Continuation of Chapter 1
ICE’S POV
Lumabas ako ng room para tingnan kung sino ang kumatok ng biglang may mga kamay na tumakip sa aking mga mata mula sa likuran. Agad ko iyon tinanggal at tiningnan kung sino. Nagulat ako sa aking nakita. Bumilis ang tibok ng aking dibdib.
“Surprise!” nakangiting sabi ni Richard.
“Paano? Bakit ka nandito?” Pagtataka kong tanong
“I lied. Diba sinabi ko na hindi ako nakapasa? Hindi totoo yun. Gusto lang kitang i-surprise. Surprise?” pangiti niyang sabi
“Loko! Napaniwala mo ako doon ah”
“Nalungkot ka ano? Dahil hindi mo ako makakasama?”
“Hindi rin” pasinungaling ko na sagot “Paano mo pala nalaman yung room assignment ko?”
“Nakita ko kanina habang naghahanap ako ng room ko. 4th floor ako naka-assign. RM404”
Naputol ang aming pag-uusap ng biglang may narining kaming nag-public address.
“ATTENTION ALL FRESHMEN. PLEASE PROCEED TO THE AUDITORIUM RIGHT NOW. AGAIN, ALL FRESHMEN PROCEED TO THE AUDITORIUM RIGHT NOW”
----
Madami na ang tao sa loob ng auditorium. Lahat ng freshmen ay nandito na siguro. Maingay sa loob. May nag-uusap kashit saan. Tumahimik lang ang lahat ng biglang may umakyat sa stage. Isang matangkad at morenong lalake. Gwapo kayalang parang seryoso. Hindi man lang ngumiti.
“Goodmorning 4th Class engine and deck cadets” Sabi ng lalake sa malakas at buong boses.
“I am 1st Class engine cadet Castro, Kirby. This year’s MUP cadet president. Una sa lahat, binabati ko kayo sa pagkakapasok sa paaralang ito. Alam ko na hindi madali ang pinagdaanan ninyo pero kinaya nyo ito. At sasabihin ko din sa inyo na hindi porke at nakapasok na kayo dito, magiging madali na ang lahat sa inyo. Bawat isa sa inyo na nadito, should follow the rules and regulations of this institution. Ngayon sasabihin ko sa inyo ang mga basic rules na kailangan ninyong tandaan. Una, always respect your seniors. Address them as Sir or Maám. Pangalawa, lahat ng violations may katapat na punishment. Kapag mabigat ang violation, mabigat din ang punishment. Pangatlo, Monday to Friday at exactly 0400H, mayroon tayong 1-hour morning exercise. Everybody should be present. Walang exempted dito. 0531H to 0659H free time ninyo. Pwede kayo maligo, maglaba o kung ano ang gusto ninyong gawin. At exactly 0700H lahat dapat nasa canteen for breakfast. Remember, 0700H not 0701H or 0702H. Ang mahuli, hindi kakain. You’ll only have 15 minutes para kumain. 0716 to 7:59 preparation ninyo para sa class. At 0800H, hanggang 1830H, class hour. Kung wala kayong klase, stay inside your rooms or sa study hall. For lunch, bukas lang ang canteen from 1130H hanggang 1330H. At 1900H, dinner time, same sa breakfast, you’ll only have 15 minutes para kumain. 1916H to 1959H free time. At exactly 2000H hanggang 2259, dapat lahat nasa study hall para mag-aral. Kung may assignment kayo, gawin ninyo doon. Ayaw naming makakita ng cadet sa loob ng kwarto. At 2300H magro-room check kami. Lahat dapat nasa mga kwarto ninyo para sa roll call. After ng roll call, lights out. Saturday at Sunday, free day. Maliban sa mga may klase ng Saturday. Kung gusto ninyong lumabas during your free day or free time, pwede pero you will only be given a maximum of 5 hours para makabalik at bago kayo makalabas, kelangan muna magpaalam at mag log sa officer on duty ng araw na iyon. Yan ang mga basic rules na kelangan ninyong sundin. Understood?”
“Yes sir” Sagot namin sa mahinang boses
“Louder! Understood?” Pasigaw na tanong ni Sir Kirby
“Yes Sir” muli naming sagot pero sa mas malakas na boses.
“Now, I’ll give you 5 minutes para lumabas sa auditorium na ito at mag assemble sa quadrangle. Go!”
Pagkasabi ng go, lahat kami dali-daling lumabas at patakbong pumunta ng quadrangle. Sa mga oras na ito, nakakadama ako ng kaba at takot. Natatakot ako kay sir Kirby.
Pagdating sa quadrangle, may mga seniors nadin kami na nadoon. Inalalayan kami sa formation. Mukhang mababait naman pala ang iba sa kanila. Ang akala ko kanina lahat ng seniors ay kagaya ni sir Kirby na nakakatakot.
“Hands on your buttocks!” Sigaw ni sir Kirby pagkadating niya sa quadrangle.
Nagtinginan kaming lahat ng freshmen kasi di namin alam ang sinasabi niya.
“Alam nyo naman siguro kung ano yung hands at saan ang buttocks diba?” Tanong ni sir Kirby sabay tawag ng isang kasama para magdemonstrate. “Everybody hands on your buttocks. Look straight ahead and do not move”
“Pretty boy! Pretty boy! Usog ka ng kunti. Lumilihis ka sa line” Narinig ko na tawag sa akin ni Roberto na nasa bandang likuran ko.
Nakita kong napatingin si sir Kirby sa direksyon namin. Agad niyang nilapitan si Roberto.
“Ano yun cadet? Narining ko may tinatawag ka? Sinong tinatawag mo na pretty boy?” Tanong ni Kirby kay Roberto.
“Sir, no sir. Wala akong tinatawag” narining ko na sagot ni Roberto.
“So, guni-guni ko lang yung narining ko? Sasabihin mo ba o magpupush-up ka?” Utos ni sir Kirby sa kanya.
“Sir, si cadet Jimenez po yung tinutukoy ko na pretty boy sir.”
Naloko na. Siguradong ako na isususnod nito. Paano na?
“Sino si Jimenez?” naarining ko na sigaw ni sir Kirby “Sino si Jimenez?”
“Sir, ako sir” pag amin ko.
Narining ko ang mga yapak ng paa galing sa likuran na papunta sa direksyon ko. Siguradong si sir Kirby iyon at papunta sa akin.
“Pretty boy huh?” Sabi nya habang papalapit
Pumwesto sa harapan ko si sir Kirby. Tiningnan ako sa mata. Di ko alam kung anong gagawin ko. nilihis ko ng tingin ang mga mata ko para di ko sya maka-eye to eye.
“Look straight ahead cadet” utos niya
Binalik ko ang tingin ko sa harapan at ngayon ka-eye to eye ko na sya.
“State your name cadet” sabi niya
“Ice Angelo Jimenez sir”
“Ice Angelo “Pretty boy” Jimenez” ang sabi niya
Nagtawanan ang mga kasama ko ng marinig iyon.
“Tahimik!” Sigaw na utos ni Kirby saka naglakad papalayo sa akin “Ang lousy ninyo! Palalampasin ko ito kasi first day ninyo pero next time pag ganito parin, all of you will be punished. Maliwanang?”
“Yes sir!” sagot namin
“Okay that’s all for today. Alam kong marami pa kayong aayusin na mga gamit. Go back to your rooms. Dismissed”
Naglalakad na ako pabalik ng room ng tawagin ako uli ni sir Kirby.
“Yes sir?”
“Cadet Jimenez, I am watching you” sabi ni sir Kirby sabay ngumiti ng kunti.
Naguluhan ako sa sinabi niyang iyon. Anong ibig niyang sabihin? Dapat ba akong kabahan? Pero ngumiti sya. Kunti ngalang pero ngumiti sya.
ICE’S POVIlang araw nadin ang nakakaraan mula ng bumalik kami galing Subic at ilang araw nadin ang relasyon namin ni Richard. Sinisekreto parin namin ito at tanging si sir Kirby lang ang may alam.Nasa study hall ako ngayon. Nag-aaral na katabi si Richard. Ang saya! Ganito pala ang pakiramdam na alam mong mahal ka ng taong mahal mo.Habang nakaupo, palihim at dahan-dahang hinawakan ni Richard ang aking kamay.“Baka may makakita.” Sabi ko sa kanya“Walang makakakita. Tingnan mo. Busy ang lahat sa pag-aaral” sagot ni Richard.Nasa ganoon kaming posisyon ng biglang lumapit sa amin ang ka-roommate ko na si Ramon. Dali-dali kong kinuha ang kamay ko na hawak-hawak ni Richard.“Oh! Anong nangyari at parang gulat na gulat kayo.” Tanong ni Ramon“Wala. Nagulat lang kami sa bigla mong pagsulpot.” Sab
KIRBY’S POVMaaga kaming nagising kinabukasan para bumiyahe pabalik ng Manila. Habang papunta ako sa bus na sasakyan namin, narining ko ang isang instructor na kinakausap si Richard.“Cadet Bailon, bakit ba nagpupumilit ka na dito sumakay sa bus na para sa mga engine cadets? Doon ka dapat sa bus na para sa mga ka-department mo. Pinagbigyan lang kita noong papunta tayo dito dahil naiwanan ka pero ngayon hindi na pwede.” Sabi ng instructor.“Sir, please pagbigyan nyo na po ako ulit.” Pakiusap ni RichardLumapit na ako sa kanila at nagsalita.“Sir, pwede po bang palit nalang po kami ni cadet Bailon? Ako nalang po ang sasakay sa bus na para sa deck cadets tapos dito nalang po siya sa bus na para sa mga engine cadets. Sige na sir. Bigay niyo na po sa akin ito.” Pakiusap koNag-isip sandali ang instructor bago nagsalita “Sige na. Bahala na ka
RICHARD’S POVParang lumulundag ang puso ko sa sobrang saya. Sa wakas si Ice at ako – KAMI NA.Pagkatapos naming mag-usap ni Ice sa dalampasigan, bumalik na kami sa aming mga kasamahan – yung iba ay tapos ng kumain at yung iba naman ay hindi pa.“Anong nangyari at bigla kayong umalis at saan kayo nagpunta?” tanong ng isa naming batchmate“Ahhh… May naalala lang ako na importanteng dapat ko palang sabihin kay Ice kaya ayon, sinabi ko sa kanya. Sobrang importante kasi at hindi na pwedeng patagalin.” Sagot ko“Kumain na kayo. Kukunti lang ata yung nakain nyo kanina” sabi uli ng isa naming batchmate“Sige lang. Busog ako. Sobrang nabusog na ako.” sabi ko sabay pasimpleng ngumiti kay Ice.Hindi na ako kumain samantalang si Ice ay nagutom ata kaya ayun kumain ulit.Pagkatapos ng
KIRBY’S POV“Rich… Diet lang? Bakit parang hindi ka kumakain.” Narining ko na sabi ni Ice kay Richard habang kumakain kami ng dinner.“Hayaan mo na. Baka busog pa. Ikaw kumain ka marami pa oh” sabi ko kay Ice sabay lagay ng pagkain sa kanyang harapan.Masaya kaming kumakain ng biglang sa malakas na boses ay nagsalita si Richard “Ako yun!”Lahat kami ay tumingin sa kanya dahil sa pagkagulat.“Anong nangyayari saiyo Rich?” ang tanong ni Ice sa kanya.Nagsorry si Richard. Siguro napagtanto niya na nabigla kaming lahat dahil sa kanya pero mas nabigla ako ng hawakan niya ang kamay ni Ice tapos hinila ito paalis. Bago paman makalayo, tinawag ko iyo.“Wait! Anong ginagawa mo Bailon?” tanong ko kay RichardTumingin si Richard sa akin sabay sabi “Sir,
RICHARD’S POVBoodle fight – yan ang theme ng dinner namin ngayon. Habang masayang kumakain ang mga kasamahan ko, ito ako at walang gana. Iniisip ko padin yung sinabi ni Ice kanina. Sino kaya yung taong mas gusto niya kaysa kay sir Kirby? Inilibot ko ang aking paningin sa mga kasamahan kong freshmen na kumakain. “Isa kaya sa mga narito?”Ang sabi niya, nakilala daw niya dahil sa lapis. Bigla kong naalala na una kong nakita si Ice sa National Book Store na bumibili ng lapis pero at that time, hindi naman niya ako nakilala at mukhang hindi nga niya ako namukhaan so malabong ako iyon.Isip ako ng isip kung sino kaya yung lalake na gusto ni Ice hanggang sa pumasok sa aking isipan noong araw ng written exam. Nahulog yung mga lapis ni Ice tapos nanghiram ako ng lapis sa kanya dahil doon, nagkakilala kami. TAMA! Ang ibig sabihin… Yung tinutukoy ni Ice na taong mas gusto niya kaysa kay sir Kirby&h
ICE’S POVNapagod ako sa kakalangoy kaya naupo muna ako sa buhanginan at nagpahinga habang pinagmamasdan ang mga ka-batchmates ko na masayang naliligo.“Ayaw mo na?” tanong ni Richard na sumunod pala sa akin.“Pahinga lang sandali” sagot koTahimik lang ako habang nakatingin sa mga kasamahan namin ng magsalita si Richard.“Ice… May gusto sana akong itanong saiyo.” Sabi ni Richard.“Ano iyon?” “Napapansin ko kasi na mas naging malapit si sir Kirby sa iyo. Tapos ikaw din mas naging malapit sa kanya. Ano bang meron? Anong meron sa inyong dalawa?” tanong ni RichardNapatingin ako kay Richard. “Anong ibig mong sabihin?”“Ice… may relasyon ba kayo?” “magkaibigan&hellip