OVEN
OVEN
Author: Imelda Aviles
OVEN

                            CHAPTER 1

       Aaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaah!  " What is that noise? " Carlo ask?. " I dont know maybe some animal over there." Pabirong sabi ni Myla wala naman itong narinig. Ang sigaw na ito ay laging naririnig ni Carlo saan man siya magpunta. Kahit sa kanyang pag iisa naririnig niya ang isang mahiwagang sigaw. Sigaw na umalingawngaw na parang tinataga, sinasaktan. Minsan nanaginip si Carlo nakita niya ang isang lalaki na tinataga at pagkatapos hiniwa hiwa ang mga laman nito at ipinasok sa isang oven . Hindi lang isang beses na napapanaginipan niya ito halos gabi gabi. Pati ang naririnig niyang mahiwagang sigaw ay halos oras oras na niya itong naririnig mula pa noong nagkaisip na siya. Bata pa siya noon ng marinig niya ang mahiwagang sigaw na kung saan nanggaling ay hindi niya alam. Minsan sa kanyang panaginip nakikita niya ang isang lalaki na humihingi ng tulong sa kanya. Hanggang sa lumaki na siya at ngayon ay nasa dawalang po't taong gulang na si Carlo ay paulit ulit pa rin niya naririnig napapanaginipan ang lalaking iyon. Kaya hindi na siya natatakot o nag alala . 

 

       Si Myla Vesta ay ang   girlfriend ni Carlo Tavez.  Si Carlo Tavez ay nag iisa na lamang namumuhay sa mundo. Dahil noong nasa sinapupunan pa siya ng kanyang Ina ay biglang nawala ang kanyang Ama at hindi na ito nakabalik kailanman. Kaya ng ipinanganak siya ng kanyang Ina ay hindi na niya nakita ang kanyang Ama. Namatay din ang kanyang Ina sa isang aksidente ng sasakyan. Ang kwento ng kanyang Ina noon nagtatrabaho ang kanyang ama bilang isang scientist sa isang malaking hospital . At nagbakasyon ang grupo nito sa isang kilalang forest sa gitnang kanluran. Ngunit hindi na  ito nasabit ng kanyang Ina kung anong pangalan ng forest . Ang pagkakwento ng kanyang Ina mayroon daw isang bahay bakasyunan.  Sobrang masukal ang labas ng kagubatan na iyon.  At walang sinuman na makakapasok sa kagubatan na yaon kapag walang tourist guide.  Nagpaalam daw ang kanyang Ama noon sa kanyang Ina... isang buwan ang limit ng kanilang bakasyon. Ngunit mula ng umalis ang kanyang asawa na si Doctor Peter Tavez ay hindi na ito nakakabalik pa . Tumawag ang kanyang Ina sa pinagtatrabahuan nitong hospital ngunit wala ding maibigay sa kanya na impormasyon . Nagreport na din sa pulis ang Ina nito ngunit wala din itong masagap na balita. Kaya nag antay na lang ang kanyang Ina sa pagbalik ng kanyang ama. Ngunit hangang sa namatay na lang  ang kanyang Ina ni anino ng kanyang Ama ay hindi na bumalik. Sobrang lungkot ang nadarama ni Carlo sa buong buhay niya wala siyang magulang na kasama hanggang ngaun na binata na siya at nakapagtapos na ng kolehiyo. May magandang trabaho sa isang malaking kompanya. Gwapo si Carlo Tavez , makisig malaki ang katawan, matangos ang ilong, maputi at maganda ang hubog ng katawan di naman maipagkaila na maraming babae naghuhumaling sa kaguwapuhan ng binata.  Minsan nga pinag aawayan pa ng mga kasamahan nito sa trabaho. Ngunit iisa lang ang nasa puso ng binata si Myla Vesta . Simple lang ang ganda ng dalaga, mayaman ang pamilya nito na kahit hindi na siya magtatrabaho ay mabubuhay na rin. Pero ganun paman ay mas pinili niyang magtrabaho. Marami na siyang natulungang mga mahihirap. Mabait at maawain ang dalaga. Matulungin at higit sa lahat hindi ito mata pobre mas gugustuhin niyang tumira sa mahirap  na lugar. Mahal na mahal nito ang binata kaya nagtagal ang kanilang relasyon. 

 

     Nasanay na ang dalaga sa ugali ng kasintahan kaya dinadaan na lang niya ito sa pagbibiro.

 

     " May meeting daw tayo mamaya mga 4pm dito lang sa ating departamento. " wika ni Noel Luchi kanilang head department. " Tungkol saan po sir ang meeting natin ? " Tanong ni Myla . " sorpresa daw sabi ng  CEO." Natuwang sagot ni Noel.

 

        Maya maya pa'y dumating na ang nagmamay ari ng kompanya.  Na si Mr. Demonsito Zack. Dali daling nagpuntahan ang sampung miyembro ng departamento nina Carlo. Agad naman na tinawag ang kanilang mga pangalan isa isa.

 

     ' Good afternoon everyone. Im in hurry now i have an  another meeting pa in a next department. So hindi ko na patatagalin ito

 

   1. CARLO TAVEZ

   2. MYLA VESTA

   3. NOEL LUCHI

   4. ENGRID DIOZ

   5. MARTIN ASENTI

   6. DIANE ESGUERA

   7. TOM QUAR

   8. ALICIA TEY

   9. PAUL LAMBERT 

  10.NIKKI KOI

 

     " Kayong sampu dahil sa maganda ang inyong performance at malaki ang sales niyo this year bibigyan ko kayo ng break.  Magbakasyon kayo ng anim na  buwan. Lahat ng gastusin at kailanganin niyo ay ako lahat ang gagastos. Bibigyan ko din kayo ng pera para na kung may gusto kayong bilhin may magagamit agad kayo.  May ticket na kayo para sa eroplanong sakyan niyo. At sigurado akong magugustuhan niyo ang lugar na pinili ko para sainyo. Sa monday Carlo Taves daanan mo sa bahay ko ang inyong mga ticket para malaman niyo kung ano ang surprise ko sainyo. " palihim na tumatawa ang may ari ng kompanya. " Maraming salamat po sir". Sabay na sabi ng mga tauhan nito. " Matanong ko lang po sir, bakit po ang tagal ng bakasyon namin anim na buwan ano po gagawin namin doon? " takang tanong ni Myla Vesta. " nakangiti pa rin ang kanilang boss habang sinasagot ang tanong ni Myla. " Malalaman niyo kung ano ang gagawin niyo sa loob ng anim na buwan kapag nandoon na kayo mismo sa lugar." Huwag kayo mag- alala siguradong ma- eenjoy niyo ang inyong bakasyon. So paano magdala kayo ng gamit niyo at mga kailanganin. " bilin nito habang papalayo. 

 

         " Wow! We are very lucky our boss give  us six months vacation! Natutuwang sabi ni Diane. " Naku anim na buwan baka magkakaanak na tayong lahat doon  sa di tamang panahon". Samantalang si Carlo lang at Myla ang  magkasintahan sa ating sampo. Naku nakakatakot! Pabirong sabi nito na tumatawa  si Diane pa rin. " Wala namang problema, Diane! Sakaling mangyayari nga  e, di tuluyan na. Hahahaha!" Tuwang tuwa na sagot ni Martin. Paano matagal na siyang may gusto sa dalaga nahihiya nga lang siya manligaw dahil may pagka suplada ang dalaga. " Oo nga naman Diane! Pareho naman kayong single. Binata si Martin at dalaga ka." Pagsang ayon naman ng lahat. 

 

       

        "Tawagan ko na lang kayo sa lunes. Magkita nalang tayo sa airport. 'Ihanda na mga sarili anim na buwan!" Hahahhahaha! sabay tawa ni Carlo Tavez. Nagtawanan na rin ang lahat. Nagsialisan na ang mga ito. Kanya kanyang bitbit ng mga gamit. Bago umalis si Carlo Tavez nagpunta muna ito sa comfort room tiningnan kung naka off lahat ng mga ilaw. Nakaugalian na kasi nito na bago umalis ng bahay tinitingnan muna nito bawat plug ng mga koryente. Pagbukas niya ng pintuan laking gulat niya ng may nakita siyang anino. Hinanap niya ito ngunit biglang nawala. Kaya dali dali itong pinatay na mga ilaw at umalis na ng banyo. Kanina pa nag aantay ang kasintahan nito. Lingid sa kaalaman ng mga ito hindi pala umalis ang kanilang boss. Nasa loob ng banyo at nagtatago. 

 

       " Bakit ang tagal mo naman sweetheart"? Kanina pa ako dito sa parking lot. " Sorry sweetheart pinatay ko pa ang mga ilaw." " Bakit parang may iniisip ka na naman ano ba ang bumabagabag diyan sa utak mo"? Takang tanong ng dalaga.  " May narinig ka naman bang sigaw?" " Wala naman may nakita kasi akong anino kanina sa banyo,,nang binuksan ko ang isang pinto doon biglang nawala." Paliwanag nito sa dalaga. " Guni guni mo na naman yan. Malawak kasi yong pag iisip mo kaya kung ano ano maririnig mo o kaya makikita." " Hindi ako nagbibiro totoo". Sagot ng lalaki. " Haaay! Sige na nga totoo kung too. Ihatid mo nalang ako sa bahay gusto ko na matulog pagod na pagod ako sweetheart." Wika ng dalaga. " Sige, para makapaghanda ka nang mga gamit mo bukas. " pagsang ayon ng binata. 

 

      Habang binabaybay nila ang expressway. Nakatulog na ang dalaga. Kaya tahimik si Carlo habang nagmamaneho. Isang oras pa ang kanilang lalakbayin bago marating ang bahay ng dalaga.  Uuwi kasi mga ito kung saan sila naninirahan. Isang bayan lang tinitirhan nina Carlo Tavez at Myla Vezta. Magkapitbahay din sila at magkababata. Kaya nagkapalagayan ng loob ang dalawa dahil  kilala na nila ang isa't isa. Habang tumatakbo ang sasakyan nang bigla na naman narinig ni Carlo Tavez ang isang napakalakas na sigaw. At mas kakaiba ito ngayon dahil may mukha at nakikita niya ang mukha  ng isang lalaki na pinaghihiwa ang mga laman nito ginawang  chop at nilagay sa oven ang mga hiniwang laman nito. Humihingi ng tulong ang lalaking hiniwang buhay.  Kagimbal gimbal na  pangyayari na siyang naging dahilan ng pagka aksidente ng dalawa. Nagising na lamang sina Myla at Carlo nasa hospital na. Mabuti na lang at bukol lang ang kanilang natamo. Agad naman na nakalabas ng ospital ang dalawa. Sinundo na ng mga magulang si Myla. Samantalang si Carlo ay sumakay na lang ito ng taxi at nagpahatid sa kanyang tinitirhang bahay. Di naman kalayuan sa bahay nina Myla.

 

        Laking gulat ni Carlo ng pagdating niya  sa kanyang bahay nakita na naman niya ang anino ng isang lalaki na parang umaapoy. Agad itong napatakbo sa pintuan ng kanyang bahay ngunit bigla itong nawala.

        " Ano nangyayari sa akin? Bakit may nakikita akong aninong itim na parang umaapoy? Nababaliw na ba akoooo! Bulong nito sa sarili habang hinahawakan ang kanyang mukha. Napasandal sa sofa ang binata. Hindi na ito iniinda ang sakit ng kanyang bukol sa ulo nang dahil sa aksidente kanina. " who are you? Bakit nagpapakita ka sa akin? Bakit? Alam kong hindi ito guni guni ko. Ito ay totoo! Kausapin mo ako! Di ako natatakot!"sigaw nito habang nakasandal sa kanyang malambot na sofa.  Tumayo ang binata at nagpalit ng damit. Hindi na ito kumain ng hapunan. Humiga ito sa kanyaNg kama. At maya maya pa'y humihilik na ito. Tulog na agad. Siguro sa sobrang  pagod sa byahe at stress sa kanyang mga naririnig at nakikita. 

 

         Kina- umagahan nagulat ang lalaki ng nag ring ang kanyang mobile. Kaya nagising ito. 

 

      " Hello, good morning."

     " Good morning too, Carlo. Tawagan mo mga kasamahan mo ngayon na ang alis niyo. Hindi ko na pinaghihintay pa ng lunes. Ipapahatid ko nalang kayo sa private helicopter ko. Hihintayin ko kayo mamaya dito sa bahay mga 2pm. Maliwanag ba?". Utos sa kanya ng kanilang boss ang may ari ng kompanyang pinagtatrabahuan nito.  " Yes sir, i call them. Noted sir. And thank you." Sagot naman ng binata. Agad na tinawagan nito isa isa mga  tauhan niya sa kompanya.

      "2pm?" Bakit ang bilis naman sir Carlo?" Takang tanong ni Tom Quar. " Nagulat nga po ako Tom , hindi ko alam kung bakit minamadali tayo ng boss natin . Hindi ko rin alam at wala akong idea kung saan tayo ipapahatid. So paano see you later at 2pm sa bahay ni Big boss." Ani nito. " Sige , sana maging maayos ang lahat.

 

       Gulat ang lahat sa biglaang pagbabago nang kanilang pagbabakasyon . Yong iba ay hindi masaya dahil hindi sila nakapamili ng kailanganin . Paano ang sabi sa Lunes pa. Tapos ngayon na pala sabado ng umaga. 

      " Carlo sweetheart bakit naman ngayon na? takang tanong ni Myla. " Hindi ko rin alam pero masaya kasi private helicopter ang maghahatid sa atin mamaya. So paano ready ka na ba?"malambing na sabi nito sa kasintahan. " Naku sweetheart, makabuo na tayo nito." pabirong sabi ng binata." Sira ka talaga , di pa natin nahanap ang daddy mo kaya di pa tayo puwede bumuo. Nakalimutan mo na ang pangako mo saiyong mommy noon. Kaya relaks ka lang sweetheart. Pagnahanap na natin ang Daddy mo, buhay man o patay. Basta maliwanagan at mabigyan ng kasagutan ang lahat na mga katanungan mo pwede na tayo gumawa ng baby kahit ilang dosena pa ang gusto mo." Tsup! Sabay halik nito sa labi ng binata at niyakap ng mahigpit. I love you so much sweetheart. Im complete with you.I will never never leave you. " pabulong na wika nito. Natutuwa naman ang binata dahil alam niyang mahal na mahal siya ng dalaga kaya kahit na minsan nag aaway sila ay tinitiis lang nito dahil alam niyang naglalambing lang ang kasintahan. " Lagay ko na sa  kotse ang mga gamit mo kasi 1pm na. 2pm ang sabi ni Big Boss.  

     Wala nang nagawa pa ang dalaga kaya  inayos na agad ni Carlo mga dala dala nitong mga gamit.  Isang oras pa ang tatakbuhin ng sasakyan nila bago marating ang bahay ng kanilang boss.  Tahimik si Carlo habang ito'y nagmamamaneho. Nag aabang naman si Myla na sisigaw ang binata dahil may narinig ito. Ngunit narating nalang nila ang bahay ng kanilang Boss ay wala siyang naririnig na sumigaw  ito.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status