LOGINBirthday ng boyfriend ni Alison kaya excited siyang pumunta sa apartment nito. May surpresa kasi siya para dito, iyon ay ang pagpayag sa matagal na nitong inuungot sa kanya. Ang pag-aalay ng sarili dito na ilang beses na rin nilang pinag-awayan. Mahal na mahal niya ang lalaki kaya nagpasya siyang pumayag na sa kagustuhan nito, isa pa matagal na rin ang kanilang relasyon. Ngunit hindi niya akalain na siya pala ang masusorpresa ng maabutan niya itong may katalik na babae at ang masakit bestfriend nya pa na si Jenny ang kaulayaw nito. Tahimik siyang umalis sa lugar na iyon at wala sa sariling naglakad sa kalsada habang patuloy siya sa pagluha. Hindi niya napansin ang paparating na sasakyan buti nalang nakapagpreno ang driver. Napaupo si Alison sa kalsada dali-dali namang dinaluhan siya ng driver. " Miss! Answer me! Ayos ka lang ba? Anong masakit sayo?! " nag-aalalang tanong ng lalaki sa kanya. Tiningala niya ito ngunit hindi niya halos makita ang mukha nito dahil hilam sa luha ang kanyang mga mata. Ngumiti siya ng mapait dito at walang ano-ano'y sinabi. " Mr, p-pwede bang angkinin mo ako?"
View MoreMatapos ang kasal kinabukasan lumipad patungong Japan ang mga bagong kasal para doon mag honeymoon. Isang linggo lamang ang inilagi nila doon, hindi rin naman halos sila nakapaggala dahil na rin sa pag-aalalang baka magkapano si Alison dahil nga buntis ito. Mas nais nilang mamalagi sa room na hotel at doon puro kwentuhan, lambingan, kasweetan at kung ano-ano pang dapat ginagawa ng bagong mag-asawa. Syempre isa na doon ang love making na kinaadikan na talaga ni Blade pero syempre nag iingay din ito lalo pa at buntis nga si Alison. Damang-dama ni Alison kung gaano siya kamahal ng asawa, yon ang pinagpapasalamat niyang talaga. Sumapit ang kabuwanan ni Alison. Palagi na noong balisa si Blade, isang bagay ang kinatatakutan nya. Hindi niya iyon sinasabi kay Alison pero habang papalapit ang araw na manganganak ito mas lalong tumitindi ang kaba nya. Papano kung sa pangalawang pagkakataon, mawala nanaman ang ina ng
Habang naglalakad sa red carpet si Alison hindi niya mapigilan ang hindi maluha, lalo pa at ang tinutogtog ay ang song na Beautiful in White by Westlife na isa sa favorite niyang kanta. Dati nga sinabi nya sa sarili na ang kantang iyon ang nais nyang gamiting kanta sa kasal nya. Si Blade mismo ang pumili ng kanta hindi nya nga akalain na iyon ang pipiliin nito. Napakagwapo ng kanyang groom sa suot nitong black suit, napakafresh nitong tingnan at lalaking-lalaki. Walang panama ang mga nagagwapuhang artista dito. Para ngang nahahawig ito kay Massimo Torricelli/Michele Morrone bida sa movie na 365 Days. Natawa nga siya sa sarili dahil naihalintulad pa niya ang mahal niya sa bida ng movie na yon, pero talagang hawig ang dalawa lalo na ngayon dahil nakasuot nga ito ng black suit.Kitang-kita niya na lumuluha din ito katulad nya, ngayon niya natiyak na mahal na mahal talaga sya ng lalaki. Hindi talaga siya nagkamali sa pagpili dito. Maging ang pamily
Panay buntunghininga ni Blade habang nasa dalampasigan, palingon-lingon siya sa daan na dadaanan ng bridal car na nilululanan ng kanyang Bride. Kinakabahan siya, gusto na agad niyang makita si Alison. Gusto nya sana na kasabay na ito sa pagtungo sa dalampasigan pero bawal daw ang ganon. May pamahiin daw ang matatanda sa probensya na bawal magsabay ang groom at bride sa pagpunta sa simbahan. Ganon din daw kahit pa sa beach sila ikakasal. Nakaubos na nga siya ng halos kalahating kaha ng yosi pero hindi pa rin mawala-wala ang kaba niya. Hindi nya akalaing ganito pala ang feeling ng mga ikinakasal, sabagay ikinasal na rin naman siya sa namayapa niyang asawang si Camella pero ibang-iba sa nararamdaman nya ngayon ang feeling. Basta hindi niya maipaliwanag, magkahalong kaba at kasiyahan ang naghahari sa kanyang dibdib. "Andito na ang Bride!" hiyaw ng isang lalaki. Napalingon naman siya at patakbo na sana siyang magtutungo sa bridal car na karar
Kinabukasan...Ang lahat ay excited sa paglabas ng Bride mula sa kanilang bahay. Mga kapitbahay, kamag-anak, kaibigan ng pamilya at maging nakikiusyoso lang.Sa silid naman ni Alison, manghang-mangha siya sa ayos niya. Animo ibang tao ang taong nakikita niya ngayon sa salamin. Napakaganda niya sa suot niyang wedding gown, bagay na bagay din sa kanya ang katatapos palang na pagmake up sa kanya at maging ayos ng kanyang buhok. Napakaeleganteng tingnan niyon idagdag pa ang tila headband na punong-puno ng rhinestone. Animo nagsilbing korona niya ito. Hindi siya makapaniwalang ganito pala siya kaganda kapag nakaayos. "OMG! Sa lahat yata ng namake-upan kong bride ikaw na yata ang pinakabongga Alison! Goshhh! Para kang dyosa sa wedding gown mo! Siguradong mapapanganga ang groom kapag nakita ka nya!" bulalas ng baklang nagmake up sa kanya. "Salamat," tipid na sagot niya dito. Napalingon siya sa may pinto ng












Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Ratings
reviewsMore