CHAPTER THREE – The Result

Flashback: continuation of chapter 2

ICE’S POV

After ng araw na yun (written exam), palagi na kami nagtetext at nagtatawagan ni Richard. Ang saya ko pag nakakausap ko sya kahit na sa cellphone lang.

 Pakiramdam ko nahuhulog na ako sa kanya pero pilit ko parin itong pinipigilan. Natatakot ako na baka ito ang maging dahilan para masira ang aming pagkakaibigan.

-----

“Saan kana? Andito nako sa MUP. Sa may quadrangle” sabi ko habang kausaip si Richard sa cellphone. Ngayon ang araw ng aming physical examination. Kung kinabahan ako sa written examination, doble ang kaba ko ngayon. Balita ko, series of physical exercises ang gagawin namin. Hindi ako sporty na tao. Hindi din ako mahilig mag-exercise kaya natatakot ako na baka di ko magawa ang mga ipapagawa sa amin.

Biglang may mga kamay na tumakip sa mga mata ko galing sa likuran. Hindi na ako nag-isip kong sino. Naamoy ko kaagad ang pabango. “Richard!” sabi ko sabay kuha ng mga kamay.

“Ayos kalang?” tanong niya sakin

“Kinakabahan ako”

“Bakit naman?”

“Baka hindi ko kayanin”

Umakbay sakin si Richard sabay sabi “Huwag kang mag-alala at ako ang bahala sayo. Aalalayan kita. Promise, makakapasa tayong dalawa.”

Nagsimula ang physical exam. Maraming exercises ang pinagawa sa amin. Push up, sit up, mountain climbing, jog at marami pang iba. Hindi ko lubos maisip paano ko nakayanan ang lahat ng iyon. Siguro dahil kasama ko si Richard at inalalayan ako hanggang matapos kami.

Dahil sa sobrang pagod, naupo ako sa damuhan sa tabi ng quadrangle. May isang applicant na lumapit at tumabi ng upo sakin.

“Nakakapagod ano?” Sabi niya

“Oo nga eh. Hindi ko nga alam paano ko nakayanan yung mga pinagawa satin” sagot ko sabay ngiti sa kanya

“Harold nga pala” pakilala niya sabay abot ng kanang kamay para makipagkamay.

“Ice”

Nag-usap kami ni Harold at nagtawanan dahil sa mga kwento niya. Nagulat ako ng biglang may malamig na bagay na lumapat sa leeg ko. Pagtingin ko, tubig pala na nasa bote dala ni Richard.

“Saan ka galing? Bigla ka nawala pagkatapos ng exam” tanong ko sabay kuha ng tubig

“Bumili lang ako ng tubig”

“Rich, si Harold pala. Harold si Richard” Pagpapakilala ko sa kanilang dalawa.

Tumabi ng upo sakin si Richard at sumali sa kwentuhan.

----

Makalipas ang dalawang araw, ginanap ang interview namin. Ayos naman. Sa tingin ko, nasagot ko naman ng maayos ang mga tanong sa akin. Naghintay pa kami ng 1-week para sa resulta ng examnination.

Tinawagan ko ang MUP at nasayahan sa aking nabalitaan. Nakapasa ako. Makakapag-aral na ako sa university na pinapangarap ko. Agad kong tinawagan ni Richard para tanungin.

“Rich, kumusta? Nakapasa ako. Ikaw?” tanong ko

“Ice, malas eh. Hindi ako nasama sa 200. Pero ayos lang. Siguro hindi talaga para sa akin ito”

Hindi ko alam kong ano ang sasabihin kay Richard. Nalulungkot din ako.

Magkaibigan parin naman tayo diba? Magkikita parin naman tayo diba kahit sa MUP kana?” tanong ni Richard sa akin

“Oo naman. Hindi naman mababago iyon”

“Sige Ice. May gagawin pa ako. Congrats uli sayo” Paalam ni Richard sabay baba ng phone.

Hindi ko mawari ang aking nararamdan. Masaya ako kasi nakapasa ako. Sa kabilang banda, nalulungkot ako kasi hindi ko makakasama si Richard.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status