Share

CHAPTER TWO – Pencil Case

Flashback: 2 months ago

ICE’S POV

“Please settle down, we will start the written examination in a few minutes”

Ang paalala ng babaeng exam facilitator. Hindi nako mapakali. Pawisan na ang mga kamay ko dahil sa kaba. Magsisimula na ang written examination.

“Clean your desks. Pencil, eraser at calculator lang dapat ang nadiyan.”

Tiningnan ko ang gamit na nasa desk ko. Meron akong eraser, calculator at pencil…. case na maraming pencils. Kumuha lang ako ng isa at ibabalik ko na sana sa bag ko ang case ng biglang nahulog ito sa sahig. Nahiya ako dahil lahat ng tao sa loob ng room ay napatingin sa akin. Dahan-dahan akong yumuko para kunin ang mga nagkalat na lapis.

Nagulat ako ng yumuko din ang lalake na nakaupo sa likuran ko at tinulungan ako sa pagpupulot. Habang nagpupulot, naaamoy ko siya. Naaamoy ko ang pabango niya. Ang bango. Yung pabango na kahit 24/7 mong amuyin ay okay lang kasi hindi masakit ilong.

“Magkano?” tanong niya sakin

“Huh?” Nasagot ko na parang naguguluhan sa tanong nya.

“Magkano ang lapis? Ang dami kasi. Para kang nagbebenta” Sabi niya habang ngumingiti

Natulala ako ng makita ang mga ngiti nya. Ang ganda ng mga ngipin niya. At ang dimple niya. Ang lalim.

Bumalik lang ako sa aking katinuan ng magsalita ang aming facilator “Bilisan nyo dyan at magsisimula na tayo”.

Agad kaming bumalik sa kanya-kanya naming upuan at nilagay ko nadin sa bag ko ang pencil case.

Nagdidistribute na ng test papers ng maramdaman kong kinakalabit ako sa balikat nung lalake na nasa likuran ko. Nilingon ko sya at tinanong kung bakit.

“Pahiram naman ng lapis. Naputol yung lead ng sakin. Please”.

Agad akong kumuha ng extra mula sa case ko at pinahiram sa kanya. Ilang sandali pa ay nagstart na ang examination.

Pagkatapos ng halos dalawang oras, natapos ko na ang 3 subjects ng exam. English, Math at Science. May mga part na mahirap, meron ding madali. Tumayo ako at pinasa ang papel ko sa aming facilitator.

“Please proceed sa Information office sa kabilang building at tanungin kung kelan ang schedule mo para sa physical examination” Habilin sakin ng facilitator.

“Yes maám. Thank you” sagot ko sabay labas ng room.

Naglalakad na ako papunta ng kabilang building ng makarining ng malakas na tawag.

“Hey! Hey! Pencil Case!”

Pagkalingon ko, nakita ko ang lalake na nakupo kanina sa aking likuran. Patakbo syang papalapit sa akin.

“lapis mo” pahingal niyang sabi sabay abot ng lapis sa akin.

Kinuha ko iyon sa kanya at nilagay sa aking pencil case.

“Salamat. Pupunta kaba sa Information office?” tanong niya

“Oo. Kukuha ako ng schedule para sa physical examination”

“Tara sabay na tayo”.

Sabay kaming naglakas papuntang Information Office. “Ang tangkad nya. Yung built ng katawan nya parang sa mga athlete. Siguro atlete ito.” Sabi ko sa sarili ko habang nakatingin sa kanya.

“Ako nga pala si Rich. Short for Richard Bailon” Pakilala nya

“Ice Angelo Jimenez. Ice nalang”

“Nice to meet you Ice”’

“Athlete kaba?” tanong ko sa kanya

“Hmmm. Noong high School. Oo. Team captain ako ng basketball club namin. Ikaw ba? Anong sport mo?” Tanon din niya sakin

“Ako? wala. Hindi ako mahilig sa sports eh”

“Talaga? Eh anong hobbies mo?”

“Magbasa, manood ng movies. Ano paba… Yun lang pala. Boring ano?”

“Hindi naman. Kanya-kanya namang trip yan eh. Basta ba nag-eenjoy ka sa ginagawa mo eh. May girlfriend ka?”

Bigla akong nagulat sa tanong niya “Huh? Wala eh” sagot ko na parang nahihiya.

“wala or wala na?”

“Wala. NGSB”

“Eh boyfriend?” isa pa niyang tanong habang ngumingiti

“Huh?” Gulat na sagot ko. Di ko alam kung anong mararamdaman sa tanong niyang iyon.

“Joke lang. Binibiro lang kita. Para kasing ang seryoso mo eh. Tara na bilisan na natin paglalakad.”

Napaisip din ako sa tanong niyang iyon. Wala akong girlfriend at di padin ako nagkakagirlfriend. Never pa ako nainlove sa babae. Pero ganun din naman sa lalake. Never pa din akong nakaramdam ng kakaiba sa kapwa lalake. Never pa maliban… maliban kanina. Kanina nung pinupulot naming dalawa ni Richard ang mga lapis ko na nahulog. First time ako makaramdam ng ganun. Bakit ambilis ng tibok ng dibdib ko ng time na iyon?

Una akong tinawag para sa schedule ng Physical examination ko. Pagkatapos makuha ay lumabas ako agad ng office at maya-maya ay sumunod nading lumabas si Richard. Tinanong niya ako kung kelan ang schedule ko.

“Tuesday ako next week. Ikaw?” sagot ko

“Huh? Ako? Tuesday din”

“Nice. Sabay padin pala tayo”

“Ice. Wait lang pala. May nakalimutan ako sa loob. Hintayin mo ako dito” paalam ni Richard sabay takbo pabalik sa loob ng office.

Makalipas ang halos 10-minuto, lumabas na siya.

“Anong nakalimutan mo?” tanong ko sa kanya

“Huh? Wala pala. Kala ko naiwan ko ang ballpen ko sa loob. Nasa bag ko lang pala. Meryenda tayo?”

“Sige. Medyo nagutom din ako sa exam”

-----

“Alam mo, masarap ang sipao nila dito” sabi ni Richard habang papasok kami sa isang snack bar.

“Talaga?” Excited kong tanong “Wow! Favorite ko pa naman ang sipao”

“Alam ko” narinig ko na sabi ni Richard sa mahinang boses

“Alam mo?” pagtataka kong tanong

“Huh? Hindi. Ang ibig kong sabihin, ngayon alam ko na na siopao paborito mo. Asado o bola-bola?”

“Asado” Nakangiti kong sagot.

Bumili kami ng tig-isang sipao at softdrinks tapos umupo sa bakanteng upuan sa loob ng store.

“Masarap nga. Tapos ang daming laman. Hindi tinipid” sabi ko habang kinakain ang siopao.

“Diba? Sabi sayo eh”

“Rich, taga dito ka talaga sa Manila?”

“Oo. Dito na ako lumaki. Ikaw?”

“Taga Cebu kami. Nagpunta lang ako dito sa Manila para mag-try sa MUP. Nakikitira ako ngayon sa pinsan ko” sagot ko.

“Anong course ang balak mo kunin?” Tanong ni Richard

“Marine Engineering. Ikaw?

“Marine Transportation. May seaman bas a family mo?” balik nya na tanong sa akin

“Yung papa ko. Chief Engineer”

“Ahhh ako naman yung dalawa kong tito. Yung isa Captain at yung isa naman 2nd Mate”

“Sana makapasa tayo” ang sabi ko

Ngumiti si Richard “Makakapasa tayo. Tiwala lang. Ice, pwede makahingi ng mobile number mo? Para update-update nalang tayo”

“Sige ba”

Nagpalitan kami ng mobile number ni Richard at pagkatapos kumain, umuwi na kami sa kanya-kanya naming tahanan.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status