Share

Kabanata 11

Author: A Potato-Loving Wolf
“Sinasabihan mo ba akong umalis?”

Natawa si Harvey Paano na lang magagawa ng empleyadong paalisin ang boss?

“Hindi mo ba naiintindihan ang mga sinabi ko? Pinapaalis na kita! Kahit na sino ang tumanggap sayo, wala akong pakialam kung sino pa siya, sa madaling salita, umalis ka na ngayon!” Nagngingitngit ang mga ngipin ni Wendy.

Naglabas siya isang tumpok ng pera mula sa kanyang bag matapos magsalita at tinapon ito sa lapag. Galit niyang sinabi, “Ayaw mong umalis, ano? Hindi ba’t gusto mo lang ng pera? Kuhanin mo na ang perang iyan at umalis ka na!”

Sa sandaling ito, isang nakakabinging busina ang narinig, ang lahat ng empleyado ay nagsitabi, dahil isang Bentley ang huminto sa paradahan ng presidente.

Tapos, isang babae na nasa kanya 20’s, na nakasuot ng puting pang itaas, magandang leather pants at ponytail, ay mabilis na naglakad pababa habang may hawak na pouch.

Ang kanyang itsura ay kasing lebel ng kay Wendy, ngunit ang kanyang paguugali ay napakalayo kumpara kay Wendy.

Wala siyang ibang tinignang tao at mabilis na naglakad papunta kay Harvey. Yumuko ng ninety degrees at sinabi, “Patawad, Mr. York. Mayroong traffic kaya ako nalate.”

Lumingon si Harvey sa magandang ito at naalala na siya ay si Yvonne Xavier. Nasa ilaim niya ito dati ng siya ay nasa Yorks pa. Hindi niya inakala na siya ang naging secretary ng presidente ng York Enterprise.

“Matagal tagal na ding hindi tayo nagkita.” Tumanggo si Harvey

“Miss Xavier, sa tingin ko nalilito kayo.” Humakbang paharap si Wendy sa sandaling ito. Ang kanyang magandang mukha ay puno ng galit. “Alam ng lahat kung sino ang presidente. Hindi pwedeng humanap ka lang ng isang cleaner at tawagin siyang presidente!”

“Cleaner?” Tinignan ng maigi ni Yvonne si Harvey. Nakita niya ang kanyang walang ekspresyon mukha. Pagkatapos mayabang na tumingin kay Wendy. “Miss Sorrell, buksan mo ang mga mata mo at makinig ka ng maayos. Simula ngayon, siya na ang ating bagong presidente, si Mr. York.”

“Ano?!” Ang lahat ay nagulat, lalo na ang security chief. Pakiramdam niya na nanlalambot ang kanyang mga binti.

Sinipa niya ang sasakyang ng presidente, ito...

“Paano ito naging posible?! Imposible!” Kinagat ni Wendy ang kanyang manipis na labi. “Ang taong ito ay tinatawag na Harvey. Oo, ngunit siya ay ang aking kaklase sa college. Alam ko kung ano ang ginagawa niya. Paano na lang siya naging ating presidente?”

Sobrang nalito si Wendy. Paano na lang naging presidente ang isang live-in son-in-law? Paano na lang papasok ang presidente ng ganyan ang suot sa trabaho?

Dagdag pa dito, nahuli siya bilang manloloko sa Platinum Hotel kahapon.

Ang taong tulad ni Harvey, kahit na kung siya ay nakasuot ng balabal ng dragon, ay hindi magmumukhang isang prinsipe.

“Ikaw, bilang manager ay walang karapatan na magdesisyon kung siya ang presidente o hindi,” Mahinahong sabi ni Yvonne.

Sinabi ni Yvonne ang salitang—manager ng madiin.

Kamakailan lang, may mga balita na si Wendy ay aangat sa posisyon bilang general manager. Madaming tao ang pinupuri siya, ngunit ngayon...

Buzz…

Sa sandaling ito, wala ng maisip pa si Wendy. Ang kanyang magandang mukha ay namuta. Pakiramdam niya nanghihina ang kanyang mga paa. Hindi siya nag lakas loob na humarap pa kay Harvey.

Siya ay isang mahusay na magtrabaho at maraming koneksyon sa York Enterprise, siya pa ay aangat pa sa posisyon bilang general manager.

Subalit, gusto niyang tanggalin ang presidente ngayon, binatuhan niya pa ng tumpok ng pera sa lapag para sa kanya...

“Mr., Mr. York… Hindi ko sinasadyang...” Matapos ang matagal na panahon, naglakad palapit si Wendy kay Harvey at nanginginig na sinabi.

“Pulutin mo ang pera. Baka ito pa ay maging iyong pangbayad sa gastusin mo sa hinaharap.” Mayabang na sinabi ni Harvey.

Nanginig si Wendy, hindi siya naglakas loob na sumagot.

Hindi siya pinansin ni Harvey at tumingin sa security chief.

Samantala, ang security chief ay napatanga at ang kanyang mukha ay namutla.

“Tanggal ka na,” Kalmadong sinabi ni Harvey, tumalikod at naglakad papasok ng kumpanya.

Sinundan siya ng grupo ng mga tao. Madaming mga empleyado ang pinagusapan ang tungkol dito.

Ang York Enterprise ay isang malaking negosyo, na may halos limang libong mga empleyado. Tanging ilan lang ang nakakaalam sa biglaang pagpalit ng presidente.

Matapos na magdulot ng ganitong gulo, ngayon ang buong kumpanya ay alam na ang tungkol dito. Madaming empleyado ay yumuyuko habang binabati siya pag nakakasalubong. Subalit, walang naglakas ng loob na tumingin kay Harvey ng maigi.

Si Don ay yumuyuko din kasabay ng mga tao. Itinaas niya ang kanyang ulo at tumingin sa likod ni Harvey. Sandali siyang natigilan, pamilyar ang pakiramdam niya, ngunit hindi niya maalala kung kaninong likod nga ba ito.

Ang opisina ng presidente ay nasa pinaka tuktok ng gusali at sinasakop ang buong floor. Ito ay kakaayos lang magdamag ayon sa nakaraang hilig ni Harvey

Umupo si Harvey sa upuan ng presidente ng kaswal na may kakaibang ekspresyon. Ang masasabi niya lang ay si Yonathan ay magaling dito. Kahit ang mga asikasong ginawa niya ay malinis ang pagkakagawa, sobrang kumportable siya sa pagbayad ng sampung bilyon para lang dito.

Si Wendy ay nakatayo din sa opisina na may nagaalalang ekspresyon maliban kina Harvey at Yvonne.

Hindi siya pinansin ni Yvonne at naglabas ng ilang documento. Inilagay niya ang mga ito sa harapan ni Harvey at sinabi, “Mr. York, ang mga dokumento ay nandito. Ang kumpanya ay magiging sayo na simula ngayon.”

Tinignan ni Harvey ang mga dokumento ng maigi para masiguro na walang kahit na anong butas sa kontrata at pinirmahan ito.

Naglabas ng isa pang folder si Yvonne at sinabi, “Mr. York, ito ang ilan sa malalaking proyekto sa nakaraang taon, pati na din ang mga investment na nakaplano na kailan lang. At saka, ito ang mga kandidato sa promosyon. Silipin niyo na lang ang mga ito.”

“Hindi ko na kailangan na tignan ito. Kanselahin mo ang lahat ng napagplanuhang mga investment at sabihin mo sa partner na ang presidente ay nagbago.” Kalmadong sinabi ni Harvey. Ang kanyang mga sinabi ang magdedesisyon sa buhay o kamatayan ng hindi mabilang na mga pamilya sa Niumhi.

“At saka, ipahayag mo sa publiko na ang kumpanya ay magdadagdag ng limang bilyon dollars para mag invest sa pinakamagagandang proyekto sa Niuhi.”

“Para naman sa promosyon, iatras mo muna iyon. Antayin mo muna na makilala ko ang lahat.”

“Opo!” Hindi naglakas loob na magsalita pa si Yvonne at mabilis na lumabas ng opisina.

Boom. Isa itong malaking sampal kay Wendy na siyang nakatayo sa isang sulok. Alam niya na ang kanyang promosyon ay nasira ng dahil lang sa sinabi niyang mga salita.

Maliban doon, ang ilan sa kanyang nakaraang napapayag na mga investment ay natanggihan sa isang bagsak. Sa madaling salita, ang mga ginawa niya nitong nakaraang taon ay nawala ng lahat. Maaari pa siyang matanggal sa kanyang trabaho...

Pakiramdam ni Wendy ng isipin niya ang kanyang car loan at mortgage ng ilang libong dollars sa isang buwan.

Hindi niya alam kung saan nanggaling ang tapang niya. Ang kanyang boses na kasing hina ng sa lamok. “Mr. York, hindi ko sinasadya. Maaari mo bang hindi ako tanggalin tutal magkaklase naman tayo dati? Gagawin ko kahit na ano na gusto mong gawin ko!”

“Handa ka bang gawin ang kahit na ano?” Naaliw si Harvey. Lumingon siya kay Wendy at sinabi, ‘Sabihin mo sakin, ano ang dapat kong gawin sayo ngayon?“
Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Nagkakamali kayo ng Inapi   Kabanata 5730

    Binaba ni Billie Higgs ang tawag bago tila medyo nalungkot.Nakasandal si Whitley Cobb sa upuan habang nakasuot ng damit. Ito ay isang kaakit-akit na tanawin.Ang kanyang mahabang binti, na natatakpan ng medyas, ay lubhang kaakit-akit sa ilalim ng malabong ilaw.Sumimangot si Billie habang tinitingnan ang magandang mukha ng kanyang ina."Bakit mo pa ako pinatawag para tawagan siya, Nanay? ”Inikot-ikot ni Whitley ang baso ng kanyang alak.May isang bagay kang dapat malaman! Kakakuha ko lang ng balita...Nasa malaking problema ang iyong kasintahan!"Nasunog ang Eve Clubhouse at hindi mahanap si Romina!Inanunsyo ng pamilyang Klein na walang kinalaman si Asher sa kanila!Hindi mo ba alam kung ano ang kahulugan nito? ”Nagulat si Billie.“Ano?”Baka galing lang si Harvey sa sikat na pamilyang York!Tanging mga tao lang mula sa pamilyang iyon ang magiging ganito kalakas!Hindi lang niya giniba ang clubhouse ng pamilyang Klein, pinatalsik pa niya ang isa sa kanilang makapangy

  • Nagkakamali kayo ng Inapi   Kabanata 5729

    ”Ang pinagmulan ng Templo ng Aenar, ang kapangyarihan ni Aryan, at ang mga koneksyon ni Stefan…”Lahat ay nagsasabi sa mundo na ito ay isang sagradong lugar na hindi maaaring lapastanganin!Ang taong nakalaban ko ay nagngangalang Harvey York.Kahit malaman niya na ako ang pangunahing may gawa, hindi niya ako kayang habulin hanggang dito!Hangga't hindi ako umaalis sa lugar na ito, hindi ako kailanman matatalo!"Pinrovoke pa nga niya si Stefan, sa lahat ng tao!Kahit wala pa 'yan, hindi papayagan ni Aryan na may humawak sa akin para sa kapakanan ng Templo ng Aenar! ”Nagpakita si Asher ng tiwalang mukha na parang nanalo na siya.Tahimik niyang nilunok ang isang asul na tableta kasama ang ilang tsaa bago nagpakita ng mahinang ngiti.Kung hindi niya man lang mapanatiling buhay ang isang mahalagang bisita na katulad ko...Paano makakaligtas ang Templo ng Aenar sa hinaharap? ”Ngumiti si Nanako Kawashima pagkarinig sa mga salitang iyon.Talagang mahusay ka, Asher!Walang hangga

  • Nagkakamali kayo ng Inapi   Kabanata 5728

    Napatigil si Asher Klein.Ano ang ibig mong sabihin diyan? ”"Hangga't pakasalan mo ako, gagamitin ng pamilyang Kawashima ang lahat ng mayroon kami sa mga liblib na lugar, sa buong bansa, para lang umakyat ka sa kapangyarihan."Mayroon tayong pera at lakas-tao.Hindi ka malalabanan ng pamilyang Klein hangga't kami ang iyong kasangga.At kapag ikaw ay umakyat sa kapangyarihan, ilang sandali na lang bago mo wasakin ang Wolven Tribe, ang tatlong dakilang tribo, at maisama sa isa sa tatlong dakilang templo.Sa mga salita ni Nanako, si Asher ay may maliwanag pa ring kinabukasan sa harap niya.At ano ang kailangan kong bayaran para diyan?Malaking tulong ito mula sa pamilya...Magkano po iyan? ”Ngumiti lang si Nanako.Wala.Hindi lang iyan, hihilingin pa namin sa Emperador na isama ka bilang isa sa pinakabagong miyembro ng pamilyang hari. Hindi lang ikaw ang magkakaroon ng sarili mong lupain sa mga Island Nation sa hinaharap, kundi ang ating anak ay makakamit din ang karangalang

  • Nagkakamali kayo ng Inapi   Kabanata 5727

    Tok tok tok!Habang iniisip ni Asher Klein kung susugurin niya si Nanako Kawashima, biglang may kumatok sa pinto.“Pasok.”Pinigilan ni Asher ang sarili bago mabilis na nakontrol ang sarili.Mabilis na pumasok sa loob ang isang katiwala ng pamilyang Klein bago bumulong sa kanyang tainga.Ano?!Nasunog ang Eve Clubhouse?!At wala si Romina kahit saan?! ”Mabilis na nawalan ng kulay ang mukha ni Asher.Si Romina Klein ang namamahala sa mga negosyo sa ilalim ng lupa ng pamilyang Klein.Hindi lang siya nagkaroon ng malaking ebidensya ng mga krimen ng pamilya, kundi mayroon din siyang grupo ng makapangyarihan at tapat na mga sundalong handang magsakripisyo.Mas mahalaga, siya ang nakakaalam kung ano ang nangyari kay Harvey York mula simula hanggang katapusan.Isa sa pinakamalaking dahilan kung bakit nagtago si Asher ay si Harvey.Dahil nawala ang isa sa mga mahalagang taong kasangkot sa kanya, hindi ito kasing-kahulugan ng nakakatakot.May sinabi ba ang pamilya tungkol dito? ”

  • Nagkakamali kayo ng Inapi   Kabanata 5726

    Kinabukasan.Sa isang patyo sa kalagitnaan ng Bundok Scuva.Ang lugar na ito ay ibinigay ng Templo ng Aenar para sa mga tao upang magsanay ng buhay na ascetic.Ang lugar ay tinawag na Mandrake Residence.Umupo si Asher Klein malapit sa gilid ng bangin habang nakatingin sa bintana. Hindi niya mapigilang makaramdam ng lakas kapag nakikita ang lumulutang na mga ulap.Sa tabi niya, isang magandang babae ang naghahanda ng tsaa.Bakit ka naman dumating nang maaga, Mr. Asher?Hindi ba't pinakasuklaman mo ang lugar na ito? ”Ang babae ay mula sa mga Bansa sa Pulo. Siya ay isang exchange student ng Oaklands University at ang bise presidente ng unibersidad, si Nanako Kawashima.Saglit na nag-isip si Asher tungkol sa sitwasyon bago siya sumimangot."Hindi mo na kailangang sumunod sa akin dito, alam mo."Ngumiti si Nanako.Sa palagay ko, natural lang na gawin ko iyon pagkatapos makita na may iniisip ka.Bukod pa riyan, dapat mong malaman na ang aking tiyuhin, ang Kawashima monk na hin

  • Nagkakamali kayo ng Inapi   Kabanata 5725

    Matagal na nagngitngit si Romina Klein.Hindi ko alam ang buong detalye...Pero dapat mong malaman kung sino ang gumawa sa iyo ng lahat ng ito.Malaking utang na loob ang pamilyang Klein sa taong ito.Gusto niyang gumawa tayo ng kasinungalingan para manatili kang nakakulong magpakailanman.Siya rin ang nagbigay sa amin ng ebidensya.Mula sa isang pananaw, ginagawa lang namin ang sinabi sa amin.Nakumbinsi niya kami na gawin ito lalo na dahil kami ang pinakamayamang pamilya sa labas ng bayan. Hindi kami pagdududahan ng pulis dahil dito.Kaya naman hindi mapapasubalian ang aming ebidensya.Sino-sino ang mga taong nagsagawa nito sa pamilya? ”"Asher Klein, isang direktang inapo ng pamilya," tahimik na sagot ni Romina.Maganda.Nakatayo si Harvey sa harap habang hinahaplos ang mukha ni Romina.Dalhin mo ang iyong mga tauhan at sumama ka sa akin.Tatanungin din natin si Asher tungkol dito.Kung pareho ang dalawang pagtatapat, ligtas ka.Pero kung malaman ko na kahit isang ka

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status