Hinalikan siya ni Mark sa noo. “Anong pinagsasabi mo? Gusto ka niya. Sinabi pa niya sa akin na magkasama kayong pumunta sa beauty salon kanina lang! Sa totoo lang, sa tingin ko ay hindi ka lang sanay sa kanya. Hayaan mong maging close pa kayo; magiging okay din ang relasyon niyo, makikita mo. Madali talaga siyang pakisamahan."Nahirapang sumagot si Arianne sa kanya. Ayaw niyang sirain ang kulay-rosas na impresyon ni Mark sa kanyang nabubuhay na kamag-anak, kaya tumahimik na lang siya at umasa na baka tama nga ang sinabi ni Mark.Habang abala siya sa kakaisip, si Mark ay may binabalak sa kanya. Nilapit nito ang labi niya sa labi ni Arianne at tuluyan siyang hinalikan.Ipinikit niya ang kanyang mga mata, tuwang-tuwa habang ninamnam ito. Naging mas mainit ang ihip ng hangin—hanggang sa nakarinig sila ng sunod-sunod na dagundong na katok mula sa pintuan.Kumunot ang noo ni Mark saka sinabi, “Sino 'yan?”Dumating ang boses ni Shelly mula sa kabilang pintuan. “A-Ako ito, Mark. Umuulan s
Mabilis na sumagot si Mark. "Syempre naman! Bisita natin siya. Hindi naman natin pwedeng hayaan na iwan siya sa labas habang tayo ay nagsasaya sa labas, di ba? Dalhin din natin si Smore mamayang gabi! Ang saya naman ng family dinner!”Napabuntong-hininga si Arianne at pumikit. Hindi, hindi na siya mag-aaksaya ng oras sa pagsasalita kung magagamit niya ito para makatulog. Pwedeng gawin ni Mark ang anumang gusto niya, wala na siyang pakialam.Ang pag-idlip ni Arianne ay tumagal hanggang hating-gabi, nagising lamang siya nang makita niyang buhat ni Tita Shelly si Smore—na siya namang dinala ni Brian sa kumpanya—sa loob ng opisina ni Mark.Pagkatapos panandaliang isipin ang estado ni Arianne, sinabi ni Shelly nang walang pagdadalawang-isip, "Naiintindihan ko na pagod ka na, pero dapat sa bahay ka matulog at hindi sa opisina. Hindi ito maganda sa pannaaw ng ibang tao. Para maging malinaw sayo, bilang 'ang' tinaguriang Mrs. Tremont, wala ka talagang tunay na dahilan upang magtrabaho, tam
Sinabi niya iyon pero hindi naiwasan ni Mark na hindi sincere ang mga salita ni Arianne.Gayunpaman, wala siyang maisip na paraan upang mamagitan sa dalawang babae, kaya't bumuntong-hininga siya saka sinabi, “Sige. Sana totoo ang mga sinasabi mo. Ang sinusubukan ko lang sabihin sayo ay sana makapag-usap tayo kaysa hayaang lumala ang ating sitwasyon, di ba? Kung mayroon kang anumang bagay na gusto mong pag-usapan, sabihin mo lang ito sa akin. Higit sa lahat, dapat iwasan nating makipag-away kay Tita Shelly hangga't kaya natin, nakuha ba iyon? Ikaw ang aking asawa, Arianne, pero hindi ibig sabihin nito ay kakampi ako sayo. Tita ko pa rin siya, at siya ay isang tao na lubos kong ginagalang."Tumaas ang kilay ni Arianne. “Mm-hmm? Talaga ba, Mark? Hindi ako manhid, alam mo. Tapos ka na ba sa sermon mo ngayon? Pumunta ka na doon at makipag-usap sa tita mo, baka hanapin ka niya kung hindi mo ibigay ang atensyon mo sa kanya. Hindi ako magaling sa pakikisalamuha sa mga nakakatanda, kaya magig
Maghuhubad pa lang sana si Mark nang magtanong si Arianne, kaya inayos niya ang kanyang sarili bago siya nag-isip. "Anong gusto mong sabihin na hindi kayang makapaghintay hanggang matapos akong maligo?"Naging seryoso itsura ni Arianne sa kanya. “Mark, seryoso ito. Pumunta ka na ba sa study room mo ngayong araw? Napansin mo bang nawawala ang isa mga pictures mo doon? Ang tinutukoy ko ay ang wedding picture ng mga magulang mo ay nawala na. Kagabi, bumaba ako para kumuha ng isang basong tubig, at nakita kong tinanggal ng tita mo ang picture na iyon sa frame nito bago niya ito nilukot. Bumalik ako sa study room mo ngayong araw at na-realize ko na nawala ang picture at ang frame,” paliwanag niya. "Para mas maliwanagan ka, hindi ko sinasabi na meron siyang masamang binabalak. Gusto ko lang sana malaman kung meron bang away sa pagitan ng mga magulang at tita mo?”Nagsalubong ang kilay ni Mark. "Paano ko malalaman iyon? Wala akong alam sa mga nakaraang affairs nila, pero hindi ba halata sa
Walang anak?Hiyang-hiya si Arianne na parang gusto niyang kagatin ang sarili niyang dila. Ang sinumang ina na walang anak sa edad ni Tita Shelly ay malamang sumailalim sa mahirap na pangyayari sa kanilang buhay, at kadalasan, ang kanyang pagkabaog ang dahilan para magkaroon sila ng habambuhay na kalungkutan at emosyonal pain. Walang sa posisyon si Arianne na tusukin ang anumang sugat na nagmula sa malungkot na karanasan ni Shelly."Oh my God, pasensya na," agad niyang binawi ang kanyang mga salita. "Hindi ko alam, hay... kalimutan mo na lang na nagtanong ako."Tahimik na bumalik si Shelly sa kanyang pagkain. "Okay lang. Pinili ko ito sa totoo lang. Hindi ito kasalanan ng katawan ko. Sa totoo lang, medyo masaya ako na hindi ako ginugulo ng mga maliliit na bata.”Nakahinga ng maluwag si Arianne. Pinili pala ni Shelly na huwag magkaanak, halip na maging baog, dahil sa mga hindi magandang pangyayari! Kahit papaano ay aksidenteng nagpasabog ng bomba si Arianne sa kanya...Nang matapos
Bago pa makapag-react si Mary, bumuhos na kaagad ang mga ulap ng bagyo sa mien ni Tita Shelly. “Ex-cu-se me? Sinong nagturo sayo na tawagan ang iyong kasambahay na ‘Lola?’ Grabe, baka akalain ng ibang tao na apo mo talaga siya!”Napasimangot si Mary kay Arianne nang makita niya ang walang galang na ugali at tono ni Shelly. Gayunpaman, inipon ni Arianne ang kanyang pasensya at ipinaliwanag, "Ang pamilyang Tremont ay walang 'older generation' sa loob ng maraming taon, at dahil si Mary at Henry ay naging bahagi ng pamilya sa loob ng mahabang panahon, sila ang maituturing na lolo at lola dito. Hindi ba wala namang masama kung tawagin ni Smore si Mary na lola? Iyon ang tanging paraan kung paano sila tatawagin. Hindi ito isang bagay na kailangan pagtaluhan. Halika, Smore. Si Mama na ang magpapaligo sayo."Si Shelly ay karaniwang may sapat na kamalayan sa sarili para huminto bago pa maging malala ang sitwasyon, pero ito ay isang exception. Hindi niya ito kayang bitawan. "Sinabi mo na ang pa
Tumango si Smore na parang nalilitong siya. “Okay, Mama... Um, papakinggan ko ang lahat ng sasabihin ni Mommy, wag ka nang magalit, okay?”Ginulo ni Arianne ang buhok ni Smore. “Hindi galit sayo si Mama. Pero gusto ko sana na makipaglaro ka at maging mas mabait kay Lola, okay? Alam kong napakabait ng trato ni Lola sayo, pero malulungkot siya kung titigil ka sa pagsama sa kanya dahil lang sa nangyari kanina. Masasaktan si lola at iiyak siya sa sobrang lungkot, alam mo ba iyon?"Habang nag-uusap sila, binuksan ni Mark ang pinto ng kanilang kwarto at sinabi, “Hello! Pinaliliguan mo si Smore?"Dahil hindi niya nailabas ang kanyang galit kay Tita Shelly, ang kanyang galit at nakadirekta kay Mark. Tinapunan niya ito ng masamang tingin nang hindi siya sinasagot.Nataranta ang kawawang lalaki nang makita siya, “Ano 'yon—? Anong ginawa ko ngayon?"Ngumisi si Arianne sa kanya. "Oh, wala ka namang ginawa, eh. Ginawa na ito ng iyong pinakamamahal na tita para sayo. Hindi ako nakipag-away sa h
Nakangiting tumayo si Tita Shelly mula sa kanyang kinauupuan at umakyat sa hagdan.Inakala ni Arianne na ang papalapit niyang mga yabag na pabalik na si Mark. Tatawagin na sana niya ito upang kunin ang tuwalya ni Smore mula sa labas nang mapansin niya ang puting malambot na indoor slippers ni Shelly sa kanyang harapan.Napansin ni Shelly si Smore na malapit nang matapos sa kanyang pagligo at kinuha niya mismo ang tuwalya ng bata bago niya ito binalot. "Sino ang bata na ‘yan na malinis at mabango, hmm?" sabi niya. “Halika, hayaan mong tingnan ni Lola ang malinis mong mukha! Hmmm, napakabango mo, dear! Si Smore ang pinaka-cute, pinakamabangong bata sa buoooong mundo!”Hindi tumawa o ngumiti. Sa halip, tumingin siya sa kanyang nanay at pinagmasdan ang kanyang ekspresyon ng malapitan.Medyo nabigla si Arianne nang makita ito. Sinong mag-aakala na ang isang bata sa kanyang edad ay matututong magbasa ng mukha ng ibang tao bago ito kumilos?Pagkatapos ng munting paglalaro nila ni Smore,