ICE’S POV
Mapula at may nakasalpak na cotton ang ilong ni Richard ng lumabas ng clinic. Agad ko siyang sinalubong.
“Ano ba ang nangyari at di mo nailagan yung bola?” Tanong ko sa kanya
“Wala. Distracted lang ako kanina” sagot niya
“Distracted saan?”
“Basta!” sabi niya habang kinakapa ang ilong
“Masakit?”
“Sa palagay mo?” sagot niya habang nakatingin sa akin.
“Sa palagay ko? Oo, masakit” pangiti kong sagot.
“Kasalanan mo ito eh”
Nagulat ako sa sinabi nya. “Huh? Paanong naging kasalanan ko?”
“Wala” maikli niyang sagot sabay lakad.
“Teka! Hintayin mo ako.”
Sinamahan ko si Richard pabalik ng kanyang room. Nasa basketball court pa ang kanyang mga roommates kaya walang tao ng dumating kami. Agad syang pumunta sa kanyang higaan at nahiga.
“Magbihis ka kaya muna? Natuyuan ng pawis yang damit mo” sabi ko sa kanya
“Mamaya na”
“Sige, alis na ako. Pupuntahan ko pa si Miguel sa study hall” Paalam ko sa kanya
“Teka! Pwede dito ka muna?”
“Bakit?”
“Wala lang. Malay mo, biglang may mangyari sa akin dito. Injured pa naman ako”
“Asus! Ano namang mangyayari sayo? Sige na nga, mamaya na ako aalis”
“Gusto mong kumain? May biscuit ako dyan” pag-anyaya niya
“Hindi busog pako. Nabusog ako doon sa siopao na binigay mo. Salamat pala.”
“Bakit ka pala nasa basketball court kanina?” Tanong niya
“Napadaan lang ako. Galing ako ng library may hinanap na libro.”
“Ahhh ganun ba? Sinong kasama mo?”
“Ako lang mag-isa”
“Sigurado ka? Mag-isa kalang?” paninigurado niyang tanong
“Oo. Bakit?”
“Wala naman”
Hindi ko alam kung anong nangyari pero biglang tumahimik ng ilang minuto. Hindi na sya nagsalita.
“Kumusta na ang ilong mo? Masakit paba?” tanong ko
“Hindi naman na masyado” sagot niya “Ice, diba sabi mo wala kang girlfriend at hindi kapa nagkakagirlfriend?”
“Oo, bakit?”
“Na-inlove kana ba?”
Hindi ko agad sinagot ang tanong niya. Hindi ko din kasi alam kung paano sagutin. Sa babae, hindi pa ako na-inlove. Sa lalake? Ngayon palang. Pero hindi ko rin sigurado kung love naba itong nararamdaman ko o paghanga lang.
“Hindi ko alam eh. Ano ba ang pakiramdam ng in-love? Paano mo ba malalaman kung love naba iyon?” sagot ko
“Siguro pag naramdaman mong special na sya para sayo. Yung unang kita mo palang may special kanang naramdaman para sa kanya. Yung masaya ka kapang nakikita mo sya at nakakasama. Yung hindi mo namamalayan na parang nasasaktan ka kapag may nakita kang kasama siyang iba. Para sa akin, yun nayun.”
Hindi ako nakakibo sa mga sinabi ni Richard. Yun na yun din ang nararamdaman ko ngayon para sa kanya.
“Ice, paano kung may mahal ka, tapos naramdaman mong may mahal ka ring iba. Ano ang gagawin mo?” Tanong uli ni Richard sa akin.
“Siguro titimbangin ko kung sino ang mas mahal ko sa kanilang dalawa.”
“Papakawalan mo yung isa?”
“Oo, para hindi na sya masaktan pa. Ganun naman dapat diba? Piliin mo kung sino ang mas mahal mo.” Sagot ko
“Paano kung ang mas mahal mo ay yung taong hindi mo dapat mahalin? Susugal kaba?”
“Oo, susugal ako”
“Hahit na alam mong maraming hahadlang?”
Napatingin ako sa huling tanong nayun ni Richard. Hindi ko din alam. Susugal ba ako? Nagkatinginan kami ni Richard ng biglang bumukas ang pinto at pumasok ang kanyang mga roommates.
“Oh Richard, kumusta na ang ilong mo? Pretty boy andito Kadin pala” sabi ng isa
“Ayos na. Hindi na masyado masakit” sagot ni Richard
“Sinamahan ko lang siya saglit habang hinihintay kayo. Aalis nadin ako at may nag-aantay din sakin sa study hall” paalam ko sabay labas ng kwarto.
ICE’S POVIlang araw nadin ang nakakaraan mula ng bumalik kami galing Subic at ilang araw nadin ang relasyon namin ni Richard. Sinisekreto parin namin ito at tanging si sir Kirby lang ang may alam.Nasa study hall ako ngayon. Nag-aaral na katabi si Richard. Ang saya! Ganito pala ang pakiramdam na alam mong mahal ka ng taong mahal mo.Habang nakaupo, palihim at dahan-dahang hinawakan ni Richard ang aking kamay.“Baka may makakita.” Sabi ko sa kanya“Walang makakakita. Tingnan mo. Busy ang lahat sa pag-aaral” sagot ni Richard.Nasa ganoon kaming posisyon ng biglang lumapit sa amin ang ka-roommate ko na si Ramon. Dali-dali kong kinuha ang kamay ko na hawak-hawak ni Richard.“Oh! Anong nangyari at parang gulat na gulat kayo.” Tanong ni Ramon“Wala. Nagulat lang kami sa bigla mong pagsulpot.” Sab
KIRBY’S POVMaaga kaming nagising kinabukasan para bumiyahe pabalik ng Manila. Habang papunta ako sa bus na sasakyan namin, narining ko ang isang instructor na kinakausap si Richard.“Cadet Bailon, bakit ba nagpupumilit ka na dito sumakay sa bus na para sa mga engine cadets? Doon ka dapat sa bus na para sa mga ka-department mo. Pinagbigyan lang kita noong papunta tayo dito dahil naiwanan ka pero ngayon hindi na pwede.” Sabi ng instructor.“Sir, please pagbigyan nyo na po ako ulit.” Pakiusap ni RichardLumapit na ako sa kanila at nagsalita.“Sir, pwede po bang palit nalang po kami ni cadet Bailon? Ako nalang po ang sasakay sa bus na para sa deck cadets tapos dito nalang po siya sa bus na para sa mga engine cadets. Sige na sir. Bigay niyo na po sa akin ito.” Pakiusap koNag-isip sandali ang instructor bago nagsalita “Sige na. Bahala na ka
RICHARD’S POVParang lumulundag ang puso ko sa sobrang saya. Sa wakas si Ice at ako – KAMI NA.Pagkatapos naming mag-usap ni Ice sa dalampasigan, bumalik na kami sa aming mga kasamahan – yung iba ay tapos ng kumain at yung iba naman ay hindi pa.“Anong nangyari at bigla kayong umalis at saan kayo nagpunta?” tanong ng isa naming batchmate“Ahhh… May naalala lang ako na importanteng dapat ko palang sabihin kay Ice kaya ayon, sinabi ko sa kanya. Sobrang importante kasi at hindi na pwedeng patagalin.” Sagot ko“Kumain na kayo. Kukunti lang ata yung nakain nyo kanina” sabi uli ng isa naming batchmate“Sige lang. Busog ako. Sobrang nabusog na ako.” sabi ko sabay pasimpleng ngumiti kay Ice.Hindi na ako kumain samantalang si Ice ay nagutom ata kaya ayun kumain ulit.Pagkatapos ng
KIRBY’S POV“Rich… Diet lang? Bakit parang hindi ka kumakain.” Narining ko na sabi ni Ice kay Richard habang kumakain kami ng dinner.“Hayaan mo na. Baka busog pa. Ikaw kumain ka marami pa oh” sabi ko kay Ice sabay lagay ng pagkain sa kanyang harapan.Masaya kaming kumakain ng biglang sa malakas na boses ay nagsalita si Richard “Ako yun!”Lahat kami ay tumingin sa kanya dahil sa pagkagulat.“Anong nangyayari saiyo Rich?” ang tanong ni Ice sa kanya.Nagsorry si Richard. Siguro napagtanto niya na nabigla kaming lahat dahil sa kanya pero mas nabigla ako ng hawakan niya ang kamay ni Ice tapos hinila ito paalis. Bago paman makalayo, tinawag ko iyo.“Wait! Anong ginagawa mo Bailon?” tanong ko kay RichardTumingin si Richard sa akin sabay sabi “Sir,
RICHARD’S POVBoodle fight – yan ang theme ng dinner namin ngayon. Habang masayang kumakain ang mga kasamahan ko, ito ako at walang gana. Iniisip ko padin yung sinabi ni Ice kanina. Sino kaya yung taong mas gusto niya kaysa kay sir Kirby? Inilibot ko ang aking paningin sa mga kasamahan kong freshmen na kumakain. “Isa kaya sa mga narito?”Ang sabi niya, nakilala daw niya dahil sa lapis. Bigla kong naalala na una kong nakita si Ice sa National Book Store na bumibili ng lapis pero at that time, hindi naman niya ako nakilala at mukhang hindi nga niya ako namukhaan so malabong ako iyon.Isip ako ng isip kung sino kaya yung lalake na gusto ni Ice hanggang sa pumasok sa aking isipan noong araw ng written exam. Nahulog yung mga lapis ni Ice tapos nanghiram ako ng lapis sa kanya dahil doon, nagkakilala kami. TAMA! Ang ibig sabihin… Yung tinutukoy ni Ice na taong mas gusto niya kaysa kay sir Kirby&h
ICE’S POVNapagod ako sa kakalangoy kaya naupo muna ako sa buhanginan at nagpahinga habang pinagmamasdan ang mga ka-batchmates ko na masayang naliligo.“Ayaw mo na?” tanong ni Richard na sumunod pala sa akin.“Pahinga lang sandali” sagot koTahimik lang ako habang nakatingin sa mga kasamahan namin ng magsalita si Richard.“Ice… May gusto sana akong itanong saiyo.” Sabi ni Richard.“Ano iyon?” “Napapansin ko kasi na mas naging malapit si sir Kirby sa iyo. Tapos ikaw din mas naging malapit sa kanya. Ano bang meron? Anong meron sa inyong dalawa?” tanong ni RichardNapatingin ako kay Richard. “Anong ibig mong sabihin?”“Ice… may relasyon ba kayo?” “magkaibigan&hellip
ICE’S POVMag-isa lang ako ngayon sa loob ng kwarto at nakahiga sa kama. Nasa labas si Richard at naliligo sa dagat kasama ang kanyang mga kaklase. Niyaya niya ako kanina pero wala akong gana. Si sir Kirby naman ay naghahanda para sa aming hapunan kasama ang ibang mga cadets na nagvolunteer – yung mga marurunong magluto.Naisipan kong lumabas. Siguro tutulong nalang din ako sa pagpe-prepare ng dinner. Kahit hindi ako marunong magluto, kaya ko naman maghiwa ng mga lulutuin.May area sa resort kung saan pwede magluto ang mga guests. Pumunta ako doon – busy ang mga tao. Nakita ko si sir Kirby sa isang lamesa na naghihiwa ng mga prutas – mangga at watermelon.“Ice, anong ginagawa mo rito?” tanong ni sir Kirby ng makita ako“Baka lang may maitulong ako dito sir kaya pumunta ako.”“Ayaw mo bang mag-swimming?”
Naganap ito kasabay ng chapter 28 at 32KIRBY’S POVPagkarating namin ng Subic, dumiretso na kami sa shipyard para sa ship familiarization ng mga freshmen cadets. Sumama nadin kami na tatlong senior sa familiarization kahit na tapos na naming gawin ito noong first year kami.Pagkatapos ng familiarization ay pumunta na kami sa resort kung saan kami magsi-stay ng isang gabi.Habang nakapila ang nga freshmen sa reception para sa kanilang room assignment, kinausap naman kaming tatlong senior ng isa sa mga instructors.“Ganito, gusto kong tulungan nyo kami sa pagbabantay at pagpa-facilitate sa mga freshmen. Cadet Castro ikaw na ang bahalang maghanap ng mga cadets na tutulong sa pagluluto at paghahanda ng hapunan. kayo naman cadet Licom at cadet Santos, pakibantayan ang mga cadets na huwag makalabas dito sa resort dapat wala ding iinom ng alak.” Sabi ng instructor sa amin.Pagkatapos kam
Naganap ito kasabay ng chapter 27 at 31KIRBY’S POVNgayon ang araw na pupunta kami ng Subic para sa ship familiarization ng mga freshmen cadets. Gaya ng sinabi ni sir Ramillo, maliban sa akin may pinasama pa siyang dalawang senior para tumulong sa pagbabantay – sina cadet Santos at cadet LicomNakaalis na ang mga bus na sinakyan ng mga deck cadets. Naglakad ako patungo sa mga bus na para sa engine cadets. “SAAN KAYA SUMAKAY SI ICE?” Ang naitanong ko sa aking sarili. “BAHALA NA. MAKIKITA KO NAMAN SIYA PAGDATING NG SUBIC.”Papalapit ako sa isang bus ng makita ko si Richard Bailon. “ANONG GINAGAWA NYA SA BUS NA ITO? NAKAALIS NA ANG BUS NA DAPAT NIYANG SINAKYAN AH.” Naghinala ako. Marahil sa bus na ito nakasakay si Ice kaya dito sumakay si Richard.Umakyat ng bus si Richard kaya dali-dali akong tumakbo