Share

A Wild Night With Miss Intruder
A Wild Night With Miss Intruder
Author: Ate Sanggol

Chapter 1

" Alison timpla mo naman ako ng kape." sabi ng isang katrabaho nya.

" Alison, please paki- zerox naman nito oh, kailangan na kasi itong maipasa. " sabi naman ng isa pa.

"Okey. " nakangiti niyang sagot dito.

" Alison, ano ba? Asan na iyong pinapakuha kong papers sayo kailangan na iyon ni Manager? Ang bagal naman, kainis. " mataray na sabi ng isa pa niyang katrabaho.

" Ok Windy kukuhain ko na saglit lang ha, pasensya na. " hinging paumanhin niya dito ngunit inirapan lang siya nito.

" Alison, may inilagay akong note, nakadikit diyan sa pc mo pakiprint nalang at pakidala na rin sa accounting office. " sabi ng isa pa.

Tumango nalang siya dito.

Ganito si Alison sa company na pinagtatrabahunan niya. Utusan siya ng kanyang mga katrabaho kahit naman kung tutuusin pantay-pantay lamang sila ng ranggo. Kahit nga labas na sa trabaho niya inuutos pa rin sa kanya, katulad nalang ng pagbili ng napkin kapag may buwanang dalaw si Windy.

Ang pagpapabili sa kanya ng sigarilyo ng kanilang team leader. Ang pagdedeliver ng kung ano-ano at ang pagtitimpla ng kape ng mga ito. Minsan gusto na niyang magreklamo pero ika nga, siya na yata ang pinakamabait na tao sa mundo.

Narinig nya pa minsan na pinagtatawanan siya ng mga ito dahil tatanga-tanga daw siya,dahil nauuto daw siya ng mga ito. Tinawag pa siya ng mga itong sticky note girl dahil na rin siguro sa nakasanayan niyang idikit ang mga notes niya sa kung saan-saang parte ng cubicle niya. Nakasanayan na niya kasi iyon para hindi niya makalimutan ang mga gagawin pero sinamantala naman iyon ng kanyang mga katrabaho dahil sa araw-araw na ginawa ng Diyos. Puno ng mga nakadikit na notes ang kanyang computer.

Kaya kapag umuuwi siya sa kanyang apartment halos hindi na siya nakakakain ng hapunan dahil hapong-hapo ang kanyang katawan sa buong maghapon. Dalawang rason lang ang nagpapatatag ng loob niya ito ay ang pamilya niya sa probensya at ang kanyang pinakamamahal na boyfriend. Hindi humihingi ang kanyang magulang ng pera sa kanya kahit nahihirapan din ang mga ito pero buwan-buwan pa rin siyang nagpapadala para makatulong.

Bunso siya sa apat na anak ng mga ito, nag-iisa siyang babae kaya naman napakastrikto ng kanyang mga Kuya sa kanya. Ayaw nga sana siyang payagan ng mga itong lumuwas ng Manila. Pero nagpumilit pa rin siya kaya ito, sa awa ng Diyos tatlong taon na siya sa trabahong ito. Mahirap man, pero kakayanin niya para sa mga ito at isa pa palaging nangangailangan ng pera ang kanyang boyfriend na si Rico. Ang lalaking nagpapasaya sa kanya, magdadalawang taon na rin silang magkarelasyon.

Palagi itong namomroblema sa pera lalo pa at wala itong stable na trabaho. Minsan nga nakakautang pa siya sa bestfriend niyang si Jenny. Si Jenny ay naging bestfriend niya dahil na rin siguro sa naaawa ito sa kanya,palagi kasi siyang nag-iisa. Anak mayaman si Jenny, sila ang may ari ng apartment na tinitirhan niya. Limang palapag ang building na pag-aari ng mga ito na hinati-hati at ginawang apartment. May ilang eskwelahan din na pag-aari ang mga ito.

Kung tutuusin alangang-alangan na maging magkaibigan sila dahil nga sa layo ng agwat ng istado nila sa buhay pero ipinagpapasalamat nalang niya na naging kaibigan niya ito. Katulad ngayon baka makautang nanaman siya ng pera dito, ito kasing si Rico may gusto daw na mountain bike. Wala naman daw itong pera kaya humihingi ng pera sa kanya pati na daw allowance nito dahil nagbabalak daw ang tropa nitong magbakasyon sa probensya ng isa nitong tropa. Nagkataon naman kasing kakahingi lang din nito nong nakaraang linggo kaya wala pa siyang pera sa ngayon.

Mahal na mahal niya ito kaya nais niyang pagbigyan ang mga hiling nito. Ngunit isa lang talaga ang hindi niya maibigay dito, iyon ay ang kanyang sarili. Handa siyang ibigay ang lahat dito wag lang ang isang iyon. Naniniwala kasi siyang dapat lang niyang ibigay iyon sa lalaking pakakasalan niya.

Oo at alam niya sa sarili na si Rico na talaga pero mas gusto pa rin niyang sa unang gabi nila ito ibigay dito. Ngunit halos isang linggo na rin kasi niyang pinoproblema ang sinabi sa kanya ni Rico. Nagbanta kasi itong kapag daw natapos ang birthday nito na hindi pa rin niya maisuko ang sarili dito, makikipagbreak na daw ito sa kanya.

Umiyak siya ng sinabi nito iyon. Napaisip pa nga siya na bakit napakadali para dito na sabihin ang salitang " break" samantalang siya hinding-hindi sumasagi iyon sa isip niya.

" Alison, tapos kana ba? Bilhan mo naman ako ng flowers, anniversary kasi namin ngayon ni Misis ei wala na akong time para bumili. " nakangiting sabi ng isa sa katrabaho niyang may edad na.

" Sige po Sir Oscar, tapusin ko lang muna po ito. " nakangiting sabi niya dito.

" Salamat, napakasipag mo talaga. "

pasasalamat nito.

" Wala pong anuman. " sagot niya.

Pagkuwa'y iniwan na siya nito, malapit na ang five o'clock kaya minadali na niya ang ginagawa.At katulad ng dati gabi nanaman siyang nakauwi sa apartment niya. Hapo ang katawang nahiga siya sa kama, ni hindi na niya nakuhang magpalit ng damit pantulog at ilang sandali lamang maririnig na ang mabini niyang paghilik.

Samantala.

" Ay! Pwet ng kabayo! " nagulat na pahayag ng matandang kasambahay ni Blade. Dali-dali nitong iniwan ang linulutong ulam at agad na nagtungo sa sala para alamin kung ano iyong kumalabog.

" Ay naku Sir! " bulalas nito sabay takbo sa kinaroroonan ng among nakabulagta sa sahig.

" Heek! Manang D-Dorry, kayo pala.. Hindi ako la-shing, nakainom lang,hehehe..." pautal -utal na sabi ni Blade sa natatarantang katulong.

Sya si Blade de Vega, 32 years old. Successful business man, maagang nabiyudo at ama ng spoiled brat na si Alexa. A five year old little girl na sabik sa kalinga ng isang ina at mas sabik sa kalinga ng kanyang ama.

Never nagpakita ng pagmamahal at pag-aaruga si Blade sa nag-iisang anak dahil sa baluktot niyang katuwiran. Ito ang naging dahilan kung bakit namatay ang pinakamamahal niyang si Camela. Namatay ito sa panganganak sa kanilang anak.

Mahal na mahal niya ang namayapang asawa, sa loob ng isang taong pagsasama nila hindi matatawaran ang saya nilang dalawa. Hanggang sa dumating ang magandang regalo sa kanila ng Diyos. Nabuntis si Camela, mas lalong naging makulay ang pagsasama nila.

Ngunit hindi niya akalain na magiging isang bangungot ang araw ng pagsilang ng kanilang anak. Nagkaron ng komplikasyon si Camela at bilang guardian kinailangang mamili siya sa dalawa. Buo ang kanyang loob na si Camela ang pipiliin niya para maisalba ang buhay nito ngunit nakiusap ito sa kanya. Pinapangako siya na kahit anong mangyari ang anak nila ang kanyang piliin.

Sobrang paghihimagsik ang kanyang naramdaman noon, ngunit sinabi ng kanyang asawa na bigyan niya ng pagkakataong masilayan ng kanilang anak ang mundo. Sinunod niya ito, at sa araw ding iyon,sa kapanganakan ng kanyang anak namatay ang kanyang pinakamamahal na asawa.

Halos hindi niya kayanin nong una, parang nais na niyang sumunod dito. Ginugugol niya ang buong maghapon sa trabaho at sa gabi naman linulunod niya ang sarili sa alak.

Kinamuhian din niya ang anak, maging ang iyak nito inis na inis siya. Lumaki itong ni hindi niya nayakap o naalagaan manlang. Yaya lang nito ang nagpalaki dito ngunit hindi niya hinayaang malayo ito sa kanya. Hindi man niya nagawang alagaan ito gaya ng naipangako niya sa asawa, nais naman niyang lumaki ito sa poder niya.

Ngunit ito nga ang naging problema niya, naging pasaway si Alexa. Simula ng umalis si Merly ang dating yaya nito,wala ng tumagal na yaya dito. Kahit anong laki pa ang ibayad niya sa mga ito nagre-resign pa rin. Iyong isa ngang naging yaya nito, naospital pa dahil nahulog sa hagdan kagagawan din nito.Napakabata pa ngunit grabeng sakit na ng ulo ang ibinibigay nito sa kanya.

                            Itutuloy

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status