Cheated on by the Billionaire loved by his Worst enemy

Cheated on by the Billionaire loved by his Worst enemy

last updateÚltima actualización : 2026-02-02
Por:  Ms. deluluEn curso
Idioma: Filipino
goodnovel18goodnovel
No hay suficientes calificaciones
5Capítulos
2vistas
Leer
Agregar a biblioteca

Compartir:  

Reportar
Resumen
Catálogo
ESCANEA EL CÓDIGO PARA LEER EN LA APP

A woman who gave her whole heart to a billionaire discovers his betrayal and the cruel truth behind his fake love. Broken and humiliated, she walks away and finds unexpected safety and love in the arms of the man who hates her ex the most. What begins as revenge turns into real healing, loyalty, and a love that was never planned.

Ver más

Capítulo 1

Chapter 1: The Night Her World Broke

Elviera Noelle P.O.V

Umuwi ako nang mas maaga kaysa sa plano ko. Hawak ko ang folder na halos hindi ko binitawan buong araw. Mabigat iyon, hindi dahil sa kapal ng papel, kundi dahil sa pagod at pag asa na inilagay ko roon. Mga proposal iyon na inayos ko mismo. Mga numbers na pinagpuyatan ko. Mga idea na sa isip ko ay makakatulong sa kumpanya ni Lucien. Sa wakas, pakiramdam ko may silbi ako bilang asawa niya.

Habang nasa elevator pa lang ako ng penthouse, ngumiti ako mag isa. Iniisip ko ang magiging reaksyon niya. Baka sa wakas purihin niya ako. Baka sabihin niya na proud siya. Maliit na bagay lang iyon para sa iba, pero para sa akin, sapat na iyon para maramdaman kong asawa talaga niya ako, hindi lang dekorasyon sa tabi niya.

Pagbukas ng pinto, hindi ko agad binuksan ang ilaw. Sanay ako sa katahimikan ng bahay namin. Malaki ang penthouse pero madalas tahimik, parang museo. Kaya nagulat ako nang makarinig ako ng tawa. Babae. Malinaw. Masaya. Hindi iyon tawa ko.

Huminto ako sa paglakad.

Saglit kong inisip na baka guni guni ko lang. Pagod lang siguro ako. Pero nang sumunod ang boses ni Lucien, doon ko naramdaman ang biglang panlalamig ng katawan ko.

Hindi ganoon ang tono niya kapag kausap ako.

Sinundan ko ang tunog ng tawa, dahan dahan, halos hindi humihinga. Sa may private lounge, may glass wall na bahagyang nakabukas ang kurtina. Doon ko sila nakita.

Si Lucien, nakaupo nang relax, hawak ang wine glass. Katabi niya ang isang babae. Masyadong malapit. Nakahilig siya sa balikat ng asawa ko. Nakatawa. Parang walang iniintinding mundo.

Nanginginig ang kamay ko habang hinahawakan ko ang folder. Gusto kong sumigaw. Gusto kong pumasok at itanong kung ano ang ginagawa nila. Pero hindi gumalaw ang paa ko. Para akong na freeze sa sahig.

“Alam mo kung bakit tahimik lang siya?” narinig kong sabi ni Lucien, may kasamang tawa. “Kasi sinanay ko siya. From the start.”

Napasinghap ako.

“Ang dali niyang hulmahin,” dagdag pa niya. “Lahat ng gusto ko, sinusunod. Hindi nagtatanong. Hindi sumasagot. Perfect wife material.”

Tumawa ang babae. “Kaya pala parang robot.”

Sumama ang tawa ni Lucien. “Exactly. Kaya ko siya pinakasalan. Hindi ako mahihirapan.”

Parang may humigpit sa dibdib ko. Gusto kong takpan ang tenga ko pero hindi ko magawa. Parang may pwersang nagpapako sa akin sa kinatatayuan ko.

“Wala siyang idea sa mga ginagawa ko,” sabi pa niya. “Akala niya busy lang ako. Ang cute nga minsan, naghihintay pa rin kahit madaling araw na.”

“Hindi ka ba naaawa?” tanong ng babae, pero halatang biro lang.

“Why would I,” sagot ni Lucien. “She chose that role. Tahimik, obedient, walang demands. Perfect cover.”

Napatakip ako sa bibig ko. Ramdam ko ang luha na pilit kong pinipigilan. Ayokong umiyak doon. Ayokong marinig nila.

Tumingin ang babae sa paligid. “So ano siya sa’yo talaga?”

Humigop si Lucien ng wine. “Convenient.”

Isang salita lang. Pero parang libo ang tama sa akin.

Hindi niya ako ipinagtanggol. Hindi niya sinabing mahal niya ako. Wala man lang respeto. Parang isa lang akong gamit na pinag usapan nila habang nag eenjoy.

Nabitiwan ko ang folder. Mahina lang ang tunog nang bumagsak iyon sa sahig pero sapat na para magising ako sa pagkaka freeze ko. Mabilis akong umatras, pinulot ang bag ko, at naglakad palayo. Hindi ako tumakbo. Ayokong gumawa ng ingay. Ayokong makita nila ako.

Paglabas ko ng penthouse, saka lang bumigay ang katawan ko. Doon sa hallway, doon ko naramdaman ang bigat. Pero pinilit kong umayos. Ayokong may makakita sa akin na ganto.

Pagdating ko sa elevator, doon na ako tuluyang napaupo sa sahig. Hindi ko na alam kung ilang minuto akong nakatulala. Paulit ulit sa isip ko ang mga salitang sinabi niya. Sinanay. Hinulma. Convenient.

Asawa ba talaga ako o proyekto lang.

Pagdating ko sa baba, umuulan. Malakas. Para bang sakto sa loob ko. Lumabas ako nang walang payong. Hinayaan kong mabasa ako. Pakiramdam ko deserve ko iyon. Sa bawat patak ng ulan, parang may nahuhugasan na ilusyon.

Naglakad ako nang walang direksyon. Hindi ko alam kung saan ako pupunta. Ang alam ko lang, hindi na ako babalik doon.

Umupo ako sa isang waiting shed. Basa na ang damit ko. Mabigat ang bag ko. Mas mabigat ang puso ko. Kinuha ko ang phone ko. Tiningnan ko ang pangalan ko sa screen.

Elviera Kross.

Matagal ko iyong tinitigan. Parang hindi na akin. Parang pangalan ng babaeng naniwala sa kasinungalingan.

Pinindot ko ang settings. Binura ko ang apelyido niya. Bumalik ako sa dati kong pangalan. Elviera Noelle Seraphine.

Napaluha ako ulit. Pero sa pagkakataong ito, hindi lang sakit ang naramdaman ko. May halo na ring tapang.

Nag book ako ng ticket. One way. Hindi ko na inisip kung saan ako pupunta basta palayo. Hindi ko na inisip kung anong mangyayari bukas. Ang mahalaga, aalis ako.

Bago ko isinara ang phone, may pumasok na message mula kay Lucien.

Nasaan ka.

Hindi ako sumagot.

Tumingin ako sa ulan. Sa ilaw ng siyudad. Sa sarili kong repleksyon sa basang sahig.

Sa gabing iyon, doon ko naintindihan ang totoo. Hindi ako iniwan. Hindi ako niloko lang.

Ginamit ako.

At sa gabing iyon din, pinili kong umalis.

Hindi bilang asawa niya.

Kundi bilang babae na ayaw nang maging tahimik.

Expandir
Siguiente capítulo
Descargar

Último capítulo

Más capítulos

A los lectores

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Sin comentarios
5 Capítulos
Explora y lee buenas novelas gratis
Acceso gratuito a una gran cantidad de buenas novelas en la app GoodNovel. Descarga los libros que te gusten y léelos donde y cuando quieras.
Lee libros gratis en la app
ESCANEA EL CÓDIGO PARA LEER EN LA APP
DMCA.com Protection Status