Chapter 8: Scandal

"Let me." sambit ni Joaquin mula sa aking tabi at inagaw mula sa aking kamay ang hawak kong ice bag.Dahan-dahan niya itong idinampi sa pasang mayroon ako sa aking braso.

Inis ko siyang tiningnan.Hanggang ngayon ay hindi pa kumakalma ang puso ko dahil sa galit ko sa girlfriend niya.Like what the fuck...hindi ako kabit ng antipatikong 'toh.

Totoong hinahatid at sinusundo niya ako nitong nakaraan and to be honest I don't know why?I never know kung bakit niya iyon ginagawa lalo pa't nakakapag-taka dahil hindi namin kami close.Never.

Nito lang kami nagkakilala at nagkaharap though minsan na siyang nabanggit sa akin ng kapatid niya.Even Luigi is not that close on me.We smiled and we talk to each other kapag nagkikita kami but I'm not considering her as my friend...siguro ay ganoon din siya.

Wala naman na sana akong complaint tungkol sa ginagawang paghatid at pagsundo sa akin ng binata but after what happened...nah!

I'm a short tempered lady lalo na pagdating sa bruhang Nicole na 'yun.She has no right para saktan ako at mag-iwan ng bruises sa aking precious skin.

God...nakaka-imbyerna talaga siya at having her antipathetic boyfriend on my  side lalo akong naiinis.

"Ako na rito.I can manage tho." Joaquin gave me a glared bago muling kinuha ang braso ko at ipinatong sa hita niya.

"Are you deaf?" taas kilay na tanong ko sa kanya.

He sighed."I'm not.Let me do it for you." he said as my brows knotted.

"Your girlfriend probably need your care right now.Bakit hindi na lang siya ang asikasuhin mo ngayon." I stated.Mula sa pagkakayuko at pagiging abala sa mga pasa ko,itinaas niya ang tingin sa akin.

"I'm not her boyfriend." he said.I sarcastically laugh on hirls face.

"Seryoso?Sa tingin mo naman maniniwala ako.But I'm not interested even though Nicole seems like assuming things out." tumayo ako at tinungo ang pouch ko.

I grabbed my concealer on my pouch and tried to conceal my bruises.Ayaw kong makita ito nina Mom and Dad baka mamis-understand nila at sabihin nilang nakipag-away ako.

Habang nilalagyan ko ng concealer ang mga pasa ko pagak akong napangite.Concealer use to hide some dark spots,acnes and other unpleasant spot on our face.When you want to hide your acnes you can use it.How I wish may concealer din for my pain.A concealer which can hide my dark spots in life.

Joaquin sighed."Bakit ba pati sa akin ay galit ka?" he asked at muli akong nilapitan.Dahil tuloy doon ay muli akong napa-ismid...can't he take a look that I don't want him besides me?

Kapag lalayo ako,lalapit naman siya.What's with this man at bakit hindi pa ba niya ako layuan?

"Halata naman ang dahilan di'ba?" I sarcastically asked him.Ano bang gusto niya?Yakapin ko pa siya matapos kong madamay sa flirtation problem nila ng bruhang pinsan ko.

Kung bakit ba naman kasi lalandi-landi tapos mandadamay ng ibang tao.E,wala naman akong alam na may connection pala sila.Kung alam ko lang sana edi umiwas agad ako.

Iritable kong tinapunan ng tingin ang binata dahilan para mapakunot ang noo niya.Nagsalubong ang mga kilay niya na para bang hindi alam kung bakit ko siya binigyan ng ganoong tingin.

"What?" he asked.Iiling-iling kong tinungo ang pintuan ng office ko at binuksan ang pinto nito."Out!" bulyaw ko dahilan para madinig ko ang singhapan ng mga empleyado sa labas ng aking opisina.

"Leave now Mr.Andrade or else tatawagin ko ang mga security." may pagbabantang saad ko sa kanya.He just shrugged his shoulder before leaving my office.

Inis ko pang ibinagsak ang pinto pasara nang makalabas siya bago tinungo muli ang pouch ko.Itinuloy ko ang paglalagay ko ng concealer bago muling sumabak sa gera...well gera sa pagitan ko at ng mga papeles na nasa desk ko.Idamay na din ang mga trabahong hindi ko pa natatapos.

Fuck!nakakapagod.Kailan ba ako makakalaya sa mga ito?Too ironic right...na gawa sa lang naman sa papel ang nakatali sa akin pero hindi ko magawang putulin.

Lumipas ang maghapon at ngayon ay iniintay ko na ang pagdating ni Tatay Pa lo para sunduin ako.Maaga ko nang sinabihan ai Tatay Pablo para maaga niya akong masundo nang maiwasan ko na rin ang Joaquin na 'yun.

I don't like him.No, erase that.I hate him!Ayaw ko nang mapalapit pang muli sa kanya at sisimulan ko na ngayon.

Maaga ko talagang tinapos ang gawain ko sa kompanya ngayon para maaga akong makauwi.Siguro naman ay hindi na ako maabutan pa ng antipatikong 'yun.

"Ma'am tayo na po." bungad na sambit sa akin ni Tatay Pablo nang pumarada ang sasakyan namin sa harapan ko.Walang lingon-lingon akong sumakay sa loob ng kotse.

Nang magsimula na ang biyahe namin pauwi ng bahay kinuha ko ang cellphone ko sa bag ko.I opened my social media account and to my shocked...what the sino ang kumuha ng mga litratong ito?

"Fuck!" wala sa sariling mura ko nang makita ang mga litrato ko habang nakikipag-away kay Nicole.

Kuhang-kuha sa litrato kung paano kami magsabunutan ng pinsan ko and there's also a link below the pictures.

I clicked it at kaagad na bumungad sa akin ang actual video ng pag-aaway namin with a caption na halatang sa panig ni Nicole kumakampi ang kung sino mang nag-upload nito.

'De Alva's heiress making a scandalous scene.'

"I hate this day!" sigaw ko at saka itinapon ang cellphone ko sa aking tabi.Gulat na nilingon naman ako ni Tatay Pablo bago niya inihinto sa tabi ng daan ang sasakyan.

"May problema ba Ma'am?" he asked habang nakakunot ang noo.Hindi ako umimik bagkus ay kaagad akong bumaba sa sasakyan at wala sa sariling tinawid ang kalsada.Nadinig ko pa ang mga pag busina ng mga sasakyan ngunit hindi ako nagpatinag.Nagawa ko pang tumigil mismo sa gitna para alisin ang heels ko na nagpapahirap sa paglalakad ko.

"Ma'am!" Tatay Pablo shouted on me habang sinusubukang tumawid upang sundan ako.

Nabuwal na lang ako sa kinatatayuan ko ng muntikan na akong masalpok ng isang jeep.

"Miss ano ba magpapa-kamatay ka ba?" sigaw ng isang binata na dumungaw mula sa bintana ng jeep niya.

Iritado akong tumayo mula sa pagkakatumba ko sa kalsada at taas kilay na sinugod ang jeep ng lalaki.

"Ikaw itong nagmamaneho bakit ako sinisisi mo?" inis na tanong ko rito habang nananatiling nasa  driver's seat ang binata.

Naramdaman ko naman ang kamay na humawak sa aking braso."Ma'am tayo na po.Pinagtitinginan na ho kayo rito." Tatay Pablo stated na siyang nagpalibot ng aking tingin sa paligid.

Mga nakahintong sasakyan ang bumungad sa akin at mga pares ng mga mata ng tao habang pinapanuod ang pagwawala ko sa gitna ng kalsada.

'ano nanamang kagagahan 'toh?' 

"Ano aalis pa ba kayo diyan sa harapan o hindi?" pasigaw na tanong ng binata sa loob ng jeep.Aba't galit pa yata siya,e muntikan na nga niya akong mabangga.

"Ma'am tayo na ho." sambit ni Tatay Pablo mula sa aking likuran habang hinihila ako palayo sa jeep ng binata.Susugurin ko pa sana ang binata pero inabot na ako ng hiya.Isa pa ay pinipigil na rin ako ni Tatay Pablo at pilit na hinhila pabalik ng sasakyan.

Nang makarating kami sa bahay, pagbukas na pagbukas ko pa lamang ng pinto sinalubong na agad ako ng isa sa mga maids namin.

"Ma'am pinapatawag po kayo ng Mama't Papa niyo sa opisina nila." she stated.

Patay!Mukhang nakarating agad sa kanila ang balita.Masyado na talaga akong naiinis sa Nicole na iyon.

Sumunod ako sa maid namin patungong office nila Dad ngunit imbis na makaramdam ng kaba wala akong nararamdaman kundi hiya.Hiya dahil sa nagawa ko sa kalsada kanina.

Hindi naman ako kinakabahan sa magiging reaction nina Mom after all sanay naman na ako.Everytime makagagawa ako ng kamalian office agad ang deretso ko.Isa pa wala naman akong kasalanan sa nangyare.Si Nicole ang dapat na sisihin doon hindi ako.

"Do you need anything?" walang ganang tanong ko sa kanila at nagkunwaring hindi ko pa alam ang dahilan ng pagpapapunta nila sa akin sa office nila.

"Ano itong nakarating sa aming balita,Hinari?" tanong sa akin ng aking Ama bago tumayo mula sa pagkaka-upo niya sa swivel chair niya.

"Is it about the video?" tanong ko.

"Exactly.That scandalous video.What the mess you've done Hinari?" iritableng tanong sa akin ng aking Ina habang nakataas ang kaliwang kilay nito.

Kitang-kita ko sa kanilang mga mata ang iisang emosyon.Galit iyon 'yun.

"Si Nicole ang nagsimula ng gulo at hindi ako.She accused me of being a flirt on her relationship with Joaquin." paliwanag ko.

"Hindi mo na lang sana siya pinatulan pa,Hinari.She was your cousin and almost sister."

"What?No Mom.Yes she is my cousin but I won't considered her as my sister.A sister won't do that trash of accusations ng wala namang basehan." sagot ko sa kanya at saka sila tinalikuran.

"We are so disappointed with you,Hinari." my Dad stated na siyang nagpatigil sa akin ng bahagya.I sighed bago tuluyang lumabas ng office nila.

I tried to hold back my tears when I'm in the middle of our staircase but as much as I want hold it back,lalo lang akong napapaiyak.

When I reach my room doon na nagsimulang tumulo ang mga luha ko.I'm always their disappointment.Kailanman ay hindi sila naging proud sa akin.Sa tuwing sinasabi nilang disappointed sila sa mga nagagawa ko, pag-iyak lang ang nagagawa ko.God knows how much I tried to be strong and to hold back my tears pero talagang masakit.

I was deeply wounded by their words.I may not be hurt physically but emotionally...I was totally damaged.

Masakit na paulit-ulit ka nilang ikumpara sa iba.Masakit na iparamdam nila sa akin ng paulit-ulit na hindi sila proud sa akin even how much I tried my best para lang maging sapat ako sa kanila.Masakit na hindi nila ako binibigyan ng atensiyong walang kahirap-hirap nilang ibinibigay sa negosyo nila.Masakit na parati nilang kino-kontrol ang buhay ko without asking me if I was okay on the decisions their made for me.

Hindi naman ako makina,tao ako.May damdamin at nasasaktan.Hindi ba nila napapansin iyon?Tapos ngayon...mukhang mas kumakampi pa sila sa pinsan ko.

They are my parents pero parang hindi sila inform sa bagay na iyon.Para saan pa ang marangyang buhay na mayroon ako kung sa kaibuturan ng pagkatao ko kulang ako.

When I was young they keep telling me that what they're doing is for my future.Na kaya masyado silang busy sa kompanya,e dahil gusto nilang bigyan ako ng magandang buhay.

Pero ngayong malaki na ako kompanya pa rin ang kalaban ko para makuha ang atensiyong matagal ko ng gustong makuha.Call me attention seeker pero hindi ba't masarap sa pakiramdam kapag binibigyan ka ng sapat na atensiyon ng iyong mga magulang...unluckily I didn't get some.

"Hija." pinunasan ko ang mga luhang patuloy na dumadaloy mula sa aking mga mata.Tiningnan ko si Yaya Sole na nakatayo sa may pintuan.Dala nito ang tray ng pagkain at saka lumapit sa aking kama.

"Kumain ka na." she said ngunit pag-iling lamang ang isinagot ko sa kanya.

"Kumain ka na,Hija.Baka malipasan ka ng gutom." tiningnan ko ang wall clock and that made me realized that it was already seven in the evening.

Hindi na ako nakaramdam ng gutom dahil sa mga iniisip ko pati na rin sa walang tigil na pag-iyak ko.

"Umiyak ka nanaman.Akala ko ba ang strong ka na?" pabirong wika sa akin ni Yaya bago tinungo ang closet ko.

Pagbalik niya,dala niya ang damit pantulog ko at inilapag sa sofa'ng malapit sa bintana ng aking kwarto.Isinara rin niya ang nakabukas na bintana at kurtina na hindi ko na nagawa pang isara kanina.

"Kumain ka na,Anak.Sasamahan muna kita rito at pakikinggan sa mga hinanakit mo." she stated at muli akong dinaluhan sa aking kama.

Muli na namang nagbabadya sa pagtulo ang aking mga luha kaya mabilis akong tumingin sa kisame para hindi ito tuluyang tumulo.Sapat na ang pag-iyak ko kanina ireserve naman natin ang mga luhang ito next time.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status