" Napakatagal mo naman Alison! Hindi ko na to makakain kasi patapos na ang lunch break, sa susunod naman bilisan mo!" inis na sabi nito, tsaka binuksan na ang pagkain at sinimulang kainin.
Parang hindi na niya kaya pang magtimpi sa ugali ng babaeng ito. Sya pa ang may ganang magalit dahil sa medyo natagalan siya, at dipa man lang nagpasalamat. Huminga siya ng malalim, pinilit niyang kalmahin ang sarili.
" Pasensya ka na kung medyo natagalan ha, marami kasing pila sa Mang Inasal kanina kasi nga lunch break. Pero sana naman next time Windy matuto kang magpasalamat manlang hindi iyong ikaw pa itong galit. " mahinahon niyang wika dito.
Kunot noong tiningala siya nito.
" At kailan ka pa natutong sumagot ngayon ha?! Pinapangaralan mo pa ako? Lumayas ka nga sa harapan ko, bwesit! " galit na singhal nito sa kanya.
Napabuntunghininga na lamang siya at pagkuwa'y umalis na sa harapan nito. Minabuti niyang bumili na lamang ng sky flakes at tubig para kahit papano may laman ang tiyan niya. Saka siya umakyat ng muli sa opisina, may naiwan pa kasi siyang gawain na dapat na niyang matapos para makauwi siya ng maaga. Talagang medyo masama ang kanyang pakiramdam, gusto niyang mahiga agad pag uwi.
Ngunit pagdating niya sa kanyang cubicle parang gusto niyang maluha sa sobrang inis. Ayon, ang kokonting stickynote kanina ei nadagdagan nanaman at halos mas nadoble pa. Nahilot niya ang kanyang sintido at ipiniksi ang ulo. Binulong niya sa sarili, " okey lang yan Alison, dika pa ba nasanay?Kaya mo yan! ".
Huminga siya ng malalim at sinimulan na ang mga dapat gawin. Bibilisan na lamang niya para makauwi na agad siya. Hindi na niya pinagkaabalahang kainin ang Skyflakes at inumin ang tubig. Tuloy-tuloy lamang siya sa pagtatrabaho. Hanggang sa matapos na ang lunch break at nagsiakyatan na din ang kanyang mga kaopisina.
" Oi Windy, alam mo bang nasa opisina ngayon ni Manager Chavez ang CEO ng ating kompanya?! Grabeeee, papalicious bebe! " sabi ng isa nilang kaopisina kay Windy, siya naman ei walang pakialam sa mga ito. Patuloy lamang siya sa pag-iencode paki ba niya sa pinag-uusapan ng mga ito.
" OMG! As in si Mr. Blade de Vega nasa office ngayon ni Manager?!" bulalas naman ni Windy.
" Oo nga! Grabe mas gwapo pala siya sa personal bakla! As in napakamatcho! " kilig na kilig na sabi nito kay Windy.
Napailing na lamang siya, ugali talaga ng mga ito ang magchismisan muna bago gawin ang mga dapat gawin. Sabagay siya na nga pala ang gumagawa ng mga gawain ng mga ito. Nakita niyang tumayo si Windy.
" Bakla, okey ba ang porma ko maganda ba ako ha? Dyosko, makikilala ko na yata ang aking dream boy!" tili ni Windy.
Maganda naman talaga si Windy, babaeng-babae ito sa suot nito na pink na floral dress at may lace pa ang laylayan. Friday ngayon kaya malaya silang magsuot ng kung anong gusto nila. Bagay na bagay dito ang damit, samantalang siya ay ang suot lamang ay pantalong maong na may punit-punit na design at tshirt na may hood. Nakasuot pa siya ng salamin dahil sadyang mahina ang kanyang paningin. Bihira lamang siyang magsuot ng contact lense kapag may aatendan lamang siyang okasyon.
Hindi talaga siya komportable sa bistida at palda, medyo maton kasi siyang kumilos dahil nga puro lalaki ang kapatid niya. Pero likas lamang talaga ang kabaitan niya kaya nga naaabuso siya ng mga katrabaho at pati na ang kanyang ex. Agad na nagsalamin si Windy at maya-maya'y kinuha ang ilan na niyang naencode.
" Hoy Alison, grabe ito palang ang naencode mo! Ang kupad mo namang kumilos! Akin na nga mga yan! Dadalhin ko na kay Mr. Chavez para magkita na kami ng love ko! " masungit na saad nito sa kanya.
Napailing na lamang siya sa asal ng babae.
" Good luck bakla! " tila nanunudyo namang pahabol ng katrabaho nila dito. Kilig na kilig naman ang babae bago lumabas ng pinto.
Mga ilang sandali lamang ay padabog na may nagbukas ng pinto. Si Windy iyon, tila badtrip.
" O anong nangyari?" tanong ng isa nilang kasamahan.
" Bwesit na panot na yan! Si Mr. Chavez, ayaw akong papasukin! Ayaw paistorbo, nakakainis! " bwesit na bwesit na pahayag nito. Lihim namang natawa ang ilan nilang mga kasama. Siya naman ay patuloy lamang sa ginagawa. Nagdadabog si Windy na umupo sa upuan nito at ibinato naman sa kanya ang ilang papers na hawak nito.
" Ayusin mo kasi trabaho mo! Pati ako nadadamay sa katamaran mo ei! " inis na sabi nito sa kanya. Agad na tiningnan niya ito ng masama, parang sumusobra na talaga ito ha. Andon ung kagustuhang patulan na ito pero naisip niya na baka siya ang mawalan ng trabaho kapag ginawa niya iyon lalo pa at mas matagal na sa kanya si Windy.
" Windy! Sobra naman na yata ang ginagawa mo kay Alison! Siya na nga ang halos lahat ng gumagawa ng mga trabaho nyo dito ginaganyan nyo pa sya! Baka gusto nyong makarating ito sa nakatataas para mabigyan kayo ng desciplinary action. Hinahayaan ko na lamang kayo pero below the belt na yang asal mo Windy, isa pa at pasensyahan tayo. " galit na pahayag ng kanilang team leader dito.
Tila natakot naman si Windy, tumahimik ito at nagsimula ng magtrabaho pero matalim ang tinging ipinupukol sa kanya. Hanga din siya kay sir Oscar, ito lang talaga ang nagpapatiklop sa mga ito. Pero syempre isa din ito sa mga nagdidikit ng notes sa kanya pero ikinararangal naman niya iyon. Ito kasi ang tumanggap sa kanya noon nong nag apply sya.
Maya-maya'y nakaramdam siya ng ihiin, lumabas muna siya para umihi. Iisa lamang ang Cr sa kanilang office meron naman san sa opisina naman ng kanilang manager kaya lang under maintenance pa ito. Kaya iisa lang talaga ang ginagamit nilang cr. Napatingin siya sa salamin, matapos umihi tsaka bumuntunghininga. Talagang iba ang pakiramdam niya ngayon, siguro mabuti pang magpaalam muna siyang uuwing maaga. Matapos maghugas ng kamay, nagpasya na siyang bumalik sa opisina para magpaalam sa kanilang team leader.
Noon nama'y paliko na si Blade patungo sa Cr, sira pala kasi ang CR ni Manager Chavez kaya sa cr ng mga empleyado siya nito itinuro. Kanina pa kasi siya naiihi. Natanaw niya ang babaeng nanggaling sa cr, naipasalamat nalang niya na wala ng gumagamit. Ihing-ihi na kasi siya kaya nagmamadali siyang nagtungo doon. Pagpasok niya agad niyang inilock ang pinto at saka humada na para umihi. Ngunit agad siyang natigilan. Andon nanaman ang familiar na amoy. Ang amoy ng lutos! Ang babae! Iyong babaeng nanggaling kanina dito, siya kaya iyon! Nagmadali siya sa pag-ihi, halos hindi na nga niya maayos na naisara ang zipper ng pantalon, agad siyang lumabas para hanapin ang babae. Bawat sulok, hinanap niya ito pero wala.
Agad niyang naisip ang mga empleyado nila baka isa ang babae doon. Sa floor na ito puro empleyado lang naman nila ang andito kaya Imposibleng hindi niya ito makita. Mabilis siyang nagtungo sa opisina ni Mr. Chavez, sinabi niya ditong gusto niyang makilala ang mga employees nila pero ang totoo, gusto lang niyang matiyak kung sino ang babae. Sinamahan naman siya nito sa opisina kung nasaan ang kanilang employees. Ngayon kaharap na niya ang mga ito, pero natandaan niyang nakapantalon ang babae kanina at may hood ang suot nitong T-shirt pero wala sa mga babae na nandito ang may ganong kasuotan. Pero medyo naaamoy niya ang lotus kaya lang nahaluan na ng Ibat-ibang amoy dahil siguro sa marami sila dito at nakaaircon ang opisina.
Isang babae ang tila kilig na kilig na makita siya, halos ayaw na nitong bitiwan ang kanyang kamay ng makipagkamay ito sa kanya. Agad niyang sininyasan si Mr. Chavez, nakahalata naman ito kaya nagpaalam na. Laglag ang balikat na nagpaalam na din siya sa manager. Nagtungo na siya sa parking lot kung saan nakapark ang sasakyan niya. Ngunit naagaw ang pansin niya ng babaeng nakahood na nagmamadaling papasok sa loob. Kinabahan siya, agad niya itong hinabol.
" Miss! Miss! " tawag niya dito. Mukhang abala ito habang naglalakad, tila may hinahanap sa bag. Bigla niya itong hinawakan sa kamay at iniharap sa kanya. Gulat na gulat naman ang babae.
" Sh*t! Ang amoy niya!Parehong-pareho nong sa babae! " sabi nila sa sarili.
" B-bakit Sir?! " nauutal na tanong nito.
Tila natatakot itong nakatingin sa kanya, agad niyang narealize na mali ang kanyang ginawa. Pero bugso ng damdamin yata ang nagtulak sa kanya, kaya walang ano-ano'y niyakap niya ang babae. Agad naman itong tumili, tinulak siya at isang malakas na sampal ang pinadapo nito sa mukha niya.
" Manyak! Bastos! Walanghiya!" sabay tumakbo ito palayo, patungo sa sakayan. Siya naman ay natigilan, habang hawak-hawak ang nasampal na pisngi.
" M-Mukhang hindi sya yon, tsk baka nga may kaparehas lamang ang pabangong iyon. " napapailing na sabi niya sa sarili.
Nahihibang na nga siya. Dapat talaga hindi na siya umaasa pang magkikita silang muli.
ITUTULOY
Matapos ang kasal kinabukasan lumipad patungong Japan ang mga bagong kasal para doon mag honeymoon. Isang linggo lamang ang inilagi nila doon, hindi rin naman halos sila nakapaggala dahil na rin sa pag-aalalang baka magkapano si Alison dahil nga buntis ito. Mas nais nilang mamalagi sa room na hotel at doon puro kwentuhan, lambingan, kasweetan at kung ano-ano pang dapat ginagawa ng bagong mag-asawa. Syempre isa na doon ang love making na kinaadikan na talaga ni Blade pero syempre nag iingay din ito lalo pa at buntis nga si Alison. Damang-dama ni Alison kung gaano siya kamahal ng asawa, yon ang pinagpapasalamat niyang talaga. Sumapit ang kabuwanan ni Alison. Palagi na noong balisa si Blade, isang bagay ang kinatatakutan nya. Hindi niya iyon sinasabi kay Alison pero habang papalapit ang araw na manganganak ito mas lalong tumitindi ang kaba nya. Papano kung sa pangalawang pagkakataon, mawala nanaman ang ina ng
Habang naglalakad sa red carpet si Alison hindi niya mapigilan ang hindi maluha, lalo pa at ang tinutogtog ay ang song na Beautiful in White by Westlife na isa sa favorite niyang kanta. Dati nga sinabi nya sa sarili na ang kantang iyon ang nais nyang gamiting kanta sa kasal nya. Si Blade mismo ang pumili ng kanta hindi nya nga akalain na iyon ang pipiliin nito. Napakagwapo ng kanyang groom sa suot nitong black suit, napakafresh nitong tingnan at lalaking-lalaki. Walang panama ang mga nagagwapuhang artista dito. Para ngang nahahawig ito kay Massimo Torricelli/Michele Morrone bida sa movie na 365 Days. Natawa nga siya sa sarili dahil naihalintulad pa niya ang mahal niya sa bida ng movie na yon, pero talagang hawig ang dalawa lalo na ngayon dahil nakasuot nga ito ng black suit.Kitang-kita niya na lumuluha din ito katulad nya, ngayon niya natiyak na mahal na mahal talaga sya ng lalaki. Hindi talaga siya nagkamali sa pagpili dito. Maging ang pamily
Panay buntunghininga ni Blade habang nasa dalampasigan, palingon-lingon siya sa daan na dadaanan ng bridal car na nilululanan ng kanyang Bride. Kinakabahan siya, gusto na agad niyang makita si Alison. Gusto nya sana na kasabay na ito sa pagtungo sa dalampasigan pero bawal daw ang ganon. May pamahiin daw ang matatanda sa probensya na bawal magsabay ang groom at bride sa pagpunta sa simbahan. Ganon din daw kahit pa sa beach sila ikakasal. Nakaubos na nga siya ng halos kalahating kaha ng yosi pero hindi pa rin mawala-wala ang kaba niya. Hindi nya akalaing ganito pala ang feeling ng mga ikinakasal, sabagay ikinasal na rin naman siya sa namayapa niyang asawang si Camella pero ibang-iba sa nararamdaman nya ngayon ang feeling. Basta hindi niya maipaliwanag, magkahalong kaba at kasiyahan ang naghahari sa kanyang dibdib. "Andito na ang Bride!" hiyaw ng isang lalaki. Napalingon naman siya at patakbo na sana siyang magtutungo sa bridal car na karar
Kinabukasan...Ang lahat ay excited sa paglabas ng Bride mula sa kanilang bahay. Mga kapitbahay, kamag-anak, kaibigan ng pamilya at maging nakikiusyoso lang.Sa silid naman ni Alison, manghang-mangha siya sa ayos niya. Animo ibang tao ang taong nakikita niya ngayon sa salamin. Napakaganda niya sa suot niyang wedding gown, bagay na bagay din sa kanya ang katatapos palang na pagmake up sa kanya at maging ayos ng kanyang buhok. Napakaeleganteng tingnan niyon idagdag pa ang tila headband na punong-puno ng rhinestone. Animo nagsilbing korona niya ito. Hindi siya makapaniwalang ganito pala siya kaganda kapag nakaayos. "OMG! Sa lahat yata ng namake-upan kong bride ikaw na yata ang pinakabongga Alison! Goshhh! Para kang dyosa sa wedding gown mo! Siguradong mapapanganga ang groom kapag nakita ka nya!" bulalas ng baklang nagmake up sa kanya. "Salamat," tipid na sagot niya dito. Napalingon siya sa may pinto ng
Bago sumapit ang mismong araw ng kasal, marami pang kakaibang naranasan si Blade sa lugar nina Alison. Sumubok din siyang magsibak ng kahoy, nagkasugat-sugat pa nga ang kanyang kamay at sa tuwing hapon tumutulong din siyang mag-igib ng tubig. Nawiwili na nga siya mag-igib ng tubig dahil nasisiyahan siyang sumalok ng tubig sa balon, expert na siya sa bagay na iyon. Naransan na rin niyang sumama manlakaya o manghuli ng isda kasama ang Itay ni Alison. First time niya iyon kaya tuwang-tuwa siya ng makahuli ng isang maliit na pugita. Para pa nga siyang nanalo sa lotto nagsisigaw sa gasangan. Natatawa na lamang sa kanya ang iba pang mga nanlalakaya na taga doon. Tuwang-tuwang sila dahil kahit batid ng mga itong may kaya siya sa buhay ay sinusubukan niya ang buhay ng mga simpleng tao. Simple pero walang kapantay ang saya na mapabilang sa mga katulad nila. Dalawang araw pa ang inilagi nila ng dumating ang photographer na kukuha ng prenup photos nila ni
Kinahapunan nagpasya ding bumalik ng Manila sina Blade. Natutuwa siya sa naging kinalabasan ng kanyang paghahanap kay Alison. Ngayon legal na sila sa mga magulang at mga Kuya nito at napapayag na rin niya ang mga ito na maikasal sila ni Alison. Sa susunod na buwan magiging ganap na niyang Misis si Alison at iyon ang hindi na niya mahintay pa. Gusto na niyang ganap nitong dalhin ang kanyang apelyido. Siguro naman sa kasiyahang natatamasa niya ngayon ei wala ng hahadlang pa sa kanila.Hinding-hindi siya makakapayag na may maging balakid pa sa pagsasama nila ni Alison. Kaya ang nais niya ay mapadali ang kasal at maipadama dito na ito ang pinakamagandang bride sa araw na iyon. Gabi na ng marating nila ang kanilang bahay. Si Alexa ay nakatulog na sa biyahe kaya naman binuhat na lamang niya ito patungong silid nito. Si Alison naman ay ininit ang mga pagkaing iniluto ni Manang Dorry.Hindi na kasi sila kumain pa dahil may baon naman silang sandwich at mga kutkutin s