingan ka pa namang prinsesa pero ang kati mo naman pala!" she shouted kaya muli ko sana siyang susugurin nang biglang may humarang sa akin.

Wow!Ang magaling na lalaki nagpapaka-bayani ngayon.Anong akala niya maaawat niya ang gera sa pagitan namin dalawa.

"Tumabi ka diyan you asshole!" sigaw ko sa kaniya at saka siya sinubukang paalisin sa harapan ko ngunit matigas ito at hindi matinag.

"You two enough this shit!" sigaw niya na siyang nagpatigil sa akin.Aba't ang kapal naman ng mukha niya...may pasigaw-sigaw pa siyang tarantadong siya!

"Babe she hurt me look I have some scratch." maarteng reklamo sa kaniya ni Nicole nang lapitan siya nito.

Tinapunan niya ito ng tingin at saka ako binalingan ng masamang tingin.

"What?Hindi ako magui-guilty na ginawa ko sa kaniya 'yan infact proud pa ako ano.She deserve it all kulang pa nga,e." nakataas na kilay na sambit ko sa kanila.

Umalis sa harapan ko at nang tuluyan silang makalayo agad kong binalingan ang mga empleyadong nakatingin pa din sa akin."Go back to your work!" I irritably shouted bago padabog na tinungo ang office ko.

Tiningnan ko ang sarili kong repleksiyon sa salamin na gulo-gulo ang buhok.Nasira rin ang botones ng coat ko dahil sa ginawang paghila rito ni Nicole kanina.

Fuck that war freak woman...sinira pa ang damit ko.

"Hinari." my attention caught by the voice who called me ngunit agad ding napasama ang mukha ko ng makita kung sino ito.

"Oh ano?Igaganti mo ang war freak mong girlfriend?" galit na tanong ko rito pero agad nitong inalis ang distansiya sa pagitan naming dalawa at hinawakan ang braso ko.

"You have bruises." maniniwala na sana ako sa mala-concerned niyang boses pero no!

"At salamat sa'yo.Bwiset ka!" galit na bulyaw ko sa kaniya ngunit ngumite lamang ito na lalong nagpairita sa akin.

Ang kapal naman niyang ngumite lalo pa't sa harap ko pa mismo.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status