2 days before the MUP Written Examination (Nangyari ito bago pa nagkakilala sina Richard at Ice)
RICHARD’S POV
Malapit na ang written exam ko sa MUP. Kinakabahan ako pero alam ko naman na kakayanin ko ito. Alam ko, makakapasok ako. Nasa National Bookstore ako ngayon bibili ako ng mga gagamitin. Lapis, eraser at saka calculator. Ano kayang magandang lapis na gamitin? Isa, dalawa, tatlo… Tama na siguro ito. Tatlong lapis para kung sakaling maputol, may pang reserba.
“Excuse me” narinig ko na sabi mula saking likuran. “Kukuha lang sana ako ng lapis”
Nakaharang pala ako. Tumabi ako para makakuha ng lapis ang nasa likuran ko. Tiningnan ko siya – isang lalake kaedaran ko at…. Ang cute niya. Di ko maexplain pero bakit ang bilis ng tibok ng dibdib ko habang nakatingin sa kanya? Normal lang siguro kung maramdaman ko ito sa isang babae pero sa lalake? Di ko alam kung bakit. First time ito.
Sinundan ko ang lalake hanggang sa cashier. Dahil sa kakatitig sa kanya, muntik ko na tuloy maiwan ang mga binili ko. Buti nalang, tinawag ako ng staff. Narinig ko na nagtawanan ang mga nakapila kasunod ko.
Para na akong stalker nito. Kahit sa labas ng bookstore, sinusundan ko parin siya. Sino kaya siya? Hindi ko alam kong bakit ko ito ginagawa.
Pumunta siya sa foodcourt ng mall at naupo. Para malapit, umupo ako sa upuan sa bandang likuran niya. Maya-maya, may kinawayan siyang babae. “Girlfriend nya?” natanong ko saking sarili.
“Pinsan, ano, nakabili kana ng mga kelangan mo?” Tanong ng babae sa kanya.
Pinsan niya pala at hindi girlfriend. Nakinig nalang ako sa usapan nila.
“Oo, galing na ako ng National Book Store” sagot ng lalake
“Ano kain na tayo? Ako na ang bibili” sabi ng babae
“Sige”
“Anong gusto mo?”
“Siopao” sabi ng lalake
“Yung paborito mo. Okay” sabi ng babae sabay alis
Siopao. Yun pala ang paborito niya. Habang kumakain, narinig ko na nagpapasama ang babae sa supermarket. Susunod ba uli ako doon? Biglang tumunog ang aking cellphone. Si Bianca tumatawag.
“Babe?” sabi ko
“Babe, nasaan kana? Andito nako sa may starbucks”
“Sige babe, papunta nako diyan.”
Dali-dali akong tumayo at umalis. Nakalimutan ko. Magkikita pala kami ni Bianca sa Starbucks. Kahit kasama ko na si Bianca, hindi parin mawala sa isip ko ang lalake na nakita ko kanina. Sino kaya siya? Bakit ako nagkakaganito? Hindi ko na alam.
MUP Written Examination day (Same day na nangyari ang Chapter Two)RICHARD’S POVNakaupo ako sa waiting area habang hinihintay na tawagin para sa written examination. Para sigurado, chineck ko uli ang mga gamit na kakailanganin ko. Calculator, eraser at tatlong lapis. Okay nato. Nagmasid-masid ako sa paligid ng may napansing lalake na nakatayo malapit sa pintuan ng examination venue. Pamilyar ang lalake. Siya yung nakita ko sa mall noong nakaraang araw. Yung nakasabay kong bumili ng lapis at sinundan ko hanggang foodcourt. Napangiti ako. Pagkakataon nga naman ano. Dito ko lang pala siya makikita muli.Tinatawag na kaming mga examinees at isa-isa ng pinapasok. Nang nasa loob na ako, hinanap ko kung saan siya nakaupo. Binggo! Nakita ko sya at swerte dahil bakante ang upuan na nasa likuran niya kaya doon ako pumwesto.“Please settle down, we will start the written examination in a f
Physical Examination Day (Same day kung kalian nangyari ang chapter 3)RICHARD’S POVKatatapos lang namin sa Physical examination. Hindi na ako masyado nahirapan. Nasanay nadin siguro ako dahil noong kasali pa ako sa basketball team ng high school, lagi naming ginagawa iyong mga exercises na pinagawa sa amin kanina. Pinagmasdan ko si Ice, mukhang siya ang nahirapan at pagod na pagod. Umalis muna ako saglit at naghanap ng tindahan para bumili ng tubig – sa akin at para kay Ice.Bumalik nadin agad ako sa quadrangle pagkatapos bumili. Hinanap ko siya at nakita kong nakaupo sa may damuhan. “Sino yung kasama niya?” tanong ko sa aking sarili ng makita ko siyang tumatawa kasama ang isang lalake. Hindi ko maintindihan, pero nakadama ako ng kunting sakit. Bakit? Nagseselos ba ako?Lumapit ako sa kanila. Inilapat ko ang dala kong malamig na bote ng tubig sa leeg ni Ice na siya niyang kinagu
Nangyari ito a few days after nilang makapasok sa MUP (Hindi pa alam ni Ice na may girlfriend si Richard).RICHARD’S POVLinggo ng umaga. Pumunta ako sa room ni Ice para sana yayain siyang lumabas pero wala siya doon. Hinanap ko siya at nakita sa may canteen na nakaupo mag-isa. Kumakain ata ng breakfast. Nilapitan ko siya at napansing matamlay. Hindi rin niya naubos ang kanyang pagkain“Ice, okay kalang?” tanong ko“Ang sakit ng ulo ko” sagot niyaIpinatong ko ang kanang palad ko sa noo niya.“Ice may lagnat ka ah. Uminom kana ba ng gamot?” tanong ko sa kanya“Ayaw ko ng gamot. Nasusuka ako doon”“kailangan mo iyon. Baka lumala pa yang lagnat mo. May gamot ako sa room ko. Kukunin ko pero dadalhin muna kita sa room mo.” Sabi ko sa kanya.Inalalayan
RICHARD’S POV“Kumusta na pakiramdam mo?” Tanong ko kay Ice“Mabuti na” sagot niya habang nagsusulat.Nasa study hall kami ngayon ng dormitory. Si Ice gumagawa ng assignment at ako naman… wala. Gusto ko lang samahan siya at makita.“Alam mo, para kang bata. Ayaw uminom ng gamot. Kahapon, muntik mo na akong masukahan. Buti nakailag ako.” Sabi ko sa kanya“Ikaw kasi mapilit. Sabing ayaw kong uminom kasi napapaitan ako.” sagot ni Ice sabay ngiti.Bigla na naman akong napatingin sa kanyang labi. Parang ang lambot ng mga ito. Ang sarap hawakan. Parang ang sarap halikan. Napapalunok nalang ako sa mga naiisip ko.“Rich… Rich...” Mahinang tawag sa akin ni Ice“Huh?”“Anong nangyari sayo? Nakatulala ka”
Naganap ito same day ng chapter 5 and 6RICHARD’S POVNagyaya ang mga kasama ko sa kwarto na maglaro ng basketball. Bago pumunta sa court, dadaan muna ako sa kwarto ni Ice para ibibigay itong binili kong siopao para sa kanya.“Miguel, si Ice?” tanong ko kay Miguel ng makitang lumabas ng kanilang kwarto.“Natutulog eh. Bakit? Gusto mo gisingin ko?” sagot ni Miguel“Hindi na. Pakibigay nalang itong siopao sa kanya. Salamat” sabi ko sabay abot ng siopao at umalis.----Mahigit isang oras na kaming naglalaro sa basketball court ng mapansin ko si Ice na nanonood at kasama si sir Kirby. “Bakit sila magkasama?” tanong ko sa aking sarili.Nadistract ako ng bigla kong nakita na nilapit ni sir Kirby ang kanyang mukha sa mukha ni Ice. “Hinalikan ba niya si Ice?&rdquo
Naganap ito same day ng chapter 7RICHARD’S POVDahil sabado at pareho kaming walang klase, niyaya ko si Ice na pumunta ng mall.“1300H na ngayon, dapat makabalik kayo ng 1800H” paalala sa amin ng office on duty. Maximum 5 hours lang kasi binibigay sa amin para lumabas.“Rich, uulan ata” sabi ni Ice sa akin.Tumingala ako sa langit at nakitang makulimlim. “Oo nga. Wala akong payong. Meron kaba?”“Meron kaso tinatamad ako magbitbit” sagot niya.“Lagay mo nalang dito sa bag ko” sabi ko sabay turo sa dala kong backpack“Sige”Kinuha ni Ice ang kanyang payong at nilagay sa dala kong bag. Hindi na kami nag-aksaya pa ng panahon at agad na umalis papuntang mall.----Naglalakd kami ni Ice sa mall ng biglang may
Naganap ito same day ng Chapter 8KIRBY’S POVNasa National Book Store ako ngayon, nakapila para magbayad sa cashier. Kasama ko ang aking kaibigan na si Alex.“Bro, Pagkatapos dito samahan mo ako sa supermarket.” Sabi ni Alex sa akin“Sige” sagot ko.Nag-uusap kami ni Alex ng marining ang boses ng isang staff. Tinatawag niya ang isang customer dahil naiwan nito ang kanayng mga binili. Nagtawan ang ibang nakapila.“Siguro malalim ang iniisip kaya naiwan ang mag binili.” komento ni Alex.“Baka nga” “Bro, naalala mo ba si Irene? Yung nakilala natin sa isang event?” tanong ni Alex sa akin“Oo, bakit?”“Bro, hinihingi sa akin ang number mo. Patay na patay ata sayo.” &ldqu
KIRBY’S POVIt’s been weeks since that day. The day when I first saw Ice in the supermarket. Simula noon, hindi na siya mawala sa isip ko. Sinubukan ko siyang hanapin – sa facebook, twitter, instagram pero wala. Ang hirap lalo na dahil “Ice” lang ang alam ko sa kanya. I don’t even know if yun nga ang totoo niyang pangalan or palayaw lang.Pabalik-balik din ako sa supermarket ng mall kung saan ko siya nakita. Nagbabakasakali ako na isang araw makita ko siya ulit doon.“Bro, si Irene kinukulit na naman ako. Gustong makipagkita sa atin” sabi ni Alex sa akin habang nagmemeryenda kami.“Edi makipagkita ka.”“Alam naman natin na damay lang ako doon. Ikaw talaga ang gusto niyang makita. Pag ako lang, sa tingin mo makikipagkita yun?”“Sabihin mo hindi na ako pwede. Sabihin mo na take